Chapter • Eight
Halos papasikat na ang araw ay hindi ko pa rin nagawang makatulog. What Jace said really bothered me. Kung sabihin niya iyon ay akala mo napakadaling bagay lang ng pagpatay. Hindi ko nga kayang pumantay ng hayop tao pa kaya? Palibhasa kasi siya sanay na sanay siyang gawin ang ganoong bagay. Kung may choice lang talaga...
Hindi pwedeng siya ang gumawa dahil siya ang may sumpa. Kailangang ang mate niya ang pumatay sa nagbigay ng curse or else hindi ito gagana.
Muli akong napabuga ng malalim na hininga saka ako dumapa. Nakakafrustrate talaga itong nangyayari. Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Sana kasi nakuntento na lang ako sa normal na buhay ko rito sa Himofilia. Sana hindi ko na lang pinagpantasyahang marating ang distrito ng Remorse. Iya
Chapter • NinePagkatapos kong maisara ang restobar ay nagpaalam na ang mga empleyado namin. Tinawagan ko si Noreen para iupdate siya tungkol sa naging takbo ng negosyo ngayong araw. Kinamusta ko na rin ang Mama niyang kasalukuyang nakaconfine. Pagkasakay ko ng sasakyan ay nahilot ko ang sintido ko. Sobrang drained ng katawan ko ngayon dala ng pagod at kakulangan sa tulog kagabi.Bago ko napaandar ang kotse ko ay muli akong nakareceive ng text. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang nakalagay."You've got a lot of black undies, darling."Ang mukha kaagad ni Jace na nakangisi ang unang pumasok sa isip ko. Kaagad kong dinial ang number niya. Halos tatlong ring din bago niya sinagot ang tawag.
Chapter • TenIniwan ko si Jace sa kusina matapos kong makapagluto ng pagkain. Pakiramdam ko antok na antok na ako dahil sa kakulangan ng tulog. Dumiretso ako sa kwarto saka humanap ng pantulog bago ako pumunta ng banyo.Pagkalabas ko ng kwarto ay kumakain na siya. Talagang hindi na ako hinintay, nauna na siyang kumain. Hinayaan ko na lang siya. Sandali niya lang din akong tinapunan ng tingin saka siya uminom ng beer at nilunok ang pagkain sa bibig niya."Ang alat mo magluto." Untag niya.Tumaas ang kilay ko dahil sa narinig. Humalukipkip ako saka siya matalim na tinignan. "Ikaw na nakikikain ikaw pa nanlalait. Ibang klase ka rin." Inis kong sabi. Kapal niya ah? Wala pang nanlait sa luto ko siya lang.
Chapter • ElevenHalos isang oras na akong nakatitig sa puting kisame ng kwarto. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na ba akong nakapagpakawala ng buntong hininga.Jace's words keep on playing in my mind. Hindi ko nagawang sagutin ang sinabi niya. I ran out of words and my mind took a bit longer to process what he said.Hindi na siya natuloy matulog sa apartment ko. Matapos niyang sabihin iyon, ilang segundo pa siyang nanatiling nakayakap sa akin pagkatapos no'n ay bigla na lang siyang pumasok ng kwarto at kinuha ang t-shirt niya. Isinuot niya iyon saka siya naglakad patungo ng sala para kunin ang jacket niya.Para akong naestatwa. Pinanood ko lang siyang maglakad patungo sa pinto. Wala sa sarili akong nan
Chapter • TwelvePagkagising ko kinabukasan ay wala na si Jace sa unit ko. Hindi ko alam kung bakit bahagya akong nakaramdam ng lungkot. Ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin.Habang nagkakape sa kusina ay hindi ko maiwasang maisip ang mga sinabi niya kagabi. It was painful to hear him say those words. Lasing na lasing na nga talaga siya. Nailabas niya 'yong mga bagay na tinatago niya sa pagiging mainitin ang ulo.Humarap ako sa ref. Doon ko lang napansin ang isang note na halatang hindi ako ang gumawa. Nakahalo ito sa mga bills kong nakalagay sa pinto ng ref. Lumapit ako at binasa ito."I'll see you later. Remember, you only have two days."Napabuga ako ng m
Chapter • ThirteenGumuhit ang isang makahulugang ngisi sa labi ng lalakeng may kulay brown na buhok nang magtama ang mga mata nila ni Jace. Hindi ko alam ang gagawin nang makita ang pag-igting ng panga ni Jace nang pasadahan siya ng tingin ng lalake saka ito mahinang tumawa."The self-proclaimed untouchable king...now serving the lower kind. What a sudden turn of events." Tila mapang-asar nitong sabi.Unti-unting kumuyom ang mga kamao ni Jace at lalong tumalim ang kanyang tingin. Nagsisimula nang lumalim ang kanyang bawat paghinga.Napatakbo ako palabas ng bar area nang makita kong tatayo sana siya. Kaagad kong pinigilan ang kanyang dibdib saka ko hinawakan ang kanyang mga pisngi para pilit ibaling sa akin ang k
Chapter • FourteenMahigpit kong hinawakan ang kanyang braso nang akmang lalakad na siya palabas ng Olympus. Muling nabaling sa akin ang kanyang tingin."Don't go, I'm begging you..."Lumandas ang isang mapaklang ngiti sa kanyang labi saka siya humakbang palapit sa akin at hinawakan ang aking mga pisngi. Napapikit ako nang dampian niya ng halik ang aking noo. "I'm gonna be okay, I promise. Hintayin mo ako sa apartment mo mamaya." He said softly.Bago pa man ako nakapagsalita ay binitiwan na niya ang mga pisngi ko saka siya naglakad paalis. Naimulat ko ang mga mata ko nang marinig ko ang pagbukas-sara ng glass door.Tuluyang bumagsak ang mga balikat ko. Malungkot akong naglakad pabalik sa bar area. Naglabas ako ng bote ng bee
Chapter • FifteenDidn't wake you up anymore. Left to get my things in my hotel room at Venille. I'll pick you up at five, darling.PS: You're more beautiful when you're in your slumber.PPS: I love you...more than anything.~Jace mong pogiNapangiti ako matapos mabasa ang note na iniwan ni Jace sa pinto ng ref. Nakapagdesisyon kami kagabing ngayong araw na pumunta ng Remorse. Mabuti na rin ito. Nakatakas si Travis. Hindi ligtas ang Himofilia para sa aming dalawa.Matapos kong mag-almusal ay kaagad akong naligo at nagbihis para makabili pa ako ng regalo para kay Chadler
Chapter • SixteenSinuklay ko ng aking mga daliri ang buhok ko patungo sa likod ng aking ulo saka ko ininom ang panibagong shot ng tequila. Ramdam ko na ang matinding init ng pisngi ko pero hindi pa rin sapat. Hindi pa ako nalulunod sa kalasingan.Inis na inagaw ni Noreen ang shot glass mula sa akin ngunit kaagad akong tumayo at kumuha ng panibago mula sa lalagyan. Marahas siyang napabuntong hininga dahil sa ginawa ko pero hindi ko siya inintindi. Muli kong sinalinan ang shot glass. Halos magkanda tapon-tapon na ang alak dahil sa kalasingan ko.Marahas na inagaw ni Noreen ang bote ng tequila mula sa akin saka siya padabog na naupo sa harap ko. Ngumisi lamang ako saka ininom ang laman ng shot glass.Napailing siya
PearceMy brows furrowed the moment I stepped out of my car, the others parked theirs next to mine. Mukhang napakahalaga ng bagay na kailangan naming pag-usapan ngayon at bakit halos kumpleto kaming lahat pati ang Beta ni Levi at si Hank na bumyahe pa mula Rosset.Levi went out of his car first, his brow cocked at me when he saw me smirked. Sinara ko ang pinto ng kotse ko saka ko tinaas ang ulo ko habang nakangisi sa kanya."How's your sleep? You were like sleeping beauty last week." Alaska ko na kinaigting ng kanyang panga."You're lucky my wife was on her red days when you came over. Kung hindi lang baka sayo at sa magaling mong anak ko naitarak ang lahat wolfabanes na tinatago ng asawa ko."I chuckled in a teasing way before I sighed. "Let's just admit it. You're the underdog in your relationship."Umismid siya at tiniklop ang braso sa tapat ng kanyang dibdib. "And you
Epilogue"Darling, hindi ba masyado naman yatang enggrande 'to? Baka masyadong malaki ang gastusin mo." Kunot-noo niyang sabi habang tinitignan ang listahan ng mga kakailanganin para sa kasal.I can't help but smile. Masyado niya talagang pinoproblema ang pera. Shantal is really a practical wife material. Ayaw niya ng masyadong magastos. She's business minded at gusto niyang palaging nakaplano ang mga pinaggagamitan ng pera. No doubt why Olympus is a success.But there's no way I'll just give her a cheap wedding. I want to make sure our marriage is something she'll never forget. I'll make every second of our lives together memorable. I'll start with our wedding day. I want her big day be the best one that every girl will get jealous to. She deserves all the best
Chapter • Thirty OneHindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang makita ang pagbagsak ni Jace sa harap ko. Ang sigaw at pagtawag nina Hank sa pangalan niya ang tangi kong narinig. Para bang pati ang pagtibok ng puso ko ay bigla na lamang tumigil."Kyran! Get King Bjourne!" Sigaw ni Baron kay Kyran.Nakatulala lamang ako sa kanila habang pilit nilang pinapakiramdaman si Jace. Hindi ko magawang humakbang muli palapit sa kanila. Parang pati ako ay mawawalan na ng malay dahil sa nangyayari. Hindi na kinakaya ng utak ko ito.Sunod-sunod na mura ang lumabas sa bibig ni Baron. Bakas na ang pagkabahala sa kanyang mga mata. Halos hindi na maipinta ang mukha niya habang nakatapat ang kanyang tenga sa dibdib ni Jace. Ang puti niyang damit ay namantsahan pang lalo dahil sa dugo ni Jace.Mayamaya'y nagsitakbuhan ang ilang kasamahan namin patungo kay Jace. Lahat ay halos manlumo nang makita ang kalunos-lunos na kalagayan ni Jace. Halos mamu
Chapter • ThirtyI ran as fast as I could. Hindi ko na inintindi ang makapal na luha sa aking mga mata o ang nakakabinging tibok ng aking dibdib. All I can think about right now is to get to Jace before King Karlos do.Ilang hakbang na lamang at mararating na ni King Karlos si Jace ngunit kaagad ko siyang niyakap bago pa man maiangat ni King Karlos ang katana sa ere. Mahigpit kong ipinulupot ang mga braso ko sa katawan ni Jace saka ako mariing pumikit at hinintay ang pagtama ng matalim na bagay sa likod ko.Pero hindi iyon nangyari...Nakaramdam ako ng kakaibang katahimikan. Tila biglang binalot ng matinding tensyon ang paligid na ni isa ay natakot na gumawa ng kahit na anong pagkilos. Even Jace didn't move.
Chapter • Twenty NineSomeone's POV"Fuck. Fuck. Fuck!"Sunod-sunod ang malulutong na murang lumabas mula sa bibig ni Layco habang binabarurot niya ang kanyang sasakyan patungo ng Camelot. He already had a bad feeling about this the moment Hank called him. Mula nang malaman niya ang pagsugod ni Xander sa distrito ni King Karlos, alam na niyang mauuwi sa hindi maganda ang lahat.He dialled Levi's number as soon as he reached the boundary of Brenther and Crescent. Titigil muna siya roon para hingiin ang tulong ni Alpha Pierre."The short-tempered son of a bitch just declared war while his wolf is dying." Inis niyang sabi bago pa man makapagsalita si Levi.
Chapter • Twenty EightMahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao ko habang tahimik akong humihikbi. Nakaupo kaming dalawa ni Klaus sa likod ng sasakyan habang si Jomyl at ang ama nina Kiara ay nasa harap. Ang pinuno ng Camelot ang siyang may hawak sa manibela. Walang ibang ingay na maririnig sa saradong sasakyan kun'di ang impit kong iyak at ang ingay na nagmumula sa aircon ng kotse.Ramdam ko ang panay na sulyap sa akin ni Jomyl. Dinig na dinig sa saradong sasakyan ang kanyang malalalim na hininga. He's blaming himself, I can feel it. Ayaw kong ganoon ang maramdaman niya kaya kaagad kong pinalis ang luha sa aking mga pisngi bago ako humugot ng malalim na hininga. I need to be strong for Jace and his people. I owe this to them. Hindi naman sila malalagay sa alangani kung hindi ako tangang padalos-dalos ng mga na
Chapter • Twenty SevenI never knew what sacrifice really means until this day came... The day when I have to make a choice for myself, for Jace, and for the rest of his people.Hinilot ko ang aking sintido habang nasa byahe patungong Camelot. I have to admit. Hindi madali itong gagawin ko. Umalis kami ni Jomyl kahit na hindi alam ni Jace ang naging pasya ko dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. Sinubukan akong pigilan ni Pearce pero buo na ang desisyon ko. There is a bigger picture that I need to consider. Hindi na lamang ito tungkol sa akin at kay Jace.Noong una ay nagdalawang-isip pa ako pero pagkatapos kong malaman ang mas malaking problema, naging buo na ang pasya kong magtungo ng Camelot.
Chapter • Twenty SixMahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Jace habang chinicheck siya ng doktor. Walang umiimik sa mga kasama namin sa pribadong silid. Tila ang lahat ay nakaabang din sa sasabihin ng doktor.Obviously, the doktor is not just a typical doctor I know. May kakaiba siyang paraan sa pagsuri kay Jace.Isang malalim na hininga ang pinakawalan nito bago bumaling sa seryosong si Pearce. "This is a big problem, Alpha. His wolf is dying."Nagsalubong ang kilay ni Pearce dahil sa narinig. "Dying? Pa'nong nangyari 'yon?" Puno ng pagtataka nitong tanong.Itinupi ng lalakeng doktor ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib saka niya seryosong tinign
Chapter • Twenty FiveDamang-dama ko ang matinding problemang kinakaharap ni Jace sa mga oras na ito. Ilang beses na siyang nagpakawala ng malalalim na hininga habang pabalik-balik na naglalakad sa sala.Mayamaya'y pumasok sa loob ng mansyon ang isang lalakeng may mahawk na istilo ng buhok, matangkad at may katamtamang kulay ng kutis, malaking pangangatawan ngunit may napakaamong mukha."Ramiel..." Ani Jace nang makita ang lalake."Alpha, wala talaga. We did everything but we can't trace the giver." Tila bigo nitong pahayag.Naihilamos ni Jace ang kanyang palad sa kanyang mukha saka siya napasabunot sa kanyang buhok. Marahas na naman siyang napabunto