Bago pa sila makapag-react, mahigit isang dosenang bato ang pinadala sa kanila. Tinamaan sa ulo at paa ang grupong palihim na nagdulot ng pagdugo.“Sino to? Sino ang umaatake sa atin?"Swoosh, lumipad ang isang bag na puno ng ihi at nakita ang marka nito, na nakatakip sa ulo ng sumigaw.Pagkatapos, isang malungkot at nakakatakot na boses ang nagmula sa isang lugar sa likod-bahay.Ang pakiramdam na ibinigay nito ay katulad ng isang supernatural na nilalang na namumugad dito. Labis silang natakot, namutla sila at nakaugat sa kanilang kinatatayuan.“Pasensya na po, sir! Aalis na ako kaagad!"Ang isa sa kanila ay tumakbo palayo sa isang kisap-mata.Ang iba ay natakot din sa kamatayan, tumatakbo nang kasing bilis ng kanilang mga binti.Kung tutuusin, nandito lang sila sa utos ni Dominic, para sirain ang mukha ni Vera hanggang sa hindi na ito maibabalik.Walang sinuman ang mag-aakala na sila ay inaasikaso na bago nila marating si Vera.Nakapagtataka, hindi man lang alam ng grupong i
Matapos mag-almusal sina Thomas at Aries sa umaga, sumakay sila ng taksi papunta sa bahay ni Riordan. Ipinaalam kay Riordan ang kanilang pagdating at pumasok sila sa reception hall kasama ang butler.Lumapit ang isang lalaking may malaking pigura at seryosong mukha.Ito ang pinakamayamang tao at ang patron ng Kiara Cloud Mountain — Riordan Silver!Tumingin siya kay Thomas, pagkatapos ay sinabi, "Narito ka para sa isang libong taon na kabute?"Binasa ni Riordan ang liham ni Thomas na ipinadala niya kahapon at malinaw ang layunin ng kanyang pagbisita ngayon. Kaya naman dumiretso siya sa puntong walang dilly dallying.Tumango si Thomas at sinabing, “Tama iyan. May kaibigan akong nasunog ang mukha dahil sa apoy. I need the thousand-year mushroom to restore her face. Kaya't nandito ako ngayon, binibisita ka, Mr. Silver. Maaari ko bang tanungin kung umiiral ang isang libong taon na kabute?"Mariing sumagot si Riordan, "Ang isang libong taon na kabute ay umiiral."Natuwa sina Thomas at
Napabuntong-hininga si Thomas at sinabing, “Mr. Silver, hindi ko kayang tuparin ang pangatlong kondisyon mo. Ako ay isang lalaking may asawa at malapit na akong maging isang ama, bakit naman ako magpapakasal sa ibang babae?"Ngumisi si Riordan at sinabing, “Problema mo yan, wala itong kinalaman sa akin. Kung hindi mo gagawing asawa ang anak ko, hindi mo makukuha ang thousand year old mushroom."Talagang pinahihirapan sila ni Riordan.Wala silang problema sa una at pangalawang kondisyon. Ngunit sinong nag-akala na hindi nila magagawa ang pangatlong kondisyon?Nagpatuloy si Riordan, “Huwag mong masyadong isipin iyon. Kung hindi ka gusto ng anak ko o ayaw ka niyang pakasalan, hindi ako papayag kahit gusto mong kunin ang anak ko bilang asawa mo.”Pinitik niya ang kanyang mga daliri at sinabi sa butler, “Sabihin mo sa young miss na bumaba. Matutuwa kaya siya sa taong pinili ko sa pagkakataong ito?""Masusunod, sir!"Umakyat ang butler para tawagin ang young miss.Namutla si Thomas n
Ang God of War?Alam ni Riordan ang tungkol sa God of War, hindi lang niya inaasahan na lilitaw talaga sa harap niya ang diyos na nagkatawang tao.“Ikaw… ang God of War?” Hindi pa rin kayang paniwalaan ito ni Riordan.Napangiti si Thomas habang sinasabi, “Ako talaga ang God of War. Mr. Silver, kung hindi ka naniniwala sa akin, pwede mong utusan ang ilang tao na ipadala ang seal ng commander dito at ipakita ito sayo.""Hindi, hindi mo kailangang gawin iyon. Nagtitiwala ako sa iyong credibility."Natuwa si Riordan. Kung tinulungan siya ng sikat na God of War, meron siyang pagkakataon talaga na baguhin ang kanyang problema!Tumingin siya sa paligid bago siya bumulong, “Hindi magandang pag-usapan ang mga bagay na ito dito sa labas. Mr. Mayo, sundan mo ako sa study room para makapag-usap tayo.”Samakatuwid, sinundan nina Thomas at Aries si Riordan sa kanyang study room.Ni-lock ni Riordan ang pinto.Napakaganda ng sound insulation sa loob ng kwartong ito. Kung may kumakanta ng mala
Nataranta si Aries habang nagtatanong, “Pero, ang Dragon Mountain Range ay kabilang sa Silver family. Kung ang pamilyang Silver ay hindi pumayag sa kanila, ang mga negosyante ay hindi pagsasamantalahan ang mga resources, hindi ba?“Kung maglakas-loob silang pumasok sa bundok, ipaalam mo na lang sa mga opisyal ng gobyerno para ipatupad nila ang batas. Hindi ako naniniwala na hindi nila mapipigilan ang mga negosyante sa pamamagitan nito!"Walang magawa si Riordan nang marinig ang tanong ni Aries."Tama ka, binata. Ganyan ang kaso dati. Hangga't hindi ako pumayag, hinding-hindi nila pagsasamantalahan ang lugar."Naglalaro lamang sila ng mga secret tricks, at makikipagtulungan kami sa gobyerno para makontrol sila."Pero ang sitwasyong ito ay hindi magtatagal."Bahagyang kumunot ang noo ni Thomas bago siya nagtanong, "Anong ibig mong sabihin?"Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Riordan. “May rule ang Silver family. Ang bawat head ng pamilya ay dapat lamang humawak ng p
Nagulat si Riordan kay Thomas. Hindi niya alam ang kanyang isasagot.Sa katunayan, sa yaman at network na meron si Thomas, napakadali para sa kanya na protektahan ang isang bulubundukin na tulad nito. Kung bibilhin niya ang Dragon Mountain Range kay Thomas, ito ay mapupunta sa magandang mga kamay.Pero…Naguguluhan si Riordan.“Hindi ka naniniwala sa akin?” tanong ni Thomas.Nanatiling tahimik si Riordan.Nagpatuloy si Thomas, “Okay lang kahit ayaw mong ibenta sa akin. Pwede mong i-donate ang Dragon Mountain Range sa gobyerno nang libre. Kailangan mo lang magdagdag ng isang kondisyon sa kasunduan, na ipinagbabawal ang pagsasamantala ng kahit sino. Naniniwala ako na poprotektahan din ng gobyerno nang husto ang bulubundukin, kaya hindi mo kailangang mag-alala."Pinili ni Riordan na manahimik muli. Ayaw niyang tanggapin ang dalawang suggestion na ibinigay ni Thomas.Sa sandaling iyon, naunawaan ni Thomas ang gusto ni Riordan.Ilang sandali pa ay sinabi ni Thomas, “Mr. Silver, sa
May hawak na wine glass si Ferid habang nakasandal sa isang table. Nakaramdam siya ng kalungkutan habang umiinom ng alak.May walong lalaki pa sa kwarto. Sila ay mga taong namamahala sa malalaking negosyo at malalaking grupo. Sila rin ang mga negosyanteng interesado sa Dragon Mountain Range.Ilang taon na silang nasa Kiara Cloud Mountain, at halos natapos na nila ang pagsasamantala sa mga lugar na pwede nilang pagsamantalahan.Ang tanging lugar na gusto nilang makuha ay ang Dragon Mountain Range, kung saan makukuha ang richest resources. Ngunit, mahigpit na sinusubaybayan ni Riordan ang bulubundukin kaya hindi nila mapakinabangan ang lugar.Ang mga negosyanteng ito ay nagtatag pa ng Union of Businessmen sa Kiara Cloud Mountain, at ang chairman ng Golden Bright Pharmaceutical ay si Albert Clarke.Sa paglipas ng mga taon, maraming beses nang napag-usapan ni Albert ang isyu kay Riordan, ngunit pinapagalitan lamang siya ng matanda.Sinabi niya pa na gusto niyang bilhin ang bulubunduk
“Huh?” Nagulat si Ferid. Dahil dito ay napalunok siya at sinabing, “Poisonous ang alak na ito. Bakit mo ito ilalabas, Albert?"Napangiti si Albert sa kanya. “Hindi ba sabi mo gusto mong patayin si Riordan?"Sa sobrang takot ni Ferid ay pinagpawisan siya ng malamig at nauutal niyang sinabi. “Hi-Hindi, nasabi ko lang ito dahil sa galit. Bakit ko naman siya papatayin? Siya ang aking tatay. Paano ko mapapatay ang aking ama? Parang nababaliw ka na!”"Haha, tama ka. Pero…” makahulugang sinabi ni Albert, “Kung mamatay si Riordan ngayon, matatapos na ang kanyang paghahanap ng manugang. Pagkatapos niyang mamatay, ang posisyon na head ng pamilya ay natural na maipapasa sa nag-iisang anak na lalaki, at ikaw ‘yon."Sa oras na iyon, ikaw ang magde-desisyon para sa future ng Dragon Mountain Range. Pagkatapos mong ibenta ito sa amin, pwede mong kunin ang pera at umalis para magpakasaya sa buhay mo. Kapag nakuha na namin ang bulubundukin, malaya naming sasamantalahin ito. Ito ay isang win-win situ