Sinundan ko ang ambulansyang sinasakyan ni Shaina, patungong hospital. Napansin ko sa bandang likuran na may isa pang sumusunod sa ambulansyang iyon. Napakunot noo ako nang mapansin ko sa side mirror ang kotse ni Karlos.
Anong ginagawa niya? saan niya balak magpunta at saka, bakit siya nandito?Hindi ba't kakatapos lang ng kasal nilang dalawa ngayon? kaya bakit pa niya sinusundan si Shaina? bulong ko mula sa aking isipan.Nag-iba ako ng route para hindi niya mapansin na nakasunod din ako sa ambulansyang iyon. Alam ko rin naman kung saan sila patungo at iisa lang naman ang hospital na pinakamalapit sa destinasyon namin.Sa mahigit na isang taong iginugol ko sa pag-iimbestiga tungkol sa pagkatao ni Shaina, Karlos, Ivan at Alona. Mukhang kulang pa ang aking kaalaman at may mga bagay pa akong dapat na malaman.Alam ko naman na ang hangarin ni Karlos ay mapakasalan si Alona, upang maangkin niya ang lahat ng minana nito sa kaniyang pamilya. Sa oras na maNang magkamalay na si Shaina ay si Jake kaagad ang unang nakita niya sa pagmulat ng kaniyang mga mata.Sinubukan niyang ibangon ang kaniyang sarili ngunit nabigo lamang siya sa kirot at hapdi na naramdaman niya mula sa tahi niya, sa bandang kanan tagiliran dahil sa pagkakasaksak sa kaniya."Ipahinga mo muna ang iyong sarili at hindi pa gaano naghihilom ang sugat mo." Ani ng binatang doktor sa kaniya na may halong pag-aalala sa tono ng kaniyang boses.Napakunot naman sa noo ang dalaga nang mapagmasdan niya ang mga mata ni Jake na animoy nag-aalala sa kondisyon niya.Sino ba talaga ang lalaking ito? bakit parang pakiramdam ko ay nagkita na kaming dalawa nuon?Saan ko nga ba nakita ang mga mata niyang iyan?Naging customer ko ba siya nuon o nagkita na ba kaming dalawa nuon sa club?Ang sunud-sunod na paglalayag mula sa isipan ng dalaga habang nakatitig pa rin siya sa mga mata ni Jake."Ayos ka lang ba? may iba pa bang masakit sa i
(ANG PANGYAYARI BAGO MAGPALIT NG PAGKATAO AT MUKHA SI SHAINA.)"Kill her," mahinang sambit ni Jake mula sa cellphone na hawak niya habang nakatapat ito sa kanang tenga niya.Kasalukuyan siyang nakatayo malapit sa bintana ng opisina niya at nakatanaw mula sa malayo, kung saan naroroon si Nara at palihim na binabantayan si Shaina sa silid na kinalalagyan niya.Doktor J, ang madalas na tawag sa kaniya kapag nasa loob siya ng hospital na pinagtatrabauhan niya. Subalit bukod sa pagiging doktor may iba pa siyang propesyon sa kaniyang buhay."Pinatatawag niyo raw ako, Mr. K." Ang tawag sa kaniya ni Roan, noong nabubuhay pa ito.Ang Mr. K na pangalan ay nakuha niya mula sa paborito niyang baraha na ang ibig sabihin ay, "King."Si Jake, ang namamahal sa night club na pinagtatrabahan nuon ni Shaina at siya rin ang misteryosong lalaking palaging nakamaskara na pinagsisilbihan naman ni Roan at Aubrey.Multi billionaire player, kung si
"Nasisiraan ka na ba? hindi ba't sinabi ko naman sa iyo ng paulit-ulit na gawin mong maayos at malinis ang trabaho mo? bakit mo siya hinulog sa tapat ng simbahan?!" inis niyang turan sa alalay niyang si Paul, ang kanang kamay niya na palaging nakasunod sa kaniya.Si Paul din ang inutusan niyang sumaksak kay Shiana at siya rin ang inutusan niyang pumatay kay Mira, ngunit hindi naman niya inaasahang tatalon ang dalaga mula sa tutok ng gusali.Nakaluhod ang binata sa harapan ni Jake at duguan ang kalahating mukha nito matapos siyang pukpokin ng babasaging bote sa ulo."I'm sorry, sir. Pero hindi ko siya napigilan at kusa siyang tumalon." Ang tinuran naman ni Paul na nakayuko ang kaniyang ulo."What? ibig mong sabihin, totoong nagpakamatay siya?" pagkasabi niya ay tumango na lamang sa ulo ang binata.Napabuga na lang ng malalim si Jake at tumungo sa kalapit na bintana habang nakapamewang ang dalawang braso niya."Bantayan mo yung dalawang bi
Pinaimbestigahan kaagad ni Karlos ang isang pirasong mata na natanggap niya mula sa box na pinadala sa kaniya.Pinasuri rin niya sa mga empleyado niya ang cctv monitoring room pero laking gulat na lamang niya nang mapagtanto na may nagbura ng cctv file record nila kung kaya't hindi nila natukoy ang tunay na pagkatao nung lalaking naghatid sa kaniya ng package.Pabagsak na lang napaupo si Karlos sa swivel chair niya habang tulala siya at may malalim na iniisip.Paulit-ulit niya inaalala ang lalaking nakausap niya at nagdala sa kaniya ng package. Malakas ang kutob niya na may kinalaman ang lalaking ito sa pagkamatay ng dalagang si Nara, lalo na nang makumpirma ng mga owtoridad na ang bahaging matang natanggap niya ay nanggaling mismo sa labi ng dalaga na si Nara.Laking pagtataka nila kung papaano ito nakapasok sa loob ng morgue, gayung mahigpit ang seguridad nila at may mga nakabantay naman sa labas.Hinihinala nila na isa sa mga pulis doon
"Karlos!" nagising na lang ako mula sa masamang panaginip na may kinalaman tungkol sa kaniya.Natagpuan ko ang aking sarili na naliligo sa sariling pawis at hinihingal sa paghinga. Ngunit napamaang na lamang ako nang libotin ko ng tingin ang buo kong paligid."Nasaan ako?" ang unang katanungan na sumagi sa aking isipan nang mapagtanto ko ang aking sarili na nakahiga sa hindi pamilyar na kama at kwarto.Bumangon ako at isa-isang nilibot ng tingin ang mga bagay bagay sa aking paligid. Tinignan ko ang mga litratong nakadisplay sa may dingding at napansin ko na litrato iyon ng dalawang taong may masayang alaala."Sandali, bakit parang pamilyar yata sa akin yung lalaki sa larawan?" saad ko sa aking sarili habang maiging minamasdan ang mukha ng lalaki sa litrato.Sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla ko na lamang nabitawan yung picture frame na hawak ko nang maramdaman kong may kamay na gumagapang sa bewang ko.Sa sobrang gulat ko ay nab
Madalas kong iwasan nuon ang mga lalaking madalas ngumiti at may mapupungay na mata, dahil sila yung mga tipong lalaki na papakiligin ka lang pero hindi ka kayang mahalin. Pagkatapos ka nilang paibigin ay bigla ka na lang din nilang iiwanan na para bang walang nangyari. At ang tipong iyon ay nakikita ko sa kaniyang mga mata.Alam ko na ginagamit lang din niya ako at may malalim siyang dahilan kaya hindi dapat akong magpalinlang sa mga malalagkit niyang titig sa mata at mapang-akit niyang ngiti sa kaniyang labi."Listen carefully, everyone. Jen has a temporary amnesia, kaya wala siyang naaalala tungkol sa pagkatao niya at maging ako ay nabura rin sa alaala niya. Alam kong nakakalungkot isipin at napakasakit na tanggapin, lalo na't hindi niya magawang maibigkas ang pangalan ko. Gayunpaman, sana matulungan niyo ako na maibalik muli ang mga nawala niyang alaala. Mahirap man pero kakayanin. Magiging abala na ako sa mga susunod na araw at hindi ko alam kung maaasikas
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Paul sa kaniya."May gustong sumira sa mga pinaplano natin. Kailangan mahanap natin siya kaagad bago pa man lumala ang sitwasyon." "Sandali, ibig sabihin ibang tao pala yung nagpadala sa akin ng mensahe? ibig sabihin, alam din niya ang tungkol sa mga pinaplano natin?" ani ni Paul at tumango naman sa ulo si Jake, bilang pag-sang ayon sa kaniya."Basta gawin mo lang yung pinapagawa ko sa iyo. Bantayan mo lang silang dalawa at ako na ang bahala sa kaniya, kung sino man siya. Sa ngayon, huwag mo muna akong kokontakin sa number kong ito dahil baka gamitin na naman niya itong cellphone ko at kung ano pa ang ipagawa niya sa'yo. Basta kokontakin na lang kita kapag may iba pa akong ipapagawa sa'yo." Pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ay bumalik na sa loob ng bahay si Jake at tumungo ulit sa kusina upang balikan si Shaina, ngunit hindi pa man siya nakakapasok sa loob ay nakaramdam na siya ng pagvibrate mula sa loob ng bulsa niya.
"Ba... bakit? may problema ba?" nauutal na turan ni Shaian kay Jake, nang hawakan siya nito ng mahigpit sa pulsuhan niya at titigan siya ng matalim sa mata.Napalunok naman ng malalim si Jake nang mapatitig siya sa mga mata ng dalaga. Pinagmasdan niya ang buong mukha nito, kung saan ginagamit ng dalaga ang mukha ng matalik niyang kaibigan na si Jen. Tila napaatras siya at kaagad niya itong binitawan sa kamay. Tumalikod na lamang siya at tumungo sa opisina niya na walang salitang ibinibigkas sa kaniyang bibig.Pagkapasok niya sa loob ng opisina ay napasandal siya saglit sa may pintuan at hinawakan ang kabilang dibdib niya kung nasaan ang puso.Bigla kasi siyang nakaramdam ng pagkirot mula sa kaniyang puso, lalo na nung matitigan niya sa mata ang dalaga at nang makita niya ng malapitan ang mukha nito na halos kahawig na kahawig ni Jen.Bigla tuloy sumagi sa isipan niya ang mga alaala ng namayapang kaibigan, kung saan masaya silang magkasama at naghahabu