"That was amazing!" I exclaimed matapos naming lumabas sa sinehan. "God! I never watched DC in such a long time! It brings me a lot of memories."I am a Detective Conan fan since I can remember. Basta I found myself binging from all the seasons and movies, including the OVAs. "You really like it, don't you?" Ngiti ni Lev.I nodded. "Yeah.""It shows. It's my first time seeing you smile like this," Turo niya sa mukha ko.Napahinto ako and realized how much emotions I've shown. Tama nga siya. I never smiled so much like this. Siguro I never really wanted to. You know. Show emotions. Kapag masyado ka kasing showy, people will know your weaknesses. I never want them to use that against me. I cleared my throat. "Let's go home."Una akong naglakad sa kanya pero hinawakan niya ako sa pulsuhan, stopping me from going away."Teka lang. Uuwi na tayo? But we only watched a movie," nguso niya.Tumaas ang magkabila kong kilay. "Isn't that a date already? Sabi mo movie date, hindi ba? Nagawa na n
"The President made it clear that his son and Kaia Dorchner is not a couple..." I read the article.Pagkapasok ko pa lang ng bahay at ito agad ang bumungad sa akin. Auntie, who is not usually interested in my life, approached me with her tablet on her hand. Inabot niya ito sa akin para mabasa kung ano yung nakasulat."The President fulfilled his promise," she sighed. "I thought that he's going to hate us forever."Umiling ako. "Hindi ganung tao ang pagkilala ko sa kanila. Don't worry, Auntie.""Well. All's well ends well. Kumusta yung lakad niyo?" She asked randomly.I stared at her as if she've grown another head. "Seriously?""What?" She asked confusely."Auntie, never kang nagtanong sa lakad ko. Making conversations with me is harder itself. Kulang nalang you'd pretend that I'm invisible," I said bluntly."Alam mo, yan ang ayaw ko sa'yo. You speak freely without filter," She said. "Ang pranka mo.""At least I'm not being plastic." I proudly replied. "Mas gusto mo bang I treat you b
Lumapit si Lev sa akin, may dalang bouquet. My heart started beating fast kaya napahawak ako sa dibdib. He didn't avoid eye contact. Nakangiti lang din siya habang papalapit. Hindi ko na alam kung ano yung hitsura ko basta gusto ko nang tumakbo papalayo sa kanya."Kaia," ngiti niya. Sobrang lapit na niya talaga at laking gulat ko nang halikan niya ako sa noo. "Flowers for you."Everyone was watching us, waiting for my next move. Itinaas ko ang aking kamay at kinuha mula sa kanya yung bouquet. Pilit akong ngumiti sa kanya."Thanks, Lev. You don't have to," ngiti ko pabalik.Ngumiti siya sa akin ay inakbayan ako, hinarap yung pamilya niya. "Mom, mga ate, this is Kaia. My fiancée," pakilala niya sa akin sa kanila.Ngumiti yung mom niya habang yung mga kapatid niyang babae ay tipid lang na ngumiti."A beautiful couple, indeed," ngiti ng ina niya. "Should I expect beautiful babies?""For sure, Elena," dagdag ni Auntie.Tumawa ang dalawa. Gusto kong kainin nalang ako ng lupa. Ano daw? Babie
"Kakausapin ko sina Ate mamaya, Kaia. I'm so sorry," paumanhin ni Lev.Nasa rooftop kaming dalawa. Unang umuwi yung mom niya kasama mga kapatid niya. Nagpaiwan si Lev to talk to me. Alam ko naman kung ano yung pag-uusapan namin. How his sisters acted earlier was so rude. Buti nalang hindi tumaas yung sungay ko. Kung hindi baka minura ko na sila nang todo."They don't like me. Grabe talaga," I said. "Hindi pa nga kami nakapag-usap ever tapos ayaw na nila sa akin. Paano na kaya in the near future?""Alam mo naman na overprotective sila sa akin. Ayaw lang nila akong masaktan," sabi niya."Pero okay lang sa kanila na mang-insulto sa iba? Wow. Iba din," irap ko."I'm really sorry, Kaia."I sighed. I'm so frustrated right now. Hindi kasi ako yung tipo na pinapabayaan yung tao na insultuhin ako. Nagmamadilta ako kanina but it was mild. Yung parang tikim muna. Para masabi din nila na hindi ako nagpapaapi. Ikaw ba naman ang sabihang wimp kung gusto mo ba. Humarap ako kay Lev at hinawakan siya
KAIA'S POV"Saan mo ba ako dadalhin? You know I have a lot of things to do," sabi ko kay Kali.I know where we are going. Ngayong araw yung surpresa na sinabi ni Lev. Hindi niya sinabi sa akin kung ano yung surprise basta he told me to act surprise. If possible pa nga daw umiyak ako. Well, the fact na hindi ko alam kung ano yung surpise is still a surprise itself.Maang-maangan ang peg ko ngayon. I hope I don't look too obvious to Kali. Hindi ako best actress gaya ni Lev kaya sana mapaniwala ko si Kali that I'd be surprised."Basta. Samahan mo ako. Magb-birthday friend ko at ayoko namang magsolo kapag uuwi na yung iba kaya please? Just this once, Kaia," acting niya."Alam mo naman na hindi ko bet yung mga gatherings.""Pero pumunta ka naman sa birthday ni Sebastian. Ang sabi pa nga nila invited ka rin sa birthday ng Presidente. Tapos aayaw sa kapatid mo? Kakambal mo pa!" nguso niya.I sighed. "Fine.""Yey! Promise, mag-e-enjoy ka," ngiti niya."Kapag hindi ako mag-e-enjoy, uuwi na tay
I heard nothing but the sound of waves. The sun is up but I still don't want to open my eyes. Bakit ang sakit ng ulo ko? Ngayong I'm half-awake, I noticed how uncomfy the bed I'm lying at. Teka, this is not a bed.Kinapa ko yung tabi but I don't feel my teddy bear me, nor Kali. There are pillows but definitely this isn't a bed. Unti-unti kong minulat ang aking mata. Una kong nakita ay bote ng alak. Alak? Uminom ba ako kagabi?Pilit kong inalala yung nangyari kagabi. Tama. It was our monthsary. We talked about random stuffs while drinking. After that, wala na akong maalala. Bumangon ako at inabot yung bote na wala nang laman. Naparami ba yung inom ko kagabi? Why can't I remember anything?I stretch my body before I decided to go out from the tent. Paglabas ko pa lang ay naabutan kong nagluluto si Lev gamit yung portable stove. Sosyal! May dala pala siyang ganito?"Good morning," bati ko sa kanya. I rubbed my eyes and yawned.Nagulat si Lev at napalingon sa akin. He's blinking repeated
Kaya pala I thought something was off. We kissed last night and God-knows how long we did it! Basta I remember how hot I felt. Damn! Ginawa ba namin? Ginawa ba namin yung hindi dapat ginawa hanggang hindi pa kasal? Teka lang! I didn't feel anything sore down there. Diba yun naman ang unang mararamdaman mo when you lose your virginity. Tama. I feel completely fine and I'm still wearing my clothes when I woke up. "Kaia," Lev called my name at ganun pa rin kalapit mga mukha namin. Kumunot yung noo siya. "Pumupula na naman mga pisngi mo. Napapadalas na ito."Lumayo ako sa kanya at hinawakan yung mga pisngi. Umiinit na naman sila at hindi ko ito nakokontrol. I need to see a doctor na talaga."Punta na tayo sa ospital. Let's get that check up," he said."But we should make an appointment first.""Don't worry. May kakilala akong doctor. We don't need an appointment."Lev looks really worried. Tumayo na siya at kinuha yung mga gamit niya sa loob ng tent. I just look at him as he hurriedly pa
"Is Lev coming?" tanong ni Kali sa akin. Kasalukuyan akong nakaupo sa vanity table habang naglagay ng kolorete sa mukha. I'm wearing a white dress, since black and white yung theme nung party na dadaluhin ko. Yup. It's the President's ball. Ang sabi ni Lev na sasamahan niya ako at siya ang magiging date ko ngayong gabi, that's why I had to turn down Seb's offer to be my date."I'm not sure," sabi ko at matipid na ngumiti. "He didn't message me.""Well, nagtext ka ba sa kanya?" She asked."Of course. I even called his number pero hindi siya sumasagot. He's probably busy."I expected Lev to come. Nangako kasi siya and he looked so determined nang sinabi niyang siya ang sasama sa akin dun. I was not planning on going pero sabi niya kasi that I should go. Tutal, kasama ko naman siya. But then again, I should have never put my hopes high. Last party, he wasn't there with me wherin he also agreed to be my date. I just can't help to feel disappointed.Palagi nalang bang ganito, Lev?"Well,
I stared at myself in front of the mirror. I refuse to let a single drop of tear ruined my make up. Today is the day, the day when Lev is going to wed. Ewan ko ba kung bakit ako pumayag na pumunta. I told myself that I would never attend his wedding. Kaya nga ako nangabilang-bansa kasi umiiwas ako. But he crossed borders just to see me. Just to invite me to his wedding.Minsan naisip ko na may galit ba siya sa akin. Does he want me to suffer? Or did he assumed that I was okay with this, that I moved on? Does it look like that?Pero kahit pa anong pagkamuhi ko sa mga nangyayari, I still invited myself to be hurt. Talagang sumang-ayon akong dumalo. For what, Kaia? For respect? For you not to look pitiful?"Are you ready?" Tanong ni Kali sa akin.Mapait akong ngumiti. "Yeah.""Tara na!"Kali's invited as well. Akala ko pa nga pipigilan ako ni Kali. But no. She's supportive on my decisions. Hindi ko alam kung saan yung kasal kasi I didn't bother looking at the invitation. Kali knows.Mari
Four months later, I busied myself. I went to Italy to follow my dreams. This time, hindi tumutol si Auntie. She supported me together with Kali. Masaya ako kasi ito lang naman ang hinihiling ko sa kanya, to support me. It took a lot of obstacles just to get here and it is all worth it.Sabay na kami ni Kali pumunta ng Europe. She have a project within the area at sakto namang papunta ako dito. We stayed in the same apartment and supported each other. Si Auntie naman ay naiwan sa Pinas. I told her that she should start meeting men. She will not stay young forever."Kaia, I'll go ahead. Baka hindi agad ako makauwi mamaya so kumain ka nalang nang wala ako," paalam ni Kali."Okay, Kali. Mag-ingat ka!" I waved my hand at her."Bye!"She then closed the door behind her. Naiwan na naman akong mag-isa. Tapos na kasi yung class ko sa morning and so I have the afternoon all for myself. Napalingon ako sa bag ko ang something was peeking from the inside. Lumapit ako dito at kinuha yun. Napahint
"C-Come join us!" Utal na aya ni Kali at agad tumayo. "Kukuha lang ako ng extra plates.""Maraming salamat," ngiti ni Ms. Santos. "Pero kasi, basa kami. Nakakahiya namang umupo sa chairs niyo na parang mga basang sisiw."I blinked twice, realizing that it must be freezing for them. Fully airconditioned pa naman yung bahay. "I'm sorry for that," sabi ko at dali-daling lumapit sa AC para hinaan ito."We only have three rooms in the house," sabi ni Auntie."Okay lang. Pwede naman kaming matulog sa sala, diba?" Sagot ni Ms. Santos."No," iling ni Auntie. "I won't allow you to sleep in the living room.""You can stay in my room," presenta ko. Napalingon silang lahat sa akin. "My room is spacious enough to cater all of you. Doon nalang ako makikishare kay Kali."Tumaas ang kilay ng dalawang kapatid ni Lev. Nakangiti naman sa akin si Ms. Santos as if she's very thankful of what I've said. Si Lev naman ay napatingin sa akin na puno ng paghanga sa mga mata. What? Just because they hurt me doe
"Auntie, we need to go," sabi ni Kali.Hindi ako makagalaw. I can't seem to function well now that I saw him. Mas lalo ko nang hindi maintindihan yung nararamdaman ko. Masaya ba ako kasi nakita ko siya? Malungkot ba ako kasi alam kong hindi ko siya malalapitan. Fück!"Go? Saan?" Tanong ni Auntie habang nakahiga pa rin sa sofa. She seems really tired. Sobrang comfy na kasi ng pagkahiga niya at naabutan pa naming nakapikit ang kanyang mga mata. When she's in this state, hindi dapat namin siya dinidisturbo pero dahil sa pagmamadali, hindi na iyon naisip ni Kali. She wants us to go back home."Uwi na tayo," sagot ni Kali.Kumunot yung noo ni Auntie at napaupo, hinarap kaming dalawa. "Umuwi? Bakit? Hindi niyo ba nagustuhan yung lugar? May mga pupuntahan pa tayo bukas. It's part of the itinerary."Umiling si Kali. "The place is good, Auntie. It's one of the most beautiful places that I've been to. Pero kailangan na talaga nating umalis.""Why?" She asked. "I thought you liked it here?""We
"Are you alone?" Tanong niya.Ilang segundo din akong nakatitig sa kanya. Ano ang ginagawa niya dito? Does she needs anything from me? Wala akong maibibigay sa kanya so why is she here? "I'm sorry," iling ko. "I'm with my Auntie today. Why? May kailangan ka ba?""I wanna talk to you. It will be quick, I promise," sabi niya.Kumunot yung noo ko. "Ano?""May I take this seat?" She asked.Kahit hindi ako sigurado kung ano ang pag-uusapan namin, iginaya ko sa kanya yung bakanteng upuan na nasa harap namin. "Go ahead.""Thank you," sabi niya bago umupo. "Before we start I would like to say how beautiful you are today--""Ano po yung pag-uusapan natin?" I asked, cutting her words. She's not here to compliment me, is she? Napansin niya siguro yung pagkawalang gana ko kaya she compliments me first. Hindi niya ba ako kilala? Hindi ba nakarating sa kanya yung mga rumors kung anong klaseng tao ako? I am a snob, unfriendly, unapproachable, and definitely a person who doesn't beat around the bus
We heard the gates open. Halos magkasabay kaming napalingon dito. I heard the wheels making impact on the pebbles outside of the house. Si Auntie."Quick! Pumasok ka na sa kwarto mo!" Pagmamadali ni Kali sa akin.As I was told, I ran upstairs before Auntie could get in. Dali-dali pa akong nagbihis ng pambahay at winasak yung buhok. I immediately went to bed and covered myself with the comforter."Nasaan si Kaia? Alam kong wala siya dito!" I could hear Auntie's voice echoing in the hallways."N-Nasa silid niya lang po!" Sagot ni Kali."I am not a fool, Kali. Narinig ko na magkasama sila ng batang Laurier at nagtanan pa raw. Kaya pala you two are becoming suspiscious." Sabi ni Auntie."Nagsasabi po kami ng totoo!" Kali insisted. "Hindi pa rin niya ginalaw yung pagkain niya. Hindi din namin nakitang lumabas ng silid kaya imposibleng nakipagtanan yun.""Siguro hindi niyo napansin o di kaya'y alam niyo pero nagbubulag-bulagan lang kayo." Auntie paused. "Kapag wala si Kaia pagkabukas ko ng
"A-Ano?""Hindi na naabutan ni Lev si Mommy and it is all because of you! Grabe! Ang lupet mo no? You ruined my brother's reputation and where were you when everyone was bullying him? Wala! Nagtago ka at sarili mo lang yung iniisip mo!" She shouted.I was left in shock. People were bullying him? Hindi ko 'yan alam! Damn! What happened while I was gone? Was it really my fault? Yes, it was. Kung hindi sana ako gumawa ng tanginang ruse na ito edi sana hindi kami nagkilala ni Lev. I wouldn't have to ruin his life. He told me that we should runaway. Pumayag naman ako kasi siya naman kasama ko. He mentioned how his family started disowning him and I didn't know the deeper meaning of that. Bobo mo, Kaia! Hindi mo man lang naitanong sa kanya kung kumusta siya. Siguro tama mga kapatid niya— that you only think about yourself. "Nasaan si Lev?" I asked. "Is he okay?""Lev? You think papayagan ka naming makipagkita sa kanya? Sa lahat ng ginawa mo?" The other sibling scoffed."Alam mo na may ma
"What?!" Nagising ako dahil sa boses ni Lev. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at nakitang umaga na pala. Siguro nasa 9 am na. But what made Lev shout like that?Napalingon ako sa kanya and he's already standing. Nasa tenga niya yung phone niya. He's talking to someone and I can tell that something is wrong. Nakakunot ang kanyang noo at pakurap-kurap na din yung mga mata niya. It seems like he's in a hurry. Dali-dali niya din kasing isinuot yung lower niya na nasa sahig."I'm coming."Binaba niya yung tawag at dali-daling nagbihis."Lev? What's going on?" I asked.Napalingon siya sa akin at pilit ngumti. "I'm sorry, baby, but we need to go.""Go? Where?""I'll explain while we're on the way. Magbihis ka na at ihanda yung mga gamit mo." Sabi niya at pumasok sa banyo.Naguguluhan man ay ginawa ko yung utos niya. Pumasok na din ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo. After that, I prepared my things. Buti nalang hindi ko inilabas lahat ng gamit ko sa bag. It took me a few mi
How am I feeling? I am devoured by jealousy. Paano nagawa ni Lev na talikuran ako only to face the other woman? Lasing siya, Kaia. Hindi niya alam ang kanyang ginagawa.Pero sabi nila, you are most honest when you are drunk. What is this, Lev?"Nagkagusto ka sa akin?" Tanong ni Patty na halata namang namumula na. Ewan ko ba kung sa alak o dahil sa biglaang pag-amin.Lev nodded. "Oo. Well we were young and I had to admit how I admire you."Huh! In-explain pa talaga!"Ano?" Tumawa si Patty. "Dahan-dahan lang, Lev. Hindi kita maintindihan.""Wala!" Iling ni Lev. "Ano lang. Hinahangaan kita noon. Ang bait mo kasi sa akin at minsan lang ako makakita nang babaeng lulusong sa ilalim ng araw. Walang kaarte-arte."Hindi ko mapigilan ang sariling ikompara sa kanya. Maarte ako. Ayokong naiinitan at mas lalong ayokong amoy-araw ako. I was raised to be prim and proper and adventures like what they did when they were young don't interest me. Napaisip tuloy ako. Iyan ba ang mga tipo ni Lev? Yung hi