Share

PKM - Kabanata I

Author: Maja Rocha
last update Huling Na-update: 2022-01-12 13:34:34

"So... may ka-date ka na ba sa Valentine's?" Isandaang beses na yatang itinanong sa akin ng makulit na si Jude ang tanong na yun. Paulit-ulit. Nakatuturete. Ilang beses ko na ring sinagot iyon. Ilang beses na akong nagpaulit-ulit. WALA! WALA!

"Paulit-ulit, Jude? Wala!" naiiritang tugon ko. Inirapan ko siya. Napansin niya iyon, pero nagpatuloy pa rin siya sa pangungulit.

"Bakit wala?" Inirapan ko uli siya. Isandaang beses na rin niyang ginagawang follow-up question ang tanong na iyon.

"Wala... kasi nga wala akong boyfriend! Intiende?"

Kahit na ilang beses nang pinauulit-ulit ni Jude ang tanong na iyon, mukhang hindi siya nakukuntento sa paulit-ulit na sinasagot ko.

"Ok. Gusto ko lang i-confirm dahil may irereto ako sa iyo."

"Jusme, Jude. Ilang beses mo bang dapat i-confirm? Isanlibo?"

"Isang milyon!"

Natawa ako sa sinabi niya. "Hay naku! Reto mo mukha mo!" tugon ko, at ibinatok ko ang hawak na libro sa ulo niya.

Napa-aray si Jud

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PKM - Kabanata II

    Tunog ng alarm clock ang gumising sa akin kinaumagahan. Nakalagay ang isang kulay itim, hugis parihaba at maliit, pero nakabibinging alarm clock sa isang cabinet na nasa kaliwa ng kama ko. 'Di ginusto ng tainga ko ang nakabibinging ingay kaya gaya ng madalas na ginagawa ko ay tumawad ako sa alarm clock. "Five minutes," sabi ko. Nahihirapan pa akong idilat ang mga mata ko. Pinihit ko ang ikutan nitoat bumalik sa pagpikit. 'Di pa man din lumalalim ang tulog ko ay narinig ko ang ringtone ng cell phone ko; may tumatawag. Nakaibabaw ang cell phone sa parehong cabinet kung saan naroon ang alarm clock. Kinuha ko iyon. Kung tutuusin, puwede kong gamitin yung cell phone para maging panggising, kaso hindi na lang kasi hindi rin nakatutulong. Nakita ko mula sa screen ng cell phone ko kung sino ang tumatawag: si Jude. Sinagot ko iyon. "Hello," matamlay na sag

    Huling Na-update : 2022-01-14
  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PKM - Kabanata III

    Pinahapyawan ko ng basa ang diyaryo na nakuha ko. Yung babae kahapon... Star Sebastian pala ang pangalan niya. Sa pagbabasa ko sa diyaryo, nalaman kong naging modelo pala siya ng isang men's magazine at kasalukuyang vocalist ng isang banda. Nalaman ko ring tatlong buwan na pala siyang nawawala. Ang dahilan? Walang nakaaalam. Ang huli niyang kasama? Hindi rin nasabi.Nawawala si Star.. Pero, bakit nakita ko siya kahapon? Ang ibig sabihin ba nito...? Ano nga ba yung nakita ko? Guni-guni ba? Multo? O baka siya talaga iyon? Kailan pa ba itong diyaryo na ito?Tiningnan ko ang petsa ng tabloid. Bago lang ang balita. Teka, kahapon lang?!Lumabas na ako sa CR. Baka naiinip na sila maghintay sa akin. Tangan ko ang diyaryo sa kanang kamay ko. Paglabas ko, nakita ko si Zach. Ano ito? Hinihintay niya ba ako? Hay naku, Bianca! Ayan ka na naman sa pag-a-assume mo e!"Akala

    Huling Na-update : 2022-01-16
  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PKM - Kabanata IV

    10 p.m.Hihintayin daw ako ni Zach. He will wait for me and he will be expecting of my presence. Iyon yung mismong salitang sinabi niya. At um-oo ako. Samakatuwid, pupunta ako sa Old School. Para saan pala? Para makita si Zach? Para marinig silang kumanta at tumugtog? Siguro. O para malaman ang ilan pang detalye sa pagkawala ni Star at kung bakit parang nagparamdam na naman siya sa akin? Kaso paano ako magpapaalam sa amin?"Ma, aalis ako ngayon. Pupunta ako sa Old School."Tapos, ano? Panigurado tatanungin ako ni mama kung ano iyon. At sasabihin kong,"Yung bar na malapit sa University."Panlalakihan ako ni mama ng mata at sasabihin niyang, "Dis oras ng gabi?" Tapos hindi niya ako papayagan at bubungangaan niya ako. Magagalit siya at tatakpan ko ang tainga ko sa ingay niya o kaya magkukulong na lang sa kuwarto para 'di ko siya marinig. Sa huli, hindi ako makakasama. Masisira ako kay Zach. Hindi niya ako k

    Huling Na-update : 2022-01-27
  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PKM - Kabanata V

    Tahimik lang si Jomari buong byahe namin pauwi. Hindi ako sanay ng ganito. Minasama yata niya yung pagkatulala ko bigla kanina. Nagsalita na lang siya nang makarating na kami sa lugar namin.Pinilit ni Jomari na pumasok na ako sa bahay namin. Hindi ko siya sinunod. Gaya ng sinabi ko kay Jude, ipaliliwanag ko kung ano yung nangyari sa akin kanina.Inaayos ko sa isip yung mga sasabihin ko: kung paano ako magsisimula, kung paano ako magpapaliwanag, pero hindi ako mapakali sa naka-sambakol na mukha ni Jomari kaya sinabihan ko siya,"It's not what you think."Tumingin siya sa akin kasama ang mukhang ngayon ay 'di ko mabasa kung ano tunay na emosyon, kung malungkot ba, inaantok o pagod, at siya'y nagtanong, "Bakit, ano bang iniisip ko?""Yung tungkol kanina... Na sinasabi ni Jude... Na natulala ako."Gusto kong sabihin kung ano yung nakita ko, pero parang nagbibingi-bingihan lang siya sa mga pahayag ko. 'Pag ganitong may tampuhan kaming madalas di

    Huling Na-update : 2022-01-29
  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PKM - Kabanata VI

    Nag-text sa akin si Zach kinaumagahan. Kagigising ko pa lang at wala pa sa mood magbasa ng message. Pinansin ko na lang iyon pagkatapos ko maligo."Good morning, Bianca! Thanks for dropping by at Old School last night. Jude said sumama yung pakiramdam mo. How are you feeling now?"Totoong natuwa ako sa message niya. Wala naman kasi akong ibang nakaka-text kundi sina Jude at Jomari. Minsan ok rin kung may ibang tao kang kausap. Pero sa kabilang banda, napapaisip din ako."Rereplyan ko ba ito?" tanong ko sa sarili. "Mamaya na nga lang," naging desisyon ko.Nakita kong nakatambay ang mag-pinsan sa labas ng bahay nila nang lumabas na ako matapos maghanda sa pagpasok."Ayan na pala ang prinsesa!" bungad sa akin ni Jude."Sus! Umagang-umaga nambobola," sabi ko sa kanya."Nang-aagaw ka! Prinsesa ko yan!" reklamo ni Jomari sa pinsan."Edi prinsesa mo! Saksak mo pa sa baga

    Huling Na-update : 2022-02-01
  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PKM - Kabanata VII

    "Ano, Bianking? Ano na'ng nangyari? Ok na ba? Niyaya ka na ba ni Zach?" sunod-sunod na tanong ni Jude nang makalapit na sila ni Jomari sa akin."A, oo. Niyaya niya akong makipag-date," matamlay na sagot ko.Ewan ko ba, dapat masaya ako kasi makaka-date ko si Zach --yung poging si Zach! After how many years, may nagkamali sa aking magyaya, pero bakit hindi maganda ang pakiramdam ko sa date na ito?"Syempre um-oo ka, 'di ba? Makikipag-date ka sa kanya, 'di ba?" tanong ni Jomari, halatang masama ang loob. Siguro iniisip na naman niyang kinikilig ako kasi niyaya ako ni Zach."A... oo," sagot ko suot ang isang tipid na ngiti.Nanggagalaiti si Jom sa inis, "Ikaw kasi e!" pagsisi niya kay Jude. Muntik pa niyang sikuhin yung pinsan niya.Inawat ko siya at nagpaliwanag, "Jom, huwag mo nang awayin si Jude. Saka hindi naman para sa akin ito e.""A right, para kay Star! Si Star, si Star, si Star! Sabihin mo nga riyan sa kai

    Huling Na-update : 2022-02-08
  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PKM - Kabanata VII.I

    Tahimik lang ako habang hinihintay ang reply ni Jude sa text ko sa kanya. Nabasa niya kaya? May load kaya siya?Sa gitna ng katahimikan, nagbukas si Zach ng usapan."Ilang taon na pala uli kayong magkakaibigan nina Jude?" tanong niya."Mula noong maliit pa lang ako, sila na yung mga kasama ko.""Masaya ba silang kasama? Yung si Jomari kasi mukhang suplado e!""Sobrang masaya sila kasama! Kaso minsan, ang kukulit nila e! Lalo na si Jomari. Madalas nga naiinis ako dun e! Parang bata kasi."Hindi ako nagkukuwento sa iba ng tungkol kina Jude at Jomari. Wala rin naman kasi akong ibang gustong kausapin kundi sila lang. Lagi kasi akong palagay 'pag sila yung kasama ko."Bianca, what if, for example, nagka-boyfriend ka. Sigurado, hindi mo na sila madalas na makakasama."Napaisip ako bigla roon. Tama si Zach. Kung magkaka-boyfriend siguro ako, mababawasan na yung oras ko sa kanila. Kaso... ayaw ko namang ma

    Huling Na-update : 2022-02-08
  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PKM - Kabanata VIII

    Nabigla ako sa ginawa niya."Zach, ano ba?!" tanong kong pagalit dahil sa paghalik niya sa akin. Itinulak ko siya para mapahiwalay siya. Nagmadali akong lumabas sa kotse at binilisan ko ang paglalakad."Bianca! Wait! Bianca!" isinisigaw niya habang hinahabol ako. Binilisan ko lalo ang paglalakad. Hindi ko siya nililingon. "Bianca, please! Wait!"Masama ang loob ko sa pambabastos niya sa akin. Ano ba'ng akala niya? Na lahat ng babaeng gusto niya e puwede niyang score-an? Pero hindi rin ako nakatiis at huminto ako.Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, mukhang natatakot dahil magkasalubong ang mga kilay ko."Sorry, nadala lang ako," paumanhin niya.Hindi ako sumagot."Hindi ko na uulitin." Itinaas niya ang kanang kamay niya tanda ng panunumpa, "I promise."Napabuntong-hininga ako. Kahit kailan talaga ay hindi ko magawang magalit nang ganoon katindi o katagal. "Naghihintay na sila sa atin," sabi ko."Bianca, I'm so sor

    Huling Na-update : 2022-02-08

Pinakabagong kabanata

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PSK - Kabanata III.I

    Bandang alas nuebe ng gabi nang magkaroon ng misa para kay Jomari. May ilang mga kamag-anak niya ang nagsalita ng magagandang bagay tungkol sa kanya. Isa na roon si Jude."Siya yung madalas kong kasama... sa gimik, mga kalokohan, pagbabasa ng FHM... panonood ng porn... Hindi, joke lang. Hindi ako nanonood ng porn. Pinapakuwento ko lang kay Jomari kung anong meron doon sa video. Tapos, sa pag-akyat ng ligaw kay Bianca... "Nagtinginan ang lahat sa akin nang banggitin ni Jude ang pangalan ko. Hinagod ng katabi ko sa kaliwa, isa sa mga tita nina Jomari at Jude, ang likuran ko."Everything will be ok, Bianca," sabi nito. Tumango ako. Sana nga ganoon kadali lahat.Nagpatuloy ako sa pakikinig kay Jude."Itong pagkamatay niya... Hindi ko matanggap e! Tinatanong ko yung sarili ko... Ano ba ito? Panaginip ba ito? Ginu-good time ba ako ni Jom? Ano ba? May surprise ba in the end? Na nandito nga itong kabaong niya sa likuran ko. Nagdedeliver ako ng eulogy rito... Pero 'di ko alam kung eulogy nga

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PSK - Kabanata III

    Isang panyo... Isang panyong kulay rosas at may bulaklaking disenyo. Nabigla ako nang iabot iyon sa akin ng lalaki. Ilang segundo rin akong nakatingin dito bago ko napagdesisyunang kunin ito dahil napagtanto kong sa akin pala ang panyo."A... Y-y-your welcome," naging tugon ko nang kunin ko iyon.Mariin akong nakatingin sa estranghero sa harap ko. "Sino ba ito?" ang nasa isip ko."That helped me... a lot," sabi niya at doon ko napag-isip-isip kung sino nga ba siya.Siya... Siya siguro yung lalaking naroon sa roof top kahapon."Buti naman kung ganoon," tugon ko sabay ngiti."Nakakahiya! Nakita mo pa akong umiiyak kahapon," sabi niyang tila nahihiya, and at the same time ay natatawa.So siya pala talaga yung lalaki sa roof top. Kaso, bakit naman siya mahihiya? Wala naman sigurong masama kung umiyak ang isang tao lalo na sa panahon ng pagdadalamhati, 'di ba? Sa ganitong sitwasyon, mas makatutulong ang pag-iyak kaysa sa pagtawa, pag-ngiti o pagpapakitang masaya ka kahit hindi."Normal nam

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PSK - Kabanata II.I

    Nasasaktan ako sa mga sinasabi ko sa kanya, pero anong magagawa ko? Iyon ang katotohanan! At gustuhin ko man, alam kong hindi na maibabalik si Jomari sa katawan niya."Shit!" Napasigaw siya. "Nalaman ba kung sino yung walang hiyang sumagasa sa akin?""Inaalam pa," mahinang tugon ko."Gaano naman katagal bago malaman iyon? Baka naman ten years na akong patay, wala pa ring nangyayari!""Nabigla ako sa nangyari, Jom," sabi ko.Natahimik siya bigla. Binasag ang katahimikan ng pagtatanong niya ng,"Nami-miss mo ba ako?""Hindi," agaran kong isinagot. Pero alam ng Diyos kung gaano ko siya nami-miss!"Hindi mo ako nami-miss? Heartless ka talaga," pagtatampo niya."Paano naman kita mami-miss? Nandito ka naman sa tabi ko, 'di ba?" katwiran ko. Natigilan siya."A... tama. I'm your guardian angel."Guardian angel... Sana nga. Sana huwag niya na akong iwan kahit kailan. Sana bantayan niya na lang ako. Dahil alam ko, hangga't nasa tabi ko siya, ligtas ako."Ano'ng pakiramdam ng mamatay?" tanong ko

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PSK - Kabanata II

    Nababalot ng kakarampot na liwanag ang paligid. Sa kailaliman ng gabi, dalawang babae ang nagnanais na maisalba ang kanilang buhay. Kapit na kapit ang kanilang mga kamay habang tinatahak ang madilim na daan. Kapwa sila hinihingal dahil sa pagtakbo nang walang direksyon. Ilang saglit pa ay huminto sila. Bumitiw ang nakatatanda sa nakababata."Magtago ka roon, dali!" utos ng babae sa kanyang kasama. May katamtaman siyang pangangatawan. Hindi rin naman ganoon katangkaran. Mala-anghel at maamo ang kanyang mukha, ngunit sa kabila nito, nakikitaan ko siya ng bahid ng takot --takot na hangga't maaari ay ayaw niyang ipahalata sa kasama niya. Itinuro niya ang isang kotse sa madilim na sulok ng kalsada. Humahalo ang itim na kulay ng sasakyan sa kadiliman.Tiningnan siya ng kasama na puno ng pag-aalala. "Paano ka, ate?" tanong nito. Teka... Kilala ko siya, si Rhee!Umiling ang babae, tila gustong iparating na huwag siyang intindihin. "Basta, magtago ka roon! Kung sakaling mahuli ako, hindi ka ni

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PSK - Kabanata I

    Memories... Yung alaala ng nakangiti niyang mukha noong ibinigay niya sa akin yung Valentine's Card na ipinagyayabang pa noon ng pinsan niyang si Jude. Yung alaala ng saya at kilig na naramdaman ko noong tinanggap ko yung card na pinaghirapan niya at dinisenyuhan. Alam kong torpe siya. Kung sabihin niya ngang mahal niya ako, pabiro lang e! Minsan nga yung pinsan niya pang si Jude ang nagiging tulay namin. Pero noong gabing iyon, kung kailan pumasok na sa isip kong gawing totohanan yung relasyon naming biru-biruan lang... Yung gabing iyon kung kailan masaya kaming umuwi galing sa "date" namin matapos naming malagpasan ang isang kakila-kilabot na experience na ayaw ko na sanang maalala... Yung gabing iyon na pala ang huling sandaling makikita ko siyang nakangiti. At yung mga alaala ng masaya naming pinagsamahan, iyon na lang yung pinanghahawakan ko ngayon. "Jom!!!" Flashback... Ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya noong gabing iyon. Halos gumuho ang mundo ko nang makita ko ang d

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   Pinatay Siya... Kahapon! (MNA... B! and PK... M! Series) - Teaser

    PANIMULAMemories...Yung alaala ng nakangiti niyang mukha noong ibinigay niya sa akin yung Valentine's Card na ipinagyayabang pa noon ng pinsan niyang si Jude. Yung alaala ng saya at kilig na naramdaman ko noong tinanggap ko yung card na pinaghirapan niya at dinisenyuhan. Alam kong torpe siya. Kung sabihin niya ngang mahal niya ako, pabiro lang e! Minsan nga yung pinsan niya pang si Jude ang nagiging tulay namin. Pero noong gabing iyon, kung kailan pumasok na sa isip kong gawing totohanan yung relasyon naming biru-biruan lang... Yung gabing iyon kung kailan masaya kaming umuwi galing sa "date" namin matapos naming malagpasan ang isang kakila-kilabot na experience na ayaw ko na sanang maalala... Yung gabing iyon na pala ang huling sandaling makikita ko siyang nakangiti. At yung mga alaala ng masaya naming p

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PKM - XVII (Ang Pagwawakas)

    Nang isakay kami ni Jomari sa ambulansya, nagkaroon ako ng panaginip. Sa panaginip ko, nakita ko ang masayang mukha ni Star at ng mga babaeng nakalaya na rin sa walang hanggang kadiliman. Sa panaginip ko, hinawakan ni Star ang mga kamay ko at umusal ng salitang, "Salamat." Natapos na ang lahat. Tapos na ang paghihirap namin sa kamay ni Zach. Hindi ko alam kung ilang araw, buwan o taon ang gugugulin bago ako makalimot sa nangyari. Maraming buhay ang nawala; mga buhay na nasayang dahil sa pansariling interes ng iilan. Sa kabila noon, gusto kong magpasalamat sa mga taong tumulong sa akin sa panahong nandoon ako sa kagipitan, sa bingit ng panganib. Salamat sa mga taong nakapaligid na alam kong tunay na nagmamahal sa akin. Siguro nga na sa lahat ng nauto ni Zach at ng mga nagpauto sa kanya, ako yung pinaka masuwerte. Mapalad ako dahil hanggang ngayon ay dama ko pa yung hangin, yung hanging nagbibigay-buhay; 'di gaya ng ibang pinagkaitan na ng pagkakataon para masilayan an

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PKM - Kabanata XVI.I

    Ikinagulat ko iyon."Nagtapang-tapangan kami e! Sumugod kami rito agad ni Norman. Hindi pupuwedeng hindi kita sagipin agad. Ayokong mangyari sa iyo yung nangyari sa mga babaeng pinatay nila. May ginawa kaming plano kaso nahuli nila kami nung nakapasok kami rito. Nagkabarilan! Yung kasama ni Zach, may dalang baril. Napatay si Norman."Yung baril... Yun yata yung ipinukpok niya sa mukha ko kanina. Si Renz... yung isa pang kampon ni Satanas na kasama ni Zach! Paano nila nagagawa iyon? Paano nila nakakayang pumatay ng tao nang ganun-ganun na lang?"Papuputukan na sana ako nung kasama ni Zach. Tinutok niya na sa akin yung baril, kaso hindi natuloy.""Ano'ng nangyari?""Sinaksak siya ni Zach. Nakita ko, Bianca! Sinaksak siya sa likod. Maraming beses! Hindi nakalaban yung isa. Nakakasuka!""Oh my God!""Itinapon ni Zach yung baril, yung kutsilyo, tapos hinamon niya ako ng suntukan. Para siyang baliw! Hindi raw niya ako papatayin kaagad. Kukumpletuhi

  • Mamamatay Na Ako... Bukas!   PKM - Kabanata XVI

    Dumilat ang mga mata kong maga sa pag-iyak. Ramdam ko ang kabigatan ng mga ito sanhi ng pagod. Sa aking pagdilat, nakita ko ang paligid na nababalot sa kadiliman."Nasaan ako?" ang tanong na unang pumasok sa isip ko.Nilibot ko ng tingin ang paligid, pero kahit anong pagdilat ang gawin ng mga mata ko ay wala akong makita. Bulag na ba ako o sadyang madilim lang? Bukod sa masikip ang lugar na kinalalagyan ko ngayon, mainit dito at mabaho.Huminga ako. Ah! Hindi ko kinaya ang paghinga! Ano ba yung amoy na iyon? Nakasusulasok! Tinakpan ko ang ilong ko ng aking mahina at nanlalatang mga kamay, pero tagos pa rin ang mabahong amoy. Amoy bulok! May katabi ba akong bangkay? Ganito nga ba ang amoy ng bulok na katawan? Hindi ko rin alam. Pero paano kung may katabi ako? Paano kung si Star pala ay nandito? Si Star... at ang ibang babaeng nasa pangitain ko... Paano kung nandito rin sila sa mala-impyernong lugar na ito?Hinanap ng mga kamay ko ang pader na aalalay sa ak

DMCA.com Protection Status