Alexa's Pov Nakakainis! Kamuntik na 'yon, ah. "Bakit ka ba kasi nagpadala sa halik niya, ha, Alexa?" Kastigo ko sa sarili ko sa harapan ng salamin. I was not expecting that I would respond to his kisses. I tried to stop him at first, but I was consumed by his kisses. Because of that, we almost did it. Mabuti na lang natauhan din ako kaagad. Kaya naitulak ko siya saka ako tumakbo paalis. At ang loko until this morning, pang-asar kung makangiti. Nakakainis! Naiinis na nagbihis ako saka ako lumabas ng kuwarto ko. Siguro naman wala na siya. Sinadya ko na maligo ng matagal para hindi ko siya makasabay sa almusal. I don't want to see him right now. Nakakahiya! Baka isipin niya na gusto ko na siya kaya gumanti ako sa halik niya. In his dreams! Kailangan kong mag-ingat. Mahirap na. Baka mamaya totohanin niya na buntisin ako. Ang kapal niya, ha. Pagkatapos niyang mabuntis 'yung babae niya, ako naman?
Ludwig's Pov I tried calling Alexa, but she didn't listen to me. I was so irritated with Sydney. We've been together for three years, but I can't stand her now. Everything is going well, but she is ruining it. She is using that pregnant card to make her way into our lives and ruin everything. "What the hell, Sydney? I've already assigned people to take care of you. Will you please stop pestering me?" I was irritable when I faced her. "I want to eat strawberry jam from Baguio," she said, pouting. "Then ask Mike or those people to buy strawberry jam at the grocery store. Bakit kailangan mo pa kaming bulabugin for that?" Mas lalo akong nairita sa sinabi niya. Inistorbo niya kami ni Alexa dahil lang gusto niyang kumain ng jam? "I want you to buy that for me. In Baguio, mismo. Not from the grocery," maktol ni Sydney. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. "What the heck, Sydney?" I exclaimed. "I'm going
Alexa's Pov "Seriously, Ludwig?! Tama ba na iwan natin siya roon?" Salubong ang kilay na tanong ko sa kanya. We are here at a tourist spot in Baguio. Habang si Sydney ay walang kamalay-malay na naiwan doon sa kotse. Wala na akong nagawa ng hilahin niya ako. Papunta sa lugar na ito. I can't believe him. Nakapag-plano pa talaga siya, ha. At wala akong kamalay-malay na nasabihan niya na si Mike. "By this time, kasama niya na si Mike. Siya na ang bahala sa babae na 'yon. Kaya 'wag mo na siyang alalahanin," balewala na tugon ni Ludwig sa akin. "Sinabi ko na sa'yo na tratuhin mo siya ng maayos. Buntis siya kaya hindi siya puwedeng ma-stress, Ludwig," nakukunsumi na litanya ko sa kanya. "I dont trust her. Kapag nalaman ko na hindi siya totoong buntis at niloloko niya lang tayo, ay malilintikan sa akin ang babae na 'yon," Ludwig remarked. "Grabe ka talaga! Kung makapagsalita ka parang hindi kayo nagkarelasyon ng tatlon
Sydney's Pov How could you do this to me, Ludwig? I'm looking at my phone right now. And I can't take what I'm seeing. It's very rare for a billionaire like Ludwig to have a social media account. And I can't believe he has one now. What he posted makes my blood boil. It was a selfie of him with Alexa in different places in Baguio. "How dare they do this to me!" I threw away all the bottles of strawberry jam they bought for me. Mike was trying to stop me. But I didn't mind him. "Ma'am, tumigil na po kayo. Baka mapano po kayo," Mike said to me. "Hindi ko kailangan ang strawberry jam na 'yan. Ibalik mo sa kanila ang mga 'yan. Kainin nila kasama ang mga bubog!" I've been shouting at the top of my lungs, kanina pa. Hinintay lang nila ako na makatulog saka nila ako iniwanan sa kotse. Para ano? Para makapagsolo sila? "Please calm down, Ms. Sydney. Baka po
Alexa's Pov Sinasabi ko na nga ba, eh. Hindi magandang idea ang pakana ni Ludwig sa Baguio. Nakakaloka! Pagkatapos pagkaguluhan sa social media ang litrato namin sa Baguio that he posted on his social media accounts, ay heto namang article involving me and Sydney. Hindi pa nga ako nakaka-move on sa mga selfie namin na nagkalat na sa social media sites, heto na naman. Mabilis na naalis ni Mike ang article about me mistreating Sydney on social media and the internet. Pero mayroon pa ring mangilan-ngilan na namba-bash sa akin. Mayroon din namang nakikisimpatya. "Alexa, here's your coffee." Inilapag ni Tommy sa mesa ko ang tasa ng kape. "Salamat!" I smiled at him. "Are you okay?" nag-aalala na tanong nito sa akin. "Yeah. I'm okay. Medyo stress lang," tugon ko. I go back to my office and let Ludwig talk to Sydney to fix the problem. After all, it's his fault. It was his idea, na iwan namin
Alexa's Pov "Ano ba'ng pinagsasabi mo sa restaurant kanina, ha!" sita ko sa kanya habang nasa biyahe kami pauwi ng bahay. "What? I just talked to Abuelo." Maang-maangan nitong sagot. "You just talked to Lolo? Eh, kung anu-ano ang sinasabi mo! You are giving him a false hope," I snarl at him. He glanced at me and then returned his attention to the road. "False hope?" nagtataka nitong tanong. "Yeah. Pinapaasa mo siya na magkakaapo siya sa atin. When in fact hindi naman," "Why not?" tanong nitong muli. "Ano'ng why not?" salubong ang kilay na tinignan ko siya. Sumulyap din naman siya sa'kin ng saglit. "We are husband and wife. Kaya bakit hindi tayo magkaka-anak?" Napabuga ako ng hangin ng marahas dahil sa sinabi nito. I'm already tired from work plus the problems and stress that Sydney is giving me because of her pregnancy. Kaya wala na akong lakas para makip
Ludwig's Pov I had a great night last night. I enjoyed teasing Alexa during our dinner with Abuelo. And then, when we got home, she fell asleep in the car. Instead of waking her up, an idea came to me. I carried her to my room. I didn't let her get away from me, which is why I decided to pretend to be asleep. But I wasn't expecting what I felt when I locked her in my arms. I become comfortable, and her warmth makes me calm. Until I fall asleep for real. And I woke up this morning in a good mood too, because I saw her sleeping soundly beside me. She is even hugging me. Napangiti ako upon remembering that moment. Masyadong mahimbing ang tulog niya. Kaya hindi ko na siya ginising. Instead, I decided to cook breakfast for her. I was not expecting that I would do this. What am I doing? I'm starting to doubt myself. "A penny for your thoughts?" Sydney's voice cut me off. I turn t
Alexa's Pov I miss my wife... Paulit-ulit na nagre-rewind sa utak ko ang sinabi ni Ludwig over the phone. Did he mean it? Dama ko ang pagbilis ng pintig ng puso ko nang marinig ko mula sa kanya ang mga katagang iyon. Ramdam ko pa ang pag-iinit ng mukha ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kung maramdaman. Pero pakiramdam ko minsan nabibigla rin siya sa mga nagagawa niya at mga lumalabas sa bibig niya. At nabibigla rin ako sa nagiging reaksyon ng puso ko. I should be protecting myself or my heart againts Ludwig. But I admit that something is already change in me. Dahil hindi sasakit ang puso ko sa tuwing maiisip ko na magkakaanak sila ni Sydney. Kung wala akong nararamdaman para sa kanya. I'm accepting our situation right now with Sydney because of the fact that we are only married because of my abuelo. I want to protect my family's heritage. But right now, I am doubting myself.
Ludwig "Wala pa rin bang update?" tanong ko sa tauhan ko habang nakamasid sa dagat. We decided to have a picnic by the beach. And Alexa is currently enjoying the sun and the waves. "Wala pa po, sir. But we are trying our best to locate Ms. Sydney's location. Masyado lang po talagang matinik magtago ang babae na 'yon." Naikuyom ko ang aking kamao sa naging tugon ng tauhan ko. "Siguraduhin niyo na hindi makakalapit sa pamilya ng asawa ko ang babaeng 'yon." "Yes, sir." Pagkaalis ng tauhan ko ay pabagsak akong naupo sa sun lounger. "May problema ba, hijo?" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Lolo Ariston. Muli akong napatayo at lumapit sa kaniya. "Kanina pa po ba kayo riyan, lolo?" kabadong tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman ito at umiling. "Kadarating ko lang." Nakahinga ako ng maluwag sa naging tugon niya. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. May problema ba?" "Ahm, may maliit na problema lang po sa kumpanya
Alexa "Mama, pwede ba akong matulog sa tabi mo ngayong gabi?" Naglalambing na niyakap ko si mama. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagkunot ng noo ni Ludwig. Kaya napangisi ako sa isip ko. "Anak, ano ka ba naman? May asawa ka na. Nakakahiya naman kay Ludwig kung sa akin ka tatabing matulog." Napangiti ang magaling kong asawa sa sinabi ni mama. "Okay lang po 'yon sa kaniya. Namiss kita, eh." "Actually, it's not okay, mama," singit niya sa usapan namin ni mama. Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Kita mo na. Kayo dapat mag-asawa ang magkatabi. Sige na. Pumunta na kayo sa kwarto niyo at magpahinga." Napanguso ako. "Hindi mo ba ko namiss, ma?" "Aysus! Ngayon ka pa nag-inarte ng ganiyan Alexandra. Gusto niyo ba ng makakain bago kayo matulog?" "Ayos lang po kami, mama. Magpahinga na rin po kayo. Malalim na ang gabi. Shall we, asawa ko?" Inilahad sa 'kin ni Ludwig ang kamay ko. "Sige na, anak." Wala akong nagawa kundi abuti
Alexa Wala na akong nagawa nang marating namin ni Ludwig ang building ng kumpanya niya. Dinala niya ako sa may helipad, kung saan naghihintay na ang chopper na magdadala sa amin sa isla. Hanggang makasakay kami sa chopper ay hindi pa rin maipinta ang mukha ni Ludwig. "Ang pangit mo. Ngumiti ka nga," I joked, trying to make him smile. Pero lalo lang nagsalubong ang mga kilay niya. "So, pangit na pala ako sa paningin mo ngayon? Porke't nakasama mo lang ang Tommy na 'yon, siya na ang gwapo sa paningin mo ganoon ba?" Napanganga ako sa sinabi niya. "Seriously, Ludwig? Nagseselos ka talaga kay Tommy? Don't you trust me?" I asked him. "I trust you. Sa lalaki na 'yon ako walang tiwala." "But I trust him." "Then don't. Dahil hindi siya katiwa-tiwala." Ibinaling niya ang paningin sa labas. Napabuntong-hininga na lang ako. Hanggang makarating kami sa isla ay wala na silang kibuan. Pero inalalayan pa rin siya nito pababa sa chopper. May tauh
Ludwig "Do everything to find Sydney, Mike. Pakilusin mo ang lahat ng tao natin pati sa ibang bansa. Kailangang maiharap niyo sa 'kin ang babae na 'yon," nagtatangis ang bagang at nakakuyom ang kamao na utos ko sa assistant ko. "Yes, sir. I will contact the private investigator and the agents. Para mapabilis po ang paghahanap kay Ms. Sydney. About the screenshot of the contract, na ipinagawa ninyo kay attorney dati. Mukhang ninakaw po iyon sa opisina niyo sa bahay niyo. Since kayo lang po ang may kopya non," imporma sa kaniya ni Mike. Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. "How dare she do that. Baka anong magawa ko sa kaniya kapag nakita ko siya. Sige na. Gawin mo na kung anong mga dapat gawin. Susubukan ko rin humingin ng tulong sa mga kakilala ko." "Yes, sir. How about Don Ariston po? Nasaang bansa po siya?" Natigilan ako sa tanong na iyon ni Mike. "Pinagbakasyon muna siya ni Alexa sa isla. Magpadala ka ng tauhan natin doon. Baka kaya hindi nati
TommyNaikuyom ko ang aking mga kamao.I was talking to Alexa on the phone. Dahil nag-alala ako kung bakit hindi siya pumasok sa opisina ngayong araw. Pero bigla nitong tinapos ang tawag. At narinig ko ang boses ni Ludwig, bago mawala sa linya si Alexa. Magkasama silang dalawa. At mukhang nagkakamabutihan na sila. Yeah. Mag-asawa sila. Pero alam ko ang totoong sitwasyon nilang dalawa noong una. Dahil arrange marriage lang ang kasal nila. Nasaksihan ko kung gaano naging miserable noon si Alexa. Pero iba na ang nakikita ko sa kanila ngayon. It seems that something has changed in the two of them. Ludwig seems to be very possessive of Alexa now. Samantalang dati ay mukha namang wala itong pakialam sa asawa. While Alexa seems to care about his husband now. Unlike before, na halatang inis at galit na galit siya dito.Those changes in their relationships led me to one decision. Kinuha ko ang cellphone ko at may idinayal na numero doon. "Hello. . . ? Pwede ba tayong magkita ngayon?" Agad
Ludwig I'm ecstatic now, seeing Alexa beside me as I wake up. Last night felt magical. While doing that, I thought we had the same feeling. It's not the first time we've done it, but last night was different because we are sure we love each other. Kaya hindi ako nagsisisi na ginawa ko ang surprise na iyon para sa kaniya kagabi. Sa totoo lang ay hindi ako makapaniwala na magkakaganito ako. Baka ginayuma niya talaga ako. Natawa ako sa naisip ko. Natigilan ako nang makita ko ang oras sa orasan na nasa bedside table. Mukhang napatagal ang tulog namin. "Hmmm. . ." Daing ni Alexa nang tanggalin ko siya sa pagkakayakap niya sa 'kin. "Hey, tanghali na. We have to wake up and eat," masuyo kong sabi sa kaniya. Bigla namang naidilat ni Alexa ang mga mata niya. "Anong oras na?" "The clock says it's already noon." "What?! Bakit hindi mo ako ginising? Kailangan na nating magmadali. Super late na tayo sa trabaho." Na
Alexa "Huh? Bakit ang dilim?" Nagtataka na kinapa ko ang switch ng ilaw. Pero pagkapindot ko nito ay bigla namang may tumakip sa mga mata ko. "Ludwig? What are you doing?" I asked. Naamoy ko kasi ang pabango niya. Kaya alam ko na siya 'yon. "Just walk, okay?" he said to my ear. Halos magtayuan naman ang mga balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang hininga niya sa tenga at leeg ko. Inalalayan niya ako hanggang huminto kami kung saan. "We are here," he said, bago niya alisin ang kamay niya na nakatakip sa mga mata ko. Napasinghap ako nang makita ko ang candle light table setting sa harapan ko. Hindi makapaniwala na bumaling ako sa kaniya. "Ikaw ang may gawa nito?" tanong ko. "Of course! Sino pa ba? Have a seat." Ipinaghila niya ako ng upuan. Mangha pa rin na naupo ako. "You prepared all of this? Anong meron?" "Yeah. I personally cooked and prepared everything. And why? Wala lang. Gusto ko lang ipagha
Alexa Just what we expected, problema nga ang sasalubong sa amin pagbalik namin sa Manila. "Didiretso na ako sa office. Balitaan mo na lang ako tungkol sa gulong ginawa ng ex-girlfriend mo." Nakairap na sabi ko kay Ludwig. Saglit siyang lumingon sa akin saka ibinalik ang tingin sa daan. "Alright. Don't worry. I will fix this." "Dapat lang. Mabuti na lang nasabihan ko ang assistant ni lolo. Wala silang sasabihin sa kanya na kahit ano. 'Wag din nilang hahayaan na manood ng news si Lolo. Masasabunutan ko talaga ang Sidney na 'yan kapag nakita ko siya," inis na tumingin ako sa labas ng bintana. "And I will punch that Tommy if I see him near you." "Assistant ko si Tommy!" I objected. "Hindi 'yon excuse para dumikit-dikit siya sa 'yo. I don't have time right now. Pero sa susunod, ipapakita ko sa kanya kung saan siya dapat lumugar," seryosong turan ni Ludwig. Marahas akong napalingon sa kanya. "Ludwig! Walang ginagawang masama
Alexa Kung nakamamatay lang ang tingin ay baka kanina pa bulagta sa sahig itong si Ludwig. Magana siyang kumakain ngayon. Samantalang ako ay inis na inis sa kanya. Pangiti-ngiti pa ang mokong. Palibhasa naisahan na naman niya ako kanina. And yes, may nangyari ulit sa amin. Nakakainis! Bakit nagiging marupok ako sa kanya? Hindi pwede 'to! "Hey! Lalamig 'yang pagkain. Gusto mo bang subuan kita?" tanong nito sa akin habang may naglalarong ngiti sa mga labi. Inirapan ko muna siya bago ko sagutin ang tanong nito. "Ikaw, Ludwig tantanan mo ako, ha. Sasamain ka talaga sa 'kin." "What? I'm just asking you if you want me to feed you. Bakit ang sungit mo? Naglilihi ka na ba agad? Ang bilis naman," nakangising komento nito. Binato ko ito ng unan pero nagawa niyang masalo. Nagsimula na lang akong kumain at hindi na siya tinignan o kinausap pa. Sa totoo lang naninibago ako sa bagong ipinapakita niya. Hindi ako sigurado kung parte pa