Prologue
Bumagsak ang mga balikat ko matapos kong paulit-ulit na binasa ang nakasulat sa kapirasong papel na iniwan ni Ynigo sa locker ko. Nakagat ko ang ibaba kong labi. Siguro kung wala si Noreen sa tabi ko, kanina pa ako umiyak.
"Oh, anong sabi?" Nakahalukipkip niyang tanong at mukhang may ideya na sa laman ng sulat.
Tinignan ko siya saka ako pilit na ngumiti. Iniling-iling ko ang ulo ko. "Break na raw kami..." Halos mabasag ang boses ko.
Napairap si Noreen saka niya kinamot ang gilid ng kanyang ulo. "'Yan na nga bang sinasabi ko, Shan. Ang bilis mo kasing sinagot hindi ka tuloy sineryoso. Ang kulit mo naman kasi. Bakit ba kasi ang dali mong mahulog sa mga lalake? Kaunting kindat at pa-cute naiinlove ka na." Inis niyang sabi.
Hindi ko na lang siya kinibo. Tama naman siya. Kaso hindi ko talaga napipigilan. Ang bilis kong mahulog kapag type ko. Ano bang mali sa akin? Abnormal ba ako kapag gano'n? Madalas akong pagalitan ni Noreen
Chapter • OneNapabuntong hininga ako nang maabutan sa labas ng restobar namin ang sandamakmak na bulaklak. Ano bang akala ni Miller sa akin? Patay?Narinig ko ang halakhak ni Noreen mula sa likod. Masama ko siyang nilingon. Lalo lamang siyang natawa."Sorry naman. Grabe na kasi 'yang manliligaw mo. Eh mukhang may balak 'yong gawing flower shop 'tong Olympus sa dami ng pinapadalang bulaklak araw-araw." Untag niya habang hindi pa rin mapigilan ang tawa.Napairap na lamang ako. Hinawi ko ang ilang bouquet para mabuksan ko na ang restobar. Dumiretso kaagad ako sa bar counter at nagsalin ng isang shot ng tequila sa shot glass. Tumalim ang tingin sa'kin ni Noreen."Binibining Shantal, gusto ko lang hong ipaalala sayong alas nwebe pa lang ng umaga." Nakataas ang kilay niyang sabi.Ngumisi lamang ako saka ko ibinalik sa lalagyan ang bote ng alak. Sumandal ako sa edge ng counter saka ko inilabas ang phone ko. Napabuntong hining
Chapter • TwoIlang beses kong ikinurap ang mga mata ko. Gusto kong makasigurong hindi nga ako namamalikmata pero nang masiguro akong nakatayo nga siya sa harap ng pinto at makahulugang nakatitig sa akin, bahagyang umawang ang bibig ko."Okay ka lang, Shan?"Nabaling ang tingin ko kay Zon. Nakakunot ang kanyang noo habang nagpapabalik-balik ang tingin sa amin ng lalake."H-ha? A-ah, oo ayos lang." Nauutal kong tugon saka muling tinignan ang lalake. Wala na sa akin ang tingin niya. Taas noo siyang lumakad papunta sa isang mesa sa tabi ng glass wall saka roon tamad na naupo.Lumapit sa kanya si Macy at ibinigay ang menu. Huling-huli ko pa kung paanong hinawi ni Ma
Chapter • Three"Sinabi na kasi sayong tigilan mo na 'yon. Sino bang matinong lalake ang matapos makipagkita sa gitna ng madilim na lugar eh bigla na lang lalayas?" Bakas ang matinding inis ni Noreen. Kanina pa nakakunot ang noo niya matapos niyang malaman ang nangyari kagabi.Hinila ko ang isang silyang kakaayos ko lang saka ako naupo at nagpangalumbaba sa mesa. "Nakakainis. Bakit ba kasi ang tanga tanga ko pagdating sa mga lalake?"Umismid siya saka ngumisi. "Ngayon mo lang narealize 'yan? Tsk. Naku Shantal ha kapag ikaw talaga nakita kong nakikipag-usap sa damuhong 'yon, naku. Kakaladkarin talaga kita." Nanggagalaiti niyang sabi.Napailing na lamang ako habang nakangisi. "Hindi na talaga. Pagkatapos niya akong
Chapter • FourNagtatalo ang puso at isip ko habang nakatingin sa pinto ng sasakyan ko. That guy is really getting into my nerves and he's scaring the shit out of me. Gusto ko siyang puntahan at pagsabihan pero ginagapangan ako ng takot.Marahas akong napabuga ng malalim na hininga. Isang mahinang mura ang lumabas sa bibig ko kasabay ng tuluyan kong pagbukas sa pinto ng aking kotse.Bago ko pa man maibwelta ang sasakyan ay nakita ko pa ang paglabas ni Noreen ng restobar. Nakakunot ang noo niya nang makita akong papaalis. Nang tawagin niya ako ay sinenyasan ko na lang siya. Alam kong pipigilan niya akong puntahan si Jace pero hindi ko kayang palampasin ang gulong ginawa niya. Baka mamaya maubusan pa kami ng customer dahil sa ugali niya.
Chapter • Five"Aray ko naman!"Nahilot ko ang parte ng ulo kong kinutusan ni Noreen. Naningkit ang mga mata ko dahil sa ginawa niya pero tumalim lang lalo ang tingin niya sa'kin.Nagpamewang siya at tinaasan ako ng kilay. "You let that bastard kiss you and not just once, twice?! My goodness, Mariane Shantal! May ikakatanga ka pa ba?"Nasapo niya ang kanyang noong tila stress na stress dahil sa mga nalaman. Nahihiya naman akong tumango saka bumaba ang tingin ko sa hawak kong frappe. Sumipsip na lamang ako at mas pinili na lang na itikom ang bibig ko. I deserve all the nagging. Kung hindi ba naman kasi ako isa't-kalahating tanga, hindi ko naman sana maririnig ang mala-machine gun na bibig ng bestfriend ko.
Chapter • SixHalos buong araw na tumakbo sa isip ko ang litrato ni Jace at ng grupong nakabig bike. May kung ano sa kanilang bumagabag sa akin lalo na 'yong lalaking nakatingin sa akin kanina.Katulad din kaya sila ni Jace? Bakit nila ginawang target ang picture niya? Paano sila nagkakilala?Ang daming naging tanong sa isip ko pero kapag naaalala ko ang pangako ko sa sarili kong didistansya na ako kay Jace, pinipili ko na lang iyong huwag intindihin kahit pa sa maya't-maya ang pagpasok ng mga ito sa isip ko.Lumipas ang maghapong walang Jace na nangulit. Walang bulaklak na dumating at wala ring boses na nagsalita sa isip ko. Isang bagay na dapat kong ikatuwa...pero hindi ko alam kung bakit may parte sa loo
Chapter • SevenIlang beses akong napabuntong hininga habang nakatanaw kay Chad na nakikipaglaro sa ibang mga mata. Minabuti namin ni Maddie na pumunta rito para mas makapag-usap ng maayos."Paano mo siya nakilala? Galing ka rin ba sa Tyrain?" Untag ko.Sandali siyang hindi kumibo. Mayamaya'y itinupi niya ang mga braso niya saka siya tumingin sa akin. "Hindi. Galing ako ng Galum. Ang totoo niyan, hindi kami personal na magkakilala pero marami na akong balitang narinig tungkol sa panganay ng mga Quinnser. Ang Daddy ko ang Beta o ang second in command sa Galum kaya madalas magpulong ang council sa mansyon."Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Nabaling ang tingin ko sa kanya. "I-ibig mong sabihin galing ka sa
Chapter • EightHalos papasikat na ang araw ay hindi ko pa rin nagawang makatulog. What Jace said really bothered me. Kung sabihin niya iyon ay akala mo napakadaling bagay lang ng pagpatay. Hindi ko nga kayang pumantay ng hayop tao pa kaya? Palibhasa kasi siya sanay na sanay siyang gawin ang ganoong bagay. Kung may choice lang talaga...Hindi pwedeng siya ang gumawa dahil siya ang may sumpa. Kailangang ang mate niya ang pumatay sa nagbigay ng curse or else hindi ito gagana.Muli akong napabuga ng malalim na hininga saka ako dumapa. Nakakafrustrate talaga itong nangyayari. Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Sana kasi nakuntento na lang ako sa normal na buhay ko rito sa Himofilia. Sana hindi ko na lang pinagpantasyahang marating ang distrito ng Remorse. Iya
PearceMy brows furrowed the moment I stepped out of my car, the others parked theirs next to mine. Mukhang napakahalaga ng bagay na kailangan naming pag-usapan ngayon at bakit halos kumpleto kaming lahat pati ang Beta ni Levi at si Hank na bumyahe pa mula Rosset.Levi went out of his car first, his brow cocked at me when he saw me smirked. Sinara ko ang pinto ng kotse ko saka ko tinaas ang ulo ko habang nakangisi sa kanya."How's your sleep? You were like sleeping beauty last week." Alaska ko na kinaigting ng kanyang panga."You're lucky my wife was on her red days when you came over. Kung hindi lang baka sayo at sa magaling mong anak ko naitarak ang lahat wolfabanes na tinatago ng asawa ko."I chuckled in a teasing way before I sighed. "Let's just admit it. You're the underdog in your relationship."Umismid siya at tiniklop ang braso sa tapat ng kanyang dibdib. "And you
Epilogue"Darling, hindi ba masyado naman yatang enggrande 'to? Baka masyadong malaki ang gastusin mo." Kunot-noo niyang sabi habang tinitignan ang listahan ng mga kakailanganin para sa kasal.I can't help but smile. Masyado niya talagang pinoproblema ang pera. Shantal is really a practical wife material. Ayaw niya ng masyadong magastos. She's business minded at gusto niyang palaging nakaplano ang mga pinaggagamitan ng pera. No doubt why Olympus is a success.But there's no way I'll just give her a cheap wedding. I want to make sure our marriage is something she'll never forget. I'll make every second of our lives together memorable. I'll start with our wedding day. I want her big day be the best one that every girl will get jealous to. She deserves all the best
Chapter • Thirty OneHindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang makita ang pagbagsak ni Jace sa harap ko. Ang sigaw at pagtawag nina Hank sa pangalan niya ang tangi kong narinig. Para bang pati ang pagtibok ng puso ko ay bigla na lamang tumigil."Kyran! Get King Bjourne!" Sigaw ni Baron kay Kyran.Nakatulala lamang ako sa kanila habang pilit nilang pinapakiramdaman si Jace. Hindi ko magawang humakbang muli palapit sa kanila. Parang pati ako ay mawawalan na ng malay dahil sa nangyayari. Hindi na kinakaya ng utak ko ito.Sunod-sunod na mura ang lumabas sa bibig ni Baron. Bakas na ang pagkabahala sa kanyang mga mata. Halos hindi na maipinta ang mukha niya habang nakatapat ang kanyang tenga sa dibdib ni Jace. Ang puti niyang damit ay namantsahan pang lalo dahil sa dugo ni Jace.Mayamaya'y nagsitakbuhan ang ilang kasamahan namin patungo kay Jace. Lahat ay halos manlumo nang makita ang kalunos-lunos na kalagayan ni Jace. Halos mamu
Chapter • ThirtyI ran as fast as I could. Hindi ko na inintindi ang makapal na luha sa aking mga mata o ang nakakabinging tibok ng aking dibdib. All I can think about right now is to get to Jace before King Karlos do.Ilang hakbang na lamang at mararating na ni King Karlos si Jace ngunit kaagad ko siyang niyakap bago pa man maiangat ni King Karlos ang katana sa ere. Mahigpit kong ipinulupot ang mga braso ko sa katawan ni Jace saka ako mariing pumikit at hinintay ang pagtama ng matalim na bagay sa likod ko.Pero hindi iyon nangyari...Nakaramdam ako ng kakaibang katahimikan. Tila biglang binalot ng matinding tensyon ang paligid na ni isa ay natakot na gumawa ng kahit na anong pagkilos. Even Jace didn't move.
Chapter • Twenty NineSomeone's POV"Fuck. Fuck. Fuck!"Sunod-sunod ang malulutong na murang lumabas mula sa bibig ni Layco habang binabarurot niya ang kanyang sasakyan patungo ng Camelot. He already had a bad feeling about this the moment Hank called him. Mula nang malaman niya ang pagsugod ni Xander sa distrito ni King Karlos, alam na niyang mauuwi sa hindi maganda ang lahat.He dialled Levi's number as soon as he reached the boundary of Brenther and Crescent. Titigil muna siya roon para hingiin ang tulong ni Alpha Pierre."The short-tempered son of a bitch just declared war while his wolf is dying." Inis niyang sabi bago pa man makapagsalita si Levi.
Chapter • Twenty EightMahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao ko habang tahimik akong humihikbi. Nakaupo kaming dalawa ni Klaus sa likod ng sasakyan habang si Jomyl at ang ama nina Kiara ay nasa harap. Ang pinuno ng Camelot ang siyang may hawak sa manibela. Walang ibang ingay na maririnig sa saradong sasakyan kun'di ang impit kong iyak at ang ingay na nagmumula sa aircon ng kotse.Ramdam ko ang panay na sulyap sa akin ni Jomyl. Dinig na dinig sa saradong sasakyan ang kanyang malalalim na hininga. He's blaming himself, I can feel it. Ayaw kong ganoon ang maramdaman niya kaya kaagad kong pinalis ang luha sa aking mga pisngi bago ako humugot ng malalim na hininga. I need to be strong for Jace and his people. I owe this to them. Hindi naman sila malalagay sa alangani kung hindi ako tangang padalos-dalos ng mga na
Chapter • Twenty SevenI never knew what sacrifice really means until this day came... The day when I have to make a choice for myself, for Jace, and for the rest of his people.Hinilot ko ang aking sintido habang nasa byahe patungong Camelot. I have to admit. Hindi madali itong gagawin ko. Umalis kami ni Jomyl kahit na hindi alam ni Jace ang naging pasya ko dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. Sinubukan akong pigilan ni Pearce pero buo na ang desisyon ko. There is a bigger picture that I need to consider. Hindi na lamang ito tungkol sa akin at kay Jace.Noong una ay nagdalawang-isip pa ako pero pagkatapos kong malaman ang mas malaking problema, naging buo na ang pasya kong magtungo ng Camelot.
Chapter • Twenty SixMahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Jace habang chinicheck siya ng doktor. Walang umiimik sa mga kasama namin sa pribadong silid. Tila ang lahat ay nakaabang din sa sasabihin ng doktor.Obviously, the doktor is not just a typical doctor I know. May kakaiba siyang paraan sa pagsuri kay Jace.Isang malalim na hininga ang pinakawalan nito bago bumaling sa seryosong si Pearce. "This is a big problem, Alpha. His wolf is dying."Nagsalubong ang kilay ni Pearce dahil sa narinig. "Dying? Pa'nong nangyari 'yon?" Puno ng pagtataka nitong tanong.Itinupi ng lalakeng doktor ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib saka niya seryosong tinign
Chapter • Twenty FiveDamang-dama ko ang matinding problemang kinakaharap ni Jace sa mga oras na ito. Ilang beses na siyang nagpakawala ng malalalim na hininga habang pabalik-balik na naglalakad sa sala.Mayamaya'y pumasok sa loob ng mansyon ang isang lalakeng may mahawk na istilo ng buhok, matangkad at may katamtamang kulay ng kutis, malaking pangangatawan ngunit may napakaamong mukha."Ramiel..." Ani Jace nang makita ang lalake."Alpha, wala talaga. We did everything but we can't trace the giver." Tila bigo nitong pahayag.Naihilamos ni Jace ang kanyang palad sa kanyang mukha saka siya napasabunot sa kanyang buhok. Marahas na naman siyang napabunto