Mula nang marinig niyang sinabi sa kanya ni Dona ang tungkol sa kaso ng kidnapping, talagang gusto na niyang hanapin si Cormac para humingi ng linaw. Pero kung tutuusin ay isa iyong pribado at sobrang bigat ng nakaraan, hindi talaga niya makuhang tanungin si Cormac. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ikinuwento iyon ni Cormac sa sarili niyang inisyatiba. Ibig sabihin willing talaga itong buksan ang puso nito para sa kanya? Hawak ni Cormac ang kamay ni Amelia sa oras na iyon, at ang init ng palad nito ay dumampi sa palad niya. Pagtingin sa lapida na nasa harapan niya, bahagyang kumislap ang mga mata niya, "I think you should know who she is?" Saglit na nag-alinlangan si Amelia, ngunit sa bandang huli ay tumango siya bilang pagsangayon, "Medyo kilala ko siya." "Kung gayon naniniwala ako na maaaring nakarinig ka ng maraming tsismis tungkol sa kaso ng pagkidnap noon." Si Cormac ay may mahinang ekspresyon pa rin, at walang emosyong maririnig sa kanyang tono
Natigilan si Amelia. Paanong ang pagbuo ng pangyayari na ito ay katulad ng sitwasyon ng sunog na naranasan niya makapamakaylan lang? Ngunit hindi niya ito masyadong inisip, dahil alam niyang pinag-uusapan na ngayon ni Cormac ang mahalagang punto, kaya't itunuon na lang niya ang sarili at nakinig nang mabuti kay Cormac. Paano nakatakas si Cormac pagkatapos magising sa pangyayaring iyon? Iniwan ba niya ang kanyang kasintahang si Serena? Tumingin si Cormac sa lapida na nasa harapan niya at nagpatuloy sa pagsasalita nang dahan-dahan. "Pagkagising ko, nalaman ko na lang na nakalas na ang tali sa mga kamay ko. Hindi lang 'yon, nawala rin si Serena sa tabi ko." lalong natigilan si Amelia. Nagtataka pa rin siya noon na si Cormac at si Serena ay nakatali kaya paano nga naman nakawala si Cormac sa lubid at saka, bakit nawala si Serena? Hindi inaasahan ni Amelia ang ganoong sagot, at hindi maiwasang magtanong, "Sigurado ka ba?" Pagkatapos ay tumingi
Seryosong sagot ni Amelia. Ang bawat salita na sinabi ng dalaga ay tila tumatagos sa puso ni Cormac. Bahagyang nakaramdam ng panlalamig ang puso ni Cormac at hindi niya maiwasang hawakan nang mahigpit ang kamay ni Amelia. Sa napakaraming taon, kahit ang kanyang lolo na nagpalaki sa kanya ay hindi magawang maniwala sa kanya. Bagama't hindi niya pinapansin ang mga opinyon at pananaw ng ibang tao, pero iba kung ano man ang sinasabi ni Amelia sa kanya. Kung inisip din ni Amelia na siya yung tipo ng tao na iiwan ang taong nagpapahalaga sa kanya, baka masaktan pa siya. Pero sinabi nito na naniniwala ito sa kanya at ikinagagalak niya iyon. Sa pagtingin sa maningning na mga mata ni Amelia, nakaramdam siya ng bahagyang init sa kanyang puso, ngunit sa parehong sandaling iyon ay hindi niya maiwasang mapangiti ng mapait, "Pero, Amelia, alam mo ba, minsan, kahit ako ay hindi ko magawang paniwalaan ang sarili ko." Natigilan si Amelia, "Anong ibig mong sabihin?" "N
Hindi mapigilang humalagapak ng tawa ni Cormac dahil sa naging reaksyon ni Amelia sa mga oras na iyon. May napagtanto si Amelia at mabilis na isinara ang kanyang bibig at sinubukang tumayo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa pagtayo niya, biglang hinawakan ni Cormac ang kanyang kamay at hinila siya palapit sa bisig nito. Nahulog si Amelia sa kandungan nito at bahagyang makasigaw dahil sa gulat. Hinawakan ni Cormac ang kanyang baba at aga siyang siniil ng halik sa kanyang manipis na labi. Hindi tulad ng magaan na halik kanina lang, ang halik na ito ay bahagyang mapusok. Mabilis niyang ibinuka ang mga labi at ang mga kamay nito ay tila naging mapangahas, na humahaplos sa kanyang likuran. Matapos ang mahabang paghalik, nag-aatubiling binitawan ni Cormac si Amelia. Sa pagtingin sa babae na nasa kanyang mga bisig na may namumulang mukha na parang mansanas, ang kanyang puso ay lumambot. "Amelia, salamat sa pagtitiwala mo sa akin," anas niya sa tainga nito.
Pagkatapos ng isang nakakapagod na araw, sa wakas ay nakita ni Amelia si Jerome na lumabas mula sa opisina nito pagdating ng gabi, na may gasa sa kanyang mukha. Nang makita siya ni Jerome sa opisina ay saglit itong natigilan, ngunit hindi nagtagal ay sinabi nito sa lahat ng empleyado: "Oras na para umalis tayo at pumunta na sa kalapit na KTV bar." Naghiyawan ang lahat, at sabay na bumaba, at sumakay ng taxi papunta sa KTV na hindi kalayuan sa kumpanya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, pagpasok pa lang nila ay may nakita silang magandang babae na kumakaway sa kanila sa pintuan ng KTV, "Jerome, dito, dito!" Nang makita ang babae, si Amelia ay natigilan saglit. Si Aurora iyon. Si Aurora ay nakasuot ng napakaseksi ngayon, na may itim na vest at maikling palda, at mainit na katawan. Natigilan lahat ang mga kasamahang lalaki sa magazine sa paligid niya. Habang naglalakad sila papasok ay agad na lumapit si Aurira at natural na ipinulupot ang mga braso nit
Napakunot ang noo ni Amelia at itinaas ang kanyang ulo, at nakita si Aurora sa likod niya sa salamin habang may galit sa mga mata nitong nakatingin sa kanya. Lihim siyang nakaramdam ng pagkainis. Sa dami ng tao bakit ito pa ang masasalamuha niya sa ganito pang pagkakataon. Pero wala siyang gustong sabihin, naghugas na lang siya ng kamay at naghanda sa pagpunta sa loob ng banyo. Ngunit hinawakan ni Aurora ang kanyang pulso at sinigawan siya: "huwag mo akong talikuran, Amelia!" Sumimangot si Amelia. Ano na naman ang kaya ang problema ng babaeng ito? "Ano ba ang kailangan mo?" Malamig ang mga matang tiningnan niya si Aurora. "Ako dapat ang magtanong kung ano ang kailangan mo at ang binabalak mong gawin!" Halatang medyo lasing si Aurora, at sinigawan si Amelia, "Narinig ko ang pag-uusap ninyo kaninang dalawa! Tungkol saan ang pinagsasabi mo kay Jerome! Gusto mo bang mapalapit muli sa kanya!" Sumimangot si Amelia. Tila narinig ni Aurora
Pwede kayang... Iniisip ang baso ng juice na kakainom pa lang niya, hindi mapigilan ng katawan ni Amelia na manginig. Gusto niyang umalis sa lugar na iyon ng mabilis, ngunit ramdam niyang nanghihina ang kanyang mga paa dahilan para hindi niya iyon magawang maihakbang. Sa sobrang takot ay kinuha niya ang kanyang cellphone nang hindi nag-iisip at nag-dial ng numero. Ilang sandali lang na nag ring ang nasa kabilang linya, at mabilis na nakonekta ang tawag. "Hello." Ang mababa at sexy na boses ni Cormac ay narinig niya mula sa kabilang linya. "Cormac, iligtas mo ako!" aniya. Walang kamalay-malay, si Amelia mismo ay hindi napagtanto na ang kanyang pagdepende kay Cormac ay umabot na sa puntong iyon. Kapag nakatagpo ng panganib, ang unang tao na pumapasok sa isip niya ay ang tawagan si Cormac,! Sa kabilang banda, maganda ang mood ni Cormac nang matanggap niya ang tawag ni Amelia, ngunit hindi niya inaasahang maririnig niya ang mga salita ni Amelia
Mabilis na naglakad si Cormac palapit kay Amelia at huminto sa harapan nito. Medyo namutla ang maganda nitong mukha. Mabilis niyang niyakap si Amelia at tinitigan ang mukha nitong may bahid ng luha, "Okay ka lang ba, Amelia?" Biglang may napagtanto si Aelia. Tumingin kay Cormac na nakatayo sa kanyang harapan. "Cormac, bakit ka nakatayo? Nasaan ang iyong wheelchair?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Alam mong pampublikong lugar ito at napakaraming tao ang pwedeng makakita sa'yo," sabi pa niya.Kung may makakilala kay Cormac at makarating kay Dominic, hindi ba mawawalan ng saysay ang pagsusumikap ni Cormac sa pagtatago sa loob ng maraming taon? Habang sinasabi niya iyon, itinaas niya ang kanyang ulo at nakita si Pablo na tumatakbo palapit sa kanila mula sa dulo ng corridor may may takot habang tinutulak ang wheelchair ni Cormac. Marahil tumakbo si Cormac para mapuntahan siya agad. Kung ikukumpara ang takot ni Amelia para sa kapakanan ni Cormac, ngunit baliwala na
"Oo naman," mahinang sagot ni Amelia nang hindi alam ang totoo. "Paano ba 'to?" Humakbang palapit sa kanya si Cormac at hinawakan siya nito sa kanyang mga balikat. Paulit-ulit na tumango si Amelia. "wala naman magiging problema sa'kin," aniya Biglang naging malungkot ang mukha ni Cormac na halos hindi talaga makapaniwala sa gustong mangyari ni Amelia. Ayos lang ba talaga? Inisip man lang ba nito kung ano ang pwedeng maging kahinatnan ng gusto nitong mangyari? "Ganito ba ang gusto mong mangyari, Amelia?" Isang bakas ng lamig ang biglang lumitaw sa mga mata ni Cormac at napagtanto ni Amelia na tila may mali. Gayunpaman, huli na ang lahat nang mabilis siyang inihiga ni Cormac sa malaki at malambot na sofa na nasa loob ng kwarto nila. Hindi alam ni Amelia ang gagawin niya. Pinamulahan siya ng mukha at sinubukang magpumiglas pero walang saysay iyon."Cormac, bitawan mo ako! Kung maglakas-loob kang gawin ito kay Francesca, hinding-hindi kita mapa
Nagkatinginan ang dalawa, at agad na ibinuka ni Amelia ang kanyang mga labi sa direksyon ni Francesca, na nagpapahiwatig na may dapat gawin si Cormac. Nangunot ang noo ni Cormac. Pinilit ba siya ni Amelia na makipaglapit sa ibang babae? Hindi namalayan ni Amelia ang binigay na ekspresyon ni Cormac, ngunit itinuro niya si Francesca gamit ang kanyang hintuturo at ang kahulugan ay napakalinaw na. Ngunit hindi pa rin nakipagtulungan si Cormac sa gusto niyang mangyari. Nagkaproblema rin sina Matet at Jorge. "Amelia, kinunan lang namin ng litrato si Francesca na kinunan ang advertisement at mga larawan ni Mr. Fortalejo sa eksena. Ano ang dapat naming gawin kung wala man lang contact ang dalawa?" Nag-isip sandali si Amelia. "Maghintay pa tayo ng kaunti pa, hanggang sa matapos si Frnaces sa photoshoot ads niya." Matapos i-shoot ang ad sa loob ng dalawang oras ay napagod din si Francesca at nagpasyang maupo sa sarili niyang tent. Mabilis na iniabot ng assista
Sa isiping iyon ay bigla siyang nakaisip ng kapilyuhan. [Maaari kitang tulungan na makakuha ng balita. Pero sa isang kondisyon...let me love you tonight.] Pinamulahan ng mukha si Amelia pagkabasa ng message ni Cormac sa kanya. Let me love you tonight... Talaga namang nagagawa pa nitong makipag-deal sa kanya sa mga oras na iyon. Kagat ang ibabang labi na nireplyan niya ito. [Tumigil ka nga sa mga kalokohan mo. Siguro meron kang tinatago ano? kaya ayaw mo akong bigyan ng inpormasyon.] Sa mga oras na iyon ay may lakas ng loob siyang hamunin si Cormac. Nakakalungkot lang dahil mukhang hindi gumana ang ginawa niyang taktoka kay Cormac. Gayunpaman, si Cormac ay talagang curious sa nararamdaman ni Anelua tungkol sa bagay na ito, kaya tiningnan niya ang kanyang iskedyul at nang masiguro na maluwang ang schedule niya ay agad siyang pumayag na pagbigyan si Amelia tungkol sa interview. Si Amelia naman ay tuwang-tuwa nang makita niya ang message sa
Napaawang ang bibing ni Amelia dahil sa gulat. Nakakagulat na balita! Asawa ang mag-iinterview sa asawa na nali-link sa isang celebrity na babae pagkatapos ay ilalabas iyon sa publiko na magdudulot ng malaking pasabog sa buong bansa at sa iba't-ibang bahagi ng mundo. Napakaganda nito! [Ano ang pakiramdam mo kung may babaeng humahabol sa iyo? Ilang beses na kayong nag-date? Paano kayo nagkakilala? Sa tingin mo ba mas maganda siya o mas maganda ang asawa mo...] Ilang interview questions ang pumasok sa isip ni Amelia. at ang interview na ito ay ideya na naman ni Jerome. Naisip ba nito na maari iyon maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nila ni Cormac? Ngayon pa lang parang nakikita na niya kung ano ang gustong mangyari ni Jerome. Nang marinig ng lahat ang sinabi sa kanya ay tila nakaramdam ng simpatya ang mga ito at napailing at nagbuntong-hininga. Ito ay hindi napakadaling gawin, lalo pat hindi madaling kumbinsihin o mapapayag si Cormac na ma
"Salamat para saan?" naguguluhang tanong ni Amelia. Itinaas ni Cormac ang gilid ng kanyang bibig, "Salamat sa pagsasabi sa iyong ina na gusto mo ako." Natigilan si Amelia, at biglang nakaramdam ng init sa kanyang pisngi, at hindi niya mapigilang hawakan si Cormac. Sa katunayan ako ang dapat na magpasalamat sa iyo, Cormac. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Sabi niya sa kanyang isipan. Saglit na nagyakapan ang dalawa, at naramdaman ni Amelia na male-late na siya sa trabaho, kaya siya na ang unang humiwalay. "Cormac, kailangan ko nang pumasok sa trabaho," aniya. Talagang nag-aatubili pa si Cormac na pakawalan sa pagkakayakap si Amelia, ngunit ayaw naman niya itong ma-late sa pagpasok kaya pinakawalan na rin niya ito. Inabot niya ang noo nito at bahagya itong hinalikan sa noo, "Sige na, pumasok ka na," naka ngisi niyang sabi. Agad na siyang pumasok sa building pagkatapos magpaalam kay Cormac. Kakapasok pa lang ni Amelia sa opisina at hindi pa halos nakakapagpahinga at naka
Nang makita ni Alena na ang babaeng anak ay tila tunay na umiibig, ang mga mata niya ay kumikislap. Alam niyang dumaan sa hirap si Amelia, kaya marahil nang mahanap nito ang isang katulad ni Cormac na mabait at mapagkakatiwalaang lalaki at makakaintindi rito at magmamahal rito ng walang kapalit ay handa ulit ang anak na pumasok muli sa panibagong relasyon. Ngunit, si Cormac na ba ang tunay na magdadala kay Amelia sa kanya ng tunay na kaligayahan? Ang mundo ng mga mayayaman ay hindi isang bagay na maaaring pagsamahin ng mga taong tulad nila sa pamamagitan lamang ng pag-ibig. Maaaring maging hadlang iyon para kay Cormac. Makakaya nga ba nitong harapin ang lahat ng pagsubok alang-ala kay Amelia? Alam ni Amelia ang mga alalahanin ng kanyang ina para sa kanya kaya naiintindihan din niya ito. "Okay, mahal kong ina. Paulit-ulit ho akong pinrotektahan ni Cormac sa anumang panganib. Gusto ko ho siya at naniniwala ho ako sa kanya. Tsaka mabuting tao ho si Cormac kaya wag ho kayong mag-aa
"Okay," sangayon ni Amelia. May naisip si Cormac, at ngayon ay tila masasabi na niya iyon. "Sa katunayan, nagsimula akong mag-imbestiga ng ilang bagay tungkol dun," Nakikita niya na merong pakialam si Cormac sa nangyari noon, kung wala, bakit pa ito mag-iimbestiga sa nangyari dalawang taon na ang nakakaraan? Nagdilim ang mga mata ni Amelia. "Ano ang nalaman mo?" tanong niya. Sinabi ni Cormac kay Amelia na hindi ang pinaghihinalaan nilang matandang lalaki ang lumapastangan sa kanya noon, kundi ibang tao. Tungkol naman sa tunay na pagkakakilanlan ng taong iyon, nananatili pa itong iniimbestigahan. Hindi ang matanda, kundi ibang tao. Sino naman kaya iyon? Walang pakialam si Amelia nang marinig niya ang balita. Hindi magbabago ang mantsa sa kanyang katawan dahil matanda man ito o gwapo. Ang lahat ay isang bangungot na hindi na mawawala pa. Napabuntong-hininga si Amelia, "Cormac, hindi na ganoon kahalaga ang taong iyon sa akin ngayon. Gusto ko
Namutla ang mukha ni Amelia. Pakiramdam talaga niya ay nadroga siya kagabi, at hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung sino ang may kagagawan niyon sa kanya, ngunit sa pinapakita ni Aurora ngayon sa kanya, parang gusto niyang isipin na ito ang may gawa ng lahat. Galit na galit siya sa mga oras na iyon, pero iniisip na lang niya na magkapatid sila nito kahit pa alam niyang wala itong pagmamahal sa kanya ay hindi na lang niya ito papatulan. "Aurora, sabihin mo nga sa akin ang totoo, may alam ka ba sa nangyari?" Tumingin si Aurora kay Amelia, na may pang-iinsulto sa mga mata niya. Gusto niya sa paningin ni Amelia dapat siya ang palaging mataas at makapangyarihan at hinding-hindi matatalo kailan man. "Anong pinagsasabi mo? Bakit ako ang tintanong mo? Dapat ikaw ang nakakaalam ng mga ginawa mo kagabi. Pumunta ka sa hotel na ito kahit may asawa ka at nakipagsiping sa ibang lalaki tapos may gana ka pa rin na tanungin ako kung may alam ba ako sa nangyari?"Masaya s
Bago pa tuluyang makalimot si Jerome ay mabilis niyang tinulak palayo si Aurora at agad na umalis sa ibabaw ng kama. Dinampot niya ang mga damit na nagkalat sa sahig tsaka pumasok sa loob ng banyo.Dahil sa ginawang pagtanggi ni Jerome kay Aurora ay nakaramdam siya ng hinanakit sa kanyang puso. Ilang beses na niyang ibinigay ang sarili kay Jerome, at sa bawat minuto na inaangkin siya nito ay hindi nagpapakita ng pagpapahalaga si Jerome sa kanya sa bawat pagkakataong iyon. Naisip tuloy niya, kung si Amelia kaya ang umakit dito, magagawa kaya nitong tanggihan? Kagabi, kung hindi pa siya naglagay ng droga sa baso ng alak ni Jerome ay tiyak na hindi niya ito magagawang akitin. Naalala pa ni Aurora ang mainit na eksena nilang dalawa ni Jerome kagabi. Ngunit ang malinaw niyang naalala kapag sila ay nasa init ng sensasyon ni Jerome ay patuloy nitong inuungol ang pangalan ni Amelia. Nakuyom ni Aurora ang kanyang mga kamay nang maalala ang tagpong iyon. Dahil doon ay lalong nad