”Jane, nagbago ka na.”Ang ekspresyon sa mukha ni Jane ay nanigas. “Alora...”“Jane, hindi mo ba napansin? Bago ang lahat ng ito, ang ekspresyon mo ay palaging parehas. Ang tanging nakikita ko lang ang ang blangko at walang buhay na ekspresyon sa iyong mukha.” Tinignan ni Alora si Jane. “Ngayon, ikaw ay mas nagiging buhay, na humihingang tao.”Binuksan ni Jane ang kanyang bibig. May gusto siyang sabihin.“Jane, sino ang may gawa nito? Sino ang nagdulot na maging masigla kang muli? Si Callen ba ito?” Walang pahintulot sa mukha ni Alora. Ang kanyang mukha ay istrikto habang pinangangaralan niya si Jane, “Mayroon siyang masamang binabalak!”Paano na lang ito magiging magandang bagay?Nakita niya mismo ang pagbabago ni Jane, Subalit, ang taong may gawa nito ay taong na mayroong masamang hangarin.Walang sinabing kahit na ano si Jane.Si Alora ay naglabas ng naiiritang paghinga. “Jane, ipangako mo. Tigilan mo na ang pakikipagkita sa kanya. Aayusin ko na malipat ka sa bagong dorm na
Ang pagalis ni Callen ay kinuha ang huling piraso ng kaluluwa na meron si Jane matapos na umakyat mula sa impyerno.Ang lahat ng nakaraang beses na hinawakan niya ang kanyang sugat, naglalagay siya ng kaunting parte niya sa kanya.Si Callen ay eksperto sa pagmamahal. Alam niya na si Jane ay magbabago matapos niyang patuloy na hawakan at galawin ang kanyang sugat. Hindi alam ni Jane iyon, ngunit alam ni ito ng maigi ni Callen.Ang mas nakakatakot na katotohanan ay na si Callen kahit na gaano man kaanghang or asim ang mga noodles ni Jane, kakainin niya ang lahat ng ito kahit na sa kabila ng hindi niya kayang matiis ang maaanghang.Nanalo siya sa laro ng hunting. Malinaw na nanalo siya at hindi man lang nagpakita ng awa kay Jane.…“Nasa iyo na ba ang pera?”Sa sumunod na araw, si Alora ay tinawag siya sa kanyang opisina.Umiling si Jane.Sumimangot si Alora. “Hindi mo ba siya kinausap?”Umiling muli si Jane.Naintindihan ni Alora.“Hindi natin magagawang maintindihan ang inii
Ding!Nagbukas ang elevator. Hindi pinansin ni Jane si Jason. Naglakad siya palabas, hinawakan ni Jason ang kanyang braso. “Hindi, Jane. Hindi ka pwedeng bumaba ngayon. K-Kailangan mong humanap ng lugar na pagtataguan.”“Mr. Dunn, bitawan mo ako. May kailangan akong gawin.”“Hindi, Jane. Makikita ka nila kung baba ka ngayon. Si Brendan at ang kanyang mga kaibigan ay nagtitipon ngayon dito.” Hinatak ni Jason si Jane papunta sa elevator. “Jane, ayaw mong makita ka ng mga kababata mo dati sa ganitong estado, tama ba?”Napahinto sa paghinga si Jane at mayroong takot sa kanyang mata, ang mga salita ni Jason ay nanatili sa kanyang tenga. Ito ay isa sa kanyang mga takot. Wala siyang lakas ng loob para harapin ang kanyang mga kababata habang siya ay nasa masamang kalagayan.Mas mabilis pa siya kay Jason. Pinindot niya ang close button sa elevator ng biglaan.“Yo, Mr. Dunn nakahanap ka ng babae! Nagkakatuwaan sila sa elevator ngayon.” Isang nangaasar na boses ang narinig mula sa labas.Ang
”Hoy, hot, narinig mo ba? Nakasalubong yung Jane Dunn na iyon. Naglalakad siya kung saan saan nanghihingi ng trabaho at sinasabi niyang kaya niyang gawin ang kahit na ano.”“Ang babaeng iyon ay talagang nabaliw na sa pea! Sa totoo lang, ang isang tulad niya ay hindi nararapat sa PR department. Bakit ba ang mga nakakataas ay inilagay ang isang basurang tulad niya dito? Hinahatak niya pababa ang kalidad ng ating team.”“Wala pa siyang kahit anong trabaho isang buwan na ngayon, tama ba? Sa tingin ko sobrang desperado na niya, iyon ang dahilan bakit tinatanong niya ang lahat sa PR department ngayon.”Ilang miyembro ng PR department ang nagtsimisan sa banyo habang nagaayos sila ng kanilang make-up.“Sige na, kalimutan na natin siya. Pababagsakin lang niya ang mood natin. Tara na! Matagal na simula ng ang batang Master Hoffman ay nagpunta dito. Siya at ang grupo ng kanyang kaibigan ay binook ang 6th VIP room ngayon, kaya tara na at batiin sila.”Ang makakapal na naka make-up na babae ay
Tumingin si Jane sa check sa lamesa, ngunit hindi siya kumilos.Mayabang na pang aasar ni Brendan. “Anong problema? Ayaw mong gawin ito?”“Hayaan mo na siya, Master Hoffman. Kung sabagay, siya ang pinakamayabang na pearl ng S City, hindi ba?” Ang ibang tao na kasama dito ni Brendan ay sinusubukan siyang payuhan, ngunit ang payo nila ay malinaw na hindi seryoso. Ang mga ito ay parang mga pang aasar. “Mayabang?” Tumawa si Brendan at nagsindi ng sigarilyo, humithit bago tinignan si Jane. “Sa malalang estado niya ngayon”Puno ng pagsisisi si Alora.Hindi niya inaasahan na si Jane ay may kasaysayan kay Brendan Hoffman at sa iba pang mayayamang tagapagmana. Kung alam niya lang hindi na sana niya dinala si Jane sa mga taong ito. Ang mga ito ay kayang gawin ang kahit na ano.Tinaas ni Jane ang kanyang tingin at tumingin sa paligid. Silang lahat ay pamilyar na mukha at mga kababatang kalaro niya, ngunit ngayon sila ay talagang hindi na niya makilala.Pareho lang ito sa kanya. Karamihan
Sa may couch, si Alan ay may tinatawagan. May sinabi siya sa phone at pagkatapos ay tinawag si Jane, “Oy, Jane Dunn, hulaan mo sino ang tinawagan ko kanina lang?” Ngumiti si Alan, ang kanyang mata ay kumikinang ng sinabi niya, “Ito ay ang iyong kuya. Alam mo ba kung ano ang sabi niya? Sabi niya na wala siyang kilalang Jane sa kanyang pamilya. Haha, Jane, nakakaawa ka naman! Pinatay mo ang iyong bestfriend, ano ang napala mo? Si Rosaline ay maaaring ang pinaka malas na babae sa mundo na maging kaibigan mo?”Pagkasabi nito ni Alan, galit ang kuninang sa kanyang mata. Tinignan niya si Jane na para bang gusto niyang ipahatak siya sa apat na parte.Binaba ni Jane ang kanyang ulo. Walang sino ang makakita sa kanyang ekspresyon.Hindi niya sinubukang depensahan ang kanyang sarili. Alam niya na si Alan ay may gusto kay Rosaline… Hindi niya sinubukang magpaliwanag, ang kanyang labi ay napangiti kinukutya ang kanyang sarili. Walang naniniwala sa kanya, kaya ano pa ang punto ng pagpapaliwanag
“Naaalala mo pa ba kung paano mo pinilit na painumin ng isang buong bote ng whiskey si Rosalin dati? Jane, Little Miss Jane Dunn, naisip mo ba na makikita mo ang sarili mo sa posisyon ito ngayon?”Nakatitig si Jane kay Alan, na ang mukha ay puno ng galit. Samantala, ang kanyang mata ay nagtataka. “Ako? Pinilit si Rosaline? Na uminom ng bote ng whiskey?”Bawat pangungusap ay tanong sa kanya. Hindi niya kailan man pipilitin ang isang tao ng ganun at hindi siya gagawa ng bagay na masama kay Rosaline tulad ng sapilitang pagpapainom ng isang bote ng whiskey.Hindi niya ibababa ang kanyang sarili hanggang sa puntong iyon.“Nagpapakatanga ka pa din? Oh, Miss Dunn, mayroon ka talaga ng lahat dati. Nagseselos ka kay Rosaline, kaya sinadya mong pilitin siya at hindi direktang pinilit siya na inumin ang bote ng whiskey. Sa tingin mo ba na walang makakaalam dahil lang sa walang nakakita nito?”Biglang suminggit si Jane kay Alan ng kalmado, sinasabi sa kanyang paos na boses,“Hindi, hindi ko
Nanginig ang balikat ni Jane...“Sino sa tingin mo ang nasa aking friends list? Kilala mo silang lahat, Jane.”Ang kanyang puso ay nanikip sa kanyang dibdib!“Mm, mgh...” Nagpumiglas si Alora sa kanyang pagkakabusal, ang kanyang mata ay nanlaki… ‘Hindi, hindi! Hindi pwedeng makainom si Jane!’Pinanuod ni Alora habang ang nakaluhod na babae ay itinaas ang kanyang kamay at dahan dahan kinuha ang bote ng whiskey mula kay Alan. Narinig niya ang babaeng iyon na sinabi sa kanyang magaspang na boses, “Iinumin ko.”“Mmgh!” Hindi, hindi! Ang mata ni Alora ay nanlaki at desperado niyang sinubukan na lumapit kay Jane, ngunit ang taong pinipigilan siya ay masyadong malakas. Tinignan siya ni Brendan at tumawa.“Pasensya na, Alora, ngunit ito ay sa pagitan niya at namin ngayon. Huwag kang makialam dito.”“Mm, mmgh!” Hindi, hindi iyon ang tinutukoy niya! Mamamatay siya! Gusto ba talaga nilang mamatay si Jane Dunn!Ang kanyang phone ay tumunog sa kanyang bulsa at sa isang segundo, si Alora ay
Ang pangalan ko ay Luka Stewart. Ito ay kakaibang pangalan, ‘diba? Parang ‘Tignan mo! Sabaw.’Lolo ko ang nagbigay ng pangalan ko. Sa lahat ng maraming taon ng karanasan ko bilang bata ay nagsasabi na ang lolo ko ay hindi mabait na tao.Isang tabi na ang lahat, tignan mo na lang ang pangalan na binigay niya sa akin. Mayroon siyang mahusay na pangalan mismo, ngunit binigyan niya ako ng kakaibang pangalan.Subalit, bawat beses na mag protesta ako tungkol dito sa kanya, lagi niyang sinasabi na ito ay kasalanan ng aking ama. Kung si Dad ay naging babae, siya sana ang magkakaroon ng pangalan na iyon.Tignan mo, SI Grandpa ay ang siyang nagbigay sa akin ng ganito kasamang pangalan, ngunit sinisisi niya ang lahat sa aking ama.Ah, nakalimutan ko silang ipakilala ng ayos.Ang pangalan ng lolo ko ay Sean Stewart.Tila, siya ay medyo gwapo noong kanyang kabataan.Ang aking lolo ay nagngangalang Jane Dunn.Minsan, hindi ko maiwasang mapaisip kung paano sila nauwing magkasama. Sila talaga
Sa ospital, walang tunog na bumukas ang pinto ng ward. Sa oras na ‘to, hindi ipinahayag ni Dos ang pagdating ng mas maaga.Nang nagmamadaling dumating si Elior, mabilis niyang nakita ang babaeng iyon.Bago pa siya makapagsalita, hinila siya ni Alora papunta sa pasilyo. Nagbukas ang pinto at nagsara muli.Ang lalaki sa kama ay tumagilid, mahimbing ang tulog.Walang nakakaalam kung tungkol saan ang napapanaginipan ng lalaki, ngunit ang malalim na pagkakunot ng noo sa kanyang mukha ay nagpakitang hindi maganda ang mga panaginip niya.Ang kanyang kamay ay nagpapahinga sa panlatag, ang kanyang wedding ring ay suot niya pa rin sa kanyang daliri.Mabagal siyang nilapitan ng babae, sa wakas ay tumigil sa harap ng kanyang hospital bed.Ang mga mata nito’y maningning at maaliwalas, ang kanyang tingin ay lumapag sa singsing sa kamay ng lalaki.Wala ring nakakaalam kung ano ang iniisip ng babae.Tinitigan niya ang singsing ng mahabang, mahabang oras, hanggang mawalan siya ng ulirat.Mata
"Jane, hindi paraiso ang Erhai. Ang tinatawag mong kapayapaan ay pagtakas lamang," taimtim na sinabi ni Alora.Hindi nga dapat niya ito sinasabi, pero may mga nakikita siyang bagay na hindi nakikita ng mga taong sangkot.Siguro ang sitwasyon ay laging mas malinaw mula sa labas. Siguro hindi.Kahit na, malinaw niyang nakikita na nag-aalinlangan si Jane.Tatlong taon na ang nakalipas, tinulungan niya si Jane tumakbo palayo dahil taos puso niyang gustong mamuhay si Jane ng payapang buhay mula noon.Marami na ang nagbago sa tatlong taon. Nagmature na rin siya.Ito ay dahil sa bago niyang nalamang maturity na hindi siya tumigil kakaisip tungkol doon.Tama ba siyang tulungan si Jane na makatakas tatlong taon na ang nakalipas? O ito ay isang pagkakamali?Malabo, nagsimula siyang mag-isip na mali siya.Ang babaeng ito ay lubusang natakot. Walang paraan na titigil siya at titingin sa kanyang paligid para makita ang mga tao at katotohanan.Sa loob ng tatlong taon, nakita rin ni Alora k
So pumunta ka nga rito para pag-usapan ang matandang lalaki?” Natawa ang lalaki sa kama, may malinaw na hindi makapaniwala sa kanyang mga mata. “Michael Luther, ang matandang lalaki ay hindi takot na mamatay ako. Mayroon siyang isa pang apo para magmana ng trono niya.Si Michael ay tumawa ironically.“Sa tingin mo talaga na babalik ako sa Stewarts? Ang maruming lugar na iyon.”“Ayaw mo sa Stewart Industries?” malamig na sinabi ni Sean. “Well, sa kasong ‘yan, mukhang mabibigo ka.“Stewart Industries, huh.” Pinadaan ni Michael ang kanyang tingin kay Sean at tumingin sa labas ng bintana. “Mukha maganda, so palagay ko gusto ko nga ito. Ibibigay mo ba ito sa akin?”“Kung hindi, hindi mo ba ‘to kukunin ng pwersahan?”“Kung ikaw ang may hawak, sigurado.” Hindi sinubukan ni Michael itago ang kanyang ambisyon. “Pero kung mamatay ka, hindi ko ito kukunin mula sa kanya.”Naningkit ang mga mata ni Sean. “Well, siguradong tapat ka sa nararamdaman mo para sa kanya. Dapat bang sabihan kitang a
Si Michael Luther ay pumasok sa Stewart Old Manor.“Ikaw ang nasa likod ‘nun, hindi ba?”Walang kahit anong babala o konteksto, sinigawan niya si Old Master Stewart, na simpleng umiinom ng tsaa.“Bigla kang lumabas kung saan… para lang magpakita ng kabastusan sa lolo mo? Ibinaba ni Old Master Stewart ang kanyang tasa, naninigas ang kanyang matandang mukha.“Ikaw ang naglagay kay butler Summers doon, ‘di ba?“Kung hindi man, ay hindi siya maglalakas ng loob, ‘di ba?”“Anong ibig mong sabihin? Anong nagawa ni Summers na dahil sa akin?”“Ikaw ang nasa likod ng aksidente ni Jane. ‘Yan ang gusto kong malaman. Ikaw ba, o hindi ikaw?!” Si Michael ay nasa tabi niya.Sa sandaling narinig ni Old Master Stewart ang pangalan ni Jane, ang kanyang ekspresyon ay mabilisang naging madilim. “Ano ito? Lalabanan mo ang sarili mong lolo para sa kanya?”“Ibig sabihin niyan… inaamin mo.”Tinikom ni Michael ang kanyang kamay sa isang kamao, ang kanyang buong katawan ay nanginginig sa galit. “Ano ba
Sa sumunod na tatlong araw, ang taong iyon ay hindi humakbang kahit isa papasok ng bahay.Tumayo si Tres at si Cuatro sa may pinto na tila isang pares ng walang ekspresyong guardian gods.Ang dating tahanan ng babae ay wasak na, kaya bumalik siya sa Stewart Manor. Sa pinakamalalim na bahagi ng manor, hindi niya marinig ang mga ibon o maamoy ang mga bulaklak. Ang butler ay ganap na ganap na professional din, at lahat ay naayos na para sa kanya.Bukod kay Tres at kay Cuatro, wala siyang ibang makausap.Wala, kahit si Tres at si Cuatro ay hindi siya kinausap.At para sa family butler, laging mabuti ang pagkilos nito at tunay na magalang sa kanya sa tuwing sila’y nagkikita.Ang kanyang tainga ngayon ay halos wala nang pakinabang, ang kanyang bibig ay dekorasyon na lamang.Ang mga naglilingkod sa paligid ng bahay ay pamilyar ang mga mukha, habang ang iba ay mukhang bago. Hindi ito mahalaga. Kahit sino pa ang makakita sa kanya, sila’y tumatango lamang bilang paggalang at maglalakad sa
Nalalapit na ang araw para sa bone marrow transplant ni Jason.Nagpalit na siya sa isang surgical gown. Si Madam Dunn ang kasama niya.“Huwag ka kabahan, Jason. Walang mangyayari na mali.” Inalo siya ni Madam Dunn. Kahit na, ang anak niya ay nanatiling tahimik.Habang tinitignan niya ang payat na pisngi ng anak niya, minura niya ulit si Jane sa puso niya.“Kung hindi dahil sa mabuting-puso na tao na kamatch mo, iyong malditang Jane na iyon ay muntik ka na mapatay.”Mukhang nasaktan si Jason.“Mama! Tumigil ka!”“Huh? Anong mayroon sa iyo?“Naaawa si mama para sayo. Bakit mo ako sinisigawan?”“Mama, huwag ka magsalita ng ganyang kay Jane.”“Bakit hindi ko pwede gawin iyon? Wala nga siya pake sa sariling miyembro ng pamilya niya.”Kinamumuhian ni Madam Dunn ang anak niyang babae mula sa kailaliman ng puso niya.Ngunit kahit na napatunayan niyang na talgang napagkamalan niya na hindi niya sariling anak si Jane, si Madam Dunn ay nanatiling kampi laban sa anak niya.Kung sabaga
Lumipas ang mga araw. Lulutuin ng lalaki lahat ng pagkain niya. Kapag pupunta siya sa trabaho, isasama niya ang babae sa tabi niya, pinapanatili siya sa paningin niya sa lahat ng oras. Mukha silang matamis at mapagmahal na mag-asawa.Mayroon itsura ng kainggitan sa mga mata ng ibang tao kapag nakikita nila si Jane.Sa oras, lahat ng tao mula sa bilog ay alam na.May nag buntong hininga, ‘si Jane Dunn mula sa pamilyang Dunn ay nakaraos na. Noong hinahabol niya pa lang si Sean dati, siya ay isang mapamillit na go-getter.’Ang iba ay may katulad na sentimyento rin. Nakuha na rin Jane kung ano ang gusto niya/Isang katapusan ng linggo.“Gusto ko siya makita.”“Sino?”“...Kuya ko.”May kumislap sa mga mata ng lalaki. Kahit na, pinanatili niya pa rin ang itsura niya.“Hindi mo kailangan mag-alala kay Jason.”Isang casual na ugali.Piniga ni Jane ang mga kamao niya. Pagkatapos ng ilang saglit...“Ang kondisyon niya ay hindi maganda. Gusto ko siya makita.”“Hindi ba maayos ang pa
‘Di kinalauna’y nagising din si Jane. Madilim ang kuwarto nang siya’y magising. Bumangon siya at naglakad-lakad sa sala. Hindi na niya ikinagulat ang lalaking nakaupo sa may sofa sa ilalim ng mainit na ilaw habang nanonood ng telebisyon.Mahina lamang ang tunog ng telebisyon sa sala dahil nag-aalala itong baka magising niya ang kanyang kasama kapag masyado itong malakas.Maririnig ang mga magaang yapak mula sa pasilyo. Napalingon ang lalaki.Nagtagpo ang kanilang mga mata.Ni wala ma lang pagbabago sa kanilang mga emosyon. Tila’y matagal na panahon na silang kasal at nagsasama. Tila ri’y mayroon silang kasunduang hindi na kailangang sabihin pa. Walang nagtangkang pigilan ang kakaibang kapayapaang kanilang nararamdaman.Mistulang… payapa sila sa isa’t isa.Tumayo ang lalaki, naglakad patungo sa gilid na lamesa, ininit ang mga pagkain, at ibinalik ito sa lamesa.Tahimik na tumungo rito ang babae, at umupo sila upang kumain.Mistulang wala silang away-bati na pagsasama, na wala si