Pagkarating ni Shaina sa masikip at maliit na eskinita ay wala na siyang naabutan pa roon. Kahit anong lingon niya sa paligid ay hindi na niya ito nahagilap pa. Kaya napabuga na lang siya ng malalim na paghinga at napasapo sa kaniyang noo gamit ang sariling kamay.
Hapong-hapo siya sa paghinga at pawisan ang buo niyang mukha dahil sa kakatakbo at kakahabol sa kaniya kanina, subalit nabigo lamang siya na maabutan ito at tila bigla na lang din itong nawala sa isang iglap.Napalingon naman siya nang marinig ang pagdating ng ambulasya at binalikan na lamang ang sina Karen at Troy sa loob ng pinagtatrabauhan nila.Pagkapasok siya sa loob ay naabutan na lamang niyang tinatakpan ng puting tela ang buong katawan ng dalaga habang binubuhat naman sa stretcher lift si Troy nang ilang paramedics."Sandali lang, bakit niyo tinatakpan ang mukha niya? buhay pa siya. Humihinga pa siya, tignan niyo ng maigi." Ani ni Shaina sa isang paramedic."I'm sorry but she passNang makarating na si Shaina sa kasalukuyang tinutuluyan ng kaniyang mga kapatid ay apurahan itong pumasok sa loob at hinanap kaagad si Aubrey, ang ika-apat niyang kapatid."Nasaan si Aubrey? bakit wala siya rito sa loob ng bahay?" ang bungad niyang tanong nang makapasok na siya sa loob."Ate Shaina? napadalaw ka?" usisa naman ng isang kapatid nito sa kaniya ang pangalawa sa pitong magkakapatid."Si Aubrey? nasaan si Aubrey?" ang paulit-ulit niyang tanong habang nililibot ang bawat silid roon sa loob.Nakasunod naman sa likuran niya si Marie ang sumunod kay Mira."Ate Shaina, bakit mo hinahanap si Aubrey? may kailangan ka ba sa kaniya? may nagawa na naman ba siyang kalokohan?" ang itinanong ni Marie sa kaniya.Natigilan naman saglit ang dalaga at napatunghay sa kaniya na may guhit ng kunot sa sariling noo."Ano ang ibig mong sabihin?" usisa niya."Nitong nakaraang araw lang ay pinatawag ako ng guro niya. Ang
Magmula noong kumalat sa buong campus ang tungkol sa sakit na ikinamatay ng aking ina ay nagsimula na ring maging impyerno ang sarili kong buhay. AIDS o acquired immunodefiency syndrome, ang sanhi ng pagkamatay niya na nalikom niya mula sa iba't-ibang lalaki na nakatalik niya.Nang dahil doon kaya naging tampulan ako ng tukso, away o gulo sa aming paaralan. Kung minsan pa nga ay tinatawag nila akong anak ng bayarang babae o GRO. Dumidilim kaagad ang aking mga paningin sa tuwing nariring ko ang mga salitang iyon mula sa kanila at madalas ay hindi ko napipigilan ang aking sarili kung kaya't parati ding nauuwi sa gulo ang lahat.Dinala ako sa isang tahimik at makipot na eskinita ng isang grupo ng mga babaeng estudyante, habang pinagtatadyakan, sinusuntok at ginugulpi nila ako ng sabay-sabay.Subalit natigilan na lamang sila at natahimik nang may isang lalaki ang biglang nakisingit sa eksena. Nakasuot siyang formal attire at may nakakatakot na maskarang nakatakip sa
Natuklasan ni Aubrey ang pinakatatagong sikreto ng kaniyang nakakatandang kapatid na si Shaina. Nasaksihan din niya ng harap-harapan kung paano ito umasikaso ng guest o paano niya pinagseserbisyuhan ang mga nagiging customer niya sa loob ng night club. Nang dahil doon kung kaya't nagtanim siya ng matinding poot mula sa kaniyang dibdib at kinamumuhian niya ang trabahong pinasukan ng kaniyang kapatid. Magmula noong natuklasan niya ang tungkol doon ay madalas na siyang lumiliban o hindi pumapasok sa kanilang klase. Tila mas lalong nabawasan ang kumpiyansa niya sa sarili, lalo na ng matuklasan niya na hindi pala nagkakalayo ang propesyon ng kaniyang kapatid sa namayapa nilang ina. Pakiramdam niya ay mas lalo lamang siyang tutuksuhin ng mga kamag-aral niya at mas lalo lamang siyang magiging marumi sa paningin nilang la
"Natapos mo na ba ng malinis at maayos ang pinapagawa ko sa'yo?" ani ng ginoo kay Aubrey, pagkapasok na pagkapasok pa lamang nito sa loob ng sasakyan niya. Binaba naman ng dalaga ang suot niyang itim na antipas na ginagamit niyang pantakip sa kaniyang bibig."Dumating na ang mga pulisya. Natagpuan na rin nila ang bangkay ng babae sa loob." Ang tinugon ni Aubrey sa kaniya habang pasimple siyang sumisilip sa may side mirror."Siniguro mo ba na wala silang mahahanap na kahit anong ebidensya sa loob?" muling usisa nito sa dalaga.Lumingon naman si Aubrey sa kaniya at tumango na lang sa kaniyang ulo, pagkatapos ay nilisan na nila ang lugar na iyon."Nga pala, boss. Ano ang balak mong gawin sa mga natira mong empleyado? may nahanap ka na bang bagong malilipatan?" pagkasabi nito ay saglit namang niliko ng ginoo ang manibela at saka itinabi sa isang gilid ang kaniyang sasakyan.Nabigla na lamang si Aubrey at napalingon sa kaniya na may bakas ng
Alas tres y medya ng madaling araw ng maalimpungatan sina Shaina at Lou, nang makarinig sila ng malakas na pagkalabog mula sa labas ng kanilang pintuan."Ano 'yon? narinig mo ba 'yon?" usisa ni Lou sa kaniya. Bigla naman napabangon si Shaina at pasimpleng kinapa ang kaniyang baril mula sa ilalim ng kaniyang unan."Shaina, saan mo nakuha ang bagay na 'yan?" gulat na gulat na sambit ni Lou, habang tinuturo nito ang hawak niyang baril."Hindi mo na 'yon kailangan pang malaman. Basta diyan ka lang, huwag kang lalabas sa kwartong ito. Nagkakaitindihan ba tayo?" aniya at tumango na lamang ito sa kaniyang ulo.Dahan-dahan at maingat niyang inihakbang ang kaniyang mga paa patungo sa tapat ng pintuan. Tahimik at nakasilip naman si Lou mula sa loob ng silid habang nakaawang ng kaunti ang pintuan nito.Saglit na huminto sa paglalakad ang dalaga nang makarinig siya ng malakas na pagkatok mula sa kanilang pintuan."Tulong! tulungan niyo ako!" ang paulit-
Kasalukuyang naglalakad sina Shaina at Karen sa tahimik na kalsada. Inaalalayan siya nito sa kaniyang balikat habang patingin-tingin sa kanilang likuran. "Saglit lang," ani ni Shaina sa kaniya at saglit na huminto sa kaniyang paglalakad upang pumara sa sasakyan na paparating, subalit nilagpasan lamang sila nito at nabigong makasakay. "Halika na," muli niyang pinapatong ang isang braso nito sa balikat niya at nagpatuloy sa paglalakad. "Sa tingin ko, hanggang dito na lang ako." Mahinang saad ni Karen na may bakas ng panghihina sa kaniyang mukha. Namumutla ang mukha nito at tila hirap na sa paghinga. Tumingin naman si Shaina sa kaniya at pinagmasdan ang bandang tagiliran nito na napuno na ng sarili niyang dugo at mukhang nauubusan na rin siya ng dugo. "Kaya mo 'yan, Karen. Hindi
"Anong ibig mong sabihin, Aubrey? anong baka pinatay mo na ako? ano ang ibig mong sabihin ha?" halos napakagat naman sa ibabang labi si Aubrey nang mapagtanto niyang nadulas siya sa kaniyang sinabi."Sige, sasabihin ko na sa'yo ang totoo. Tutal mukhang isa sa atin ang mamamatay." "Aubrey!" galit na tawag sa kaniya ni Shaina."Bakit? magmamaang-maangan ka pa rin ba, Shaina? alam ko na ang lahat ng tungkol sa'yo pati na rin ang paglilihim mo tungkol sa tunay mong trabaho. Pero huwag kang mag-alala dahil tangging ako lamang ang nakakaalam tungkol sa baho mo." Tumulo naman ang luha sa mga mata ng dalaga nang hindi namamalayan at tumikom na lang ang kaniyang bibig."Hindi mo alam ang hirap ng pinagdaanan ko para lang maitaguyod ko kayo sa kahirapan," mahinang saad ni Shaina na nakayuko ang kaniyang ulo at nangangatal ang tono ng boses niya."So, anong gusto mong marinig mula sa amin? gusto mo bang magpasalamat kami sa ginawa mong pagsasakripisyo para s
Halos napamaang na lamang ako sa aking kinatatayuan, pagkatapos kong maramdaman ang pagdampi ng labi niya sa akin.Tinanggal ko ang panyong nakapiring sa aking mga mata at saka nilibot ng tingin ang buo kong paligid. Wala na siya roon. Wala na yung lalaking kinamumuhian ko at sinusumpa ko ng sukdulan sa itaas. Bulong ko sa aking sarili.Dumura ako sa isang tabi at kinusot ang aking bibig gamit ang sariling kamay. Pagkatapos non ay tumalikod na ako at siyaka, sumakay ng bus."Linisin mo ang bawat ebidensyang maiiwan." Ang salitang paulit-ulit tumatakbo sa aking isipan. Halos hindi ko makalimutan ang sinabi niyang iyon, pati na ang tono ng kaniyang boses. Hindi ko maitindihan kung bakit parang napakadali lang sa kaniya ang pumatay ng tao. Dahi ba sa may mapait siyang nakaraan, kung kaya't ganoon na lamang ang galit siya sa mga tao? o dahil tao rin mismo ang lumikha sa pagiging halimaw niya?Sa loob ng maikling buwan n
Makalipas ang isang taon pagkatapos naming makapag-usap dalawa ni Karlos ay nabalitaan ko na lamang na isinuko niya ang kaniyang sarili na kasama si Shaina, pagkatapos niyang makapanganak. Nalaman ko rin na pinaubaya niya ang kanilang anak sa mas ligtas na lugar, sa isang bahay-ampunan. Kung saan nangako sila sa mga tagapagbantay doon na babalikan nila ang kanilang anak pagkatapos nilang malinis ang mga kasanalang nagawa nilang dalawa. Pinaubaya rin niya sa kamay ng mga owtoridad ang tungkol sa USB na ibinigay ko sa kaniya na may nilalamang ebidensiya tungkol sa mga krimeng ginawa ng sarili niyang ama na si Henry Sermiento at kasama na roon ang anak nito sa labas na si Jake. Maraming kaso ang kinakaharap nila ngayon at unti-unti ring bumagsak ang sarili nilang kumpanya. Bukod pa roon ay marami rin silang nahanap na ebidensiya na magpapatunay sa krimeng ginawa
Dalawang taon ang makalipas magmula no'ng mamalagi ako sa ibang bansa kasama ang aking anak na si Emily.Pagkatapos ng dalawang taong iyon ay muli akong bumalik sa Pilipinas na kasama ang aming anak ni Karlos, upang ipakilala sa kaniya ang naging bunga ng aming pagmamahal nuon sa isa't-isa.Sapat na ang dalawang taong iyon upang makaipon ako ng lakas ng loob at ipagtapat sa kaniya ang matagal ko nang itinatago sa kaniya. Nakipagkita ako sa kaniya sa isang private restaurant upang makipag-usap sa kaniya ng masinsinan. Habang naglalakad ako papunta sa pinareserve niyang table ay natanaw ko kaagad ang pamilyar na mukha ng isang babaeng katabi niya.Nakasuot akong puting off-shoulder blouse at simpleng black-trouser na may five inch heels na suot sa aking paa, habang maayos namang nakaipit ang mahaba kong buhok na taas-noong naglalakad papunta sa kanila. "Alona." Ang unang salitang narinig ko mula kay Karlos na
Kanina pa ako palakad-lakad at palingon-lingon sa aking paligid, habang hinahanap ko si Karlos. Nagpaalam kasi siya sa akin kanina na pupunta lang siya sandali ng restroom, ngunit halos mag-iisang oras na ay hindi pa rin siya bumabalik. Iniisip ko na baka natangay na naman siya ng mga kakilala niyang negosyante o baka nakipagkuwentuhan na naman siya sa mga kasosyo niya sa negosyo.Subalit halos nalibot ko na yata ang buong hasyenda ay hindi ko pa rin siya nahahagilap. Nagpunta na rin ako sa men's restroom at inaabangan siya sa paglabas mula roon sa banyo, ngunit mukhang wala rin siya roon.Saan kaya siya nagpunta? bakit ang tagal naman yata niyang bumalik? Ang paglalayag sa aking isipan habang naglalakad ako at may hawak na metal stick pang-suporta sa aking paglalakad dahil kailangan ko pa ring mag-ingat sa bawat ikinikilos ko at dahil kailangan ko pa ring magpanggap na bulag
"Good evening, Mr. Sermiento. Nice too see you again." Bati ng isang ginoo kay Karlos habang nagkakamayan silang dalawa.Kasalukuyan kaming nasa isang engrandeng okasyon. Hindi nabanggit sa akin ni Karlos kung saan kami tutungo, basta ang sinabi lang niya ay may pupuntahan daw kaming espesyal na okasyon.Nilibot ko ng tingin ang buo naming paligid. Mukhang napakaespesyal nga ng gabing ito dahil hindi lang basta-bastang ordinaryong bisita ang mga dumalo sa okasyong iyon. Pasimple kong pinagmamasdan ang aming paligid at hindi ako masyadong gumagalaw dahil baka may makahalata na nakakakita na akong muli. Nagsuot ako ng itim na sunglasses dahil iyon ang binilin sa akin ni Ivan, medyo hindi kasi ako mahusay umakting kaya nag-iingat lang din siya. Pagkatapos niyang makipagbatian sa mga kakilala niyang negosyante ay kaagad din naman siyang lumapit sa akin at inakbayan ako sa aki
Makalipas ang mahigit isang taon na pamamalagi namin ni Ivan sa ibang bansa ay muli kaming nakabalik at nakauwi ng Pilipinas. Pagkababa ng eroplano ay sumalubong din naman kaagad sa aming dalawa ang mga malalapit naming kaibigan at kamag-anak. Saglit kong inalis ang itim na sunglasses na aking suot at saka itiningala ang aking mukha sa langit, sabay ipinikit ang aking mga mata upang damhin ang sinag ng araw na dumadampi sa aking mukha.Namiss ko 'to. Ang tumingala sa langit at damhin ang sinag ng araw habang tahimik na pinapakinggan ang ingay sa aking kapaligiran. Pagkatapos ng isang taon na pamamalagi ko sa ibang bansa ay halos ngayon ko lang ulit naramdaman ang init na pagsalubong sa akin ng bansang kinagisnan ko. Palagi na lang kasi kaming nakasuot ng makakapal na damit sa ibang bansa at halos puro snow lang ang makikita sa aming paligid.Umaaraw din naman roon pero hindi gaanong kainit, hindi
Nakatanggap kami ng magandang balita ni Ivan mula sa ibang bansa, tungkol ito sa aking donor sa mata.Nakumpirma rin namin mula sa pinakamahusay na doktor na may pag-asa pang maibalik muli sa normal ang mga paningin ko at buong puso akong nagpapasalamat sa maykapal dahil binigyan niya ako muli ng isa pang pag-asa para makita ang mga magagandang tanawin sa aking kapaligiran.Kaya nagsagawa na rin kami kaagad ng plano na pansamantala na muna kaming maninirahan sa ibang bansa hanggang sa matapos ang operasyon ko at hanggang sa mailuwal ko ng maayos ang aking anak.Wala pa ring kaalam-alam si Karlos tungkol sa anak naming dalawa. Pinili kong ilihim ito sa kaniya dahil ayokong angkinin niya ang aking anak, kagaya ng ginawa ng kaniyang ama sa tunay na ina ni Jake.Kung saan puwersahan siyang sinama ng kaniyang ama at pinatay ang sarili niyang ina. Kung magkataon ay baka ikamatay ko rin iyon kung sakaling mawa
Pagkagising ko sa umaga ay bigla na lang akong nakaramdam ng papanakit ng ulo kaya napabangon din ako kaagad at lumabas mula sa aking kuwarto nang makarinig ako ng mga pagtatawanan mula sa kabilang silid at kung hindi ako nagkakamali ay opisina iyon ni Karlos. Maliit na liwanag lamang ang naaninag ko ngunit parang dinadala ako roon ng mga paa ko, hanggang sa mapakahawak sa seradura ng pinto at marahan itong binuksan.Mas lumakas pa ang pagtatawanan na naririnig ko kanina at napagtanto ko na may babae pala sa loob ng opisina niya at kung hindi ako nagkakamali sa boses na aking narinig kanina ay mula mismo iyon kay Jen o sa totoong pangalan na si Shaina.Tila nabigla naman silang dalawa nang makita ako sa tapat ng pintuan kaya kaagad din silang natahimik at apurahan namang lumapit sa akin si Karlos habang nakasunod sa likuran niya ang babae niya."Kanina ka pa ba nandiyan?" bungad niyang tanong
(Alona's POV)Nagpasama ako sa isang kasambahay ko na magtungo sa malapit na hospital upang ipatingin ang aking mga mata.Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na iba ang sinadya ko roon at hindi para ipa-check up ang aking mga mata.Walang nakakaalam tungkol sa pag-alis kong iyon. Tangging ako lang at ang kasambahay na sinamahan ako sa pagpunta roon.Nito kasing mga nakaraang araw ay parang nagiging madalas ang pagkahilo ko at pagsusuka.Palagi rin mabigat yung pakiramdam ko kahit wala naman talaga akong sakit. Medyo nag-iiba na rin ang timpla ng panlasa at pang-amoy ko na tipo pati mga paborito kong kinakain nuon ay tinatanggihan ko na ngayon at parang nababauhan ako.May kutob na ako sa mga sunud-sunod na sintomas na nararamdaman ko, subalit gusto ko pa rin makasigurado kung tama ba ang hinala ko at hindi naman ako nabigo dahil nakumpirma ko mismo mula sa aking doktor na isang buw
Nabitawan na lang bigla ni Alona ang hawak niyang baso habang pinupunasan niya ito at tinutulungan sa gawaing bahay ang mga kasambahay niya sa loob ng kusina na kasalukuyang nagpupunas din naman ng mga pinggan at baso.Napalingon naman silang lahat at natigilan nang marinig nila ang malakas na pagkabagsak nito sa sahig at kaagad ding nagkapiraso-piraso sa sahig. "Naku, Ms. Alona! ayos lang ho ba kayo? hindi ba kayo nasaktan o nasugatan? sinabi ko naman ho sa inyo na kami na ang bahala rito at magpahinga na lang kayo sa loob ng kuwarto niyo." Nag-aalalang turan ng isang katulong nila sa kaniya habang nililinis naman ng ibang kasambahay niya ang basong nabitawan nito kanina.Apurahan namang tumungo sa loob ng kusina si Ivan nang marinig niya ang malakas na pagkabasag ng baso at nanlaki na lamang ang kaniyang mga mata nang matagpuan niya si Alona na nakatayo lamang sa puwesto niya at nakatulala.