Hindi naging maganda ang kinalabasan nang sabihin ko kinabukasan kay Jomari yung tungkol sa binigay na vanilla ice cream ni Zach. Napag-usapan namin iyon habang hinihintay na dumating yung prof para sa first period ng klase namin.
Nanggigigil si Jomari sa inis. "Sabi ko na nga ba't may saltik yang kaibigan ni Jude! Sino ba namang normal na tao ang gagawa nun? Stalker lang, Bianca!"
Sa takot na baka may makarinig sa amin, pinakiusapan ko siyang hinaan naman niya yung boses niya, pero mukhang minasama lang niya ito.
"Alam mo, kung ako sa iyo, hindi na ako tutuloy sa date na iyan. May ilang araw ka pa naman para umurong."
Nadismaya ako sa sinabi niya. Akala ko pa naman malinaw na sa kanya yung kagustuhan kong matulungan si Star.
"Jom, sinasabi ko ito hindi para pigilan mo ako sa balak ko kundi para i-inform ka tungkol sa mga nangyayari," pag-kontra ko sa gusto niyang mangyari.
"E bakit kasi 'di mo na lang siya komproPumasok kami ni Zach sa isang silid sa tenth floor ng condominium na pinuntahan namin. Wala kang ibang makikita kundi kadiliman. May pinindot si Zach na switch ng ilaw at lumiwanag ang paligid. Malalaki at makakapal na pulang kurtina ang tumatakip sa mga bintana kaya naging madilim sa loob. Tumapak ako sa tiles na sahig at tuluyan na kaming naglakad sa loob nito."Nasaan tayo?" tanong ko.Ano nga kaya talaga ang lugar na ito? Nakuha ko rin naman ang sagot nang sabihin ni Zach kung nasaan na ba kami."Star's gallery. Dito niya nilalagay yung artworks niya. Aside from singing, she loves to paint. Hindi niya forte ang modelling. Napilitan lang siyang mag-pose noon sa FHM. Mukhang na-satisfy rin naman niya yung mga tao."Halata namang hindi napabayaan yung lugar dahil nasa ayos ang lahat. Malinis din ang paligid. Ang nakapagtataka lang, nakatulakbong ng puting tela ang mga painting na nasa stand, maging yung ibang
"Alam mo, sabi ni Star, marami siyang nasasagap na negative aura sa akin. Kaya nga kahit na ilang beses ko siyang niligawan noon, lagi niya akong tinatanggihan. Baka raw ako pa yung magdala ng malas sa kanya. Maiba ako, Bianca. Matanong kita, may kakaiba ka bang nararamdaman kapag kasama mo ako?" Kakaibang nararamdaman? Yung nakakakilabot na pakiramdam... Mga pangitain... Mayroon, Zach! "Wala... wala naman," pagsisinungaling ko. "Hmmm... Puwede ba nating tingnan yung other paintings niya?""Sige, puwede kang magbukas ng kahit na ano." Nilibot ko ang silid. Nagbukas ako ng isang nakataklob na painting at binasa ang nakasulat na pamagat na makikita sa kaliwa, bandang ibaba. "Bestfriends," iyon ang pamagat. Isa itong red rose, may tangkay at may mga dahon. "Bestfriends ang title? Si Star ba yung rose at ikaw yung dahon?" tanong ko."Binigyan ko siya ng rose last year... Valentine's Day. Yayayain ko sana siya... Kaso may na
Liwanag ang nasilayan ko nang imulat ko ang mga mata ko. Una kong nakita ang kisameng kulay puti."Nasaan na ako?" tanong ko sa sarili. Nasa loob ako ng isang silid, pero mukhang hindi ito yung pinasukan namin kanina ni Zach.Tiningnan ko ang paligid. Malapit sa pintuan at nakaupo sa isang animo'y malambot na upuan si Zach. May kausap siya sa cell phone."Oo. Pumunta ka rito. Bilisan mo ha!" narinig ko mula sa kanya.Itinago niya na ang hawak na cell phone. Bumangon ako sa hinihigaan na agad niyang napansin."Bianca!" Agad siyang lumapit sa akin. "Thank God gising ka na. You made me so damn worried!" Hinalikan niya ako sa noo."Nasaan tayo?" agad kong itinanong."Nearest hospital," sagot niya."Ano'ng nangyari?" sunod na tanong ko."Paglabas mo sa CR bigla ka na lang hinimatay! Buti nasalo agad kita.""Paglabas ko sa CR hindi kita nakita.""Huh? How come?" laking pagtataka niya.Pumiki
"Bianca, huwag na muna tayong pumunta sa gallery," sabi ni Zach."Bakit, Zach?" tanong ko."You need some rest." Bakas sa kanya ang pag-aalala."Pero, Zach. Ok naman ako," pagkontra ko, pero wala rin naman akong nagawa nang umapila rin siya."Huwag nang matigas ang ulo mo. Let's call this a day. Mamaya mahimatay ka na naman. I cannot risk your safety.""Pero i-promise mong babalik pa rin tayo sa gallery," pangungulit ko."Sige, I promise. Pero hindi ngayon. Maybe tomorrow or baka sa ibang araw kung kailan mas ok ka."Salamat naman sa sinabi niyang iyon... Nakakuha akong pag-asang sa mga susunod na araw ay malilinawan kami paunti-unti sa tunay na nangyari kay Star."Gusto ko nang umuwi sa bahay. Ayokong mag-stay rito sa ospital. Ok naman na ako," hiling ko.Nginitian niya ako. "As you wish," sabi niya. Bumaling siya kay Jude, "Paki-assist muna si Bianca. Magbabayad lang ako ng hospital bill."Oo nga pala! Yung hospital bil
Hindi ko inaasahan ang pag-abang ni Jomari sa akin sa labas ng bahay namin kinabukasan. Nagkatitigan lang kami. Pinakikiramdaman ko kung mayroon siyang sasabihin, hanggang sa nagsalita na nga siya. "A..." pasimula niya. Para naman akong sira habang nakatingin lang sa kanya at hinihintay siyang magsalita. "A... Sorry kahapon," patuloy niya. "At salamat din pala. Sabi ni Jude kasama ka raw niya na nagdala sa akin sa bahay," pahabol pa niya. Buti naman at nasa katinuan na siya, hindi gaya kagabi na mukhang lasing na lasing. "Bakit ka naglasing?" kalmado kong itinanong."Maraming iniisip. Basta," dahilan niya."Puwede kong malaman?" tanong kong muli."Basta," sagot lang niya."Hindi tayo naglilihiman, 'di ba?" sabi ko. Tila gusto niyang ibahin ang usapan nang yayain niya ako, "Halika na, late na tayo." Hindi ako nakinig. "Hindi tayo aalis hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung bakit ka naglasing." Inulit ko ang tanong ko, "Bakit
Natakot. Nanlamig. Kinabahan.Ganyan ang naramdaman ko nang lumabas ako sa Old School matapos kong tanggihan ang alok ni Zach.Umalingangaw sa isip ko yung itinanong niya sa akin,"Will you be my girlfriend, Bianca?"Paulit-ulit ring sumagi sa isip ko yung isinagot ko,"Sorry."Tumakbo ako palayo at umalis sa lugar na iyon sakay ng jeep. Nakarating ako sa amin na gulong-gulo ang isip. Hindi ako nakatulog nang maayos noong gabing iyon. Iyak ako nang iyak habang nakahiga sa kama.Kinabukasan, tinawagan ko si Dennis. Minabuti kong makipagkita sa kanya sa isang cafe sa isang mall. Marami akong mga tanong sa kanya na alam kong hindi mareresolba sa isang phone call lamang. Naisip kong mas mabuti kung makapag-uusap kami sa personal.Agad niyang napansin ang namamaga kong mga mata nang magkita kami. Magkatapat kami sa lamesa."Namumugto ang mga mata mo. Iniya
"Zach!" gulat kong sinabi. "Ano'ng ginagawa mo rito?" agad kong itinanong sa kanya.Sa mga nalaman ko kay Dennis, kinabahan tuloy ako sa biglang pagsulpot ni Zach. Naalala ko bigla yung painting na ipinakita sa akin ni Star,"The Stalker."Sumagi rin sa isip ko yung sinabi niya noong nakaraan,"I am always watching you, Bianca."Maging yung sinabi ni Jomari, bumalik sa alaala ko,"Sino ba namang normal na tao ang gagawa nun? Stalker lang, Bianca!"Tama nga kaya? Isa nga ba talagang masamang tao si Zach?Tiningnan ako ni Zach nang mata sa mata. Kinikilabutan na naman ako sa mga titig niya!"Sa palagay ko, mas may karapatan akong magtanong niyan. Ikaw, Bianca, ano'ng ginagawa mo rito kasama ang kaibigan ko? Magkakilala pala kayo, ano?"Si Dennis ang sumagot, "Zach, nag-uusap lang kami.""Nag-uusap? Ano'ng pinag-uusapan ninyo? Tungkol sa relasyon ninyo?" balik na tanong ni Zach
Nag-ri-ring ang cell phone ko. May tumatawag! Sino kaya? Siya na... siya na kaya ang magliligtas sa akin? Patuloy itong nag-ri-ring, dahilan upang matigil pansamantala ang ginagawang pambababoy sa akin ni Zach. "Sino kaya yang istorbo na yan?" tanong niya. Pinakikiramdaman ko kung ano ang sunod niyang gagawin. Gumapang siya paitaas at umibabaw nang husto sa akin. Sa tapat ng mukha ko ay ang mukha niya. Hindi ako makagalaw sa posisyon namin. Nagawa niya pang pahirin ang mga luha ko. Kusang huminto ang mga luhang iyon, tila namimili ng mga kamay na papahid sa kanila. "Sasagutin mo ba?" tanong niya sa akin. "Kung ako sa iyo, mahal ko, hindi ko gagawin iyan. Istorbo lang sa atin iyan e," sabi niya. Patuloy pa ring nag-ri-ring ang cell phone. Gumapang ang kamay ni Zach papunta sa bulsa ng pantalon ko. Kinuha niya ang cell phone ko! Wala akong magawa dahil nakatali ang mga kamay ko, hanggang sa matagumpa
Bandang alas nuebe ng gabi nang magkaroon ng misa para kay Jomari. May ilang mga kamag-anak niya ang nagsalita ng magagandang bagay tungkol sa kanya. Isa na roon si Jude."Siya yung madalas kong kasama... sa gimik, mga kalokohan, pagbabasa ng FHM... panonood ng porn... Hindi, joke lang. Hindi ako nanonood ng porn. Pinapakuwento ko lang kay Jomari kung anong meron doon sa video. Tapos, sa pag-akyat ng ligaw kay Bianca... "Nagtinginan ang lahat sa akin nang banggitin ni Jude ang pangalan ko. Hinagod ng katabi ko sa kaliwa, isa sa mga tita nina Jomari at Jude, ang likuran ko."Everything will be ok, Bianca," sabi nito. Tumango ako. Sana nga ganoon kadali lahat.Nagpatuloy ako sa pakikinig kay Jude."Itong pagkamatay niya... Hindi ko matanggap e! Tinatanong ko yung sarili ko... Ano ba ito? Panaginip ba ito? Ginu-good time ba ako ni Jom? Ano ba? May surprise ba in the end? Na nandito nga itong kabaong niya sa likuran ko. Nagdedeliver ako ng eulogy rito... Pero 'di ko alam kung eulogy nga
Isang panyo... Isang panyong kulay rosas at may bulaklaking disenyo. Nabigla ako nang iabot iyon sa akin ng lalaki. Ilang segundo rin akong nakatingin dito bago ko napagdesisyunang kunin ito dahil napagtanto kong sa akin pala ang panyo."A... Y-y-your welcome," naging tugon ko nang kunin ko iyon.Mariin akong nakatingin sa estranghero sa harap ko. "Sino ba ito?" ang nasa isip ko."That helped me... a lot," sabi niya at doon ko napag-isip-isip kung sino nga ba siya.Siya... Siya siguro yung lalaking naroon sa roof top kahapon."Buti naman kung ganoon," tugon ko sabay ngiti."Nakakahiya! Nakita mo pa akong umiiyak kahapon," sabi niyang tila nahihiya, and at the same time ay natatawa.So siya pala talaga yung lalaki sa roof top. Kaso, bakit naman siya mahihiya? Wala naman sigurong masama kung umiyak ang isang tao lalo na sa panahon ng pagdadalamhati, 'di ba? Sa ganitong sitwasyon, mas makatutulong ang pag-iyak kaysa sa pagtawa, pag-ngiti o pagpapakitang masaya ka kahit hindi."Normal nam
Nasasaktan ako sa mga sinasabi ko sa kanya, pero anong magagawa ko? Iyon ang katotohanan! At gustuhin ko man, alam kong hindi na maibabalik si Jomari sa katawan niya."Shit!" Napasigaw siya. "Nalaman ba kung sino yung walang hiyang sumagasa sa akin?""Inaalam pa," mahinang tugon ko."Gaano naman katagal bago malaman iyon? Baka naman ten years na akong patay, wala pa ring nangyayari!""Nabigla ako sa nangyari, Jom," sabi ko.Natahimik siya bigla. Binasag ang katahimikan ng pagtatanong niya ng,"Nami-miss mo ba ako?""Hindi," agaran kong isinagot. Pero alam ng Diyos kung gaano ko siya nami-miss!"Hindi mo ako nami-miss? Heartless ka talaga," pagtatampo niya."Paano naman kita mami-miss? Nandito ka naman sa tabi ko, 'di ba?" katwiran ko. Natigilan siya."A... tama. I'm your guardian angel."Guardian angel... Sana nga. Sana huwag niya na akong iwan kahit kailan. Sana bantayan niya na lang ako. Dahil alam ko, hangga't nasa tabi ko siya, ligtas ako."Ano'ng pakiramdam ng mamatay?" tanong ko
Nababalot ng kakarampot na liwanag ang paligid. Sa kailaliman ng gabi, dalawang babae ang nagnanais na maisalba ang kanilang buhay. Kapit na kapit ang kanilang mga kamay habang tinatahak ang madilim na daan. Kapwa sila hinihingal dahil sa pagtakbo nang walang direksyon. Ilang saglit pa ay huminto sila. Bumitiw ang nakatatanda sa nakababata."Magtago ka roon, dali!" utos ng babae sa kanyang kasama. May katamtaman siyang pangangatawan. Hindi rin naman ganoon katangkaran. Mala-anghel at maamo ang kanyang mukha, ngunit sa kabila nito, nakikitaan ko siya ng bahid ng takot --takot na hangga't maaari ay ayaw niyang ipahalata sa kasama niya. Itinuro niya ang isang kotse sa madilim na sulok ng kalsada. Humahalo ang itim na kulay ng sasakyan sa kadiliman.Tiningnan siya ng kasama na puno ng pag-aalala. "Paano ka, ate?" tanong nito. Teka... Kilala ko siya, si Rhee!Umiling ang babae, tila gustong iparating na huwag siyang intindihin. "Basta, magtago ka roon! Kung sakaling mahuli ako, hindi ka ni
Memories... Yung alaala ng nakangiti niyang mukha noong ibinigay niya sa akin yung Valentine's Card na ipinagyayabang pa noon ng pinsan niyang si Jude. Yung alaala ng saya at kilig na naramdaman ko noong tinanggap ko yung card na pinaghirapan niya at dinisenyuhan. Alam kong torpe siya. Kung sabihin niya ngang mahal niya ako, pabiro lang e! Minsan nga yung pinsan niya pang si Jude ang nagiging tulay namin. Pero noong gabing iyon, kung kailan pumasok na sa isip kong gawing totohanan yung relasyon naming biru-biruan lang... Yung gabing iyon kung kailan masaya kaming umuwi galing sa "date" namin matapos naming malagpasan ang isang kakila-kilabot na experience na ayaw ko na sanang maalala... Yung gabing iyon na pala ang huling sandaling makikita ko siyang nakangiti. At yung mga alaala ng masaya naming pinagsamahan, iyon na lang yung pinanghahawakan ko ngayon. "Jom!!!" Flashback... Ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya noong gabing iyon. Halos gumuho ang mundo ko nang makita ko ang d
PANIMULAMemories...Yung alaala ng nakangiti niyang mukha noong ibinigay niya sa akin yung Valentine's Card na ipinagyayabang pa noon ng pinsan niyang si Jude. Yung alaala ng saya at kilig na naramdaman ko noong tinanggap ko yung card na pinaghirapan niya at dinisenyuhan. Alam kong torpe siya. Kung sabihin niya ngang mahal niya ako, pabiro lang e! Minsan nga yung pinsan niya pang si Jude ang nagiging tulay namin. Pero noong gabing iyon, kung kailan pumasok na sa isip kong gawing totohanan yung relasyon naming biru-biruan lang... Yung gabing iyon kung kailan masaya kaming umuwi galing sa "date" namin matapos naming malagpasan ang isang kakila-kilabot na experience na ayaw ko na sanang maalala... Yung gabing iyon na pala ang huling sandaling makikita ko siyang nakangiti. At yung mga alaala ng masaya naming p
Nang isakay kami ni Jomari sa ambulansya, nagkaroon ako ng panaginip. Sa panaginip ko, nakita ko ang masayang mukha ni Star at ng mga babaeng nakalaya na rin sa walang hanggang kadiliman. Sa panaginip ko, hinawakan ni Star ang mga kamay ko at umusal ng salitang, "Salamat." Natapos na ang lahat. Tapos na ang paghihirap namin sa kamay ni Zach. Hindi ko alam kung ilang araw, buwan o taon ang gugugulin bago ako makalimot sa nangyari. Maraming buhay ang nawala; mga buhay na nasayang dahil sa pansariling interes ng iilan. Sa kabila noon, gusto kong magpasalamat sa mga taong tumulong sa akin sa panahong nandoon ako sa kagipitan, sa bingit ng panganib. Salamat sa mga taong nakapaligid na alam kong tunay na nagmamahal sa akin. Siguro nga na sa lahat ng nauto ni Zach at ng mga nagpauto sa kanya, ako yung pinaka masuwerte. Mapalad ako dahil hanggang ngayon ay dama ko pa yung hangin, yung hanging nagbibigay-buhay; 'di gaya ng ibang pinagkaitan na ng pagkakataon para masilayan an
Ikinagulat ko iyon."Nagtapang-tapangan kami e! Sumugod kami rito agad ni Norman. Hindi pupuwedeng hindi kita sagipin agad. Ayokong mangyari sa iyo yung nangyari sa mga babaeng pinatay nila. May ginawa kaming plano kaso nahuli nila kami nung nakapasok kami rito. Nagkabarilan! Yung kasama ni Zach, may dalang baril. Napatay si Norman."Yung baril... Yun yata yung ipinukpok niya sa mukha ko kanina. Si Renz... yung isa pang kampon ni Satanas na kasama ni Zach! Paano nila nagagawa iyon? Paano nila nakakayang pumatay ng tao nang ganun-ganun na lang?"Papuputukan na sana ako nung kasama ni Zach. Tinutok niya na sa akin yung baril, kaso hindi natuloy.""Ano'ng nangyari?""Sinaksak siya ni Zach. Nakita ko, Bianca! Sinaksak siya sa likod. Maraming beses! Hindi nakalaban yung isa. Nakakasuka!""Oh my God!""Itinapon ni Zach yung baril, yung kutsilyo, tapos hinamon niya ako ng suntukan. Para siyang baliw! Hindi raw niya ako papatayin kaagad. Kukumpletuhi
Dumilat ang mga mata kong maga sa pag-iyak. Ramdam ko ang kabigatan ng mga ito sanhi ng pagod. Sa aking pagdilat, nakita ko ang paligid na nababalot sa kadiliman."Nasaan ako?" ang tanong na unang pumasok sa isip ko.Nilibot ko ng tingin ang paligid, pero kahit anong pagdilat ang gawin ng mga mata ko ay wala akong makita. Bulag na ba ako o sadyang madilim lang? Bukod sa masikip ang lugar na kinalalagyan ko ngayon, mainit dito at mabaho.Huminga ako. Ah! Hindi ko kinaya ang paghinga! Ano ba yung amoy na iyon? Nakasusulasok! Tinakpan ko ang ilong ko ng aking mahina at nanlalatang mga kamay, pero tagos pa rin ang mabahong amoy. Amoy bulok! May katabi ba akong bangkay? Ganito nga ba ang amoy ng bulok na katawan? Hindi ko rin alam. Pero paano kung may katabi ako? Paano kung si Star pala ay nandito? Si Star... at ang ibang babaeng nasa pangitain ko... Paano kung nandito rin sila sa mala-impyernong lugar na ito?Hinanap ng mga kamay ko ang pader na aalalay sa ak