Nataranta si Rowan. Natigilan siya habang nakatingin kay Cordelia.Ano ang nangyayari? Sinusubukan ba siya ng kanyang anak?O alam na ba ni Xyla na nasa Centrolis siya at inutusan niya si Cordelia para subukan siya? Para malaman kung may gusto pa ba siya sa kanya?Tumutulo ang maliliit na butil ng pawis mula sa kanyang ilong. Bumibilis ang tibok ng puso niya.Hindi alam ni Cordelia na napakaraming bagay na ang tumatakbo sa isip ni Rowan. Naisip lang niya na nabigla siguro si Rowan sa tanong niya.Kahit nagmamadali siyang maghanap ng makakasama para sa kanyang ina, hindi siya dapat magtanong nang direkta!"Sorry, sorry." Patuloy siyang humihingi ng tawad. "Wala akong masamang ibig sabihin, Tito Irwin. Hindi ako magtatanong kung ayaw mong sagutin ‘yun!"“Ah…” ngumiti si Rowan ng alanganin. “Hindi ko talaga naisip ang tungkol doon. Naging abala ako sa trabaho at medikal na pananaliksik sa mga taong ito. Matagal ko nang nakalimutan ang tungkol dito.""Hindi ba magandang magkaroon n
Umubo ng malakas si Charlie ng dalawang beses para ipaalala kay Rowan na masyadong halata ang pag-aalala niya.Saka lang siya nagpigil. Inayos niya ang kanyang katawan at naglakad palabas ng may malalaking hakbang.Sa pagkakataong iyon, may lumapit para mag-abot ng pinakuluang gamot kay Clark.Kumunot ang noo ni Rowan nang maamoy niya ang halimuyak ng halamang-gamot, dahil sensitibo siya doon. Mahina niyang tanong, "Ano ito?"“Gamot para sa master.”Noong tatalikod na sana si Clark ay bigla siyang may naisip. Huminto siya at tumingin kay Rowan.“Mr. Irwin!”“Anong problema?”Ipinakita ni Clark ang gamot at sinabing, "Pwede mo bang tingnan ito para sa’kin..."Dumilim ang mga mata ni Rowan.Si Clark ay tauhan ni Liam, ngunit duda siya sa gamot na ito.Ibig sabihin lamang nito na isa itong seryosong bagay."Hindi ako naghihinala o anuman, sir." Hininaan ni Clark ang boses niya. "Narinig ko lang na bawat gamot ay may mga epekto. Ayokong uminom ng sobra ang master ko. At saka, m
Tumawa si Cordelia. Paano naman ito naging pareho?Malambot ang balahibo ni Ginger, at ang buhok ng lalaking ito ay matigas.Gayunpaman, hinimas ni Cordelia ang mukha ng gwapong lalaki at ngumiti siya.“Darling.” Hinawakan ni Zephyr ang kamay niya.Akala ni Cordelia ay gutom si Zephyr at sinabi niya ng seryoso, “Break ni Aunt Helen ngayong araw. Walang magluluto.”Baka napagod sila sa trabaho nitong nakaraan. Pero nagtinginan sila at ngumiti sila, pareho silang patuloy na sumandal sa sofa.Binasa na ni Cordelia and 2/3rds ng libro na binabasa niya habang si Zephyr ay patuloy sa pagyakap sa kanya pagkatapos nila magpalit ng posisyon.Ngunit, habang nakatingin sila sa labas, maganda ang panahon at hindi naman maganda kung sayangin nila ito.Kumulo ang tiyan ni Zephyr.Ngumiti si Cordelia at gusto niyang gumawa ng pagkain para kay Zephyr nang pigilan siya ni Zephyr.“Cordelia, wag ka nang mag abala! Pwede tayong kumain sa labas!”“Huh?” Tumawa ng peke si Cordelia. “Ayaw ko nang
“Bigyan mo pa ako ng konti…”“Hindi!”“Darling, konti na lang!”Ang mga taong nasa harap nila ay narinig ang pag uusap nila, at lumingon ang mga ito para tumin.“Ang isang matandang lalaki ay kumikilos na parang isang bata…”“Dinala ba ng babae ang anak niya? Haha!”Hindi mapigilan ni Cordelia na tumawa nang marinig niya ang mga bulungan.Tumingin si Zephyr kay Cordelia at ibinaba niya ang huling piraso ng craker na hugis-hayop at umupo siya ng mabait.Ang order number ay tinatawag pa rin ng mabagal, at nagbigay ang staff ng mga accessory sa lahat.Nakita ni Cordelia na may magkasintahan na sinuot ito. Ito ay mga hair clip na umiilaw at kumukurap, at may iba’t ibang klase ng istilo.Agad na nakita ni Zephyr na hinihintay ito ni Cordelia at tinakpan niya ang mga mata nito gamit ang mga kamay niya.“Ah, anong ginagawa mo?!”“Walang titingin!” Ang sabi niya ng may malalim na boses, “Hindi natin kukunin yun!”Nangako si Zephyr sa buhay niya na hindi siya magsusuot ng ganito sa
Naging madilim ang ekspresyon ni Zephyr habang tumitig siya kay Josiah ng may kakaibang tingin.“Z?” Nakangiti si Josiah, ngunit kinabahan siya.Gusto talaga sabihin ni Zephyr na hindi niya kilala si Josiah, ngunit huminga siya ng malalim at nilunok niya ang mga salita niya, sa halip ay sumagot siya ng may mahinang boses.Nalito si Josiah habang ngumiti si Kelly at kumuha din siya ng mga kumukurap na hair clip mula sa staff. Sinuot niya ito, at sinuot ni Josiah ang isa pa, tulad nila Zephyr at Cordelia.Matagal bago sila nakahanap ng mesa, at umupo silang apat ng magkakasama.“Bihira na makasalubong kayong dalawa!” Ang sabi ni Cordelia ng nakangiti, “Umorder kayo ng kahit anong gusto niyo. Ako ang bibili ng pagkain niyo!”“Hindi pwede!” Ngumiti rin si Josiah. “Hindi namin hahayaan na gumastos ka para sa amin. Kami na lang!”Tumingin sila sa menu habang nagsasalita at binasa nila ang mga pagkain.Nabigla si Cordelia na makitang masaya si Kelly sa punto na nasa labas ito, kaya hi
Madalas para sa mga lalaki na mula sa mayaman at impluwensyal na pamilya na magkaroon ng kasintahan at ilang mga anak sa labas.Lintik! Kung may mga anak si Rowan, paano niya ipapakilala ito sa nanay niya?!Medyo nalungkot si Cordelia at kumain siya ng sashimi.Samantala, hindi maganda ang itsura ni Zephyr. Tinanong niya ng seryoso si Kelly, “Sigurado ka ba na ang anak niya ang nagsabi?”“Hindi.” Nagkibit balikat si Kelly. “Natatandaan ko lang na sinabi niya na ginamot niya lang ako dahil sa sinabi ng babae niya. Hindi ko alam kung sino yun!”Malakas ang tibok ng puso ni Zephyr habang tumitig siya kay Cordelia. Bigla niyang naalala na sinama ni Cordelia si Rowan sa art gallery noong nakaraan, at ang isa sa mga painting doon, The Fireflies’ Light, ay nakalagay kung saan ito madaling makita.Proud na sinabi ni Cordelia kay Rowan na ito ay isang piyesa ng nanay niya. At napansin ni Zephyr na may pirma ito ni Xyla.“Ang pangalan ng nanay mo ay Xyla?” Ito ang unang beses na nalaman n
Umupo si Janine sa tabi ni Zephyr. “Anak, p-paano mo nalaman?”Walang masabi si Zephyr. “Mom, mukha po ba akong tanga?”Tahimik si Janine.“Madali po maintindihan ang ganitong bagay gamit ang konting analysis!” Kumunot ang noo ni Zephyr.Ngayon niya lang napansin at late niya lang naanalyze.Sa totoo lang, ang lahat ng ito ay nag ugat sa oras na nastranded silang tatlo sa isang isla na walang tao.Naintindihan niya na kung bakit laging nakatingin at laging nag aalala si Rowan kay Cordelia, tulad ng dapat gawin ni Rowan para sa anak niya. Si Cordelia ay anak talaga ni Rowan!“Mom, anong nangyayari? Bumalik na si Rowan. Bakit hindi pa rin sila nagsama ulit ni Cordelia?”Tumingin si Janine kay Zephyr at nagbuntong hininga siya. Nilagay niya sa tabi ang mga dokumento na naghihintay ng atensyon niya at sinabi niya sa secretary niya na on-duty na walang pwedeng pumasok sa opisina.Pagkatapos ay gumawa siya ng chamomile tea at sinabi niya kay Zephyr ang lahat ng tungkol sa nakaraan n
Kahit na si Liam ay mukhang tanggap na si Cordelia ngayon, kilala ni Zephyr si Liam. Isang delay tactic lang ito ni Liam. Kung may pagkakataon, maghahanap pa rin si Liam ng isang fiancee na madaling kontrolin mula sa isang pamilya na impluwensyal para sa kanya.Kapag sinuportahan ng mga Irwin si Cordelia, kailangan itong pag ingatan ni Liam.Tumayo si Zephyr at umalis na siya. Alam niya na kung ano ang gagawin niya, ngunit tama ang nanay niya sa isang bagay—ang mahalagang bagay ay ang nararamdaman ni Cordelia.…Noong dumating si Zephyr sa bahay, nasa kama na si Cordelia. Naligo siya at nagbihis siya bago siya pumunta sa ilalim ng kumot at niyakap si Cordelia.Nang maramdaman ni Cordelia ang mainit na mga kamay ni Zephyr, lumapit siya ng mas malapit. Sakto lang ang yakap ni Zephyr, at lumapit siya para halikan si Cordelia sa noo.Dumilat ng inaantok si Cordelia ta ngumiti siya nang makita niya si Zephyr.“Nakauwi ka na…”Malalim ang boses ni Zephyr. “Pasensya na at nagising ka.
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala