“Lina, bagay din sa'yo ang bag na'to!“Dapat subukan mo ang lahat ng yan. Hihintayin kita rito!”Pagkasabi niya nito, umupo si Gia sa sofa sa gitna ng boutique at kaagad na may nagbigay sa kanya ng mamahaling pastries. Pakiramdam ni Lina ay nananaginip siya. Sumunod sa kanya ang ilang shop assistants nang may punong mga kamay at ngiti sa mukha nila na lumilitaw lang kapag nakakakita sila ng potensyal na customer. Nang nakita niyang mag-alangan si Lina na pumasok sa fitting room, lumapit si Gia at hinawakan ang kamay niya nang nakangiti. “Sige, sasabihin ko sa'yo ang totoo. May nakuhang pera ang mga magulang ko!”“Ano?”“Ilang stocks lang yun na nabili nila noong bata-bata pa sila.” Umiiwas ng tingin si Gia. “Sa kung anong dahilan, tumaas ang shares nila hanggang sa puntong nagsimula silang magtanong kung totoo ba ito! Heh, para itong dala ng hangin, di ba?”Medyo nagduda si Lina. Minsan rin siyang tumitingin sa balita sa stock market. Kahit na hindi niya ito naunawaan nang maa
Binaba ni Gia ang tawag nang pinagpapawisan ang palad niya. Pinakalma niya ang sarili niya at bumalik sa store kung saan di pa lumalabas si Lina. Nagpanggap si Gia na para bang walang nangyari at mahina siyang nagtanong, “Lina, tapos ka na bang magsukat ng damit?”“Medyo malaki ang nakuha ko. Kailangan ko ng mas maliit na size…”Kaagad na sinabihan ni Gia ang store staff na hanapin ang tamang sukat. “Lina, um… Bakit di mo muna sukatin yan? Kailangan… Kailangan kong gumamit ng banyo!” Pumayag si Lina at mabilis na lumabas si Gia ang store at pumunta sa cafe sa basement floor. Nakaupo na ang lalaki sa sulok. Medyo nanginig ang mga binti ni Gia habang pinilit niya ang sarili niyang kumalma at umupo sa harapan niya. Inabutan siya ng card ng lalaki. Habang natatakpan ng baseball cap ang halos buong mukha niya, kinilabutan siya sa maliit na ngisi sa mga labi niya. “Sabi ng boss magaling ang ginawa mo. Ito ang gantimpala mo.”“Salamat…”“Ang susunod mong gagawin ay panatilihin si
“Ito siguro ang panganay na anak ng mga Hamerton, tama?”Biglang nilipat ni Melvin ang titig niya kay Zuko sa dining table. Huminto si Zuko at lumingon sa kanya. Masasabing kabilang din si Melvin sa tumanda nang maganda. Kahit na nasa limampung taong gulang na siya, hindi siya nagpakita ng kahit na anong senyales nito. Sa kabaliktaran, mas mukha pa siyang masigla kaysa sa isang binata. Maganda rin ang itsura niya. Malaki ang pagkakamukha nila ni Nicholas at matutukoy ng kahit na sino sa isang tingin lang na magpinsan sila sa iisang lahi. Kumunot ang noo ni Zuko at tumingin sa malapit na si Pamela. Nararamdaman niyang mayroong kakaiba. “Zuko, kausap ka ni Tito Melvin mo!” Pinaalalahan siya ni Cordelia nang pabulong. “Dahil ‘Tito Nicholas’ ang tawag mo kay Nicholas, tawagin mo na lang siyang Tito Melvin.”Bahagyang tumango si Zuko at magalang itong kinilala. Ngumiti si Melvin at pinuri siya. “Ang gagaling ng lahat ng mga anak ng Hamerton, tunay na pambihira sila!”“Mr. Mel
Hinawakan ni Nicholas ang balikat ni Melvin at tinapik ito. “Kailangan mong dumalo sa araw na iyon! Naiintindihan mo?”Mabilis na tumango si Melvin at tinaas ang baso niya para ipagdiwang ang sinasabi nilang malalim na ugnayan ng pamilya nila. Tumingin si Zuko kay Pammy na nasa tabi niya. Para bang hindi siya nagsalita simula nang umupo siya sa dining table. Nanatili siyang nakayuko, tinutusok ang pagkain sa plato niya gamit ng tinidor, habang para bang napakarami ng iniisip niya sa likod ng bilugang mga mata niya. …Sa daan pauwi, nanatiling tahimik si Zuko. Mukha ring seryoso sina Cordelia at Zephyr. Masyadong kakaiba ang sitwasyon. Ang taong dumukot kay Pammy ilang taon ang nakaraan ay isang malayong kamag-anak ni Nicholas na halos hindi na niya kadugo. Sinubukan niya lang ito para makakuha ng pera. Ngayon, ang taong nagbalik kay Pammy ay ang pinsan ni Nicholas. Bago nakuha ni Nicholas ang kasalukuyang yaman niya, wala sa mga kamag-anak niya ang gustong maiugnay sa kany
Tumunog sandali ang phone niya, ngunit walang sumasagot, kung kaya't mas lalong kinabahan si Zuko. Namutla ang mukha niya at pinagpawisan ang tungki ng ilong niya. Sa sandaling iyon, nakapasok na ang kotse sa Hamerton Manor. Kagaya ng inaasahan, nakatulog si Cordelia sa kotse. Sumenyas si Zephyr para manahimik ang lahat at maingat niya siyang binuhat palabas ng kotse. Pinanood ni Toph, na nakasuot ng headphones at sumisipol, ang likod ng tatay niya at halos parang may nakasulat na “inggit” sa noo niya. “Ah, kailan kaya ako makakakilala ng taong gusto ko. Kagaya ng pag-aalaga ni dad kay mom, gusto ko siyang alagaan habangbuhay! Di ba kuya?”Hindi kumibo si Zuko. Pagkatapos ay napansin niyang namutla ang mukha ng kuya niya na may halong tensyon. “Anong problema?” tanong ni Toph.Walang pakialam na tumingin si Zuko sa kanya, sinabihan siyang umuwi at magpahinga, pagkatapos ay naglakad nang mabilis papunta sa liblib na sulok ng bakuran. Paulit-ulit niyang tinawagan ang numero
Tumingin si Zuko kay Toph at sumagot nang may mahinang boses, “Anong kalokohan ang sinasabi mo ngayong wala pa naman kumpirmado?”Ngumisi si Toph. “Zuko, nang sinabi mong ‘wala pang kumpirmado’, ang engagement mo ba kay Pammy ang tinutukoy mo o ang girlfriend mo sa Jangasas?”“Ikaw…”“Wag mo kong saktan!” Nagprotesta kaagad si Toph. Sinara ni Zuko ang kamao niya ngunit seryoso niya siyang tinitigan. Matagal nang maloko si Toph at para bang nahuhulaan niya kung anong nasa isip niya. Minsan, para bang sobra niya siyang nahuhuli na para bang gusto niya siyang itali at bugbugin nang matindi. “Hoy, kuya, hayaan mong ayusin ko ang mga bagay para sa'yo!” Ngumisi si Toph, sabay iniunat ang braso niya para akbayan si Zuko. Pagkatapos, bigla siyang may naisip at tumingin sa kanya nang may kakaibang ekspresyon. “Paano mo pasasalamatan kapag naayos ko tong lahat?”“Suntukin ba kita ng isa o dalawang beses?” suhestiyon ni Zuko. “Hindi.” Naging seryoso si Toph. “Kuya, kung sa tingin mo n
Binitawan ni Zuko si Toph, at magkatabi silang dalawang naglakad sa hardin. Pareho silang may manipis at perpektong anyo—ang isa ay kalmadong naglakad habang ang isa ay iniikot ang balikat niya, na pakiramdam niya ay napihit habang mahinang nagrereklamo. Matagumpay na ngumiti si Zuko at inakbayan si Toph para hilahin siya. Palaging di maaasahan si Toph, pero bumaon sa isipan ni Zuko ang sinabi niya—”Hindi mo pa naibibigay ang first kiss mo sa iba, tama? Dalian mo palang bumalik sa Jangasas at halikan mo siya!”‘Hmm, dapat… halikan ko muna siya.’Hindi napigilan ni Zuko ang pagtaas ng gilid ng labi niya. Dinilaan niya ang labi niya habang bumilis ang tibok ng puso niya. “Zuko? Zuko!” Sumigaw si Toph, at nahimasmasan si Zuko. “Anong nangyayari sa'yo?” Para bang masama ang loob ni Toph. “Kausap pa lang kita kanina, tapos di ka na nakikinig!”Oo, kahit na pinagtitripan minsan ng kuya ang nakababatang kapatid sa paglaki nila, mayroon silang hindi natitinag na ugnayan. Kaya nilang
“Pero…” Napakamot ng ulo si Toph. Ngayon niya lang nakita si Pammy. Paano niya siya maoobserbahan nang maayos? At saka nakayuko lang si Pammy buong okasyon, at nakita niya lang na kamukha niya si Nicholas sa mga bihirang sandaling tumingala siya. Nang nakita niyang hindi nakasagot ang kapatid niya pagkatapos ng mahabang katahimikan, sumimangot si Zuko at naiinis na tumingin sa kanya. “Pero direksyon ito,” bulong niya sa sarili niya. “Siguro pwede akong magsimula rito para may matuklasan pa tungkol dito!”Ito ang huling planong naisip niya para sa sarili niya. Pwede ang kahit na anong paraan—huwag lang ang may paghahawak-kamay at paghalik!“Maggagabi na. Bumalik na tayo sa bahay at magpahinga,” sabi ni Zuko. Medyo pagod din si Toph kaya pumayag siya at sinundan ang kuya niya nang humihikab. Gayunpaman, naglakad nang mabagal si Zuko at nanatiling nakayuko. Nakatingin siya sa phone niya habang naglalakad. “Kuya, anong tinitignan mo?” tanong ni Toph.“Ang pinakabagong schedu
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala