Nanginig ang balikat ni Jane...“Sino sa tingin mo ang nasa aking friends list? Kilala mo silang lahat, Jane.”Ang kanyang puso ay nanikip sa kanyang dibdib!“Mm, mgh...” Nagpumiglas si Alora sa kanyang pagkakabusal, ang kanyang mata ay nanlaki… ‘Hindi, hindi! Hindi pwedeng makainom si Jane!’Pinanuod ni Alora habang ang nakaluhod na babae ay itinaas ang kanyang kamay at dahan dahan kinuha ang bote ng whiskey mula kay Alan. Narinig niya ang babaeng iyon na sinabi sa kanyang magaspang na boses, “Iinumin ko.”“Mmgh!” Hindi, hindi! Ang mata ni Alora ay nanlaki at desperado niyang sinubukan na lumapit kay Jane, ngunit ang taong pinipigilan siya ay masyadong malakas. Tinignan siya ni Brendan at tumawa.“Pasensya na, Alora, ngunit ito ay sa pagitan niya at namin ngayon. Huwag kang makialam dito.”“Mm, mmgh!” Hindi, hindi iyon ang tinutukoy niya! Mamamatay siya! Gusto ba talaga nilang mamatay si Jane Dunn!Ang kanyang phone ay tumunog sa kanyang bulsa at sa isang segundo, si Alora ay
Isang kamay ang biglang humablot sa kanyang baba at tinaas ito ng pwersahan, pinatitingala siya. Ang kanyang magandang inukit na itsura ay nasa harapan ng mata ni Jane.Ang nanlalamig na tingin ni Sean ay nakatuon sa kanyang mukha. “Ang ospital o ang bangko? Jane Dunn, bibigyan kita ng pag-asa na magdesisyon.”Ang kanyang mukha ay sobrang lapit na nakikita niya ang balahibo sa kanyang balat. Mayroong determinasyon at katigasan ng ulo sa mata ni Jane. “Gusto kong pumunta sa bangko,” isa-isa niyang sinabi ang bawat salita, walang intensyon na sumuko sa kanya.“Kulang ka na nga ng isang kidney, pero ang lakas ka ng loob na uminom?” Pina alala ng lalaki sa kanya sa kanyang nanlalamig na boses. “Gusto mo bang mamatay?”“Gusto kong pumunta sa bangko!”“Kahit na ibig sabihin nito na maaari kang mamatay?”Tinignan niya ang lalaking nasa kanyang harapan ng hindi kumukurap bago buksan ang kanyang bibig at kalmadong sinabi, “Tama ka dyan.” Hindi ito ang una niyang beses na sinugal niya ang
Sa ospitalPwinesto ni Elior si Jane pabalik sa kanyang kama.“Maswerte ka.” Hindi niya mapigilan na ikutin ang kanyang mata. “Hindi mo ba alam kung ano ang estado mo? Paano mo na lang nagawang uminom?”Matapos niyang sabihin iyon, tumayo siya at lumabas sa kwarto, sinara ng malakas ang pintuan sa likod niya. Sa labas ng pintuan, si Sean ay nagsisigarilyo.“Penge nga.” Inunat ni Elior ang kanyang kamay papunta kay Sean. Ito naman ay nilabas ang kaha ng sigarilyo niya at tinapos ang buong ito kay Elior.Hindi tumatanggi si Elior sa mga regalo kahit na hindi niya ito gusto. Sinindihan niya ang sigarilyo. “Anong nangyayari dito?” Tinignan niya ang pintuan sa likod niya. Naaalala niya pa kung gaano kayabang si Jane Dunn na lumuhod sa harap ng maraming tao ng unang beses na magkita sila matapos siyang makalaya sa kulungan, para lang hindi siya uminom.Si Sean ay nagpatuloy na nagsisigarilyo ng walang sinasabi.Si Elior ay talagang walang pakialam sa panlalamig na ginagawa niya.Bumu
Si Alora ay sobrang kabado habang hinarap niya si Sean Stewart. “Mr. Stewart, naaawa lang ako kay Jane.”Ipinapaliwanag niya kung bakit niya tinulugan si Jane na itago ang lahat ng pera na kinita niya mula sa lalaking nasa harapan niya ngayon.Sa ngayon, si Sean ay wala sa mood.Ang mga huling tumatagos na salita ng babaeng iyon ay maririnig sa kanyang mga tenga at hindi niya magawang maalis ang mga ito gaano man niya kahirap subukan. Nang marinig niya si Alora na nagsabi na “naaawa ako kay Jane”, ang kanyang mga labi ay kumurba ng nanlalamig.“Alora, wala sa mga kasamahan ko ay santo.”Naaawa siya para sa babaeng iyon?... Ang babaeng iyon na susumpa at iinsulto sa isang patay na best friend?Paano na lang ang taong ito ay nararapat na kaawaan?Siya ay galit, hindi niya magawang masabi!Hindi siya kailanman nagalit ng ganito kahit ng makita niya kung gaanoong nakakaawa at kababa ang kinalabasan niya!Ang Jane na kanyang naaalala ay mayabang at nagwawala na parang hangin. Hindi
”Nang sinabi mong ‘sila’... Kasama ba doon si Mr. Stewart?”Nang sinabi niya iyon, si ALora ay malinaw na nararamdaman ang pagtigas ng katawan ni Jane sa isang segundo sa kanyang yakap.Si Alora ay huminga ng malalalim ng walang tunog… Nandoon ang problema.Hindi sila naniniwala sa kanya… at ganoon din si Sean Stewart.Dahil doon, si Alora ay medyo nahulaan na ang mga pangyayari sa pagitan ni Jane at ng kanilang boss ng walang nakuhang kahit ano sa parte ni Jane.Si Rosaline Summers… si Alora ay nagtatrabaho para kay Sean ng dalawang tao at medyo naaalala niya na marinig ang isang tao na banggitin ang kanyang pangalan isang beses dati.Mukhang naalala niya na ang babaeng ito, si Rosaline Summers, ay medyo espesyal din sa boss. Sa kasamaang palad, namatay siya sa isang malagim na insidente habang siya ay nasa rurok ng kanyang kabataan.Hindi kailanman nalaman ni Alora kung paano ang babaeng iyon ay mayroong espesyal na lugar sa puso ng boss ay namatay.Ngayon, alam na niya sa wa
Si Joseph Dunn ay binaba ang tawag at tumalon paalis ng kama, kinuha ang kanyang night robe katabi niya at sinampay ito sa kanyang balikat.Naantok na tinanong ng kanyang asawa, “Ano ang nangyari?”“Ano ang nangyari?” Si Joseph ay nagalit. “Ang iyong magaling na anak ay naging isang pokpok!”Whoom!Pakiramdam niya na mayroong pagsabog sa tenga ni Mrs. Dunn!Kaagad siyang bumangon sa kama. “Ano ang sinabi mo?”Nagkamali siya ng pakakarinig, sigurado.“Si Old Master Hoffman ay personal akong tinawag at sinabi na si Brendan ay nakita siya gamit ang kanyang sariling mata. Ang loka lokang babaeng iyon ay binebenta ang kanyang serbisyo sa East Emperor ngayon!”Si Mrs. Dunn ay hindi na magawang manatiling nakaupo lang. “Hindi pwede! Hindi ito maaari! Si Jane ay isang mayabang na babae, hindi maari na gagawa siya ng bagay tulad noon! Hindi kaya nagkamali ang batang Hoffman na iyon sa ibang tao?”“Si Old Master Hoffman ay tinawagan ako mismo. Ano sa tingin mo?” Si Joseph ay seryoso ang
“Sean...” Ang boses ni Elior ay halos mawala. Si Sean ay mukhang nakakatakot ngayon, na kahit ang taong tulad ni Elior ay nakaramdam ng panlalamig sa kanyang puso ng tinignan niya ito.Si Sean ay hindi pinansin si Elior, ang kanyang mahaba at nanliliit na mata ay nakatuon kay Jane at sa kanya lang. Ang kanyang ekspresyon sa ngayon ay nakakatakot!Siya ay galit sa babaeng ito, ngunit higit pa doon, siya ay nakakaramdam ng malalim na pagkalito na naiipon sa kanyang dibdib na hindi niya mailabas!“Hindi ka talaga natututo ng iyong leksyon.”Ang boses ng lalaki ay nanlalamig, walang puso at masama.Nanginig si Elior sa tunog nito. Ang kanyang tingin ay pabalik balik sa pagitan ni Sean at Jane, ang ere sa kwarto ay bumabagsak na sa punto ng pagyeyelo!Mukha itong kalmado at hindi matitinag, ngunit may mga bugso na umaagos sa ilalim ng taas nito.Ang babae sa kama ay nanliit sandali ng makita din niya ang lalaki sa pintuan. Galit siya sa lalaking ito, ngunit natatakot din siya dito.
Tinanong ni Sean si Jane kung ano ang kanyang nagawang mali.Mali?Ano ba ang tama?Ano ba ang mali?“Wala akong ginawang mali.”Sabi ni Jane.Ang kanyang puso ay kumikirot ng sobra na siya ay nahihirapan!Talagang tinanong ni Sean si Jane kung alam niya kung ano ang maling nagawa niya?Ha ha!“Mr. Stewart, kung sasabihin mo na mali ako, kung gayon nagkamali ako. Subalit, tinatanong mo ako kung alam ko kung ano ang mali kong nagawa.” Tinaas niya ang kanyang baba. Ang mayabang na tingin na makikita sa kanyang mukha ay nakakasilaw sa mata. Ang kanyang ngiti ay humatak sa isang gilid ng kanyang sugatang bibig na parang mukhang kaakit akit ba Jane Dunn tulad dati sa Shanghai. “Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mali.”Hinanakit!Ang hinanakit kay Rosaline Summers. Hindi na niya magawang magsinungaling sa kanyang sarili. Sabi ni Jane Dunn sa kanyang sarili, ‘Bakit hindi ako mabaliw isang beses lang—ano ngayon? Kung masama man ang mangyari, babalik lang ako sa impyernong iyon!
Ang pangalan ko ay Luka Stewart. Ito ay kakaibang pangalan, ‘diba? Parang ‘Tignan mo! Sabaw.’Lolo ko ang nagbigay ng pangalan ko. Sa lahat ng maraming taon ng karanasan ko bilang bata ay nagsasabi na ang lolo ko ay hindi mabait na tao.Isang tabi na ang lahat, tignan mo na lang ang pangalan na binigay niya sa akin. Mayroon siyang mahusay na pangalan mismo, ngunit binigyan niya ako ng kakaibang pangalan.Subalit, bawat beses na mag protesta ako tungkol dito sa kanya, lagi niyang sinasabi na ito ay kasalanan ng aking ama. Kung si Dad ay naging babae, siya sana ang magkakaroon ng pangalan na iyon.Tignan mo, SI Grandpa ay ang siyang nagbigay sa akin ng ganito kasamang pangalan, ngunit sinisisi niya ang lahat sa aking ama.Ah, nakalimutan ko silang ipakilala ng ayos.Ang pangalan ng lolo ko ay Sean Stewart.Tila, siya ay medyo gwapo noong kanyang kabataan.Ang aking lolo ay nagngangalang Jane Dunn.Minsan, hindi ko maiwasang mapaisip kung paano sila nauwing magkasama. Sila talaga
Sa ospital, walang tunog na bumukas ang pinto ng ward. Sa oras na ‘to, hindi ipinahayag ni Dos ang pagdating ng mas maaga.Nang nagmamadaling dumating si Elior, mabilis niyang nakita ang babaeng iyon.Bago pa siya makapagsalita, hinila siya ni Alora papunta sa pasilyo. Nagbukas ang pinto at nagsara muli.Ang lalaki sa kama ay tumagilid, mahimbing ang tulog.Walang nakakaalam kung tungkol saan ang napapanaginipan ng lalaki, ngunit ang malalim na pagkakunot ng noo sa kanyang mukha ay nagpakitang hindi maganda ang mga panaginip niya.Ang kanyang kamay ay nagpapahinga sa panlatag, ang kanyang wedding ring ay suot niya pa rin sa kanyang daliri.Mabagal siyang nilapitan ng babae, sa wakas ay tumigil sa harap ng kanyang hospital bed.Ang mga mata nito’y maningning at maaliwalas, ang kanyang tingin ay lumapag sa singsing sa kamay ng lalaki.Wala ring nakakaalam kung ano ang iniisip ng babae.Tinitigan niya ang singsing ng mahabang, mahabang oras, hanggang mawalan siya ng ulirat.Mata
"Jane, hindi paraiso ang Erhai. Ang tinatawag mong kapayapaan ay pagtakas lamang," taimtim na sinabi ni Alora.Hindi nga dapat niya ito sinasabi, pero may mga nakikita siyang bagay na hindi nakikita ng mga taong sangkot.Siguro ang sitwasyon ay laging mas malinaw mula sa labas. Siguro hindi.Kahit na, malinaw niyang nakikita na nag-aalinlangan si Jane.Tatlong taon na ang nakalipas, tinulungan niya si Jane tumakbo palayo dahil taos puso niyang gustong mamuhay si Jane ng payapang buhay mula noon.Marami na ang nagbago sa tatlong taon. Nagmature na rin siya.Ito ay dahil sa bago niyang nalamang maturity na hindi siya tumigil kakaisip tungkol doon.Tama ba siyang tulungan si Jane na makatakas tatlong taon na ang nakalipas? O ito ay isang pagkakamali?Malabo, nagsimula siyang mag-isip na mali siya.Ang babaeng ito ay lubusang natakot. Walang paraan na titigil siya at titingin sa kanyang paligid para makita ang mga tao at katotohanan.Sa loob ng tatlong taon, nakita rin ni Alora k
So pumunta ka nga rito para pag-usapan ang matandang lalaki?” Natawa ang lalaki sa kama, may malinaw na hindi makapaniwala sa kanyang mga mata. “Michael Luther, ang matandang lalaki ay hindi takot na mamatay ako. Mayroon siyang isa pang apo para magmana ng trono niya.Si Michael ay tumawa ironically.“Sa tingin mo talaga na babalik ako sa Stewarts? Ang maruming lugar na iyon.”“Ayaw mo sa Stewart Industries?” malamig na sinabi ni Sean. “Well, sa kasong ‘yan, mukhang mabibigo ka.“Stewart Industries, huh.” Pinadaan ni Michael ang kanyang tingin kay Sean at tumingin sa labas ng bintana. “Mukha maganda, so palagay ko gusto ko nga ito. Ibibigay mo ba ito sa akin?”“Kung hindi, hindi mo ba ‘to kukunin ng pwersahan?”“Kung ikaw ang may hawak, sigurado.” Hindi sinubukan ni Michael itago ang kanyang ambisyon. “Pero kung mamatay ka, hindi ko ito kukunin mula sa kanya.”Naningkit ang mga mata ni Sean. “Well, siguradong tapat ka sa nararamdaman mo para sa kanya. Dapat bang sabihan kitang a
Si Michael Luther ay pumasok sa Stewart Old Manor.“Ikaw ang nasa likod ‘nun, hindi ba?”Walang kahit anong babala o konteksto, sinigawan niya si Old Master Stewart, na simpleng umiinom ng tsaa.“Bigla kang lumabas kung saan… para lang magpakita ng kabastusan sa lolo mo? Ibinaba ni Old Master Stewart ang kanyang tasa, naninigas ang kanyang matandang mukha.“Ikaw ang naglagay kay butler Summers doon, ‘di ba?“Kung hindi man, ay hindi siya maglalakas ng loob, ‘di ba?”“Anong ibig mong sabihin? Anong nagawa ni Summers na dahil sa akin?”“Ikaw ang nasa likod ng aksidente ni Jane. ‘Yan ang gusto kong malaman. Ikaw ba, o hindi ikaw?!” Si Michael ay nasa tabi niya.Sa sandaling narinig ni Old Master Stewart ang pangalan ni Jane, ang kanyang ekspresyon ay mabilisang naging madilim. “Ano ito? Lalabanan mo ang sarili mong lolo para sa kanya?”“Ibig sabihin niyan… inaamin mo.”Tinikom ni Michael ang kanyang kamay sa isang kamao, ang kanyang buong katawan ay nanginginig sa galit. “Ano ba
Sa sumunod na tatlong araw, ang taong iyon ay hindi humakbang kahit isa papasok ng bahay.Tumayo si Tres at si Cuatro sa may pinto na tila isang pares ng walang ekspresyong guardian gods.Ang dating tahanan ng babae ay wasak na, kaya bumalik siya sa Stewart Manor. Sa pinakamalalim na bahagi ng manor, hindi niya marinig ang mga ibon o maamoy ang mga bulaklak. Ang butler ay ganap na ganap na professional din, at lahat ay naayos na para sa kanya.Bukod kay Tres at kay Cuatro, wala siyang ibang makausap.Wala, kahit si Tres at si Cuatro ay hindi siya kinausap.At para sa family butler, laging mabuti ang pagkilos nito at tunay na magalang sa kanya sa tuwing sila’y nagkikita.Ang kanyang tainga ngayon ay halos wala nang pakinabang, ang kanyang bibig ay dekorasyon na lamang.Ang mga naglilingkod sa paligid ng bahay ay pamilyar ang mga mukha, habang ang iba ay mukhang bago. Hindi ito mahalaga. Kahit sino pa ang makakita sa kanya, sila’y tumatango lamang bilang paggalang at maglalakad sa
Nalalapit na ang araw para sa bone marrow transplant ni Jason.Nagpalit na siya sa isang surgical gown. Si Madam Dunn ang kasama niya.“Huwag ka kabahan, Jason. Walang mangyayari na mali.” Inalo siya ni Madam Dunn. Kahit na, ang anak niya ay nanatiling tahimik.Habang tinitignan niya ang payat na pisngi ng anak niya, minura niya ulit si Jane sa puso niya.“Kung hindi dahil sa mabuting-puso na tao na kamatch mo, iyong malditang Jane na iyon ay muntik ka na mapatay.”Mukhang nasaktan si Jason.“Mama! Tumigil ka!”“Huh? Anong mayroon sa iyo?“Naaawa si mama para sayo. Bakit mo ako sinisigawan?”“Mama, huwag ka magsalita ng ganyang kay Jane.”“Bakit hindi ko pwede gawin iyon? Wala nga siya pake sa sariling miyembro ng pamilya niya.”Kinamumuhian ni Madam Dunn ang anak niyang babae mula sa kailaliman ng puso niya.Ngunit kahit na napatunayan niyang na talgang napagkamalan niya na hindi niya sariling anak si Jane, si Madam Dunn ay nanatiling kampi laban sa anak niya.Kung sabaga
Lumipas ang mga araw. Lulutuin ng lalaki lahat ng pagkain niya. Kapag pupunta siya sa trabaho, isasama niya ang babae sa tabi niya, pinapanatili siya sa paningin niya sa lahat ng oras. Mukha silang matamis at mapagmahal na mag-asawa.Mayroon itsura ng kainggitan sa mga mata ng ibang tao kapag nakikita nila si Jane.Sa oras, lahat ng tao mula sa bilog ay alam na.May nag buntong hininga, ‘si Jane Dunn mula sa pamilyang Dunn ay nakaraos na. Noong hinahabol niya pa lang si Sean dati, siya ay isang mapamillit na go-getter.’Ang iba ay may katulad na sentimyento rin. Nakuha na rin Jane kung ano ang gusto niya/Isang katapusan ng linggo.“Gusto ko siya makita.”“Sino?”“...Kuya ko.”May kumislap sa mga mata ng lalaki. Kahit na, pinanatili niya pa rin ang itsura niya.“Hindi mo kailangan mag-alala kay Jason.”Isang casual na ugali.Piniga ni Jane ang mga kamao niya. Pagkatapos ng ilang saglit...“Ang kondisyon niya ay hindi maganda. Gusto ko siya makita.”“Hindi ba maayos ang pa
‘Di kinalauna’y nagising din si Jane. Madilim ang kuwarto nang siya’y magising. Bumangon siya at naglakad-lakad sa sala. Hindi na niya ikinagulat ang lalaking nakaupo sa may sofa sa ilalim ng mainit na ilaw habang nanonood ng telebisyon.Mahina lamang ang tunog ng telebisyon sa sala dahil nag-aalala itong baka magising niya ang kanyang kasama kapag masyado itong malakas.Maririnig ang mga magaang yapak mula sa pasilyo. Napalingon ang lalaki.Nagtagpo ang kanilang mga mata.Ni wala ma lang pagbabago sa kanilang mga emosyon. Tila’y matagal na panahon na silang kasal at nagsasama. Tila ri’y mayroon silang kasunduang hindi na kailangang sabihin pa. Walang nagtangkang pigilan ang kakaibang kapayapaang kanilang nararamdaman.Mistulang… payapa sila sa isa’t isa.Tumayo ang lalaki, naglakad patungo sa gilid na lamesa, ininit ang mga pagkain, at ibinalik ito sa lamesa.Tahimik na tumungo rito ang babae, at umupo sila upang kumain.Mistulang wala silang away-bati na pagsasama, na wala si