Dahil si Jacob ay lumuhod at humingi ng awa, iyon ay pansamantalang nagbigay kina Thomas at Birch ng ilang oras upang siyasatin ang salarin at katotohanan.Tinitigan ni Birch ang kanyang anak na nakaluhod doon, at nakaramdam siya ng labis na pagkadurog ng puso.But then, siya ang dahilan kung bakit nangyari ito.Dapat lumuhod siya.Dapat niyang bayaran ang kanyang kawalang-muwang at kalokohan.“Gah!”Tumalikod si Birch at pumasok sa bahay. Umupo siya sa sopa, ngunit hindi siya makainom ng tubig. Siya ay sobrang nanlumo na siya ay nawala ng maraming buhok.Umupo si Thomas sa gilid habang nakapikit para magpahinga.Matiyaga siyang naghintay.Pagkatapos ng dalawang oras, sa wakas ay bumalik si Aries.Dire-diretso siyang pumasok sa sala, at hindi na siya makapaghintay na magsalita. "Kumander, may natuklasan ako!"Agad na binuksan ni Thomas ang kanyang mga mata. "Sino ang gumawa ng lahat ng ito?""Master Centipede at Laura mula sa Pivot Technology!"Pinikit ni Thomas ang kanyan
Sa opisina ng chairman sa Pivot Technology, hawak ni Master Centipede ang isang red wine glass habang iniinom niya ito. Nilasap niya ang masarap na alak at talagang natuwa siya."Wow! Laura. Hindi masama itong bote ng alak na dinala mo sa akin ngayon. Dapat dalhin mo ulit ito sa susunod,” masayang sinabi ni Master Centipede.Ipinakita ni Laura ang kanyang malumanay na ngiti.“Ninong, hindi lang ang alak ang masarap. Good mood ka ngayon, kaya para sayo ay masarap ang anumang alak na matikman mo. Kahit na painumin kita ng isang basong tubig ngayon, sasabihin mo na masarap ito."Tumawa ng malakas si Master Centipede. “Oo, ito ang pakiramdam ng isang tao kapag naaayon sa lahat ng mga pangyayari sa buhay niya, magiging masaya ka. Matagal na panahon na nang maramdaman ko ito at sa wakas ay dinala natin si Thomas sa isang dead-end sa unang pagkakataon.“Kahit anong gawin niya, imposibleng mapatawad siya ng iba.“Kahit na gumawa siya ng public clarification, pwede rin tayong makakuha ng
Dinala ni Aries si Thomas sa Big Dipper Pharmaceuticals. Ito ang teritoryo ng foreign doctor na si Socrates.Sumama si Thomas kay Jacob sa unang pagkakataon nilang makarating dito. Dito nila in-expose ang tricks ni Socrates at dito rin niya ito binugbog.Sa pangalawang pagkakataon na makarating sila dito, ang sitwasyon nila ay naiiba na ngayon mula sa huling pagkakataon.Kaunti lang ang tao sa pharmacy. Ibinaba na rin ang plaque mula sa pinto at inilagay ito sa dingding. Mukhang gigibain na ang botika.Pumasok si Thomas sa loob.Pagpasok niya sa pinto, nakita niya si Socrate na nag-iimpake ng kanyang mga bagahe.Ang kanyang ulo, braso, at binti ay binabalot ng mga bandage. Hindi pa rin nawawala ang bakas ng pagbugbog ni Jacob noong nakaraan."Hello, Dr. Socrates," sabi ni Thomas.Nabigla si Socrates nang marinig niya ang boses ni Thomas. Hindi niya namamalayan na umatras siya ng dalawang hakbang at nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Thomas.Nauutal siya na paran
Maririnig ang nagngangaliit na mga ngipin ni Socrates habang sinasabi, “Pinaglaruan ng babaeng iyong ang emosyon ko. Ginamit niya ang pagiging inosente at kabaitan ko para gumawa ng kasamaan. Paanong hindi ako magagalit sa kanya?"Biglang nakaramdaman ng awkwardness si Aries nang marinig iyon.Kahit na hindi isang mabuting tao si Laura, imposible pa rin para kay Socrates na maging inosente at mabait, hindi ba?Hindi ba siya nahulog sa patibong ni Laura dahil gusto niya ang kanyang katawan?Nagpatuloy sa pagsasalita si Thomas, "Gusto mo bang maghiganti sa kanya?""Oo naman!"Desididong sumagot si Socrates, "Gusto kong maghiganti sa kanya pero hindi ko alam kung bakit. Wala akong impluwensya sa Central City, at nasira na ang aking reputasyon. Kalimutan mo na ang paghihiganti kay Laura, hindi ako pwedeng manatili sa Central City kahit gustuhin ko pa. Araw-araw dumarating ang mga tao para manggulo sa lugar ko. Ang iisang bagay na nasa isip ko ngayon ay ang umalis sa lugar na ito sa l
Patuloy siyang tinanong ni Socrates, “Sinabi mo ba na bukod kay Laura, gusto din akong saktan ng mga mula sa medical industry ng Central City?“Ayaw mo ba akong tulungan ka at ang pamilyang Nolan? Ako ay isang mabuting tao, hindi ba?"Bakit gusto ng medical industry sa Central City na talunin ang isang mabuting tao?"Ngumiti si Thomas at misteryosong sinabi sa kanya, "Dahil ang iyong ‘kabutihan’ ay kailangang maging kontrabida."Kumunot ang noo ni Socrates. "Sinasabi mo ba na kailangan kong mag-undercover?""Hindi, pero halos kaparehas nito ang gagawin mo." paliwanag ni Thomas, "Ang gusto kong gawin mo ay kunin mo ang buong responsibilidad at maging target sa galit ng lahat. Sa ganoong paraa, makakatakas ako at ang pamilyang Nolan nang hindi nasasaktan."Talaga?Napakamot ng ulo si Socrates.Kahit na si Laura ang dahilan ng lahat ng problemang ito, kailangang kunin ni Jacob ang buong responsibilidad dahil walang ebidensya laban sa babae.Ang gusto ni Thomas ay gumawa ng initi
Malapit nang lumubig ang araw. Si Jacob, na nakatali ng lubid, ay lumuhod sa lupa, at hindi pa siya umiinom mula umaga.Tunay nga na itinaya niya ang kanyang buhay para magkaroon ng mas maraming oras si Mr. Mayo.Umiling ang mga katabi niya nang makita siya."Tapos na. Wala pa rin reply pagkatapos ng mahabang panahon. Sa tingin ko ay handa nang sumuko si Thomas."“Napaka obvious naman nito. Nagtulungan sila para nakawin ang pera nanin. Ano oa ba ang pwede nilang ipaliwanag?"“Nakiusap pa ang mokong na ito na patawarin siya sa pamamagitan ng pagtali sa kanyang sarili. Haha! Napakawalanghiya!”Patuloy na minamaliit at pinagtatawanan ng lahat ang pamilyang Nolan.Sa pagkakataong ito, biglang tumakbo ang isang binata at malakas na sinabi, “Mga doktor, may press conference ngayon ang Sterling Technology. Nagbibigay sila ng official statement sa mga isyu tungkol sa pagnanakaw ni Jacob Nolan ng public funds. Panoorin niyo ito sa inyong cellphones."Mabilis nilang kinuha ang kanilang m
Ilang tao ang maniniwala sa tinatawag na ‘official clarrifcation’ na ito?Malamang iisipin ng iba na ito ay peke!Iyon ang naisip ng lahat.Pinanood ito ni Master Centipede sa harap ng TV, at kahit siya ay natawa. "Thomas Mayo, ito na lang pala ang kaya mong gawin. Sa palagay mo ba ay maipapaliwanag mo ang lahat sa pamamagitan lamang ng ilang listahan at tables?"Hindi mo ba alam na ang puso ng tao ay hindi kayang mahulaan?“Lahat ng tao naghihinala na sayo. Magpapakahirap ka lang kung gusto mo pa ring makuha muli ang tiwala nila. Thomas, talo ka na. Hindi mo na kayang makabangon pa.”Para kay Master Centipede, ang press conference na ito na ginamit ni Thomas para linawin ang kanyang sarili ay isang malaking kabiguan.Handa na sana siyang patayin ang kanyang TV, nang isang aksidente ang nangyari. May sinabi si Thomas na isang bagay na nagpalaglag sa panga ng lahat.Sa kalagitnaan ng press conference ay sinabi ni Thomas, "Ang Sterling Technology at Red Society Pharmacy na pag-aa
Ang mga nasa medical industry, ang mga news reporter, o ang mga staff ng Pivot Technology, ay hindi inasahan na babanggitin ni Thomas si Socrates, ang pangalan na parang walang kaugnayan sa buong pangyayari na ito.Lalong nagulat dito si Laura. Para sa kanyang opinyon, maliban sa paglilinaw at paghuli sa salarin, wala nang ibang solusyon si Thomas.Sinong makakaalam na hindi gagawin ni Thomas ang dalawang bagay na iyon? Nakahanap siya ng isa pang choice para sisihin si Socrates sa lahat ng ito.Paano ito nangyari?Tumingin si Laura sa isang reporter na pinadala niya dito, at agad itong naintindihan ng reporter. Bumangon ang nasabing reporter at malakas na sinabi, “Mr. Mayo, sinabi mo na nagpakalat ng tsismis si Socrates para siraan ka. Hindi kaya sinusubukan mo lang na hindi ka paghinalaan ng mga tao? Masyadong mahirap para sa amin na paniwalaan ka."Ngumiti ng mahina si Thomas.Kasunod nito ay sinabi niya, “Okay, bibigyan kita ng ebidensya. Una, alam nating lahat na dinala ko an