(Sera POV)
Si Nathaniel tumalikod na may awa sa kanyang mukha, habang si Ate Wilma, napangisi sa akin at nanuya ang mukha niya. Hawak ang kamay ni Wilma, umalis nga ang dalawa sa harapan ko. Lalapitan na sana ako ng mga tauhan ni Nathaniel ng…
“Aalis ako, di niyo na yan kailangan gawin sa akin.”
Umalis nga ako, dahil tumatawag na din ang assistant ko. Mayroon na meeting na kailangan ako puntahan. Ngunit hindi parin maalis sa isipan ko ang tungkol sa kaarawan sana ng baby ko. Pagkatapos ng maghapon na makipag-usap sa mga stockholder, at napirmahan ko na ang kailangan ko pirmahan, kaagad ako dumiretso sa parking lot. Pumunta sa boutique at sa may pambata na section, kumuha ako ng isang set na damit na dapat ganito na nga siya kalaki. May nakita akong family outfit, pero… nag-iisa lang ako. Walang baby… Walang daddy… Napabuntong-hininga na lamang ako. Sa mundong ito, ako lang ata a
(Sera POV)Hindi man nga ako kumain ng pananghalian, ngunit nauuhaw na ako. Kaya pumunta ako sa may canteen, at bumili nga ng maiinom. Ngunit may hindi ako nagustuhan na narinig sa nangungunang ingay at bibig ng isang bakla.“Pangalan daw niya, Miss Sera Louisa Rara, ang laos na beauty queen ay ngayon kinakawawa ko na. Ahahaha.”“Grabe ka naman Madam,”“Ano ka ba alam yan ni Madam V. May basbas ang ginagawa ko sa kanya. Sa yun daw ang gawin ko dito. Ang mapahiya ito. Akala ba niya ta-tratuhin siyang special. Duh. Nagkakamali siya dyan.”Sino ba talaga yang Madam V na yan? Kasalanan ko ito kung bakit hindi man lang muna ako nagbackground check. Gagawin ko sana kaya lang wala ng oras. Pero hindi kaya pamamay-ari ito ng pamilyang Valeria? V? Na ibig sabihin… Ang Madam V na tinatawag nila ay kung hindi si Madam Loreen, edi si Ate Wilma?Kailangan ko na ba umalis?&l
(Sera POV)“Di ko inaasahan na magkikita tayo ulit Mr. Yao dahil lang ata sa sumbong sayo ng kabit mo?” Hindi ko napigilan na pambati sa kanya. Lumingon ito sa akin, at winasak ko sigurado ang confidence niya. Pero kahit ano pa ata ang sabihin ko sa kanya, hindi mababawasan ang kagwapuhan niya. “Ano na naman ba ang nakaabot sayo? Hulaan ko? Binully ko na naman ba siya?”Napangisi ito sa akin.“Have a seat Miss Rara.” Binangit niya yun para nga mainsulto ako.“Wag na. Diretsuhin mo na lang ako, saka wala akong gana kumain. Ano ba ang ipinunta mo dito? O dito ko na ba mapipirmahan ang divorce paper natin? Akin na.” Lahad ko ng aking kamay sa harapan niya.“Sa nakikita ko Sera, ang bibig mo may katapangan ngunit amoy na amoy ko ang iyong takot. Ang ipinunta ko dito, sinabi mo kay Wilma na ang singsing na binigay ko sa kanya ay mayroong sumpa? Di ko aakalain na sasabih
(Sera POV)“Saan mo ako dadalhin?” Hindi ito sumagot kundi nanatiling tahimik.Tumingin ako sa labas. At ang kalsadang ito ay pamiliar sa akin. Papunta sa pamamahay ni Nathaniel… Na diba doon niya inuwi si Wilma?“Ayoko ng gulo Nathaniel, please ayoko na. Kung maari ibaba mo na ako dito. Nangako ako na hindi na ako babalik sa bahay mo, pero ano ito?”“Tss.” Na parang nainis siya sa kanyang narinig. Pero ang paki-usap ko sa kanya walang nangyari. Patuloy na nagmaneho ang kanyang driver hangang sa nakarating nga kami sa bahay nito. Kaagad ako hinila ni Nathaniel papasok sa bahay at sinalubong kami ng mga katulong na nakayuko. Kaagad na umakyat sa hagdan. Walang pinagbago sa loob ng bahay niya… Kundi nga sa bagong kinakasama niya. Ngunit hindi ko aakalain na pagbukas niya ng silid ko dati… Yun parin ay akin. Sa may dingding naroroon parin ang malaki namin
(Sera POV)Mommy at Daddy… Na ipinagkait na tawagin ako ng anak ko sa paraan na kagaya noon. Habang si Nathaniel, wala naman talagang pakialam at puno ng paghihinala na hindi niya iyon anak.Nang aktong aabutin na ni Seth ang kamay ko, biglang may kumuha sa kanya… At si Ate Wilma nga yun na ang mukha mayroong takot.“Sera, ano na naman ba ang binabalak mo kay Seth?! Muntikan na siyang mawala dahil sayo! Tapos may gagawin ka na naman na hindi maganda! Maari mong gawin sa akin lahat basta wag lang sa anak ko! Pakiusap naman Sera oh! Wag mong sasaktan ang anak namin ni Nathaniel! Porque ba ako ang ina ni Seth?!”“Ang OA naman Ate Wilma.” Walang alintana na tugon ko sa kanya. “Alam kong bata yan, at wala akong interest na idamay sa gulo mong ginawa ang inosente at anghel na kagaya niya. Diba baby Seth?”At kahit nga buhat ito ni Wilma, nagawang ngumiti ni Seth sa akin. Nap
78/3/6100(Sera POV)Sa sinabi ni Nathaniel hindi ko nga mapigilan na tumawa ng pilit. Napakapait ng mga salita niya… Lalo na kung maririnig ito ni Wilma. “Talaga lang Mr. Yao… Ibang klase ka talaga. Parang sinasabi mo lang naman sa akin na pangangatawan mo din na maging asawa ako sa papel at hindi mo ako hihiwalayan. Paano naman ang plastic at Napakagaling na umarteng kabit mo? Paano na kung narinig niya ang sinabi mo? Di ka ba natatakot na baka madepress siya at subukan na naman magpakamatay dahil sa mga matatamis mong salitang binitiwan sa akin?” Sinabi ko sa kanya na nakatitig parin ako sa labas ng bintana… Hinihintay na bumagsak ang ulan.“Wala akong pakialam.” Mga salitang halos hindi ako makapaniwala. At ng lumingon ako sa kanya… Hindi ko inaasahan na muli niya akong aangkinin, at muling inalis ang twalya sa katawan ko.“Nathaniel… Tama na.
(Sera POV)“Sera, wag ka masyadong matuwa sa sarili mo. Pasamantala ka lang na kinupkop ulit ni Nathaniel para sa Old Master Yao! Ginagawa lang niya ito para sa kanyang ama! Di magtatagal, ang posisyon bilang Madam Yao ay mapapasa-akin!” Gigil na gigil si Ate Wilma, at mas lalo siyang mangigil sa sasabihin ko. Napatayo ako… At bahagyang tumawa.“Ate Wilma, yan din diba ang sinabi mo noong nakaraan na tatlong taon diba? Bakit wala parin ngayon? Ang tagal na ha.”“Punyeta!”Ngumisi ako. “Lilinawin ko, andito ako hindi para sa Old Master Yao. Ako ang legal na asawa ni Nathaniel Yao, kaya may karapatan ako na tapak-tapakan ang sino man na maging kabit ng asawa ko. Wag kang masyadong nagmamalaki… Kabit ka lang. Isa pa ate Wilma, ang mga gumagawa ng masama ay mapaparusahan din kalaunan. Hintayin mo lang. Ipaghihiganti ko ang anak ko. At hinding-hindi ako papayag na mapunta sa
(Sera POV) Wala nga akong nagawa ng ihatid ako ni Nathaniel sa maliit na gusali kung nasaan ang business ko. Lumabas ako ng sasakyan at binalibad ko nga ang pagsara ng pinto nito. Sinabi pa niya sa akin na siya ang susundo sa akin, at kapag nakita daw niya ang pagmumukha ni Kuya Ruel, makakatikim ito sa kanya.Anong ginawa ni Kuya Ruel sa kanya?Bahagyang ko naman nakalimutan ang tungkol kay Nathaniel, ngunit ng kinahapunan na… Tumunog ang phone ko, at unregister number ang tumatawag sa akin. Sasagutin ko ba? Napabuntong-hininga na lamang ako at sinagot ko nga.“Sino ‘to?”“Tss. Pati numero ko binura mo?”“Parte ng pagmove-on.” Sagot ko sa pamiliar na boses na si Nathaniel nga. “Hindi na ako makapaghintay kung kailan mo ulit ilalatag sa harapan ko ang divorce paper.”Bahagyang natawa si Nathaniel sa sinabi ko. &l
(Sera POV)Di napapagod si Nathaniel na ihatid-sundo ako palagi kung saan man ako pumunta. Kung hindi man siya makakasundo sa akin, si Secretary Taki ang sumasalubong sa pintuan ng aking opisina. Palaging binabati ako nito ng ngiti at sabay na inaabot ang kanyang phone, dahil nasa kabilang linya ang kanyang boss.Umiling ako sa kanya.“Uuwi ako at sasabay ako sa inyo. Pakisabi na lang sa boss mo.”Kaya sa buong dalawang linggo, pinapakita ni Nathaniel sa labas na maayos kaming dalawa. At di ito maganda. Wala bang ginagawa si Wilma sa ginagawa ng asawa ko. Ang tagal ko ng hinihintay ilapag sa harapan ko ang divorce document.Kaya kinagabihan, naghanda ako ng hapunan para sa amin ni Nathaniel. Umuwi naman ito na nadatnan ako sa kusina. May pagod sa kanyang mukha, at magkasalubong ang kanyang kilay. Ngumiti ako sa kanya.“Sana naman ang laman ng briefcase na dala ng iyong tauhan, yung divorce documents na.”Ngumisi siya. Saka walang sinabi. Lumapit sa fridge at kumuha ng malamig na tubig