Kinuha na ni Davina ang dala-dala niyang mga papeles kanina. Hindi siya hihinto hangga’t hindi niya nalalaman ang lahat tungkol kay Dead Angel at kay Caspian.“Gusto ko po sanang malaman sa nakalipas na anim na taon alam niyo po ba kung nasaan si Caspian? Kung anong ginagawa niya, noong mga panahon na nagkaroon ng krimen sa sunod-sunod na pangingidnap sa mga kabataan at mga kababaihan?” hindi na siya nagdalawang isip na tanungin yun. Wala na siyang oras.Napaisip naman ang Chairman sa sinabi ni Davina.“Naalala ko ang tungkol diyan, sa pagkakaalala ko nasa America siya ng mga panahon na yan. Hindi ko alam kung ano talagang ginagawa niya dun pero sa pagkakaalala ko, gusto niyang malaman ang lahat ng tungkol sa kasong nangyari sa bansa. Sinubukan ko siyang pasundan noon dahil nagtataka ako kung bakit gusto niyang imbestigahan sa krimen na yun na hindi niya naman dapat trabaho pero wala akong nalaman. Sa nakalipas na anim na taon, nasa America lang siya, nagstay din siya dun na halos abu
Pare-pareho nang salubong ang mga kilay nila dahil sa pagkalito. Hindi nila alam kung ginagawa ba ito ni Davina dahil sa kagustuhan niyang iligtas si Caspian o kung aksidente rin ba niyang nalaman ang lahat ng tungkol kay Dead Angel.“Paano mo nalaman ang mga tungkol diyan?” kuryosong tanong ni Jillian.“May nakausap akong isang tao na may kaunting alam tungkol kay Dead Angel. Sampung taon ang nakalipas nang gustong makipagkasundo ni Dead Angel sa isang businessman para maging business partners. Kung iisipin niyo sa nakalipas na sampung taon, nasa college pa lang si Caspian ng mga panahon na yan. Napansin ko lang na marami talagang pagkakaiba si Dead Angel at Caspian at nakompirma ko ang tungkol dun nang mabasa ko ang mga records ni Dead Angel.” Paliwanag naman ni Davina.“Pero kung si Caspian ay hindi si Dead Angel. Anong dahilan niya para magpanggap na siya si Dead Angel?” tanong na rin ni Rose.“Hindi ko rin alam, yun din ang gusto kong malaman pero hindi ko alam kung saan ko haha
Nakahanda na ang mga kamay ni Davina para barilin si Henry Salvador dahil kung hindi man niya ito mahuli sa maayos na paraan, pasensyahan na lang sila. Bago pa man maitutok ni Henry ang baril niya kay Davina at pareho na lang silang nagulat nang may biglang nagpaputok ng baril.Nakatingin si Davina kay Henry dahil kunot na ang noo nito nang tamaan ang hawak hawak niyang baril dahilan para mabitawan niya yun. Napatingin na silang dalawa sa isang taong nasa kanan ni Davina. Seryoso ang mga mata niya at blangkong nakatingin kay Henry.Hindi siya kilala ni Davina, hindi rin naman ito nakasuot ng kahit anong uniform para makilala niya ito kung saan man siya nabibilang. Napangisi na lamang si Henry nang makita niya ang lalaki.“Kita mo nga naman, buhay ka pa palang hayup ka.” nanggagalaiti niyang saad nang makita niya ang mukha ng lalaking inakala nilang matagal nang namatay.“Nice to see you again Henry, bumalik ako para singilin ang ninakaw niyong buhay ko.” malamig na wika ng lalaki. Tah
Araw-araw ay sinusubukang tawagan ni Davina ang number ni Caspian pero palaging cannot be reach ito. Sa tuwing iyun ang naririnig niya ay tila pinipiga ang puso niya. Nasaan na ba talaga siya? Palagi na lamang niyang tanong sa sarili niya.She miss him so much pero wala siyang magawa kundi ang mamiss lang ito at pagmasdan na lang ang mukha ni Caspian sa mga picture nila together.Naiiyak na lang din siya minsan dahil wala man lang ginawa si Caspian para magkausap silang dalawa, ipaliwanag lahat ng mga dahilan niya dahil baka sakaling maintindihan siya ni Davina.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Davina. Humarap siya sa human size niyang salamin, hindi na nagsasalubong ang pantalon niya dahil sa baby bump niya.“I need to buy new pants.” Aniya sa sarili, hindi na nagkakasya sa bewang niya ang mga pantalon niya. Nanguha na lang siya ng pants na stretchable saka niya iyun tenernohan ng overshize shirt na naman.Matapos niyang makapaggayak ay dumiretso na siya sa opisin
Ilang araw ding hinintay ni Davina ang Daddy niya para kausapin ito tungkol kay Caspian at kay Dead Angel pero simula nang mag-usap silang dalawa hindi pa niya ito makita.“Wala pa rin ba si Sir Flores?” hinarang na niya ang dadaan sanang isa sa mga malapit na tauhan ni Mr. Flores.“Pasensya na Captain pero hindi pa rin siya bumabalik kasama ng mga iba pa niyang mga tauhan.” Sagot naman nito, nakakagat na lamang ni Davina ang pang-ibaba niyang labi dahil sa pag-aalala. Baka sa mga oras na ito ay tinutugis na nila si Caspian at base sa narinig ni Davina hindi isusuko ng Daddy niya si Caspian dahil siya mismo ang sisingil sa buhay na kinuha sa kanila ni Caspian.Napahilot si Davina sa noo niya, saan niya ba hahanapin ang ama niya para makausap ito at mapatunayan ang mga sinasabi niya. Iniisip kasi ng kaniyang ama na ginagawa ito ni Davina para iligtas siya.“Sinubukan mo na ba siyang tawagan?” tanong ni Kenzo sa kaniya, kasama ni Davina si Kenzo sa paghahanap kay Mr. Flores pero bigo p
Nang magising si Davina at mabilis niyang inalis ang mga nakakabit sa kamay niya. Nakita naman iyun ni Jillian kaya mabilis niya itong pinigilan.“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Davina, the Doctor said that you need to rest dahil masyado mo ng pinapagod ang sarili mo at kapag pinagpatuloy mo kung anong ginagawa mo, baby mo ang mawawala sayo.” seryosong wika sa kaniya ni Jillian.Wala namang nagawa si Davina at iniwas niya ang paningin kay Jillian. Hindi gusto ni Davina na may mangyari sa anak niya pero kailangan niyang kumilos.“I need to talk my Dad,” aniya kay Jillian.“Kinausap na siya ni Kenzo, sinundan niya kanina si Sir Flores. Hayaan na lang muna natin si Kenzo na kausapin si Sir, magpahinga ka na muna rito dahil hindi makakabuti sayo ang magpakapagod.” Hindi pa rin mapakali si Davina, kailangan niyang mapigilan kung anong binabalak ng kaniyang ama.Ayaw niyang dalawang importanteng tao ang mawala sa kaniya. Ayaw niyang mawala sa trabaho ang Daddy niya o gumawa ito ng lab
Iniwas ni Lorelie ang paningin niya kay Davina dahil sa kaniya na nakatingin ito. Seryoso at salubong ang mga kilay ni Davina dahil sa pagtataka kung anong ginagawa niya rito. Nang makalapit na si Lorelie ay tipid siyang ngumiti, sa tuwing naaalala niya ang mga kasalanang nagawa niya kay Davina, nagi-guilty siya.“Lorelie,” tawag ni Davina sa kaniya, ilang buwan din niya itong hindi nakita. Kailan nga ba yung huli? Hindi niya na matandaan. Napangiti si Davina dahil baka sakaling alam niya kung nasaan si Caspian.“What are you doing here? Are you with Caspian? Please tell me, what is happening? I already know the truth about him and please, tell it to them, to everyone.” Nakikiusap niyang wika kay Lorelie. Naiiwas naman ni Lorelie ang paningin niya kay Davina.Nakakunot na rin ang noo ni Jillian dahil wala siyang maintindihan sa mga nangyayari. Tiningnan niya si Kenzo pero mukhang may alam si Kenzo kung anong sinadya ni Lorelie kay Davina.“Davina,” mahinang wika ni Lorelie sa kaniya,
Flashback Galit na galit si Caspian nang makabalik siya ng headquarter nila, kulang na lang ay kainin ka niya ng buhay sa sobrang galit niya. “Goddamn it! Who said I was in a bar?!” halos gumuhit lahat ng mga litid ni Caspian sa leeg niya dahil sa lakas ng sigaw niya at sa tindi ng galit niya. Nakapila na silang lahat at nakakunot ang noo maliban kay Lorelie na nakayuko na ang ulo niya at nilalaro niya na ang mga daliri niya dahil sa kabang nararamdaman niya. Umayos siya nang tayo dahil baka mahalata siya ni Caspian. “Why? What happened?” tanong ni Evander. Inis na sinabunutan ni Caspian ang buhok niya. “Davina is there, she’s there and she saw us! Damn it!” nanggagalaiti pa rin niyang sigaw. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag kay Davina. Inis siyang napasuntok sa pader nang maalala niya ang mga mata ni Davina kanina, punong puno ng sakit, lungkot at para bang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso niya. “What do you mean? Nasa bar si Davina kung saan may operation ka?”