Nabaling ang pansin ni Stephanie sa isang malaking tarpaulin na naka-portrait ang mukha nilang dalawang bagong kasal na bumungad sa entrance ng hall ng resort na pagmamay-ari ng pamilya ng asawa ni Steph. Napahinto sya sa paglalakad upang pagmasdan ito, “you are lucky to stand next to an adorable man like me." Bulong ni Caspian sa kaniya.
Kumurba ang labi niya ng lingunin ang asawa, nagmasid siya paligid at isa-isa niyang inobserbahan ang mukha ng mga waiter. Her eyes sparkled and ngumiti ng malaki ng matagpuan niya kaniyang mga mata ang isang makisig na serbidero mula sa malayo. "I don’t think you are right dahil higit na may itsura ang lalaking yun kaysa sa iyo," tuwang-tuwa niyang itinuro ang lalaki.
Labis ang pagkadismaya niya ng makita nya si Steph na sobrang saya habang nakamasid sa ibang lalaki. Sinundan niya ng tingin ang lalaking tinutukoy nito at sinipat kung mayroon nga bang mas kikisig pa sa isang katulad niya. Iniharang niya ang kaniyang katawan at tinitigan ang kaniyang asawa na tuwang-tuwa na masdan ang ibang lalaki.
He took her hand in his. "Pwede bang tigilan mo na ang kakatingin mo sa ibang lalaki? Pinapahiya mo ako sa harap ng maraming tao,” naiinis na sambit ni Caspian.
Nagmasid sa paligid si Steph at nakitang maraming mga tao ang nakatingin sa kanila. "Paano kung hindi ko mapigilan ang aking sarili na tumingin sa ibang mga lalaki?" Nakangisi niyang pang-aasar. "Let's see, kung anong magagawa mo," sabi nito sa loob-loob niya.
Nilapit ni Caspian ang kaniyang mukha malapit sa leeg nito, and his breath sent thrills up and down her spine. "Hindi mo gugustuhing malaman kung paano ako gaganti sayo mamayang gabi," pananakot niya.
"What does this man intend to do with me?" Tanong niya sa sarili. Nang maisip niya ang tinutukoy ng asawa ay labis ang pagdagundong ng kanyang puso at maging ang pisngi nito ay labi ang pamumula.
Nanlaki ang kaniyang maliit at singkit na mata nang ilayo ni Caspian ang kaniyang mukha, "let’s go?" Pag-aaya nito habang iniaalok ang kanyang braso sa asawa upang sa kaniya ay kamupit. Tinitigan lang ito ni Steph at nagdadalawang isip kung tatanggapin ba niya ito o hindi ngunit tinitigan sya nito na parang sinasabing hawakan ang kanyang braso.
Niyapos ni Steph ang braso ng asawa at naglakad paakyat ng stage ng tawagin sila ng emcee, "let’s welcome our newlyweds, Mr. and Mrs. Ardiente!" Inanunsyo ng emcee sa mga guest at bisita.
Ang bagong kasal ay nagtitinginan sa mata na para bang silang dalawa ay inlab na inlab sa isa’t-isa habang umaakyat sa entablado.
Nagpasalamat ng bagong kasal sa mga dumating na bisita sa espesyal na araw na ito.
Caspian parted ways with Stephanie when he noticed his friends coming to the event ng hindi pinapaalam sa kanyang asawa.
"Congratulations, dude!" Bati ng mga ito sa kaniya.
Sina Ivan, Lawrence, Jerome, at Brent ay mga ka-batch ni Caspian sa Academy.
"Hindi parin ako makapaninwala na mas nauna ka pa sa'ming magpakasal, si Caspian Ardiente na kilala ng lahat at maraming sinaktang babae ay napiling lumagay sa tahimik?!" Salubong na sambit ni Lawrence sa papalapit na si Caspian.
"Exactly! Buong pag-aakala ko ay hindi nya seseryosohin ang lahat ng babae na dine-date niya dahil lagi niyang sinasabing walang sinumang babae ang makapagpapaamo sa isang lion na katulad niya." Pagpapatuloy ni Brent at nagtatawanan naman ang iba habang inaalala ang mga pinagsasabi ni Caspian sa kanila noon.
"Caspian, bakit hindi mo kaya kami ipakilala sa iyong asawa?" Suhestiyon ni Ivan.
Habang ang kanyang mga kaibigan ay naghihintay ng kanyang sagot, mabilis naman na hinanap ng mga mata niya ang kaniyang asawa ngunit natagpuan niya itong masayang nakikipaghuntahan sa isang waiter at kung hindi sya nagkakamali iyon rin ang tinutukoy nitong higit na kaakit-akit sa kaniyang mga mata.
"Anong tinitingnan mo dyan, dude?" Tanong ni Brent.
Nagdilim ang mga mata ni Caspian at kinuyom ang kanyang palad habang nakatitig sa kinaroroonan ng kaniyang asawa at hindi nito sinagot ang tanong ng kaibigan kaya naman nagbalak si Brent na sundan narin ng tingin ang kanina pa tinitingnan ng kaibigan na agad naman niyang napansin.
Tinawag niya ang waiter na papalapit sa kinaroroonan nila upang maibaling niya sa iba ang atensyon ng mga kaibigan at inalok ng baso ng wine ang mga ito.
They all get a glass of wine on the tray that a man is holding, bumulong si Caspian sa isang waiter at inutusan itong puntahan ang kasamahan na kumakausap sa kaniyang asawa.
"Hey, Caspian. Call your wife and introduce her to us. Gusto na naming makilala ang nag-iisang babaeng nagpatibok at nagpaamo ng puso mong sabik sa mga kababaihan," Jerome demands.
"May iba pang pagkakataon para makilala nyo siya pero hindi ngayon, masyado ng pagod ang asawa ko at mukhang kailangan ko na siyang iuwi," he searched for her again at napangiti siya ng matagpuan itong na mag-isa na lamang.
Ito ang unang araw na nakaramdam siya na hindi komportable sa paligid dahil sa kakaiba makatingin sa kaniya ang mga nasa paligid na mga babae na tila gusto siyang kainin ng buhay kung makatingin.
She chose to talk to the handsome waiter she spotted, but eventually, bigla itong nawala sa gitna ng kasiyahan at hindi na bumalik, "where is he?" Malungkot niyang nasabi habang ang kaniyang mga mata ay patuloy parin ang paghahanap at umaasang matatagpuang muli ang binata.
"Ako ba ang hinahanap mo, my Mrs. Ardiente?" Narinig niya ang boses ng asawa mula sa likuran. She grimaced at pineke ang mga ngiti.
"Mrs. Ardiente mo mukha mo!" Inis na bulong niya ng harapin niya ito. "Why would I do that?" Tumayo siya at hinalukipkip ang mga kamay.
Lumapit ang asawa sa kaniya ang kinulong siya nito sa kaniyang bisig. He moves his lips closer to her ears, "pwede bang maging malambing man lang sakin kahit sa harap lang ng ibang tao?" Madiin nitong hiling.
Natatawa sya sa nakikitang pagkainis nito sa kanya, "I didn’t hear that the man I married was hot-headed," she muttered.
"What are you muttering about?" Tanong nito.
"I said, that I am tired, so how can I smile? Nung nakaraan pa ako ngiti ng ngiti, sumasakit na nga ang panga ko kakangiti," reklamo nito na parang dose anyos na bata na inagawan ng lollipop.
Caspian quietly chuckled at her foolish behavior. Naisip niyang magpaalam na sa mga bisita ngunit pinatuloy parin niya ang programa sa emcee upang magsaya naman ang mga bisita.
"Bakit aalis na tayo kaagad?" Tanong ni Steph.
"Hindi ba’t nagrereklamo ka kanina lang?" Sarkastiko nitong tugon sa kanya.
Walang ano-anu'y tahimik sinundan na lamang ang asawa palabas ng venue. "May puso naman pala siya kahit papaano," bulong nya sa kaniyang sarili.
Isa sa malapit na kaibigan ni Caspian na sa Philippine Army na si Albert ay nagprisintang ipagmaneho sila patungo sa kanilang condominium. Lumabas si Caspian sa sasakyan ng dumating sila sa paroroonan at hinihintay na bumaba narin ang asawa mula sa sasakyan.
Hinihintay ni Steph na pagbuksan siya ng pinto ng asawa ngunit natagpuan niya itong nakatayo lamang sa labas at hinihintay sya. Matagal siyang nanatili sa loob at nakipagmatigasan sa asawa upang pagbuksan siya nito ng pinto hanggang sa mainip si Caspian at inis na kinatok ang bintana.
Tumambad sa kaniya ang iritableng mukha ng asawa matapos niyang ibaba ng binta ng sasakyan. "Ano pang ginagawa mo dyan?! Bumaba kana!" Masungit na utos nito sa kaniya.
Ngumuso siya at tinalikuran ito habang binubuksan ang pinto ng sasakyan at tamad na bumaba mula rito. "Ano naman kayang nakita nung mga babae yun na kaakit-akit sa lalaking ito? He's not a gentleman at all! He is selfish, obnoxious, and egotistical,” hinaing niya ng mahina.
Caspian was watching her. His heart was celebrating seeing her irritated. He saw her hold each hem of her wedding gown while he was standing at the doorway, waiting for his wife to come.
"Faster! It’s getting dark and I am in hurry," he instructed, and he grins at her when he notices she is making faces at him.
"I should have asked his name and added him on his social media account, but it's a pity that I didn’t have a chance to know his name at meron na sana kaming bagong drummer sa banda," malungkot nyang reklamo habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ni Caspian.
"Siguro ay nabulag sa itsura nito ang aking mga magulang kung kaya siya ang pinili para sakin na aking pakasalan. What’s so good about having a soldier as a husband?"
Nang mapansin ni Caspian na madulas at basa ang daan ay awtomatikong nagtungo ang kaniyang mga paa sa kinaroroonan ni Stephanie sa hindi nya malamang dahilan. Itinulak niya ito upang hindi madulas ngunit ito ang naging sanhi ng pagtilapon ng dalaga sa basang damuhan.
Galit na tinapunan niya ito ng tingin at sumigaw, "nasisiraan ka na ba? Why did you push me?!"
Nanatiling tahimik si Caspian at iniabot ang kanyang kamay upang tulungan siyang tumayo, subalit hindi niya ito tinanggap. Tumayo siya ng kaniya at nag-martsa patungo sa harap ng pintuan ng bahay. Hindi na niya ninais pang pagmasdan ang bahay na inuwian dahil narin sa kaniyang plano.
"Open the door now, akala ko ba nagmamadali ka?" Supladang utos into sa asawa.
Tumakbo si Caspian palapit sa kaniya at binuksan ang pinto, hindi na niya hinintay na unang makapasok ang asawa at mabilis siyang nagtungo sa ikalawang palapag ng bahay.
Nakakunot ang noo ni Steph habang tahimik na pinanonood ang asawa sa pagbaba ng hagdan na may dalang dalawang malaking bag.
"Hey!!" Sigaw niya ng mapansing diretso itong naglakad patungo sa pinto, "where are you planning to go?" Tanong niya ng makitang akmang lalabas na ito.
Nilingon siya ni Caspian at naglakad patungo sa kaniya, "can’t you tell? I am going back to the camp." Arogante nitong sagot.
"Ganun? Pwedeng mag-usap muna tayo saglit?" Hiling ni Steph.
Caspian smiled ng humiling siya sa pag-aakalang pipigilan siya nitong umalis. Nais sana niyang sa bahay na lang mag-stay muna upang lubusang makilala ang pinakasalan ngunit pansin niyang medyo inis sa kaniya ang asawa sa hindi niya malamang dahilan.
"Are you trying to persuade me not to leave the house tonight?" Nakangisi nyang tanong.
"Oh no, dear! Please don’t misunderstand my intention, I am asking you to stay here for a while because…" May hinila siyang sobre mula sa kaniyang likuran, "of this," masaya niyang dagdag.
"Ano to?" Kita sa mukha ni Caspian ang pagkagulo.
"A written agreement at gusto kong pirmahan mo it.” Isang ngiti ang pinakawalan niya matapos sagutin ang tanong ng asawa
"Contract?"
---
Tinapunan ni Caspian ng isang matalas na tingin ang asawa ng makita ang brown envelope na hawak nito at sinabing, "I'm not going to waste my time with your crap. I must report to the barracks tonight," tumalikod siya ng hindi tinitingnan ang laman ng envelope.Tumakbo siya patungo rito at niyakap ang braso nito, "pwede bang pakinggan mo muna ako? I know you were shocked to marry me too. We are both placed in this situation where we can’t back out but... I prepared a plan so that we could both go back to our own lives," sinubukan niyang kumbinsihin ito."What exactly do you mean?" Sa wakas ay hinarap na siya nito. Bumaling ang paningin niya sa braso nya kung saan nakahawak si Stephanie at saka tumingin sa kanya na para bang nag-uutos na bitawan siya.Agad niyang binitawan ang braso nito at nahihiyang ngumisi sa asawa.Pinakita niya ang sobre at sinabing, "naghanda ako ng kontrata na nagsasaad ng
She had been keeping an eye on this delivery guy. She noticed that he has been looking inside the house and had been acting strangely. He might be planning badly against her! She thought about it.Magulo ang kaniyang isipan at hindi makapag-isip ng plano kung paano niya mapoprotektahan ang kaniyang sarili kung sakali mang atakihin siya ng lalaking kaharap, she panicked when she realized that she was only wearing a thin nightgown.She was breathing hard, her pulse was beating, and cold perspiration was dripping down her whole body.As she noticed him taking a step closer to her, she lowered her gaze into her chest and quickly covered it with her arms. She freaked out ng maramdaman nya ang kamay sa kanyang balikat na mula sa kanyang likuran.Her heart was beating fast as if she was going to have a heart attack.Naramdaman niya ang paghatak nito sa kaniya palapit sa matipuno n
“Maghintay ka lang, darating din ang panahon na matututo akong magluto ngunit sa araw na dumating yun, sigurado akong hindi mo matitikman ang higit na masarap kong luto dahil hiwalay na tayo ng araw na iyon,” bulong ni Steph na nag-eenjoy sa paghihiwa ng mga gulay, binilisan niya ang paghiwa ng gulay na parang isang bihasa na sa paghihiwa hanggang sa hindi inaasahang mahiwa niya ng talim ang kanyang daliri.Isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya na nag-alarma kay Caspian na kasalukuyang okupado sa pagtanggap ng parcel sa delivery man. Mabilis siyang tumakbo patungo sa kusina pagkatapos matanggap ang parcel upang alamin ang kalagayan ng asawa."Anong nangyari sa iyo?" Alalang tanong nito habang hinahabol ang hininga, nilingon siya ni Steph at pinakita ang dumudugo nitong hintuturo."I cut my finger," sumbong nito na pinipilit palakasin ang loob at hwag umiyak sa harap ng asawa.
Iba’t-ibang kulay ng confetti ang humagis sa ere matapos ang isang malakas na pagputok mula sa malaking kahon at unti-unting nahulog at kumalat sa sahig ng buong living room.Naagaw ang pansin ni Caspian ng may isa pang maliit na kahon ang humagis sa ere na nanggaling rin sa loob ng malaking kahon.Labis ang pagkagulat rin niya dahil ito pala ang sinasabi ng kaniyang pinsan na si Dennis na noo’y pinaalalahanan siyang magpapadala ng isang malaking pasabog para sa kanilang mag-asawa. Hindi naman niya ini-expect na literal na pagsabog pala ang mangyayari sa surpresang ito.Ang mga mata niya ay nakapako pa rin sa maliit na kahon na nahuhulog mula sa ere at niluwa ang kulay pulang manipis na mga damit at sumamasayaw patungo sa kanyang direksyon.Unti-unting iminulat ni Stephanie ang kanyang mga mata, magkahalong pagkagulat at tuwa ang kaniyang naramdaman ng malamang buhay at humihinga pa
Nakahain ang mga pagkain sa mesa kung san naroon ang lutong gulay, sausages, kanin, pati narin ang dalawang baso ng gatas.Ang mag-asawa ay nakaupo sa magkabilang upuan habang nakikiramdam sa isa’t-isa.Stephanie was starving to death ngunit nag-aalangan parin galawin ang nakahaing pagkain sa mesa. Napansin ni Caspian na hindi pa nito ginagalaw ang mga pagkain na kanyang niluto kahit alam niyang nagugutom na ito."Bakit hindi ka pa magsimulang kumain? Ayaw mo ba ng mga pagkaing niluto ko?" Duda ng asawa."I – I didn’t mean that. Kasi-- kasi hindi ka parin nagsisimulang kumain," nahihiya niyang tugon.Naisip ni Caspian na nahihiya ang asawa na sya namang kumuha ng kanyang atensyon upang titigan siya nito.Ito ang unang pagkakataon na napagmasdan niya ang bawat detalye ng mukha ni Steph. Madali niyang napansin ang mahaba at itimang mga pilikma
"Anong iniisip niya? Bakit niya ako hinalikan?!" Iritable niyang pinunasan ang kanyang mga labi habang nag-aabang sa pagpasok muli ng asawa sa loob ng kanilang bahay.Tinitigan niya lang ito ng matagal na parang nais niya itong saktan sa mga titig na kaniyang binibigay sa asawa, "anong problema mo?" Tanong ni Caspian na parang walang nangyari."Ikaw! Magnanakaw ka!" Tili niya at dinuro siya."Anong magnanakaw? Nasisiraan kana ba?" Walang muwang na sinabi niya."Masisiraan na talaga ako kapag sinubukan mo akong halikan uli dahil baka mapatay na kita!" Pagbabanta niya.Napatawa siya ng maalala ang halik na kanina’y kanilang pinagsaluhan at matapang na humakbang pasulong mula sa kinatatayuan ni Steph."Anong binabalak mo?" Kinakabahan niyang tanong habang umaatras ngunit hindi siya nito sinagot at nagpatuloy sa paghakbang palapit sa kaniya. Napansin ni Ste
“Hindi mo alam ang mararamdaman ko kung ako ang sisisihin nila kung sakali mang may mangyaring masama sa’yo ng dahil sa pagiging matigas ng ulo mo!” Inis na sabi ni Caspian sa asawa. Nawala na parang bula ang mga paru-paro na kanina’y nararamdaman niya sa kaniyang tiyan at napalitan ng kirot na tila pinipiga ang kaniyang kasukasuan. “Hindi ba’t sinabihan na kita na wag kang sasama sa kung kani-kaninong lalaki?” Dagdag pa nito habang naglalakad napatigil siya sa kaniyang paglalakad ng hindi sumagot ang asawa kaya naman nilingon niya ito sa kaniyang likuran ngunit natagpuan niya itong nakaupo sa sahig at tila namimilipit sa di kalayuan. Nakaramdam siya ng pangamba ng makita itong mukhang hindi maganda ang lagay, mabilis siyang nanakbo papunta sa kinaroroonan ng asawa. “Anong nangyayari sa’yo?” Nag-aalalang tanong niya. “Wala kana dun, hindi ba’t wala ka namang pakialam talaga sakin?!” Nagtatamp
“Steph, bumaba ka dyan nakakahiya. Pinagtitinginan ka nila,” mahina niyang utos sa asawa ng makalapit sa kaniya.Nakita ni Steph ang mabilis na pagtalon ng bubwit patungo sa kaniyang kinaroroonan na naging sanhi ng biglaan niyang pagyapos sa leeg ng kernel at pagpulupot ng kaniyang mga binti sa bewang nito.Napatulala si Caspian ng gawin iyon ng asawa at tila nakuryente ng dumikit ang balat nito sa kaniya habang walang tigil na pagtatambol ang kaniyang nararamdaman sa loob ng kaniyang dibdib.“Wag mo akong bibitawan, please,” takot na takot na bulong niya habang tumutulo ang kanyang luha.Napansin ni Caspian ang labis na takot nito na sa buong pag-aakala niya kanina ay gusto lang kunin ang atensyon ng lahat, ibinababa niya ang kaniyang paningin sa kinaroroonan ng asawa ngunit pumukaw sa kaniyang paningin ang nakakasilaw na makinis nitong legs dahil sa unti-unting pag-angat ng
Hindi mapalagay si Steph sa biglaang pagpoprose sa kanya ng dati niyang asawa sa harap ng mga kadete. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang buong paligid. Matagal niyang tinitigan ang kumikinang na dyamanteng singsing sa kanyang harapan saka ibinaling ang paningin sa mukha ng kanyang dating asawa habang ang mga taong nasa paligid ay sumisigaw ng say yes!“Darling?” tawag niya habang iniaalok ang singsing sa kanya, hindi siya makapagsalita ng kahit ano dahil sa pagkaoverwhelmed sa nangyayari at patuloy pa rin ang pagbagsak ng kanyang mga luha na para bang wala ng bukas. Hindi siya lumuluha ng dahil sa lungkot, siya ay umiiyak ng dahil sa saying kanyang nararamdaman.Muling nagtanong si Caspian, “darling, will you marry me again?”Kusang gumalaw ang ulo niya at tumango sa tanong nito, “y—yes!”Maligayang inilagay ni Caspian s
“Steph’s POV”Pinipilit kong iwasan ang mga mata niyang kanina pa hinuhuli ang aking mga mata hangga’t kaya ko ay gagawin ko dahil ayoko na.Ayoko nang umiyak pa ng paulit-ulit sa isang taong minsan na akong sinaktan ngunit anong magagawa ko? Hindi ko naman matuturuan ang aking puso na huminto sa pagmamahal sa kanya, napakasakit para sakin na magpapakasal siya sa iba habang ako lugmok pa rin sa kalungkutan.Nakakalimang subo pa lamang ako ng pagkain ngunit parang ayoko ng ubusin ang lahat ng ito kahit gutom pa ‘ko dahil sa mga titig niya saking nakakatunaw.“Will you stop staring at me?” inis kong sabi sa kanya habang nakatuon pa rin ang aking mga mata sa pagkain.“I’m not,” tipid niyang sagot.“Nakatingin ka sakin,” mariin kong pag-uulit.“Paano mo nalamang nakatingin ako sa
Isang umaga ay nagising si Steph sa magkakasunod na katok sa kanyang pintuan kaya agad siyang napatayo at nagtungo roon kahit wala pang hilamos, nagulat siya ng bumungad sa kanyang harapan ang isang sundalo.“Good morning, ma’am. You need to jog for two laps, that’s an order!” sabi nito.Tumango siya at hindi nakapagreklamo dito, agad siyang nagpalit ng black shirt at yellow athletic short na mas lalong nagpaangat ng kanyang kulay saka nagsuot ng snickers kahit wala pang almusal ay sinikap niyang sundin ang utos sa kanya. Ikinabit rin niya ang kanyang running belt and she’s ready to go.Lumabas na siya para sundan ang lalaki, dinala siya nito sa field. “Should I start now?” tanong niya.“Yes, ma’am.” Sagot nito.Sinimulan na ni Steph ang pagjog sa track, matagal na rin ng huling makatakbo ng ganito si Steph
“Paano ba yan? Mukhang hanggang dito na lang kita maihahatid, my manager keeps on calling me,” sabi ni Steph kay Beatriz habang pinakikita ang kanyang teleponong walang tigil ang pagtunog.“Okay lang, thank you for helping me out,” nakangiting sagot nito.Bumaba ng sasakyan ang dalawa at tumayo sa tapat ng diamond studio, tinapik ni Steph ang balikat ng dalaga saka bumulong.“Don’t get too hard on yourself, isipin mong makakayanan mo rin ang lahat ng ito.” Payo niya bago iwan si Beatriz.Naglakad papasok sa loob si Steph, naabutan niya ang kanyang manager na nakaabang sa entrance at halos hindi mapakali doon.“My God, Steph! Kanina pa kita tinatawagan, bakit ngayon ka lang?” Naghihysterical niyang tanong.“Relax, Vi. Umattend lang ako ng kasal, aren’t you happy seeing me?” p
“Beatriz’s POV”Hindi ko alam kung saan ko napulot ang lakas ng loob na umattend sa misa ng kasal ng lalaking aking pinag-alayan ng pag-ibig pero heto ako nakaupo sa hanay ng mga guest sa loob ng simbahan. Siguro ay pinagtatawanan ako ngayon ng mga bisitang nakakaalam ng relasyon namin noon ni Ivan dahil sa pagpapakita ko sa araw ng kasal ng taong minamahal ko.I did not intend to attend their wedding today but I have no choice kundi ang ipamukha sa sarili ko na I don’t deserve this man at para na rin gisingin ang sarili ko na itigil na ang katangahang umasa pa sa kanya. Ayoko ng maghintay at maniwala sa mga pangako niya sakin dahil nasa harap ko na ang masakit na katotohanan.Nararamdaman ko ang mainit na tingin sakin ni Ivan mula sa kanyang kinatatayuan, ayoko sanang tingnan siya pero ito na lang ang aking huling pagkakataon na tumingin sa kaniya.Pinilit kong ngumiti sa kanya pero ang na
Binitiwan ni Steph ang kamay ng kanyang kaibigan ng makalayo na sila sa maraming tao saka huminto, hinabol niya ang kanyang hininga at pinaypayan ang sarili.Nang makapahinga na siya ay hinarap niya si Luigi at tiningnan ng seryoso, nababasa niya sa mukha nito na nais niyang malaman ang kanyang isasagot.“Let’s take a sit over there,” tinuro ni Steph ang bakanteng bench sa tabi ng isang shop. She bought two cold drinks at ibinigay ang isa sa kanyang kaibigan saka naupo kalapit nito.Uminom muna siya ng malamig bago harapin si Luigi, “you are always a good friend to me and I really appreciate you,” nakangiti niyang sabi saka muling sumipsip ng kanyang inumin.Napatigil sa pag-inom ng drinks niya si Steph ng ipatong ni Luigi ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ng dalaga, “maghihintay ako sa isasagot mo sakin, I will not pressure you.”Ibinaba
“Steph’s POV”Hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang aking mga luha habang kinakain ang dalang pagkain sakin ni Caspian. Hindi ko alam kung nasisiraan na ba ako dahil mas pinili kong kainin ang pagkaing dala niya kaysa sa binili ko.Habang natitikman ko ang lasa ng pagkaing ito ay parang binabalik ako sa nakaraan, ang mga araw na pinagluluto niya ako, ang kulitan naming at ang lahat. Marahil ito na siguro ang dahilan ng aking pagluha, dapat ay maging masaya na lang ako dahil nahanap na niya ang babaeng para sa kanya kahit masakit ay kailangan kong tanggapin na hindi ako ang babaeng nakalaan sa kanya.Nagpatuloy ako sa pagnamnam ng pagkaing dala niya sa akin kasabay ng tuloy-tuloy na hikbi ko dahil sa labis na pag-iyak kahit ganun, dire-diretso pa rin ako sa pagsubo ng pagkain sa aking bibig.“Steph, Steph. Anong nangyayari sayo? Bakit ka umiiyak?” Hindi ko namalayan na kanina pa
Tipid ang ngiting binigay ni Steph sa harap ni Caspian, “where’s the paper?” tanong niya.Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Steph ng iabot sa kanya nito ang isang brown envelope halot hindi niya maiangat ang kanyang kamay para tanggapin ito.Nilingon niya ang kanyang manager na noon ay nakatayo lamang sa kanyang likod at hindi alam ang gagawin, “d-do you have a pen?” pinilit niyang ituwid ang kanyang salita dahil ayaw niyang magmukhang iiyak sa harap nila.“Wala akong dala, dear,” tugon ni Vi sa kanya.“Do you have—”“Wala rin akong dala,” putol niya sa tanong nito.“Then I have no choice but to take that, my manger will send it to you once I am done signing it,” hinawakan ni Steph ang envelope ngunit parang ayaw bitiwan nito ang pagkakahawak sa sobre.
“Steph, we need to go back to the Philippines na,” pagpupumilit ni Vi sa kanya. Nakaharap pa rin sa malaking salamin si Stephanie at abala sa pagsusuklay ng kanyang buhok at pagpopostura ng mukha.“Hindi ba’t sinabi mo sakin na iikutin natin ang buong mundo, paanong babalik na tayo sa Pilipinas agad? Iilang buwan pa lang tayong umiikot sa piling bansa,” reklamo niya.“My goodness, Steph! Hindi tayo pwedeng umikot ng umikot lang ng bansa ng hindi ka nagtatrabaho, malaking offer ito ni Mr. Cruz at gusto niyang sa Pilipinas ito i-shoot.” Paliwanag ni Vi sa kanya.“Bakit pa kasi sa Pilipinas niya gustong i-shoot ang commercial na yun? Marami namang mas magagandang bansa na pwedeng puntahan, bakit doon pa?” muli niyang reklamo, kinuha niya ang pula niyang lipstick at sinimulang maglagay nito sa kanyang labi.“H’wag mong sabihin saking haban