Nakatayo si Jane sa harap ng isang puting pinto. Matapos niya ritong tumayo nang matagal, sa wakas ay itinulak niya ito pabukas.“Hindi ako kumakain.” Sa isang kama sa may ward, masasabing nalanta ang itsura ni Jason. Sa mga panahong ito, nabubuhay siya sa pagkabalisa. Ang pag-aasam niyang mabuhay ang dahilan kung bakit nilalabanan niya ang kanyang sakit.Subalit hindi mapagkakailang sobrang sakit nito. Habang lumilipas ang mga araw ay mas nagiging desperado na rin siya.Nilalabanan niya ang kanyang sakit maging ang kawalan ng pag-asa. Gusto pa niyang mabuhay. Gusto niya na lang magpakasasa at bumalik sa mga araw na hindi niya kailangang mag-alala parati.Ginugol ni Madam Dunn ang kanyang mga araw sa pag-iyak. Napagod na rin si Jason na makitang may taong iyak nang iyak sa kanyang tabi maghapon. Kamakailan lamang ay nagsimula na ring magkasakit si Madam Dunn, ngunit parang nawalan ng tinik sa lalamunan si Jason. Sa wakas, makakawala na siya sa taong walang tigil ang pag-iyak sa kan
”Anong...ibig mong sabihin?” Nanigas si Jason. Sa gilid ng kama niya, tumalikod si Jane at naglakad palayo. Hinablot nito ang braso niya. “Meron....Meron ka na ba talagang nahanap na angkop na donor ng bone marrow?”Nakatutok ang tingin niya sa babaeng nasa gilid ng kama. Sa saglit na iyon, para bang tatalon palabas ang puso niya. Binaba ni Jane ang titig niya at nagtama ang mga tingin nila ni Jason… Pagkakaba, pagkabalisa, pag-aabang, at pag-asa.Pag-asa mabuhay.Isang bahid ng pagkamahinahon ang lumalabas sa labi niya. Nakakasilaw ito tignan. “Oo, nakahanap ako ng donor. Mabubuhay ka, Kuya.”Dahan-dahan inabot ng manipis niyang kamay at hinila palayo ang kamay ni Jason. Manipis man ang kamay na iyon ngunit ito ay parang desidido.Nang tumalikod siya at inabot ang pinto...Sa kama ng ospital, bigla siyang tinitigan ni Jason ng may hindi makapaniwala na itsura sa mukha niya. Sa may pinto, lumingon pabalik ang kapatid niya at ngumiti. Iyon ang ngiti na hinding-hindi niya makakalim
“Siya nga pala, hindi ako pupunta sa Dunn Group bukas ng umaga.”“May kailangan ka gawin?”“Medyo pagod lang ako. Gusto ko lang magpahinga saglit.” Mukhang pagod si Jane pagkatapos niya sabihin ang mga salitang iyon. “Vivienne, maaari ko na ibigay sayo ang kalahati ng Dunn Group ngayon. Wag mo ako bibiguin,” sinabi niya iyon ng may kalahating tunay na pamamaraan at tumayo. “Sa tingin ko hindi na kita makakasabay pa kumain. Hayaan mo ako umidlip. Hindi ko alam bakit ako mabilis mapagod ngayon.Mukhang wasak ang puso ni Vivienne nang marinig niya ang mga salitang iyon.”Buntong hininga, ayan ang palagi mong ginagawa. Sige, aalis na ako ngayon. Wag mo na alalahanin pa ang trabaho. Ako na mag-aasikaso ng mga bagay sa-bagay sa kompanya.“Binigyan mo na ko ng shares ng Dunn Group… Mm, hindi ka ba talaga nagsisisi?”Naghihinala pa rin siya. Kahit na inaangkin ni Jane na binibili niya ang puso nito, hindi niya naman kailangan gamitin ang mga share ng Dunn group para gawin ito. Malugod nama
Nagmamadali ang kotse sa kalsada. Si Dos ang nagmamaneho. Sa malungkot at nakakasakal na espasyo, ang maliit na katawan ng babae ay nanginginig ng konti sa back seat.May bakal na braso ang nakagapos sa kanya ng mahigpit. Hindi posible na makagalaw siya.Ito ay parang hindi yakap at ito ay mas parang kinakadena siya. Ang mukha ng lalaking nagkukulong sa babae ay galit na galit.Mga patak ng malamig na pawis ang lumalabas sa noo ni Dos at dumadaloy ito pababa. Hindi siya naglakas loob punasan ito.Sa saglit na iyon, hindi siya nagmamaneho para sa babae at lalaki, kundi para sa isang...bagyo.Ang mababang presyon ng hangin ang bumabalot sa lalaki.Hindi maiwasan ni Dos na mainggit ng konti sa iba.Kahit papaano hindi nila kailangan manatili kasama ang leon na malapit na magwala kahit anong oras.Nilagay ng kotse ang indicator nito sa may ilaw ng trapiko at pumunta sa kaliwang linya nang may malamig na boses ang nanggaling sa likod. Naglakbay ito mula sa hood, na gumulat sa kanya.
Dinadaganan niya ito pababa. Mamasa-masa na ang mata ng babae, ang boses niya ay magaspang at namamaos na. "Ayaw ko…" 'sayo…'Isang malalim na halik ang humarang sa kanya sa pagtatapos niya sa sinasabi niya.Hindi makapagsalita ang babae, ngunit ang mga mata niya ay may laman na pagkamuhi at pagkatakot.Hinawakan ng lalaki ang mga mata na iyon, at ang puso niya ay biglang sumakit. Inabot niya ito at tinakpan ang mga mata gamit ang kamay niya. Ayaw niya tumingin. Ayaw niya tignan siya nito sa ganon na titig!Ang madilim na pupils ng lalaki ay puno ng matinding kirot. Sa saglit na iyon, wala siyang pag-aalangan tungkol sa pagbubunyag sa kanila. Ang kanyang... Ang kanyang… Ang kanyang mga mata ay nakatakip naman na. Hindi naman nito makikita sila.Siya… Siya ay pagmamay-ari naman niya!Siya ang gumawa ng mga kalupitan. Siya rin ang nakakaranas ng matinding sakit… Totoo ba na dahil minsan niyang hindi nakita na imposible para sa kanila ang magkaroon pa ng kinabukasan?'Jane! Jane, s
...Tinignan ni Jane ang tao na nagbukas ng pinto ng kotseng nasa tabi niya. Lumubog ang puso niya...Sa oras na ito ang aksidente sa sasakyan ay hindi talga aksidente.“Nagkita tayo muli, Mr. Summers.”Ang matandang lalaki ay mas nag mukhang matanda mula sa huli niyang pagkita. Naalala niya lalo na ang katotohanan na si Mr. Summers ay naging butler sa Stewart manor ng buong buhay nito. Sa alaala niya, itong matandang lalaki na ito ay disente.Kailanman ay hindi nagkaroon ng ngiti sa mahaba niyang mukha. Maglalagay lang siya ng istrikto na mukha buong taon. Mayroon din mahigpit na aura na kumakalat sa buong pagkatao niya.Subalit sa saglit na iyon, ang matandang lalaki ay wala ng pagkadisente maging butler ng stewart manor. Ang pumayat niyang katawan ay nalanta at natuyo na parang tuyong kahoy na nasa disyerto.Nang titignan niya ang mukha na palagi niyiyang naalala na matigas at istrikto, nakakita siya ng kabaliwan sa saglit na iyon.“Naaalala mo ako!“Naaalala mo pa pala ang mat
Dalli-daling nilock ni Mr. Summers ang pinto. Nang mapagtanto ng babae na hindi niya mabuksan ang pinto, sinimulan niya hampasin ang bintana ng nagwawala.Walang pagdududa na gusto niya ipadala sa kamatayan ito, walang pagdududa na hahayaan na hindi niya lang ito papalagpasin.Walang pagdududa ng nagmamaneho siya na parang baliw, hindi niya ito kinakatakutan.Subalit, kung ibang tao na ang naging baliw, mayroon biglang daluyong ng pagkatakot mula sa kailaliman ng puso niya.Inalis niya ang paa niya sa accelerator, ngunit ang bilis ng kotse ay hindi bumagal bigla.May baliw na babae na nakaupo sa tabi niya, desperadang hinahampas ang bintana. Nakaramdam din sa wakas ng katakutan si Mr. Summers. Kinontrol niya ang manibela ng isang kamay at hinawakan ang nagwawalang babae sa passenger seat ng mahigpit sa isang kamay.“Baliw ka ba?”Sumigaw siya ng galit na galit.Sa saglit na iyon hindi siya huminto mag-isip- ito ang gusto niya, hindi ba?Nang bumagsak ang lahat, nang hindi na k
Siguro ito ay dahil ginamit na niya lahat ng enerhiya niya pagkatapos ng ilang kaganapan na nangyari kanina, kaya nahimatay ang babae.Sa apartment sa taas.Nagliligpit na si Elior ng lalagyan niya ng gamot. “Okay na siya. Nahimatay lang siya, ayon lang. Ngunit masama ang kalagayan niya. Kapag nagising siya, kailangan niya pagtuunan ng pansin ang kinakain niya pati na rin ang kombinasyon ng pagbabalanse ng trabaho at pahinga…"Nang sabihin iyon ni Elior, tumigil siya saglit, tinignan ang babaeng walang malay sa kama, at kumulot ang labi niya. "Pinakamainam kung hindi niya masyado papagurin ang sarili niya. Mas okay kung dito na lang muna siya sa bahay at magpagaling."Ito pa lang ay mahirap na sabihin kung makakaya niya ba pagalingin ang sira niyang katawan pabalik sa pagiging masigla.Ang mga pangunahing tungkulin ng katawan niya ay sobrang nasira."Atsaka, minmuungkahi ko rin na mas makakabuti na dalhin siya sa ospital para sa mas komprehensibong pisikal na pagsusuri paggising
Ang pangalan ko ay Luka Stewart. Ito ay kakaibang pangalan, ‘diba? Parang ‘Tignan mo! Sabaw.’Lolo ko ang nagbigay ng pangalan ko. Sa lahat ng maraming taon ng karanasan ko bilang bata ay nagsasabi na ang lolo ko ay hindi mabait na tao.Isang tabi na ang lahat, tignan mo na lang ang pangalan na binigay niya sa akin. Mayroon siyang mahusay na pangalan mismo, ngunit binigyan niya ako ng kakaibang pangalan.Subalit, bawat beses na mag protesta ako tungkol dito sa kanya, lagi niyang sinasabi na ito ay kasalanan ng aking ama. Kung si Dad ay naging babae, siya sana ang magkakaroon ng pangalan na iyon.Tignan mo, SI Grandpa ay ang siyang nagbigay sa akin ng ganito kasamang pangalan, ngunit sinisisi niya ang lahat sa aking ama.Ah, nakalimutan ko silang ipakilala ng ayos.Ang pangalan ng lolo ko ay Sean Stewart.Tila, siya ay medyo gwapo noong kanyang kabataan.Ang aking lolo ay nagngangalang Jane Dunn.Minsan, hindi ko maiwasang mapaisip kung paano sila nauwing magkasama. Sila talaga
Sa ospital, walang tunog na bumukas ang pinto ng ward. Sa oras na ‘to, hindi ipinahayag ni Dos ang pagdating ng mas maaga.Nang nagmamadaling dumating si Elior, mabilis niyang nakita ang babaeng iyon.Bago pa siya makapagsalita, hinila siya ni Alora papunta sa pasilyo. Nagbukas ang pinto at nagsara muli.Ang lalaki sa kama ay tumagilid, mahimbing ang tulog.Walang nakakaalam kung tungkol saan ang napapanaginipan ng lalaki, ngunit ang malalim na pagkakunot ng noo sa kanyang mukha ay nagpakitang hindi maganda ang mga panaginip niya.Ang kanyang kamay ay nagpapahinga sa panlatag, ang kanyang wedding ring ay suot niya pa rin sa kanyang daliri.Mabagal siyang nilapitan ng babae, sa wakas ay tumigil sa harap ng kanyang hospital bed.Ang mga mata nito’y maningning at maaliwalas, ang kanyang tingin ay lumapag sa singsing sa kamay ng lalaki.Wala ring nakakaalam kung ano ang iniisip ng babae.Tinitigan niya ang singsing ng mahabang, mahabang oras, hanggang mawalan siya ng ulirat.Mata
"Jane, hindi paraiso ang Erhai. Ang tinatawag mong kapayapaan ay pagtakas lamang," taimtim na sinabi ni Alora.Hindi nga dapat niya ito sinasabi, pero may mga nakikita siyang bagay na hindi nakikita ng mga taong sangkot.Siguro ang sitwasyon ay laging mas malinaw mula sa labas. Siguro hindi.Kahit na, malinaw niyang nakikita na nag-aalinlangan si Jane.Tatlong taon na ang nakalipas, tinulungan niya si Jane tumakbo palayo dahil taos puso niyang gustong mamuhay si Jane ng payapang buhay mula noon.Marami na ang nagbago sa tatlong taon. Nagmature na rin siya.Ito ay dahil sa bago niyang nalamang maturity na hindi siya tumigil kakaisip tungkol doon.Tama ba siyang tulungan si Jane na makatakas tatlong taon na ang nakalipas? O ito ay isang pagkakamali?Malabo, nagsimula siyang mag-isip na mali siya.Ang babaeng ito ay lubusang natakot. Walang paraan na titigil siya at titingin sa kanyang paligid para makita ang mga tao at katotohanan.Sa loob ng tatlong taon, nakita rin ni Alora k
So pumunta ka nga rito para pag-usapan ang matandang lalaki?” Natawa ang lalaki sa kama, may malinaw na hindi makapaniwala sa kanyang mga mata. “Michael Luther, ang matandang lalaki ay hindi takot na mamatay ako. Mayroon siyang isa pang apo para magmana ng trono niya.Si Michael ay tumawa ironically.“Sa tingin mo talaga na babalik ako sa Stewarts? Ang maruming lugar na iyon.”“Ayaw mo sa Stewart Industries?” malamig na sinabi ni Sean. “Well, sa kasong ‘yan, mukhang mabibigo ka.“Stewart Industries, huh.” Pinadaan ni Michael ang kanyang tingin kay Sean at tumingin sa labas ng bintana. “Mukha maganda, so palagay ko gusto ko nga ito. Ibibigay mo ba ito sa akin?”“Kung hindi, hindi mo ba ‘to kukunin ng pwersahan?”“Kung ikaw ang may hawak, sigurado.” Hindi sinubukan ni Michael itago ang kanyang ambisyon. “Pero kung mamatay ka, hindi ko ito kukunin mula sa kanya.”Naningkit ang mga mata ni Sean. “Well, siguradong tapat ka sa nararamdaman mo para sa kanya. Dapat bang sabihan kitang a
Si Michael Luther ay pumasok sa Stewart Old Manor.“Ikaw ang nasa likod ‘nun, hindi ba?”Walang kahit anong babala o konteksto, sinigawan niya si Old Master Stewart, na simpleng umiinom ng tsaa.“Bigla kang lumabas kung saan… para lang magpakita ng kabastusan sa lolo mo? Ibinaba ni Old Master Stewart ang kanyang tasa, naninigas ang kanyang matandang mukha.“Ikaw ang naglagay kay butler Summers doon, ‘di ba?“Kung hindi man, ay hindi siya maglalakas ng loob, ‘di ba?”“Anong ibig mong sabihin? Anong nagawa ni Summers na dahil sa akin?”“Ikaw ang nasa likod ng aksidente ni Jane. ‘Yan ang gusto kong malaman. Ikaw ba, o hindi ikaw?!” Si Michael ay nasa tabi niya.Sa sandaling narinig ni Old Master Stewart ang pangalan ni Jane, ang kanyang ekspresyon ay mabilisang naging madilim. “Ano ito? Lalabanan mo ang sarili mong lolo para sa kanya?”“Ibig sabihin niyan… inaamin mo.”Tinikom ni Michael ang kanyang kamay sa isang kamao, ang kanyang buong katawan ay nanginginig sa galit. “Ano ba
Sa sumunod na tatlong araw, ang taong iyon ay hindi humakbang kahit isa papasok ng bahay.Tumayo si Tres at si Cuatro sa may pinto na tila isang pares ng walang ekspresyong guardian gods.Ang dating tahanan ng babae ay wasak na, kaya bumalik siya sa Stewart Manor. Sa pinakamalalim na bahagi ng manor, hindi niya marinig ang mga ibon o maamoy ang mga bulaklak. Ang butler ay ganap na ganap na professional din, at lahat ay naayos na para sa kanya.Bukod kay Tres at kay Cuatro, wala siyang ibang makausap.Wala, kahit si Tres at si Cuatro ay hindi siya kinausap.At para sa family butler, laging mabuti ang pagkilos nito at tunay na magalang sa kanya sa tuwing sila’y nagkikita.Ang kanyang tainga ngayon ay halos wala nang pakinabang, ang kanyang bibig ay dekorasyon na lamang.Ang mga naglilingkod sa paligid ng bahay ay pamilyar ang mga mukha, habang ang iba ay mukhang bago. Hindi ito mahalaga. Kahit sino pa ang makakita sa kanya, sila’y tumatango lamang bilang paggalang at maglalakad sa
Nalalapit na ang araw para sa bone marrow transplant ni Jason.Nagpalit na siya sa isang surgical gown. Si Madam Dunn ang kasama niya.“Huwag ka kabahan, Jason. Walang mangyayari na mali.” Inalo siya ni Madam Dunn. Kahit na, ang anak niya ay nanatiling tahimik.Habang tinitignan niya ang payat na pisngi ng anak niya, minura niya ulit si Jane sa puso niya.“Kung hindi dahil sa mabuting-puso na tao na kamatch mo, iyong malditang Jane na iyon ay muntik ka na mapatay.”Mukhang nasaktan si Jason.“Mama! Tumigil ka!”“Huh? Anong mayroon sa iyo?“Naaawa si mama para sayo. Bakit mo ako sinisigawan?”“Mama, huwag ka magsalita ng ganyang kay Jane.”“Bakit hindi ko pwede gawin iyon? Wala nga siya pake sa sariling miyembro ng pamilya niya.”Kinamumuhian ni Madam Dunn ang anak niyang babae mula sa kailaliman ng puso niya.Ngunit kahit na napatunayan niyang na talgang napagkamalan niya na hindi niya sariling anak si Jane, si Madam Dunn ay nanatiling kampi laban sa anak niya.Kung sabaga
Lumipas ang mga araw. Lulutuin ng lalaki lahat ng pagkain niya. Kapag pupunta siya sa trabaho, isasama niya ang babae sa tabi niya, pinapanatili siya sa paningin niya sa lahat ng oras. Mukha silang matamis at mapagmahal na mag-asawa.Mayroon itsura ng kainggitan sa mga mata ng ibang tao kapag nakikita nila si Jane.Sa oras, lahat ng tao mula sa bilog ay alam na.May nag buntong hininga, ‘si Jane Dunn mula sa pamilyang Dunn ay nakaraos na. Noong hinahabol niya pa lang si Sean dati, siya ay isang mapamillit na go-getter.’Ang iba ay may katulad na sentimyento rin. Nakuha na rin Jane kung ano ang gusto niya/Isang katapusan ng linggo.“Gusto ko siya makita.”“Sino?”“...Kuya ko.”May kumislap sa mga mata ng lalaki. Kahit na, pinanatili niya pa rin ang itsura niya.“Hindi mo kailangan mag-alala kay Jason.”Isang casual na ugali.Piniga ni Jane ang mga kamao niya. Pagkatapos ng ilang saglit...“Ang kondisyon niya ay hindi maganda. Gusto ko siya makita.”“Hindi ba maayos ang pa
‘Di kinalauna’y nagising din si Jane. Madilim ang kuwarto nang siya’y magising. Bumangon siya at naglakad-lakad sa sala. Hindi na niya ikinagulat ang lalaking nakaupo sa may sofa sa ilalim ng mainit na ilaw habang nanonood ng telebisyon.Mahina lamang ang tunog ng telebisyon sa sala dahil nag-aalala itong baka magising niya ang kanyang kasama kapag masyado itong malakas.Maririnig ang mga magaang yapak mula sa pasilyo. Napalingon ang lalaki.Nagtagpo ang kanilang mga mata.Ni wala ma lang pagbabago sa kanilang mga emosyon. Tila’y matagal na panahon na silang kasal at nagsasama. Tila ri’y mayroon silang kasunduang hindi na kailangang sabihin pa. Walang nagtangkang pigilan ang kakaibang kapayapaang kanilang nararamdaman.Mistulang… payapa sila sa isa’t isa.Tumayo ang lalaki, naglakad patungo sa gilid na lamesa, ininit ang mga pagkain, at ibinalik ito sa lamesa.Tahimik na tumungo rito ang babae, at umupo sila upang kumain.Mistulang wala silang away-bati na pagsasama, na wala si