(Sera POV)
“Sino ka para saktan ang anak namin? Napakabuting tao ni Wilma, para saktan mo siya. Hindi magpapatalo sayo si Wilma, kahit nga nagawa mo akong bulagin sa bait-baitan mo. Si Wilma lamang sa pamilya namin ang hindi mo nabulag. Kaya nga pinag-iinitan mo siya ng husto. Dahil hindi mo siya mapaglaruan sa iyong palad. Oo, kasalanan nga namin kung bakit kami hindi nakinig sa sinabi ng anak namin na mahal na mahal niya si Nathaniel. Bakit? Dahil nga binulag kami ni Sera. Gusto niyang gumanti at saktan si Wilma. Pasensya na kung ngayon kong lang naimulat ang aking mga mata sa kasinungalingan mo Sera. Nathaniel, sana ipaglaban mo ang nararamdaman ng anak ko sayo… Wag na wag kang magpapabulag kay Sera. Wag…”
Ako nagbait-baitan?
Kailan pa naging peke ang ugali ko sa harapan nila?
Bakit parang ako ang sinisira nila dahil sa panlalandi ni Wilma sa asawa ko? Bakit ako?
<(Sera POV)“Ang masama pa Sera, wala kaming pagkaalam tungkol sa iniibig ng husto ni Wilma si Nathaniel! Inilihim mo yun sa amin. At ng matuklasan namin, sinabi mo pang hindi naman seryoso ang Ate Wilma mo dahil may nanliligaw naman dito!”“Mama…”“Wag na wag mo akong matatawag na Mama! At wag mong itatangi ulit na hindi totoo ang sinabi ko. Sera, wag mo naman kami gawing traydor sa harapan ng ate mo at ng taong mahal niya. Kasalanan mo ang lahat ng ito! Naiinis na talaga ako sayo ng sobra. Umalis ka na! Alis! At baka mapatay pa kita dahil sa ginagawa mo sa anak namin!”Kumpirmado. Binabaliktad nila ako. Nagmamalinis sila sa harapan ni Nathaniel.Ngumiti ako ng mapait sa harapan ni Dra. Ruth para ipadama ko sa kanya, na sasakyan ko ang scripted niyang sinabi para magmukha akong traydor. At magsasalita na sana para depensahan ko ulit ang aking sarili, ng biglang bumangon sa pa
(Sera POV)Nang bumukas ang elevator sa palapag kung nasaan si Ate Wilma, sa hallway kaagad kong nakita sa pinaka-sulok ng dingding at malapit sa pintuan ng silid ni Ate ang phone ko. Kung saan nga ako naitulak ng aksidente ni Papa… Hindi naman ata talaga sadya ni Papa yun, dahil kahit paano nakita ko sa kanyang mga mata ang pagsisi sa nagawa niya.Pinulot ko ang phone ko, at sa labas ko na lang tatawagan si Nathaniel na hindi kaagad ako uuwi. Pinapapunta kasi ako ni Kuya Ruel sa isang home for the agent, may pasyente doon na siyang magiging daan para mahanap ko nga ang tunay kong mga magulang.Aalis na sana ako, ng biglang matigilan ako dahil… Dinig na dinig ko ang malakas na halakhak ni Ate Wilma. Siya yun… Bumalik na ang tunay na Wilma? Anong ibig sabihin nito? Ang masisigla niyang halakhak na parang isang nagtagumpay na Witch sa kanyang plano.At Wilma… Nakikipaglaro ka ba sa
(Sera POV)Pero sa totoo lang, noon pa lang mataas na talaga ang paningin ko kay Ate Wilma. Nirerespeto ko siya bilang isang masipag at magaling na doktor.Ate Wilma, kailangan ba maglaho itong respeto ko din sayo? “Naku naman kasi Wilma, dapat pinaalam mo sa akin ang plano mo para maayos na nangyari yun kay Sera. Eh, di sana nadungisan na nga ng ibang lalaki si Sera bago pa man ikasal sila ni Nathaniel. Kung nangyari yun, tiyak na kamumuhian siya ng Old Master Yao. Edi wala na talaga tayong problema.” Kumpirmado na ang kinakausap ni Ate Wilma sa loob ng silid, ay si Mama…Si Dra. Ruth…Nakakaiyak… Tuluyan na ata nila akong tinalikuran. Nais pa nilang i-tolerate bigla si Ate Wilma sa kanyang ginagawa.“Mom, eh ayaw niyo naman ako sang-ayunan noon sa plano ko para kay Nathaniel. Nagawa pa nga ninyong si Sera ang ilatag sa arrange marriage na hinihing
(Sera POV)Dahil sa biglaan kong pagpasok, nanigas ang mga mukha ng mga kinilala kong magulang at si Ate Wilma. Hindi nila ito inaasahan kaya, nagulat sila at malamang nag-aalala kung narinig ko ang mga pinagsasabi nila.“Sera, bumalik ka?” Na nakuha niyang magkunwaring wala silang pinag-usapan na masama laban sa akin. Pero ngumisi dahil nga pumasok na ata sa kukuti niya ang lantaran kong sinabi na hindi niya maagaw sa akin ang posisyon bilang Madam Yao. Pangangatawan ko talaga yan. “Talaga bang hindi ko makukuha ang posisyon na karapat-dapat lang sa akin? Kailan ka pa naging sakim Sera? Nakita mo naman siguro at hindi ka bulag na nagmamahalan kami ni Nathaniel. Ako ang mahal niya, hindi ikaw.”At tuluyan ngang nawala ang maamo at banayad na mukha ni Ate Wilma na ipinakita niya, nang andito pa si Nathaniel kanina.Ngumisi ako sa kanya. Nanginginig man ang katawan ko sa p
(Sera POV)“Nakuha niyo po ba yung phone niyo?” Tanong sa akin ng mabait na driver ni Nathaniel.Napatango ako bilang tugon dito. “Nahanap ko at pasensya na kung medyo nga ako natagalan.”Saka pinagbuksan na ako nito ng pinto. At abala na nga akong gumawa ng mensahe para kay Nathaniel… Na hindi ako makaka-uwi kaagad sa bahay. Didiretso ako kay Kuya Ruel. At inilihim ko sa kanya, kung saan ako susunod na pupunta… Sa clinic ni Dra. Gail, para nga magpa-checkup.Nang makapasok na sa sasakyan… “Naipadala ko na yung mensahe kay Nathaniel. Maari mo ba akong ihatid sa isang Home for the agent na malapit sa Golden street? Andoon kasi si Kuya Ruel at may makaka-usap daw ako doon para nga Makapagturo kung sino ang mga magulang ko.”“Ah sige Madam Yao.”“Thank you.”Pagdating nga namin sa lugar, kaagad akong sinalubong ni
(Nathaniel POV)Tumawag sa akin ang aking ama sa kalagitnaan ng meeting at naka-abot nga sa kanya ang tungkol sa pag-aalala ko kay Wilma na magpapakamatay ito, sa ngalan na din ng pangalan ko… At dinadala niya.Sino naman ang di mag-alala? Nakasalalay dito ang anak ko.“Dad…”“Kapag hindi mo pa tinigilan ang pamilyang Mendevil lalo na ang Wilma na pasira sa relasyon niyo ni Sera, alam mong hindi lang ako uupo at manunuod lang. Huwag mo akong hintayin Nathaniel na ako ang bumura ng pamilyang yan.” May gigil ang salita ng Old Master Yao, at sobra ko din inaalala ang altapresyon nito. “May pinapunta ako riyan na tauhan at tignan mo kung sino ang kasama ng asawa mo para hanapin ang tunay niyang pamilya. Asawa mo hindi mo tinutulungan kundi nag-aalala ka pa sa ma-dramang anak ni William. Tsk.” At ibinaba nito ang tawag.At sa may pintuan nga n
(Sera POV)“Hindi ako ang grabe dito. Ikaw nga itong hindi ko matapatan. Diba kamuntik mo na akong pagahasain sa mga tauhan mong kinuha? Sa ginawa mo, hindi ko na maabot ang iniisip mo. Saka Ate Wilma, curious lang ako, paano mo nilalason ang isipan ng asawa ko? Yung pina-inom ba ng mga inutusan mong lalaki na painumin ako noon, ay yun ba ang pina-inom mo kay Nathaniel para may mangyari sa inyo? Kasi hindi ka naman niya papatulan. Alam kong may nilalagay ka sa inumin ng asawa ko. Bakit Ate Wilma, hindi ka ba niya magalaw-galaw kapag nasa tama siyang isipan? Di ka pa ba niyan nandidiri sa sarili mo?”Saka ang expression ni Ate Wilma, parang lalo kong ginalit ang bulkan. Dahil may sinabi akong totoo sa kanya. Ngunit, masyadong ma-pride si Ate Wilma para labanan ang sinasabi ko sa kanya.“Nasa tamang pag-iisip si Nathaniel kapag nagtatalik kami Sera. Gusto mo ba makita balang araw? Asawa mo nakikipagtalik sa ak
(Nathaniel POV)Pagkatapos na may nangyari sa amin ni Sera… naligo ako. At pinagsusuntok ko nga ang tubig na nararamdaman kong galit para sa aking sarili. Bakit hindi ko napigilan ang aking sarili na saktan ang asawa ko.F*ck! Sarili mo dapat Nathaniel ang sinasaktan mo! Hindi si Sera!Kasalanan mo kung bakit para kang asong ulol na sumusunod ngayon sa mga nangyayari kay Wilma. Dala niya ang anak mo… At doon ka lang nag-aalala para sa kanya.Si Sera ang mahal ko, at talagang huli na nga ang tungkol sa amin ni Wilma. Bata lang ang habol ko sa kanya… At wala na akong paki-alam sa pangakong binitawan ko kay Wilma.Alam kong inayos na ni Mrs. Dorris si Sera, kung sakali ngang nakatulog ito sa ginawa ko. Kaya kampante ako… na dapat lang na hindi ko makita si Sera, at kung ano man ang ginawa kong katarantaduhan sa kanya.Mapapatay ko lang ang aking sarili.Paglabas ko