"Balitaan mo ako pagkalipas ng isang linggo. Bantayan mo ng maigi si Shaina at kung maaari ay sundan mo siya kahit saang lupalop pa siya ng mundo magpunta." Ang huling salitang narinig ko mula kay Karlos, bago pa man ako humiwalay sa kaniya at sundin ang pinapautos niya sa akin.
Nakilala ko siya sa isang lansangan, noong ako ay hinahabol ng mga pulisya.Masyadong delikado ang trabahong mayroon ako dahil sariling buhay ko ang nakasalalay dito, maraming batang nagugutom ang umaasa sa akin at hinihintay ang aking pagdating.Sa lansangan ako lumaki, kasama ang mga badjao at mga pulubi.Subalit nang magkaisip na ako ay ginamit ko naman ang sariling kakayahan ko at katalinuhan. Hindi ko kailanman naranasan ang mag-aral sa isang magandang eskwelahan. Ang lahat ng bagay ay natutunan ko lamang sa kalye o kalsada.Nakikisilip at tagapagpakinig lamang ako nuon sa mga batang nag-aaral.Paunti-unti ay tuturuan ko ang aking sarili at napag-aaralan ko ang"Bakit mo 'ko tinulungan?" ang itinanong ko nuon kay Karlos, matapos niyang iligtas ang buhay ko sa binggit ng kamatayan. Dinala niya ako sa isang liblib na lugar, sa isang isla. Kung saan malabong matunton o masundan pa ako ng mga pulisya. Tahimik lang siyang nakaupo sa harapan ko habang ginagamot niya ang sugat na natamo ko mula sa likod ng aking hita.Mabuti na lang at hindi iyon masyadong bumaon kaya natanggal niya kaagad at tinakpan niya ito ng puting bendahe. "Ayan, tapos na!" aniya sabay tumayo na siya. Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakatuwad ko kanina dahil ayoko namang dumapa at baka lalong bumaon pa ang bala mula sa loob non. Sinundan ko siya ng tingin na may bakas ng pagtataka sa aking mukha. Pinagmasdan ko rin buong awrahan niya mula ulo hanggang paa, pabalik. Hindi maitatanggi na may itsura siya at talaga namang nakakaakit tigna
Mariin niyang binitawan ang aking mukha at malakas na pagsampal ang gumising sa aking diwa."Mukhang palaban ang isang ito. Tignan lang natin kung saan hahantong ang katapangan mong iyan," pagkasabi niyang iyon ay bigla niya inutusan ang dalawang tauhan niya.Pinatayo nila ako at saka dinala sa kung saan. Parehas silang nakahawak ng mahigpit sa braso ko, kung kaya't hindi ko magawang makapalag sa kanila at hindi ako makagalaw. Huminto kami sa paglalakad nang matunton namin ang aming karoroonan. Pinakinggan ko ng maigi ang buo kong paligid hanggang sa itulak na lang niya ako mula sa aking likuran, dahilan para mahulog ako sa pinakamalalim na balon. Bumagsak ako sa ilalim na ramdam ang sakit at kirot mula sa bahagi ng aking katawan.Unang bumagsak ang kanang braso ko kung kaya't namanhid ito at hindi ko magawang maigalaw. Mukhang lumang balon ang pinagbagsakan ko. Walang tubig roon at nilulumot na rin sa katandaan.Iniwan nila akong
Hininto ni Ivan ang motorsiklo sa isang tabi, sa tapat ng isang mall kung saan maraming tao at marami rin ang nakakakita sa amin.Hindi ko alam ang iniisip niya o binabalak niyang gawin pero mukhang ito lang din ang tangging paraan upang hindi na kami masundan pa ng mga lalaking humahabol sa amin."Mabuti pa't maghiwalay-hiwalay na tayo rito," ang sinambit niya na ikinabigla ko.Ibig ba niyang sabihin ay magkaniya kaniya na kami? pero paano kung masundan pa rin kami ng mga taong iyon? Paglalayag ko mula sa aking isipan.Tumango na lang din sa ulo si Mira at tumalikod na ako sa kanila upang ibalita kay Karlos ang mga nangyari sa akin, pati na rin ang mga nalaman ko tungkol sa personal bodyguard at nurse ni Alona.Ngunit hindi pa man ako nakakalayo-layo ay may bigla namang pumigil sa akin at hinawakan ako sa braso ko, kung kaya't mabilis akong napalingon sa likuran ko at tipong susungaban sana siya ng suntok sa mukha nang matigilan ako at napagta
Sinundan ko ang ambulansyang sinasakyan ni Shaina, patungong hospital. Napansin ko sa bandang likuran na may isa pang sumusunod sa ambulansyang iyon. Napakunot noo ako nang mapansin ko sa side mirror ang kotse ni Karlos.Anong ginagawa niya? saan niya balak magpunta at saka, bakit siya nandito?Hindi ba't kakatapos lang ng kasal nilang dalawa ngayon? kaya bakit pa niya sinusundan si Shaina? bulong ko mula sa aking isipan.Nag-iba ako ng route para hindi niya mapansin na nakasunod din ako sa ambulansyang iyon. Alam ko rin naman kung saan sila patungo at iisa lang naman ang hospital na pinakamalapit sa destinasyon namin.Sa mahigit na isang taong iginugol ko sa pag-iimbestiga tungkol sa pagkatao ni Shaina, Karlos, Ivan at Alona. Mukhang kulang pa ang aking kaalaman at may mga bagay pa akong dapat na malaman.Alam ko naman na ang hangarin ni Karlos ay mapakasalan si Alona, upang maangkin niya ang lahat ng minana nito sa kaniyang pamilya. Sa oras na ma
Nang magkamalay na si Shaina ay si Jake kaagad ang unang nakita niya sa pagmulat ng kaniyang mga mata.Sinubukan niyang ibangon ang kaniyang sarili ngunit nabigo lamang siya sa kirot at hapdi na naramdaman niya mula sa tahi niya, sa bandang kanan tagiliran dahil sa pagkakasaksak sa kaniya."Ipahinga mo muna ang iyong sarili at hindi pa gaano naghihilom ang sugat mo." Ani ng binatang doktor sa kaniya na may halong pag-aalala sa tono ng kaniyang boses.Napakunot naman sa noo ang dalaga nang mapagmasdan niya ang mga mata ni Jake na animoy nag-aalala sa kondisyon niya.Sino ba talaga ang lalaking ito? bakit parang pakiramdam ko ay nagkita na kaming dalawa nuon?Saan ko nga ba nakita ang mga mata niyang iyan?Naging customer ko ba siya nuon o nagkita na ba kaming dalawa nuon sa club?Ang sunud-sunod na paglalayag mula sa isipan ng dalaga habang nakatitig pa rin siya sa mga mata ni Jake."Ayos ka lang ba? may iba pa bang masakit sa i
(ANG PANGYAYARI BAGO MAGPALIT NG PAGKATAO AT MUKHA SI SHAINA.)"Kill her," mahinang sambit ni Jake mula sa cellphone na hawak niya habang nakatapat ito sa kanang tenga niya.Kasalukuyan siyang nakatayo malapit sa bintana ng opisina niya at nakatanaw mula sa malayo, kung saan naroroon si Nara at palihim na binabantayan si Shaina sa silid na kinalalagyan niya.Doktor J, ang madalas na tawag sa kaniya kapag nasa loob siya ng hospital na pinagtatrabauhan niya. Subalit bukod sa pagiging doktor may iba pa siyang propesyon sa kaniyang buhay."Pinatatawag niyo raw ako, Mr. K." Ang tawag sa kaniya ni Roan, noong nabubuhay pa ito.Ang Mr. K na pangalan ay nakuha niya mula sa paborito niyang baraha na ang ibig sabihin ay, "King."Si Jake, ang namamahal sa night club na pinagtatrabahan nuon ni Shaina at siya rin ang misteryosong lalaking palaging nakamaskara na pinagsisilbihan naman ni Roan at Aubrey.Multi billionaire player, kung si
"Nasisiraan ka na ba? hindi ba't sinabi ko naman sa iyo ng paulit-ulit na gawin mong maayos at malinis ang trabaho mo? bakit mo siya hinulog sa tapat ng simbahan?!" inis niyang turan sa alalay niyang si Paul, ang kanang kamay niya na palaging nakasunod sa kaniya.Si Paul din ang inutusan niyang sumaksak kay Shiana at siya rin ang inutusan niyang pumatay kay Mira, ngunit hindi naman niya inaasahang tatalon ang dalaga mula sa tutok ng gusali.Nakaluhod ang binata sa harapan ni Jake at duguan ang kalahating mukha nito matapos siyang pukpokin ng babasaging bote sa ulo."I'm sorry, sir. Pero hindi ko siya napigilan at kusa siyang tumalon." Ang tinuran naman ni Paul na nakayuko ang kaniyang ulo."What? ibig mong sabihin, totoong nagpakamatay siya?" pagkasabi niya ay tumango na lamang sa ulo ang binata.Napabuga na lang ng malalim si Jake at tumungo sa kalapit na bintana habang nakapamewang ang dalawang braso niya."Bantayan mo yung dalawang bi
Pinaimbestigahan kaagad ni Karlos ang isang pirasong mata na natanggap niya mula sa box na pinadala sa kaniya.Pinasuri rin niya sa mga empleyado niya ang cctv monitoring room pero laking gulat na lamang niya nang mapagtanto na may nagbura ng cctv file record nila kung kaya't hindi nila natukoy ang tunay na pagkatao nung lalaking naghatid sa kaniya ng package.Pabagsak na lang napaupo si Karlos sa swivel chair niya habang tulala siya at may malalim na iniisip.Paulit-ulit niya inaalala ang lalaking nakausap niya at nagdala sa kaniya ng package. Malakas ang kutob niya na may kinalaman ang lalaking ito sa pagkamatay ng dalagang si Nara, lalo na nang makumpirma ng mga owtoridad na ang bahaging matang natanggap niya ay nanggaling mismo sa labi ng dalaga na si Nara.Laking pagtataka nila kung papaano ito nakapasok sa loob ng morgue, gayung mahigpit ang seguridad nila at may mga nakabantay naman sa labas.Hinihinala nila na isa sa mga pulis doon
Makalipas ang isang taon pagkatapos naming makapag-usap dalawa ni Karlos ay nabalitaan ko na lamang na isinuko niya ang kaniyang sarili na kasama si Shaina, pagkatapos niyang makapanganak. Nalaman ko rin na pinaubaya niya ang kanilang anak sa mas ligtas na lugar, sa isang bahay-ampunan. Kung saan nangako sila sa mga tagapagbantay doon na babalikan nila ang kanilang anak pagkatapos nilang malinis ang mga kasanalang nagawa nilang dalawa. Pinaubaya rin niya sa kamay ng mga owtoridad ang tungkol sa USB na ibinigay ko sa kaniya na may nilalamang ebidensiya tungkol sa mga krimeng ginawa ng sarili niyang ama na si Henry Sermiento at kasama na roon ang anak nito sa labas na si Jake. Maraming kaso ang kinakaharap nila ngayon at unti-unti ring bumagsak ang sarili nilang kumpanya. Bukod pa roon ay marami rin silang nahanap na ebidensiya na magpapatunay sa krimeng ginawa
Dalawang taon ang makalipas magmula no'ng mamalagi ako sa ibang bansa kasama ang aking anak na si Emily.Pagkatapos ng dalawang taong iyon ay muli akong bumalik sa Pilipinas na kasama ang aming anak ni Karlos, upang ipakilala sa kaniya ang naging bunga ng aming pagmamahal nuon sa isa't-isa.Sapat na ang dalawang taong iyon upang makaipon ako ng lakas ng loob at ipagtapat sa kaniya ang matagal ko nang itinatago sa kaniya. Nakipagkita ako sa kaniya sa isang private restaurant upang makipag-usap sa kaniya ng masinsinan. Habang naglalakad ako papunta sa pinareserve niyang table ay natanaw ko kaagad ang pamilyar na mukha ng isang babaeng katabi niya.Nakasuot akong puting off-shoulder blouse at simpleng black-trouser na may five inch heels na suot sa aking paa, habang maayos namang nakaipit ang mahaba kong buhok na taas-noong naglalakad papunta sa kanila. "Alona." Ang unang salitang narinig ko mula kay Karlos na
Kanina pa ako palakad-lakad at palingon-lingon sa aking paligid, habang hinahanap ko si Karlos. Nagpaalam kasi siya sa akin kanina na pupunta lang siya sandali ng restroom, ngunit halos mag-iisang oras na ay hindi pa rin siya bumabalik. Iniisip ko na baka natangay na naman siya ng mga kakilala niyang negosyante o baka nakipagkuwentuhan na naman siya sa mga kasosyo niya sa negosyo.Subalit halos nalibot ko na yata ang buong hasyenda ay hindi ko pa rin siya nahahagilap. Nagpunta na rin ako sa men's restroom at inaabangan siya sa paglabas mula roon sa banyo, ngunit mukhang wala rin siya roon.Saan kaya siya nagpunta? bakit ang tagal naman yata niyang bumalik? Ang paglalayag sa aking isipan habang naglalakad ako at may hawak na metal stick pang-suporta sa aking paglalakad dahil kailangan ko pa ring mag-ingat sa bawat ikinikilos ko at dahil kailangan ko pa ring magpanggap na bulag
"Good evening, Mr. Sermiento. Nice too see you again." Bati ng isang ginoo kay Karlos habang nagkakamayan silang dalawa.Kasalukuyan kaming nasa isang engrandeng okasyon. Hindi nabanggit sa akin ni Karlos kung saan kami tutungo, basta ang sinabi lang niya ay may pupuntahan daw kaming espesyal na okasyon.Nilibot ko ng tingin ang buo naming paligid. Mukhang napakaespesyal nga ng gabing ito dahil hindi lang basta-bastang ordinaryong bisita ang mga dumalo sa okasyong iyon. Pasimple kong pinagmamasdan ang aming paligid at hindi ako masyadong gumagalaw dahil baka may makahalata na nakakakita na akong muli. Nagsuot ako ng itim na sunglasses dahil iyon ang binilin sa akin ni Ivan, medyo hindi kasi ako mahusay umakting kaya nag-iingat lang din siya. Pagkatapos niyang makipagbatian sa mga kakilala niyang negosyante ay kaagad din naman siyang lumapit sa akin at inakbayan ako sa aki
Makalipas ang mahigit isang taon na pamamalagi namin ni Ivan sa ibang bansa ay muli kaming nakabalik at nakauwi ng Pilipinas. Pagkababa ng eroplano ay sumalubong din naman kaagad sa aming dalawa ang mga malalapit naming kaibigan at kamag-anak. Saglit kong inalis ang itim na sunglasses na aking suot at saka itiningala ang aking mukha sa langit, sabay ipinikit ang aking mga mata upang damhin ang sinag ng araw na dumadampi sa aking mukha.Namiss ko 'to. Ang tumingala sa langit at damhin ang sinag ng araw habang tahimik na pinapakinggan ang ingay sa aking kapaligiran. Pagkatapos ng isang taon na pamamalagi ko sa ibang bansa ay halos ngayon ko lang ulit naramdaman ang init na pagsalubong sa akin ng bansang kinagisnan ko. Palagi na lang kasi kaming nakasuot ng makakapal na damit sa ibang bansa at halos puro snow lang ang makikita sa aming paligid.Umaaraw din naman roon pero hindi gaanong kainit, hindi
Nakatanggap kami ng magandang balita ni Ivan mula sa ibang bansa, tungkol ito sa aking donor sa mata.Nakumpirma rin namin mula sa pinakamahusay na doktor na may pag-asa pang maibalik muli sa normal ang mga paningin ko at buong puso akong nagpapasalamat sa maykapal dahil binigyan niya ako muli ng isa pang pag-asa para makita ang mga magagandang tanawin sa aking kapaligiran.Kaya nagsagawa na rin kami kaagad ng plano na pansamantala na muna kaming maninirahan sa ibang bansa hanggang sa matapos ang operasyon ko at hanggang sa mailuwal ko ng maayos ang aking anak.Wala pa ring kaalam-alam si Karlos tungkol sa anak naming dalawa. Pinili kong ilihim ito sa kaniya dahil ayokong angkinin niya ang aking anak, kagaya ng ginawa ng kaniyang ama sa tunay na ina ni Jake.Kung saan puwersahan siyang sinama ng kaniyang ama at pinatay ang sarili niyang ina. Kung magkataon ay baka ikamatay ko rin iyon kung sakaling mawa
Pagkagising ko sa umaga ay bigla na lang akong nakaramdam ng papanakit ng ulo kaya napabangon din ako kaagad at lumabas mula sa aking kuwarto nang makarinig ako ng mga pagtatawanan mula sa kabilang silid at kung hindi ako nagkakamali ay opisina iyon ni Karlos. Maliit na liwanag lamang ang naaninag ko ngunit parang dinadala ako roon ng mga paa ko, hanggang sa mapakahawak sa seradura ng pinto at marahan itong binuksan.Mas lumakas pa ang pagtatawanan na naririnig ko kanina at napagtanto ko na may babae pala sa loob ng opisina niya at kung hindi ako nagkakamali sa boses na aking narinig kanina ay mula mismo iyon kay Jen o sa totoong pangalan na si Shaina.Tila nabigla naman silang dalawa nang makita ako sa tapat ng pintuan kaya kaagad din silang natahimik at apurahan namang lumapit sa akin si Karlos habang nakasunod sa likuran niya ang babae niya."Kanina ka pa ba nandiyan?" bungad niyang tanong
(Alona's POV)Nagpasama ako sa isang kasambahay ko na magtungo sa malapit na hospital upang ipatingin ang aking mga mata.Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na iba ang sinadya ko roon at hindi para ipa-check up ang aking mga mata.Walang nakakaalam tungkol sa pag-alis kong iyon. Tangging ako lang at ang kasambahay na sinamahan ako sa pagpunta roon.Nito kasing mga nakaraang araw ay parang nagiging madalas ang pagkahilo ko at pagsusuka.Palagi rin mabigat yung pakiramdam ko kahit wala naman talaga akong sakit. Medyo nag-iiba na rin ang timpla ng panlasa at pang-amoy ko na tipo pati mga paborito kong kinakain nuon ay tinatanggihan ko na ngayon at parang nababauhan ako.May kutob na ako sa mga sunud-sunod na sintomas na nararamdaman ko, subalit gusto ko pa rin makasigurado kung tama ba ang hinala ko at hindi naman ako nabigo dahil nakumpirma ko mismo mula sa aking doktor na isang buw
Nabitawan na lang bigla ni Alona ang hawak niyang baso habang pinupunasan niya ito at tinutulungan sa gawaing bahay ang mga kasambahay niya sa loob ng kusina na kasalukuyang nagpupunas din naman ng mga pinggan at baso.Napalingon naman silang lahat at natigilan nang marinig nila ang malakas na pagkabagsak nito sa sahig at kaagad ding nagkapiraso-piraso sa sahig. "Naku, Ms. Alona! ayos lang ho ba kayo? hindi ba kayo nasaktan o nasugatan? sinabi ko naman ho sa inyo na kami na ang bahala rito at magpahinga na lang kayo sa loob ng kuwarto niyo." Nag-aalalang turan ng isang katulong nila sa kaniya habang nililinis naman ng ibang kasambahay niya ang basong nabitawan nito kanina.Apurahan namang tumungo sa loob ng kusina si Ivan nang marinig niya ang malakas na pagkabasag ng baso at nanlaki na lamang ang kaniyang mga mata nang matagpuan niya si Alona na nakatayo lamang sa puwesto niya at nakatulala.