ISANG malakas na ingay ang umalingawngaw sa loob ng sala. Hindi mapakaling pabalik-balik siya sa paglalakad habang malalim ang iniisip. Padabog na lumapit sa kaniya si Hannah na kanina pa nahihilo sa kakapanood sa kaniya.
"Kapag hindi ka pa kumalma diyan, ikaw na ang itatapon ko. Pati inosenteng cellphone nadadamay," pagbabanta nito sa kaniya.
Napatingin siya sa nakakalat na parte ng cellphone niya sa sahig. She irritatedly messed her hair because of frustration. It almost an hour since she heard from Mrs. Dickinson that Charles has been missing. Pagkabalik niya sa condo ni Daphne ay ilang ulit niyang tinawagan ang number ni Charles pero tanging operator lang ang sumasagot sa kaniya. She ended up throwing her phone in the ninth times she's trying to call but she couldn't contact him.
A lone tears escape from her eyes. "Parang mababaliw... na ako. Nawawala ngayon si Charles ko siya makontak... Kasalanan ko kung... may masamang nangyari sa kaniya," she cried.
"Kahit ngayong gabi lang ay makalimot ako," Kat imitate the exact word that she said that night. "Kahit anong iyak mo diyan ngayon what you said that night is what you really want. Dahil kahit lasing ka nang gabing 'yon if you really don't want it to happen, hinding-hindi 'yon mangyayari," she added.
Napatigil siya sa kakaiyak dahil sa sinabi niyo. Kat may be harsh sometimes but all that come out in her mouth make sense. Sa kanilang apat ay ito ang mas may alam kung life situation ang pag-uusapan. Mas malalim ang word of wisdom nito kaysa sa kanilang tatlo.
"O' siya aalis na ako." Isinukbit nito ang dala-dalang designer bag sa balikat bago tumayo. Nakasuot ito ng kulay pula na maxi dress at nakaayos ng make up ang mukha nito. "Ba't ganyan kayo makatingin?" nagtatakang tanong nito nang mapansin niyang nakatingin silang lahat sa kaniya.
"You looked like you're going to wreck someone's wallet again," hula ni Daphne na kakalabas lang ng kwarto nito.
Kat snapped her fingers. "Natumpak mo 'te! Don't worry this time ibibili ko 'to ng alak ni Maggie." She winked her eyes and suddenly her lips form a wicked smile.
She shook her head repeatedly. "Ayaw ko nga sabi ng alak!"
"Wala kang choice. Sampid ka lang dito," agad na sabat nito sa kaniya. "I'm gonna late na! See you later, ladies!" Lumapit sa kanila isa-isa si Kat para makipagbeso-beso sa kanila.
Nandidiring lumayo agad si Hannah pagkatapos nitong idikit ang pisngi sa pisngi nito. "Kapal ng make up mo, girl! Sure kang hindi children's party pupuntahan mo?" sabi ni Hannah habang pinupunasan ang pisngi nito.
"Inggit ka lang sa ganda ko. Gano'n 'yon!" Kat rolled her eyes at her. Nagtalo pa silang dalawa bago makaalis si Kat dahil may pupuntahan siyang date.
It looks like her mother set her up on a date with someone. Atat na kasi itong mag-settle down na ang nag-iisang anak kaya kung kani-kanino na niya nalang ito siniset-up na mga bachelor. Matigas ang ulo ni Kat. Wala pa talaga itong bala mag-asawa pero pumapayag nalang dahil kasiyahan daw iyon ng mommy niya.
Biglang pumasok sa isip niya ang pangarap ng mama niya sa kaniya. She thinks she just ruined her mother's dream. She wants her to have a grandios weeding but a drunk wedding was happened. Naiisip na niyang itatakwil na siya nito sa oras na uuwi siyang hindi pa rin naaayos ang gulong ginawa niya dahil lang nalasing siya.
"Hannah, pahiram ng phone mo," tawag niya kay Hannah.
"No!" she immediately answered. "Maraming important contacts at files na nakastore sa phone ko. Wala akong balak na masira ito," pagrarason niya.
"Sige na. Susubukan ko lang ulit na tawagan si Charles. Sige na please..." pakikiusap niya. Pinaglapat niya ang dalawang palad na parang namamakaawa sa kaniya.
Hannah was having a second thought if she will let her borrow her phone. She slowly fished out her phone in her pocket and handed it to her.
"Thank you!" She dialed Charles's number. She waited until the ring stop but no one answering her call. "Isa pa baka sagutin na niya ito," pakausap niya sa kaniyang sarili.
Nakatatlong tawag siya pero puro ang operator ang sumasagot. Napitid na ang konting pasensya na natitira sa kaniya. Akmang itatapon na niya ang phone na hawak niya nang biglang hinawakan ni Hannah ang kamay niya para pigilan siya sa balak niyang gawin.
"Sabi nang 'wag mong itatapon. Masasabunutan na talaga kita," she hissed before she grabbed the phone on her hand.
Nanghihinang umupo siya sa sofa at nagtakip ng mukha niya. Mababaliw na siya sa kakaisip ng paraan para bumalik na ang kasintahan niya to the point na maiiyak na lamang siya. Dalawang araw na siya walang sapat na tulog. Useless rin naman dahil hindi siya pinatulog ng mga nangyayari ngayon.
She felt the left side of the sofa sinked. Hannah caressed her hair to stop her from crying. Daphne was not around. Sumabay na kasi ito kay Kat dahil kailangan nitong pumasok sa trabaho. Dalawang araw rin na 'di ito pumasok dahil hindi siya nito maiwan mag-isa sa condo nito. Napagalitan na ito ng daddy niya.
"Tama na, sis. Kat was right. Walang magbabago kung iiyak ka lang. Kailangan mo rin harapin ito para maayos mo. Hindi nakakatulong ang pananatili mo dito at sayangin ang oras mo sa kakaiyak. Don't be a coward. Face it," payo ni Hannah sa kaniya.
Namamaga na ang mga mata niya sa kakaiyak. Naguguluhan at natatakot pa rin siya. Ayaw niyang magpadalos-dalos sa mga desisyon niya. Paano kung may magawa na naman siyang hindi tama? Hindi na niya kaya pang harapin iyon.
Umalis muna si Hannah sa tabi niya para ikuha siya ng mainom na tubig. She take a deep breath to calm herself. She feels so weak. She don't have the strength to come out and face it like what Hannah said. Duwag siya pero gusto niyang maayos iyon. Bumalik si Hannah dala 'yong tubig saka inabot sa kaniya. Agad niyang ininom iyon at kahit papano ay kumalma rin siya.
"Okay ka na ba?" tanong nito sa kaniya.
Tumango siya. "Thank you." Nilapag niya ang baso sa mesa saka niyakap ang tuhod at dinukdok doon ang mukha niya.
Ilang minuto rin siyang nanatili sa gano'ng posisyon. Umangat ang ulo niya nang marinig na tumunog ang phone ni Hannah. Sa isiping baka si Charles ang tumawag ay agad siyang sumilip sa phone nito para tingnan.
"Hindi si Charles, Mags. 'Yong mama mo ang tumatawag," sabi niya sabay iniharap nito ang screen ng phone nito sa kaniya. She nodded when Hannah asked if she will going to answer the call. Nilagay nito sa loudspeak para marinig niya rin ang sasabihin ng mama niya.
"Hello po?"
"Alam kong magkasama kayo ng anak ko ngayon, Hannah." Parehong kinabahan silang dalawa nang marinig sa kabilang linya ang nakakatakot na boses ng mama niya. "Pakisabi sa kaniya na umuwi na siya dito. Kahit magtago pa siya habambuhay diyan, hindi niya matatakasan ang kahihiyan na ginawa niya. Kapag hindi pa siya umuwi ay ako na mismo ang pupunta diyan at kakaladkarin siya pauwi dito," banta ng mama nito. Hindi na sila hinintay na makasagot nang pinutol na nito ang tawag.
"Natatakot ako, Hannah. Natatakot akong... makita 'yong galit saakin ni mama," nanginginig na sambit niya.
"Ang sabi ko sa'yo. Lahat ng nakakaalam ng sitwasyon mo ngayon tama ang sinasabi nila. Wala kaming kaibigan na duwag. Matalino ka rin kaya alam kong magagawan mo ng solusyon 'yon. Basta 'wag mo lang papairalin ang emosiyon mo."
What Hannah said really hit her. Masyado niyang pinapairal ang emosiyon niya kaya hindi siya nakakapag-isip ng maayos. She can let this stay forever. Kailangan matapos na 'to.
"Okay gagawin ko 'yong mga sinasabi niyo pero hindi muna ngayon. Kailangan kong hanapin si Charles. Kailangan ko siyang makita muna para makausap siya," sabi niya. Nakapagdesisyon na siyang harapin ang problema niya. Tanging siya lamang ang makakaayos niyon.
*****
"HEY, Mags! Anong ginagawa mo dito?" tanong sa kaniya ni Brian ng makita siya nito sa labas ng opisina ng Gym nito. "Whoa! Are you stressed?" he asked when he noticed the dark circle on her eyes.
Nahihiyang napayuko siya para maitago sandali sa lalaki ang mukha niya. Nangitim kasi ang ilalim ng mga mata niya dahil magdamag siyang hindi pinatulog kakaisip kong saan hahanapin ang nawawala niyang kasintahan.
Iginiya siya nito papasok sa loob ng opisina nito. "So...what brings you here?" tanong nito ulit.
Umupo siya sa silya na nasa harap ng office table nito. "Pumunta ako dito hoping na alam mo kong nasaan si Charles ngayon. Close kayo 'di ba? I was sure na nakakausap mo siya ngayon." Bakas sa boses niya na desperado na siyang malaman kung nasaan na ito.
Brian shook his head. Bumagsak ang balikat niya dahil sa tugon nito. Parang unting-unti na siyang nawawalan ng pag-asa na makapagpaliwanag pa kay Charles. Lahat ng mga alam niyang kakilala ni Charles ay napuntahan na niya para tanungin kung alam nila kung nasaan ito ngayon.
"After that day, Mags, wala na akong nabalitaan kay Charles. I tried to contact him dahil nag-aalala na rin si tita sa kaniya but still I can't help too," ani nito.
She smiled, sadly. "Okay lang. Pero kapag may balita ka na sa kaniya pwede bang ipaalam mo agad sa akin?"
"Of course. I will tell you."
Tumayo na siya at nagpaalam dito na aalis na. Isinuot niya ang shades na nasa bag niya para itago ang itsura niya. Mula ng makarating siya dito ay kanina pa siya pinagtitinginan ng mga tao doon. Hindi na siya nagtataka dahil may ideya na siyang alam na nang lahat ang nangyari sa kasal niya. May naririnig pa siyang nagbubulungan na matagal na niya daw niloloko si Charles.
Nagtitimpi lang siya na 'wag patulan ang mga iyon. Isa pa ay wala namang katotohanan ang pinagsaabi nila. Hindi siya dapat mag-alala dahil mas alam niya ng totoong nangyari.
'Alam mo ba talaga?' a small voice suddenly filled her mind. Marahas na iwinaksi niya ang kaniyang utak para mawala 'yon sa isip niya.
She start to walked herself out of the Gym and waited for a taxi. A familiar gray maseratti stopped in front of her. Biglang nabuhayan siya ng loob ng maalalang sasakyan iyon na palaging ginagamit ni Charles.
"C-charles?" nauutal na sambit niya.
Bumukas ang pintuan ng kotse pero gano'n na lang ang pagkadismaya niya ng makitang hindi iyon ang taong inaasahan niyang makita. Lumabas doon si Mr. Lawrence, butler ng mga Dickinson. Sa ikalawang pagkakataon ay bumagsak ulit ang balikat niya.
"A-anong ginagawa mo po dto, Mr. Lawrence?" kinakabahang tanong niya dito. May kakaibang presensiya ang lalaking kaharap niya. Nasa mid-forties na ang edad nito kaya sumisigaw sa itsura nito ang salitang awtoridad.
"Gusto kang makausap ni Mr. Dickinson. Naghihintay siya ngayon sa sainyo sa mansiyon," pormal na sagot nito sa kaniya.
Binuksan nito ang pinto ng back seat at sinabihan siyang sumakay doon. Sumunod na lang siya at ipinasok ang sarili sa sasakyan. Nanlalamig na ngayon ang mga kamay niya habang iniisip ang rason kung bakit gusto siyang makausap ng daddy ni Charles. Alam niyang may kinalaman pa rin doon ang tungkol sa dalawang anak nito. People think that she hooked both of his son because of the money. Kinakabahan siyang baka paniwalaan iyon ni Mr. Dickinson.
Habang nasa byahe ay inaaliw niya ang sarili para hindi siya masyadong makaramdam ng sobrang kaba. Sinubukan niyang mag-isip ng iba't ibang design ng damit pero sa huli ay pinukos niya na lang ang sarili sa kakatingin sa daan.
Ilang sandali pa ay nasa mansiyon na sila. Nakakalat sa buong mansiyon ang mga maids at busy sa kanikanilang trabaho. Mahigpit ang hawak niya sa parehong kamay habang inililibot ang mata sa buong paligid. Huminto sila sa mismong gitna ng mansiyon. Tumuon ang mga mata niya sa malaking hagdan ng mansiyon kung saan naglalakad pababa ang mag-asawang Dickinson habang nakasunod sa kanilang likod ang matandang mayordoma.
"Hello po, Tito...Tita," bati niya. Tumigil ang mga ito sa mismong harapan niya. Napayuko siya dahil pakiramdam niya ay hinuhusgahan na siya ngayon. Biglang nanliit siya sa kaniyang sarili.
"Hello, Maggie. Salamat dahil pinaunlakan mo ang aking imbitasyon para makausap ka," ani Mr.Dickinson.
Tipid na ngumiti siya dito. Napatingin siya sa gawi ng asawa nito na walang imik sa tabi nito. Mas nakaramdam siya ng awkwardness nang mga oras na 'yon. Sumunod lamang siya sa mga ito nang maglakad sila papunta sa likod ng mansiyon kung saan naroroon ang napakalawak na harden nila.
Bilang lang sa daliri niya kung ilang beses siya nakakapasok at nakakalibot sa buong mansiyon at hanggang ngayon ay namamangha pa rin siya sa ganda ng interior at exterior designs ng prastractura. Pinigilan niyang mapasinghap sa pagkamangha ang sarili dahil hindi iyon ang dahilan kung bakit siya naroroon.
"Take a seat." Mr. Dickinson pointed the chair in front of them. Agad siya umupo doon at lumapit ang ibang maids para ipaghanda sila ng meryenda. "Kumuha ka. My wife prepared that for you," untag nito sa kaniya.
She cleared her throat. "Bakit niyo nga pala ako pinapunta dito?" deretsang tanong niya.
Hindi agad ito sumagot sa kaniya ay sa halip tinawag nito si Mr. Lawrence na lumapit sa kaniya. The latter bowed down so that his boss could whisper on his ear. Tumango ito at nagmamadaling bumalik iyon sa loob ng mansiyon.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. We want you to know that our company was under fire because of that incident. Nagkalat iyon sa iba't ibang media and hindi lang ang reputasyon mo is at stake here. Our family became a laughing stock of all people at nadadamay na pati ang company namin."
"I know po, tito. Sorry if I didn't do something to make the issue gone. But gagawan ko na po ng paraan. Sa katunayan po yan hinaha—"
"You don't need to do that, Maggie." Mrs. Dickinson cut her off. She pursed her lips so that she could not say something.
A man in a suit suddenly entered the garden. Her eyes widen when she saw that guy again. She couldn't forget that blue eyes and playful smirk on his face that totally ruined everything on her plans. Lumapit ito sa mag-asawa para bumati bago lumipat ang paningin nito sa kaniya.
He looks good in his office suit while his hair was been fixed by wax. He's not wearing his playful smirk but the way his eyes stared at her still gives her the unexplainable chills.
"Nice seeing you here....Mrs. Dickinson," he greeted her in his low baritone voice.
Naikuyom niya ang kaniyang kamay habang nakapako pa rin ang mga mata sa lalaking tinawag siya sa pangalang dapat sa mga bibig mismo ni Charles nanggagaling.
'What's the meaning of this? Bakit nandito sa harap ko si Trevor?'
HE LEANED on his swivel chair after he was done signing the last document in his table. Minasahe niya ang kaniyang balikat dahil nakaramdam na siya ng pangangalay sa ilang oras siyang nakatutok sa harap ng computer laptop niya at sa mga dokumentong nangangailangan ng perma niya."Gladys, I already done signing all the documents here. Kindly cancel all my appointments this afternoon," utos niya sa kaniyang sekretarya."Right away, Sir Trevor," tugon nito sa kaniya bago lumabas ng kaniyang opisina.He closed his eyes to take a little nape. Lately, he could only take an hour of sleep because he has a lot of things to do and all of it can't wait. Dumagdag pa doon ang kumakalat na balita tungkol sa pagtigil niya sa kasal ng kapatid niya. Umabot na ito sa iba't ibang parte ng bansa at naaapektuhan na ang kanilang negosyo.He was expecting this to happpened. He can stop the spreading of the news if he want.
ATE, baba ka na raw sabi ni mama," tawag sa kaniya ng kapatid mula sa labas ng kwarto niya.Hindi niya ito pinansin at nagtulog-tulugan. Wala siyang balak na bumaba ng sariling kwarto o bumangon man lang. Wala siyang balak na gawin o gagawin ngayong araw.'Wala...wala...wala.'Nagtalukbong siya ng kaniyang kumot at pinilit ang sarili na matulog. Isang gabi na naman kasi siyang hindi nakatulog. Halos hindi na siya makilala ng pamilya niya pagkauwi niya pagkagaling sa mansiyon ng mga Dickinson.She can't still accept that she have no choice but to agree to their decision that she have to be their son's wife. Hindi niya maaatim na maging asawa nito na sa katunayan ay dapat isang mabutihing asawa kay Charles ngayon. Hindi niya maaatim na makasama sa iisang lugar, makatabi, makausap ang Trevor na 'yon.Suddenly a vision of her and Trevor hugging and kissing her senselessly in their ga
"OH? Ano naman kung gan'yan ang desisyon nila? Sabi nga nila 'face your problem' nga daw 'di ba?" sabi sa kaniya ni Hannah na kasalukuyang ka-facetime niya ngayon.She left out a deep sigh. Ano pa ba aasahan niya sa best friend niya? Tumawag siya dito para makahanap ng karamay pero sermon agad ang sinalubong nito sa kaniya."Iyon na nga 'di ba? Edi face kung face pero ayaw ko nito, Hannah. Bakit kailangan kong magtiis sa ganito kung pwede rin namang mag-annul nalang kami," kwento niya ulit. "Nakikinig ka ba sa akin, Hannah?"'Yong kisame na lamang ng opisina nito ang nakikita niya sa screen ng phone niya. May naririnig siyang kinakausap nito sa background kaya sa tingin niya ay busy ito ngayon. Nilapag niya ang phone sa kama pero hindi niya in-end ang facetime. Gusto niya ng makakausap ngayon para mabawasan ang frustration niya.Kahapon ay pinaperma siya ng terms at agreement ng daddy ni Trevor
"WHAT do you mean na kailangan kitang i-convince?"Mas binilisan niya pa ang lakad para mahabol ito. Hindi man lang ito tumigil para lang kausapin siya at dire-diretsong naglakad papunta sa kwarto nila."Alam mo...iba talaga ang takbo ng utak mo. Narinig mo naman 'di ba? Pumayag na si Tito Dom na mag-annul na tayo!" sabi niya.Napatigil siya nang biglang humarap ito sa kaniya. Pinagtaasan lamang siya nito ng kilay atsaka bigla siyang tinalikuran para pumasok sa kanilang kwarto.Impit na napasigaw siya sa inis. Hindi niya maintindihan ang takbo ng utak nito. Tito Dom already agreed for the annulment but here he comes. May nalalaman pang pa-convince-convince. Maluwang ata turnilyo nito mula pagkabata."Ano ba trip mo sa buhay? Bakit naman kita iko-convince a!" tanong niya dito habang nakasunod pa rin siya.Hindi pa rin siya nito kinakaus
"ANO sabi mo? No way! Bakit siya umalis? I need him!"Trevor suddenly massage his temple. He just watching her being histerical after he said that Drake has been out for a vacation abroad. Umagang-umaga ay nandito na naman ito sa opisina niya at ginugulo siya tungkol sa annulment. He was ignoring here for straight three days but she's really persistent. Kung sabagay, sinadya naman niya dahil sa tuwing uuwi siya sa mansiyon ay sa opisina niya lang siya lumalagi. And no one dares to enter his office."That's what he want. Hindi ko 'yon mapipilit na 'wag umalis. As if I am a woman," he said.She stopped from walking back and forth and then sat on the visitor's chair. She took a deep breath and trying to calm herself."Gawan mo nang paraan. He's your friend, 'di ba? You have the right na pabalikin siya dito. Alam mo namang kailangan natin siya 'di ba?" she said, more likely ordering him.
"OKAY. On one...two...three."Tahimik na naglakad siya palapit sa pintuan at dahan-dahan na pinihit ang door knob. Pagkabukas niya ng pinto ay inilabas niya ang kalahati ng katawan niya at sinilip kung may nakabantay ba sa labas ng kwarto niya.She smiled when she noticed that no one was there. Pumasok ulit siya ng kwarto at kinuha ang hand bag niya para tawagan si Hannah. After three rings, Hannah picked up her call."Hello. Kailan ka ba labas diyan? Nilalamok na ako kakahintay sa'yo sa labas ng mansiyon," reklamo nito."Ngayon lang ako nakakita ng chance para makalabas," bulong siya. Isinukbit ang kaniyang handbag at dahan-dahang bumalik sa tapat ng pinto. "I drop the call. Papalabas na Rin ako," paalam niya saka pinatay ang phone.Dahan-dahan lang ang pagpihit niya para hindi makagawa ng ingay. When she finally open the door, her heart almost jump when she se
"ACHOO~"Kumuha siya ng tissue saka doon ulit bumahing. Pagkatapos niyang maligo ay bigla nalang siya sinipon. Ang mas malala pa ay nilagnat siya agad. Buti nalang ay makapal ang sweater na pinahiram sa kaniya ni Trevor. Nabawasan ang panlalamig na nararamdaman niya. Wala naman siyang choice para tumanggi dahil wala siyang damit dito sa bahay ni Trevor"Achoo~" Malakas na bahing niya. Maluha-luha na rin ang mga mata niya."Stay still," sambit ni Trevor. Kinuha nito ang thermometer na nakaipit sa pagitan ng labi niya. Kumunot ang noo nito at napailing. "38°C... Akala mo ba sirena ka dahil nagbabad ka sa bathtub?" he asked sarcastically.She pout her lips. Kinuha niya ang thermometer sa kamay nito at ibinalik sa labi niya. "Pake mo sa trip ko? Inggit ka?" pilosopong sagot niya.His lips twitched. "You're sick but you're still mean." He pushed her forehead with
PAGKATAPOS niyang maghapunan ay agad siyang dumeretso sa kwarto bitbit ang mga maleta niya na hindi naman niya alam kung bakit nandodoon. Sa pag-aakalang sa kaniya lamang ang silid na tinulungan ay plano niyang ilagay ang lahat ng gamit niya sa closet na naroroon. Gano'n na lang ang gulat niya ng bumungad sa harapan niya ang mga damit ni Trevor. Hindi na niya kailangan pang mag-isip dahil alam na niya agad na wala siya sa guest room ng bahay na 'to.Salubong ang kilay na lumabas siya ng kwarto at agad na pinuntahan si Trevor na nasa kusina. Naabutan niya itong nasa harap ng lababo at abala sa paghuhugas ng pinagkainan nila. Tumigil siya at hindi muna kinuha ang pansin nito. Matagal niyang pinakatitigan ang tindig nito at parang nanghuhusga ang mga mata na sinuri ito.Hindi niya aakalaing ang anak ng isang bilyanaryo at CEO ng isang tanyag na kompanya ay marunong sa mga gawaing bahay. Hindi niya nakikitaan na nahihirapan ito sa gi
"MA! GIGI! Nandito na po ako!"Pagkapasok niya ng hospital room ng mama niya ay agad niyang hinanap ang ina at ang kapatid. Pagkalapag niya ng mga gamit sa couch ay siyang pagkalabas ng mga ito sa banyo."Bitawan mo nga ako, Gigi. Sabi nang kaya ko na maglakad e!" reklamo ng mama niya sa kapatid habang pilit na kinukuha ang braso sa pagkakahawak nito."H'wag na matigas ang ulo, Ma. Paano kung madulas ka? E'di mababago—" Napatigil sa pagsasalita si Gigi nang bumaling ito sa kaniya.Namimilog ang mata at nakabukas ang bibig nito habang nakapaskil ang paningin nito sa kinalalagyan ng bouquet. Agad naman niyang nilapitan mga ito ng mapansin na parang mawawalan na ng balanse ang kanilang ina dahil biglang napabitaw 'yong kapatid niya sa braso nito."Ano ka ba, Gigi! Muntik nang matumba si Mama. Paano kung nabagok siya?""Umayos nga kayong dalawa. Nakakainis na 'tong pag-aalala niyo sa akin," reklamo ng ina sa kanilang dalawa. "Maggie. Kanino galing 'yon?" tanong nito, tinutukoy ang bouquet
"GRABE! Kailangan lang pala maospital ng mama mo para maging supportive lang. Kakaiba!" Hannah said on the other line.Tinulak niya ang pinto ng Daybreak Cafe at pumasok sa loob. "Sira! Parang hiniling mong maospital si mama a!" pabulong na singhal niya kay Hannah habang naglalakad papunta sa counter."Ayy! Sorry lord," usal nito. "Bilisan mo na lang na makabalik dito dahil marami kang dapat na ikwento sa akin." Awtomatikong umikot ang mata niya sa sinabi nito bago binaba ang tawag.Marami nga siyang dapat ikwento. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ma-absorb ang nangyari kagabi. Lahat nang iyon ay nangyari lang sa isang gabi lamang. She may consider it to be the worst and best night of her life. Considering she has now the support of her mother with her feelings with Trevor."Two order of Iced Americano and cheesecake, please," she said as she reach the counter.Agad na sinulat ng nasa cashier ang order niya. Pagkaabot sa kaniya ng receipt ay naghanap agad siya ng table para doon h
THE DINNER started with a heavy atmosphere. Hindi ini-expect ni Maggie nag anito ang sasalubong sa kanilang dalawa ni Trevor dahil sa pagtanggap niya sa inalok na dinner ng mama niya. Nagi-guilty tuloy siya para kay Trevor. Akala niya ay magiging okay ang pagtanggap sa kanila. She felt a hand holding her hand that was resting on her legs. She suddenly looked at Trevor who was motioning her to touch her food. Tumango siya kaya binitawan rin agad nito ang kamay niya. “Kamusta na pala kayo dito, ma? Thank you pala sa pag-imbita sa amin dito para maghapunan. Na-miss ko po ‘yong luto niyo, ma,” aniya bago niya naisipan galawin ang pagkain sa harapan niya. “The food’s delicious. I’m not regretting to come here,” puri naman ni Trevor na mukhang ini-enjoy ang pagkain. “Lubusin niyo na dahil ito na rin naman ang last niyo na pagkain dito,” sabat naman ng mama ni Maggie dahilan para mas lalong tumahimik sa gitna ng hapunan. “Ma, naman,” Maggie yelped at her mother had said. Walang paki na
"Why the hell I woke up in a sofa?" Trevor's voice suddenly roared in his house the moment he wakes up.Napahawak siya sa ulo niya ng biglang may sumakit ulit iyon. Mukhang nasubrahan sila kagabi ni Drake ng inom. 'That drink...I won't drink it again!'. Drake take advantage of his stress kaya nabudol siyang inumin iyon. Halos hindi niya maimulat ang mga mata dahil sumasakit lang ang ulo niya."May reklamo ka?" tanong sa kaniya ni Maggie na kakalabas lang galing sa kusina. Masama ang tingin nito sa kaniya habang nilalapag nito ang baso na may kape sa harapan niya. "Ayaw ko na may katabing lasing sa kama. Baka ano pa gawin mo sa akin," mataray na sabi nito at halos pabulong na 'yong huli nitong sinabi."Having sex without consent is not my thing," he muttered before taking a sip on the coffee."So ang nangyari sa atin sa Las Vegas ay may consent ko!"Nabuga niya agad ang kape na iniinom niya
“Wait…wait. Pakiulit nga sinabi mo. Walang nangyaring lunch? Sabihin mong mali ang dinig ko!” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Hannah nang tumawag ito sa kaniya.Nagpakawala siya ng buntong-hininga at hindi muna sumagot. Hindi niya rin alam kung bakit ‘yong lunch sana nilang dalawa ay napunta sa instant noodles na mag-isang kinakain niya ngayon dahil bigla na lang siya iniwan ni Trevor sa bahay nila.‘Ano ba problema no’n?’ Okay naman kasi sila kanina. Excited nga siya dahil after nang dinner nila ay masusundan pa ng lunch. Hindi niya maiwasang mainis kay Trevor dahil sobrang nag-expect siya. Kung hindi lang tumawag si Hannah baka umiiyak na siya ngayon.“Walang lunch na nangyari at parang wala ring dinner dahil maggagabi na ay hindi pa rin siya nakakauwi,” iritadong sagot niya. She can’t imagine that their supposed to be dinner will ended up with a bow
TREVOR didn't know where to turn his gaze when he arrived at the boutique. Naaasiwa kasi siya sa mga tingin ng mga kaibigan ni Maggie sa kaniya. Alam niyang mangyayari ito kapag pumunta siya dito. But he doesn’t have a choice since he was the one who invited Maggie. It’s rude for him to let her come in his office. Tumingin siya sa side ni Maggie na kasalukuyan may kinakausap pa ngayon na nasa mid-forties na babae. He just knew that it was one of her clients that usually hire her to make their dress. He was happy that it is gradually returning to what it used to do. Napatingin si Maggie sa gawi niya. She smiled at him and mouthed ‘wait’ and then return her gaze at the lady she was talking to. “Nakita niyo ‘yon? Hindi ako nagmamalik-mata ‘di ba?” “I was wearing my glasses so I was sure she smiled at him!” “Tumahimik nga kayo! Halatang nantsitsismis na kayo sa klase ng bul
A HOTEL staff suddenly approached her as soon as she steps out on the car that Trevor personally rented for her. The cold breeze of evening lingered on her bare skin as she followed the staff. She felt nervous because she doesn’t have any idea on what will he do. May espesyal na okasyon ba ngayon?Nang makarating na sila sa rooftop ay bumangad sa kaniya ang itsura nito ngayon. Puno ito ng mga silver na palamuti at may mga nakakalat na mga petal ng rosas sa sahig. Mas nakaagaw ng pansin niya ay ang nakaayos na mesa sa gitna ng rooftop at nakatayo doon si Trevor habang may hawak na isang bouquet ng rosas. Pilit na tinatago niya ang kaniyang mga ngiti na nais lumabas dati sa nakita.Mas pumogi tingnan si Trevor sa sout nitong Black Tuxedo at white long sleeve sa loob pero hindi nakabutones ang tatlong butones nito. Naglakad ito papalapit sa kaniya at binigay ang hawak nitong bouquet.“Ano na namang pakulo &lsquo
"DALI, Maggie! Bilisan mo nga maglakad!" sigaw sa kaniya ni Hannah habang hinihila siya papunta sa locker."Bakit ka ba nagmamadali? As if mawawala ang locker ko kapag hindi tayo magmadali," naiinis na sabi niya.They were heading in her locker. Araw-araw tuwing matatapos ang klase nila ay ganito palagi ang eksena nila. It started when she received a love letter on her locker last week. She doesn't have any idea who was putting it there. Kaya nagmamadali palagi si Hannah na makapunta doon hoping na baka maabutan nila kung sino ang naglalagay ng mga love letters sa locker niya."Hayaan mo na 'yan. Hindi pa kasi niya nararanasan na mabigyan ng love letter kaya mas atat pa siya sa'yo," sambit ni Kat na nakasunod lang sa kanila sa likod.Sinamaan lang ito ng tingin ni Hannah. They stop walking when they reach on her locker. luminga-linga muna sa paligid para hanapin kung may kahina-hinalang taong lumapit
IT'S been three hours since Maggie passed out on his office. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising pero hindi naman malala ang nangyari sa asawa niya. Nahimatay lamang ito dahil sa init ng panahon sabi ng doktor na nag-check up kay Maggie. Nakahinga siya ng maluwag dahil wala namang nangyaring masama sa katawan nito. He doesn't know why the doctor told him to buy for belly cramps. He thought that she was okay. Is she suffering from something that he don't have to know."What are you looking at?" tanong niya kay Katrina na masama ang tingin ngayon sa kaniya."Nothing. Naisip ko lang kung aksidente lang ba na kinasal kayo ni Maggie? Binugbog mo 'yong lalaking doktor na titingin sa kaniya. Selos yan?" she said in sarcastic way.He immediately looked away. It's a man's nature. Nang ma-realize niyang lalaki ang doktor na titingin kay Maggie pagkarating nila ng ospital ay bigla na lang umigkas ang kamao ni