Si Eve. Sa kanya patay na patay si Jomari. Ipina-drawing pa nga niya kamakailan lang ang mukha ni Eve kay Jude. Sabi niya, nagkaroon noon ng matinding away sina Eve at Alden, at siya ang nilapitan ni Eve. Siya ang nag-comfort dito.
Lingid sa kaalaman ng lahat na nagkaroon sila ng relasyon ni Eve. Ipinadama ni Jomari kay Eve ang tunay na pagmamahal. Kay Eve rin kasi niya naramdaman yung pagmamahal na hindi naibigay nina Laila at Janine. Ibinigay din niya ang "kaligayahan" na hindi naranasan ni Eve kay Alden. Sineryoso niya si Eve, at gusto niyang seryosohin din siya nito. Kaya naman nakiusap siya kay Eve na makipag-kalas na kay Alden at sila na ang magsama tutal mahal naman nila ang isa't isa.
"Let's make it official," sabi ni Jomari. "Makipag-break ka na kay Alden. Sabi mo, 'di ba, hindi ka na masaya sa kanya?"
"Sige, gagawin ko iyan," pangako ni Eve."I love you, Eve.""I love yoMadilim ang paligid. Patay na ba ako? Makikita ko na ba ang mga kaibigan ko? Masasagot ko na ba ang tanong ng mga tao kung maganda ba ang langit? Teka, roon nga kaya ang punta ko? Ganoon ba ako kabuti para pagbuksan ako ng tarangkahan ng langit?Sana... sana hindi pa! Pero paano... paano kung patay na nga ako? Ano ba ang pakiramdam noon? Ayaw ko! Sabi ko kay Alden babalikan ko pa sila ni Dan! Hindi pa ako handang mamatay!"Bianca! Bianca!"Narinig kong pagtawag sa akin. Kanino ang boses na iyon?"Bianca! Bianca, gising!"Pagkatapos ay liwanag. Nabigla ang katawan ko, at napamulat at napabangon ako mula sa pagkakayuko saarmchairng upuan ko. "Huh? Ano'ng nangyari? Nasaan na ako?" tanong ko pa. Nakarinig ako ng pigil na pagtawa. Tiningnan ko ang paligid. Si Jomari, katabi ko."Mag qu-quiz na tayo!" sabi niya."Ha? Quiz?" Nataranta akong kumuha ng papel at ballpen, kasunod noon ang pagtawa niya."Joke lang! Mag-uuwian na, uy!"
"Ano? Bakit tameme kayo riyan?" tanong ko sa kanila. Sa totoo lang, hiningal ako.Nakarinig ako ng pigil na tawa mula kay Jomari. "Ppfftt... Edi ba, drama itong sinulat ni Jude kasi iyon ang mabenta? Bakit parang naging thriller yata?"Tiningnan ko si Jude. Tahimik lang siya, hanggang sa sinambit niya ang, "Brilliant! That is very brilliant, Bianca!"Napangiti naman ako dahil doon. "Talaga?""Oo! Sobra! Bakit hindi mo ako tulungang magsulat?" mungkahi niya.Nabigla ako, "A-ano? Ako magsusulat?"Siniko ako ni Jomari. "Sige na, Bianca, pampalubag-loob mo na lang iyon kay Jude kasi nakatulog ka habang nagbabasa," pamimilit niya na sinundan ng nakakainis na pagtawa. "Grabe, Jude! Ang lakas ng hilik niya kanina parang baboy. Ngork ngork!" pang-aasar muli niya."O siya, siya, sige, para wala nang masabi yung isa diyan," pagpaparinig ko kay Jomari."Sige, babaguhin natin yung story," sabi ni Jude. "Thanks sa ideas, Bianca," pasasalamat
Apat na taon... Ganoon na katagal mula nang iwan ako ng dalawang taong mahalaga sa buhay ko. Hindi ko kinaya nang mamatay si Jomari. Nasanay kasi akong nandiyan siya palagi. Bata pa lang kami, magkasama na kami. Sa mga problema, k
Dumilat ang mga mata kong maga sa pag-iyak. Ramdam ko ang kabigatan ng mga ito sanhi ng pagod. Sa aking pagdilat, nakita ko ang paligid na nababalot sa kadiliman."Nasaan ako?" ang tanong na unang pumasok sa isip ko. Nataranta ako bigla.Nilibot ko ng tingin ang paligid, pero kahit anong pagdilat ang gawin ng mga mata ko ay wala akong makita. Bulag na ba ako o sadyang madilim lang? Bukod sa masikip ang lugar na kinalalagyan ko ngayon, mainit dito at mabaho.Huminga ako. Ah! Hindi ko kinaya ang paghinga! Ano ba yung amoy na iyon? Nakasusulasok! Tinakpan ko ang ilong ko ng aking mahina at nanlalatang mga kamay, pero tagos pa rin ang mabahong amoy. Amoy bulok! May katabi ba akong bangkay? Ganito nga ba ang amoy ng bulok na katawan? Hindi ko rin alam. Pero, paano kung may katabi ako? Paano kung "siya" pala ay nandito?Hinahanap ng mga kamay ko ang pader na aalalay sa akin sa aking pagtayo. Kinapa-kapa ko ang pader. May nakapa akong 'di ko nagustuhan! Hindi ko
"So... may ka-date ka na ba sa Valentine's?" Isandaang beses na yatang itinanong sa akin ng makulit na si Jude ang tanong na yun. Paulit-ulit. Nakatuturete. Ilang beses ko na ring sinagot iyon. Ilang beses na akong nagpaulit-ulit. WALA! WALA!"Paulit-ulit, Jude? Wala!" naiiritang tugon ko. Inirapan ko siya. Napansin niya iyon, pero nagpatuloy pa rin siya sa pangungulit."Bakit wala?" Inirapan ko uli siya. Isandaang beses na rin niyang ginagawang follow-up question ang tanong na iyon."Wala... kasi nga wala akong boyfriend! Intiende?" Kahit na ilang beses nang pinauulit-ulit ni Jude ang tanong na iyon, mukhang hindi siya nakukuntento sa paulit-ulit na sinasagot ko. "Ok. Gusto ko lang i-confirm dahil may irereto ako sa iyo.""Jusme, Jude. Ilang beses mo bang dapat i-confirm? Isanlibo?""Isang milyon!" Natawa ako sa sinabi niya. "Hay naku! Reto mo mukha mo!" tugon ko, at ibinatok ko ang hawak na libro sa ulo niya. Napa-aray si Jud
Tunog ng alarm clock ang gumising sa akin kinaumagahan. Nakalagay ang isang kulay itim, hugis parihaba at maliit, pero nakabibinging alarm clock sa isang cabinet na nasa kaliwa ng kama ko. 'Di ginusto ng tainga ko ang nakabibinging ingay kaya gaya ng madalas na ginagawa ko ay tumawad ako sa alarm clock. "Five minutes," sabi ko. Nahihirapan pa akong idilat ang mga mata ko. Pinihit ko ang ikutan nitoat bumalik sa pagpikit. 'Di pa man din lumalalim ang tulog ko ay narinig ko ang ringtone ng cell phone ko; may tumatawag. Nakaibabaw ang cell phone sa parehong cabinet kung saan naroon ang alarm clock. Kinuha ko iyon. Kung tutuusin, puwede kong gamitin yung cell phone para maging panggising, kaso hindi na lang kasi hindi rin nakatutulong. Nakita ko mula sa screen ng cell phone ko kung sino ang tumatawag: si Jude. Sinagot ko iyon. "Hello," matamlay na sag
Pinahapyawan ko ng basa ang diyaryo na nakuha ko. Yung babae kahapon... Star Sebastian pala ang pangalan niya. Sa pagbabasa ko sa diyaryo, nalaman kong naging modelo pala siya ng isang men's magazine at kasalukuyang vocalist ng isang banda. Nalaman ko ring tatlong buwan na pala siyang nawawala. Ang dahilan? Walang nakaaalam. Ang huli niyang kasama? Hindi rin nasabi.Nawawala si Star.. Pero, bakit nakita ko siya kahapon? Ang ibig sabihin ba nito...? Ano nga ba yung nakita ko? Guni-guni ba? Multo? O baka siya talaga iyon? Kailan pa ba itong diyaryo na ito?Tiningnan ko ang petsa ng tabloid. Bago lang ang balita. Teka, kahapon lang?!Lumabas na ako sa CR. Baka naiinip na sila maghintay sa akin. Tangan ko ang diyaryo sa kanang kamay ko. Paglabas ko, nakita ko si Zach. Ano ito? Hinihintay niya ba ako? Hay naku, Bianca! Ayan ka na naman sa pag-a-assume mo e!"Akala
10 p.m.Hihintayin daw ako ni Zach. He will wait for me and he will be expecting of my presence. Iyon yung mismong salitang sinabi niya. At um-oo ako. Samakatuwid, pupunta ako sa Old School. Para saan pala? Para makita si Zach? Para marinig silang kumanta at tumugtog? Siguro. O para malaman ang ilan pang detalye sa pagkawala ni Star at kung bakit parang nagparamdam na naman siya sa akin? Kaso paano ako magpapaalam sa amin?"Ma, aalis ako ngayon. Pupunta ako sa Old School."Tapos, ano? Panigurado tatanungin ako ni mama kung ano iyon. At sasabihin kong,"Yung bar na malapit sa University."Panlalakihan ako ni mama ng mata at sasabihin niyang, "Dis oras ng gabi?" Tapos hindi niya ako papayagan at bubungangaan niya ako. Magagalit siya at tatakpan ko ang tainga ko sa ingay niya o kaya magkukulong na lang sa kuwarto para 'di ko siya marinig. Sa huli, hindi ako makakasama. Masisira ako kay Zach. Hindi niya ako k
Bandang alas nuebe ng gabi nang magkaroon ng misa para kay Jomari. May ilang mga kamag-anak niya ang nagsalita ng magagandang bagay tungkol sa kanya. Isa na roon si Jude."Siya yung madalas kong kasama... sa gimik, mga kalokohan, pagbabasa ng FHM... panonood ng porn... Hindi, joke lang. Hindi ako nanonood ng porn. Pinapakuwento ko lang kay Jomari kung anong meron doon sa video. Tapos, sa pag-akyat ng ligaw kay Bianca... "Nagtinginan ang lahat sa akin nang banggitin ni Jude ang pangalan ko. Hinagod ng katabi ko sa kaliwa, isa sa mga tita nina Jomari at Jude, ang likuran ko."Everything will be ok, Bianca," sabi nito. Tumango ako. Sana nga ganoon kadali lahat.Nagpatuloy ako sa pakikinig kay Jude."Itong pagkamatay niya... Hindi ko matanggap e! Tinatanong ko yung sarili ko... Ano ba ito? Panaginip ba ito? Ginu-good time ba ako ni Jom? Ano ba? May surprise ba in the end? Na nandito nga itong kabaong niya sa likuran ko. Nagdedeliver ako ng eulogy rito... Pero 'di ko alam kung eulogy nga
Isang panyo... Isang panyong kulay rosas at may bulaklaking disenyo. Nabigla ako nang iabot iyon sa akin ng lalaki. Ilang segundo rin akong nakatingin dito bago ko napagdesisyunang kunin ito dahil napagtanto kong sa akin pala ang panyo."A... Y-y-your welcome," naging tugon ko nang kunin ko iyon.Mariin akong nakatingin sa estranghero sa harap ko. "Sino ba ito?" ang nasa isip ko."That helped me... a lot," sabi niya at doon ko napag-isip-isip kung sino nga ba siya.Siya... Siya siguro yung lalaking naroon sa roof top kahapon."Buti naman kung ganoon," tugon ko sabay ngiti."Nakakahiya! Nakita mo pa akong umiiyak kahapon," sabi niyang tila nahihiya, and at the same time ay natatawa.So siya pala talaga yung lalaki sa roof top. Kaso, bakit naman siya mahihiya? Wala naman sigurong masama kung umiyak ang isang tao lalo na sa panahon ng pagdadalamhati, 'di ba? Sa ganitong sitwasyon, mas makatutulong ang pag-iyak kaysa sa pagtawa, pag-ngiti o pagpapakitang masaya ka kahit hindi."Normal nam
Nasasaktan ako sa mga sinasabi ko sa kanya, pero anong magagawa ko? Iyon ang katotohanan! At gustuhin ko man, alam kong hindi na maibabalik si Jomari sa katawan niya."Shit!" Napasigaw siya. "Nalaman ba kung sino yung walang hiyang sumagasa sa akin?""Inaalam pa," mahinang tugon ko."Gaano naman katagal bago malaman iyon? Baka naman ten years na akong patay, wala pa ring nangyayari!""Nabigla ako sa nangyari, Jom," sabi ko.Natahimik siya bigla. Binasag ang katahimikan ng pagtatanong niya ng,"Nami-miss mo ba ako?""Hindi," agaran kong isinagot. Pero alam ng Diyos kung gaano ko siya nami-miss!"Hindi mo ako nami-miss? Heartless ka talaga," pagtatampo niya."Paano naman kita mami-miss? Nandito ka naman sa tabi ko, 'di ba?" katwiran ko. Natigilan siya."A... tama. I'm your guardian angel."Guardian angel... Sana nga. Sana huwag niya na akong iwan kahit kailan. Sana bantayan niya na lang ako. Dahil alam ko, hangga't nasa tabi ko siya, ligtas ako."Ano'ng pakiramdam ng mamatay?" tanong ko
Nababalot ng kakarampot na liwanag ang paligid. Sa kailaliman ng gabi, dalawang babae ang nagnanais na maisalba ang kanilang buhay. Kapit na kapit ang kanilang mga kamay habang tinatahak ang madilim na daan. Kapwa sila hinihingal dahil sa pagtakbo nang walang direksyon. Ilang saglit pa ay huminto sila. Bumitiw ang nakatatanda sa nakababata."Magtago ka roon, dali!" utos ng babae sa kanyang kasama. May katamtaman siyang pangangatawan. Hindi rin naman ganoon katangkaran. Mala-anghel at maamo ang kanyang mukha, ngunit sa kabila nito, nakikitaan ko siya ng bahid ng takot --takot na hangga't maaari ay ayaw niyang ipahalata sa kasama niya. Itinuro niya ang isang kotse sa madilim na sulok ng kalsada. Humahalo ang itim na kulay ng sasakyan sa kadiliman.Tiningnan siya ng kasama na puno ng pag-aalala. "Paano ka, ate?" tanong nito. Teka... Kilala ko siya, si Rhee!Umiling ang babae, tila gustong iparating na huwag siyang intindihin. "Basta, magtago ka roon! Kung sakaling mahuli ako, hindi ka ni
Memories... Yung alaala ng nakangiti niyang mukha noong ibinigay niya sa akin yung Valentine's Card na ipinagyayabang pa noon ng pinsan niyang si Jude. Yung alaala ng saya at kilig na naramdaman ko noong tinanggap ko yung card na pinaghirapan niya at dinisenyuhan. Alam kong torpe siya. Kung sabihin niya ngang mahal niya ako, pabiro lang e! Minsan nga yung pinsan niya pang si Jude ang nagiging tulay namin. Pero noong gabing iyon, kung kailan pumasok na sa isip kong gawing totohanan yung relasyon naming biru-biruan lang... Yung gabing iyon kung kailan masaya kaming umuwi galing sa "date" namin matapos naming malagpasan ang isang kakila-kilabot na experience na ayaw ko na sanang maalala... Yung gabing iyon na pala ang huling sandaling makikita ko siyang nakangiti. At yung mga alaala ng masaya naming pinagsamahan, iyon na lang yung pinanghahawakan ko ngayon. "Jom!!!" Flashback... Ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya noong gabing iyon. Halos gumuho ang mundo ko nang makita ko ang d
PANIMULAMemories...Yung alaala ng nakangiti niyang mukha noong ibinigay niya sa akin yung Valentine's Card na ipinagyayabang pa noon ng pinsan niyang si Jude. Yung alaala ng saya at kilig na naramdaman ko noong tinanggap ko yung card na pinaghirapan niya at dinisenyuhan. Alam kong torpe siya. Kung sabihin niya ngang mahal niya ako, pabiro lang e! Minsan nga yung pinsan niya pang si Jude ang nagiging tulay namin. Pero noong gabing iyon, kung kailan pumasok na sa isip kong gawing totohanan yung relasyon naming biru-biruan lang... Yung gabing iyon kung kailan masaya kaming umuwi galing sa "date" namin matapos naming malagpasan ang isang kakila-kilabot na experience na ayaw ko na sanang maalala... Yung gabing iyon na pala ang huling sandaling makikita ko siyang nakangiti. At yung mga alaala ng masaya naming p
Nang isakay kami ni Jomari sa ambulansya, nagkaroon ako ng panaginip. Sa panaginip ko, nakita ko ang masayang mukha ni Star at ng mga babaeng nakalaya na rin sa walang hanggang kadiliman. Sa panaginip ko, hinawakan ni Star ang mga kamay ko at umusal ng salitang, "Salamat." Natapos na ang lahat. Tapos na ang paghihirap namin sa kamay ni Zach. Hindi ko alam kung ilang araw, buwan o taon ang gugugulin bago ako makalimot sa nangyari. Maraming buhay ang nawala; mga buhay na nasayang dahil sa pansariling interes ng iilan. Sa kabila noon, gusto kong magpasalamat sa mga taong tumulong sa akin sa panahong nandoon ako sa kagipitan, sa bingit ng panganib. Salamat sa mga taong nakapaligid na alam kong tunay na nagmamahal sa akin. Siguro nga na sa lahat ng nauto ni Zach at ng mga nagpauto sa kanya, ako yung pinaka masuwerte. Mapalad ako dahil hanggang ngayon ay dama ko pa yung hangin, yung hanging nagbibigay-buhay; 'di gaya ng ibang pinagkaitan na ng pagkakataon para masilayan an
Ikinagulat ko iyon."Nagtapang-tapangan kami e! Sumugod kami rito agad ni Norman. Hindi pupuwedeng hindi kita sagipin agad. Ayokong mangyari sa iyo yung nangyari sa mga babaeng pinatay nila. May ginawa kaming plano kaso nahuli nila kami nung nakapasok kami rito. Nagkabarilan! Yung kasama ni Zach, may dalang baril. Napatay si Norman."Yung baril... Yun yata yung ipinukpok niya sa mukha ko kanina. Si Renz... yung isa pang kampon ni Satanas na kasama ni Zach! Paano nila nagagawa iyon? Paano nila nakakayang pumatay ng tao nang ganun-ganun na lang?"Papuputukan na sana ako nung kasama ni Zach. Tinutok niya na sa akin yung baril, kaso hindi natuloy.""Ano'ng nangyari?""Sinaksak siya ni Zach. Nakita ko, Bianca! Sinaksak siya sa likod. Maraming beses! Hindi nakalaban yung isa. Nakakasuka!""Oh my God!""Itinapon ni Zach yung baril, yung kutsilyo, tapos hinamon niya ako ng suntukan. Para siyang baliw! Hindi raw niya ako papatayin kaagad. Kukumpletuhi
Dumilat ang mga mata kong maga sa pag-iyak. Ramdam ko ang kabigatan ng mga ito sanhi ng pagod. Sa aking pagdilat, nakita ko ang paligid na nababalot sa kadiliman."Nasaan ako?" ang tanong na unang pumasok sa isip ko.Nilibot ko ng tingin ang paligid, pero kahit anong pagdilat ang gawin ng mga mata ko ay wala akong makita. Bulag na ba ako o sadyang madilim lang? Bukod sa masikip ang lugar na kinalalagyan ko ngayon, mainit dito at mabaho.Huminga ako. Ah! Hindi ko kinaya ang paghinga! Ano ba yung amoy na iyon? Nakasusulasok! Tinakpan ko ang ilong ko ng aking mahina at nanlalatang mga kamay, pero tagos pa rin ang mabahong amoy. Amoy bulok! May katabi ba akong bangkay? Ganito nga ba ang amoy ng bulok na katawan? Hindi ko rin alam. Pero paano kung may katabi ako? Paano kung si Star pala ay nandito? Si Star... at ang ibang babaeng nasa pangitain ko... Paano kung nandito rin sila sa mala-impyernong lugar na ito?Hinanap ng mga kamay ko ang pader na aalalay sa ak