Nagulat si Mike matapos marinig ang akusasyong binitawan ng kaibigan nilang doktor. Naglakad siya palapit upang pakinggan pa ang ilan sa mga sasabihin niya at malinawan kung ano ang nangyayari sa kanyang pinsan dahil matagal na rin ito ng huling bumisita sa kanya.
Naninibago si Mike sa ilang linggong hindi pagpaparamdam ng pinsan niya sa kampo nila at alam niya na maaring may problema ito dahil ni tawag o text ay wala itong natatanggap mula sa kanya.
Tumayo ng tuwid si Caspian saka pinunasan ang konting dugo sa gilid ng kanyang labi na parang hindi man lang nasaktan sa binigay na suntok ng doktor sa kanya. “That’s none of your business,” maangas na tugon niya.
Nagsalubong ang magkabilang kilay ni Mike ng marinig ang isinagot ng mister ng kanyang pinsan at nabuo ang kanyang haka-haka na maaring totoo ang akusasyon ni Luigi.
“Okay, let’s say that’s not my business but have you ever thought how
Hindi naglaan ng oras para makipag-usap sa babaeng nakabangga kay Brent at nilagpasan niya lamang ito matapos humingi ng tawad, inisip naman ng babae na baka galit ito sa kanya kaya naisip niyang sundan ito at humingi ng tawad sa lalaking kanyang hinahangaan. Binilisan ni Brent ang paglakad dahil sa mensahe ng kakilala niya na nakita daw ang nobya niya sa labas ng kampo nila at inaakalang sosorpresahin siya. Paglabas niya ay labis ang pagkasorpresa niya dahil nakita lang naman niya ang kanyang babaeng minamahal na niyakap ang sumulpot sa kung saan na lalaki saka biglang hinalikan ito. Napakagat sa ibang labi si Brent habang pinipilit nah wag tumulo ang kanyang mga luha, tumalikod siya at kinuha ang kanyang selpon saka nagtext sa babae ng ganito, “let’s break up, ayoko sa mga babaeng MANLOLOKO.” Pagkatapos ay blinock na niya ang numero ng babae sa kanyang contacts habang pabalik siya sa loob ay bumangga na naman sa
“Sigurado ka ba sa nakita mo, Eunice?” Paninigurado ni Brenda sa kanyang kapatid.“Siguradong-sigurado at 101 percent pa, si Steph ang nakita ko sa video na nakikipagkarera,” nanlalaki ang mata ni Eunice habang iminumustra ang kanyang napanuod na video.“Saan mo nakita ang video na yun? Kanina ko pa hinahanap, e, hanggang ngayon ay wala pa rin akong makita,” reklamo ng ate niyang si Brenda.“Ate, nandito lang sa peysbuk yung video,” sagot nito.“Hindi ko nga makita kung nasaan,” himutok ni Brenda.“Ganto na lang, isesend ko na lang sayo ang mismong video,” hinila ni Eunice ang kanyang selpon mula sa bulsa at agad na isinend ang video sa kanyang ate.Matagal na natahimik si Brenda matapos makuha ang mensahe na galing sa kanyang kapatid na ilang taon lamang ang tanda sa kanya
Nang makalayo si Aly sa dalawang magkapatid na pinsan ng kanyang kaibigan ay saka lamang siya nataranta at nagmadaling sumakay ng kanyang kotse at minaneho ito pabalik sa klinika ng kanyang kaibigan upang ipaalam ang planong gagawin ng magkapatid. Alam niyang nais ng dalawa na takutin siya tungkol sa video buti na lamang at natanaw niya ang dalawa at narinig ang pag-uusap nito kaya nakaakto na agad siyang walang pakialam sa harap ng dalawa.Humahangos siyang pumasok sa loob ng opisina ni Luigi na siya namang ikinagulat ng doktor ng makita siyang muli dito.“Oh, bakit ka bumalik?” mahinahong tanong ni Luigi nang mag-angat siya ng kanyang ulo at bumungad sa kaniya ang mukha ng kaibigan.Naglakad siya palapit sa desk ng doktor at walang ano-anu’y naupo dito, “si Steph…” humihingal niyang sabi.Nakuha nito ang interest ng doktor, “ano si Steph?&rdq
“Steph’s POV”“Lo, ihatid ko lang sila palabas,” sabi ko. Sinusundan ko lamang ang dalawa kong pinsan hanggang sa makalayo ako kina lolo ay saka ko sila kokomprontahin.“Sandali…” Sabi ko sa dalawa, akala siguro nila ay makakaalis sila ng basta matapos nila akong planong ipasama pati na rin si lolo.Napahinto ang dalawa sa paglalakad at hinarap ako na may inis, “ano bang kailangan mo samin? Nagmamadali kami papasok ng kumpanya at bawal ma-delay ang aming trabaho, will you compensate for the losses?” mataray na sabi ni Brenda.Ngumiti ako sa sinabi niyang pananakot sakin, “bakit ako ang sisingilin niyo sa crisis na nangyayari sa kumpanya niyo? Nakalimutan niyo yatang kayo ang dahilan nito dahil super busy kayo sa paghahanap ng ipapansira sakin kay lolo, maswerte kayong dalawa at walang masamang nangyari kay lolo sa mga pinagsasabi niyo
Hindi pa rin kinikibo ni Steph ang mister simula ng dumating ito sa mansion ng kanyang mga lolo hanggang sa matapos ang kanyang pagbabantay sa inihaw ay umiiwas pa rin siya sa asawa.Nagtungo siya sa kusina at doon naman ay naghain na ng kanilang kakainin sa tanghalian ang hindi niya namamalayang sinundan pala siya ng kanyang mister.“Hanggang kailan mo ako hindi kakausapin?” Nagulat siya nang marinig ang boses ng kanyang mister, hindi siya nagpahalata na nagulat siya dito at hindi rin niya ito nilingon. Nagpatuloy lamang siya sa kanyang ginagawa.Ayaw ni Steph na umabot pa sa sumbatan ang kanilang pag-uusap, pinipilit na lamang niya na ayos lang ang lahat sa kanila kahit ang totoo ay sobrang nasasaktan pa rin siya sa ginawa ng kanyang mister. Masakit ito pero kailangan niyang magpakatatag at isawalang bahala na lang ang presensya nito dahil hindi niya ito pwedeng awayin sa lugar na ito dahil ayaw niyang mag-
Nakabalik nang muli si Stephanie sa tirahan nilang mag-asawa at wala siyang nagawa kundi sundin ang kanyang mister na umuwi.Isang tanghali, nagising si Steph na abala si Elise sa pagluluto sa kusina. Naglakad siya patungo roon para uminom ng tubig, “would you like me to help you?” Napipilitan niyang tanong sa dalaga, nagulat si Steph ng makita ang umaangat na takip ng kaserola dahil sa pagkulo kaya’t hindi siya nakapag-isip ng matino at hinawakan niya ang takip ngunit hindi pa man matagal ang pagkakahawak niya ay nabitawan niya ang takip sa sahig habang si Elise naman ay malakas na napasigaw.Mabilis namang kumaripas ng takbo si Caspian ng marinig ang sigaw ni Elise, nagulat si Steph ng biglang sumulpot ang kanyang mister at nilagpasan lamang siya upang tingnan ang kalagayan ni Elise.“Anong nangyari sa’yo?” tanong nito ng may pag-alala.“I cut
“Caspian’s POV”“When do you plan to move back to your house?” nagkalakas na rin ako ng loob na itanong ang tanong na matagal ko ng pinipilit itago sa aking sarili. Sobrang naba-bother na ako dahil sa patuloy na pag-stay niya rito, ayokong siya ang maging dahilan ng tuluyang pagkasira ng relasyon namin ni Steph. Gusto kong hayaan na lang na kami ni Steph ang tumapos ng kung anong meron kami ngayon. I don’t want to drag anybody in my problem, alam ko rin na kaya mas pinili niyang sa bahay ko makituloy ay dahil meron siyang pagtingin sa akin noon pa lamang.Sinadya ko talagang patuluyin muna siya dito para palayuin ang loob ni Steph sakin at ngayong nagtagumpay na ako sa plano ko ay kailangan ko na siyang pabalikin sa kanila o manatili sa hotel dahil ayokong masira ang pagtingin ko sa kanya dahil sa mga kasinungalingan niya.Alam kong hindi kasalanan ng misis ko ang nangyaring pagkahiwa
Another week had passed. Nanatili pa rin na nakatira si Elise kasama ng mag-asawa sa iisang bahay at walang makapipigil sa kanyang mga plano, hindi niya balak tumigil hanggang hindi siya nagtatagumpay sa kanyang nais na maagaw si Caspian mula sa misis nito.Inis na inis si Steph sa kilos ng babae sa loob ng kanilang pamamahay na para bang siya ang misis ni Caspian, sa lahat ng gawaing bahay ay mahusay si Elise lalo na sa pagluluto ng kanilang pagkain sa buong maghapon sa araw-araw. Wala namang magawa si Steph at ni hindi rin niya plinanong pigilan ang dalaga sa ginagawa nito dahil alam niyang siya na naman ang magiging mali sa mata ng kanyang asawa.Sawang-sawa ni Steph sa kakatiyaga niyang panuorin ang kalambingan nitong si Elise sa kanyang asawa kaya naman sa labas na lang siya kumakain para makaiwas sa dalawa. Sa mga nakalipas na araw ay hindi pa rin nagkikibuan ang mag-asawa at kung magkasalubong man sila ng harapan ay si S