"Bwisit ka! Kinabahan ako do'n ah! Akala ko talaga totoo!" naiinis na sabi ko at hinampas siya sa matigas niyang braso.
"Pero tama ang Danger Zone, si Xyrille ang gusto ko." sumeryoso na ulit ang mukha niya. Kaloka! Bilis magpalit ng mood ah!
"Alam ko, obvious naman eh." syempre joke lang yo'n. Di ko nga nahalata eh. May pagkamasungit at may pagka-snob itong si Gun eh, kaya di ko napapansin. Mainitin pa yung ulo nitong ugok na 'to eh.
"Wag mo na ngang pansinin ang lovelife ko. Pumasok na tayo sa loob." napangiti na lang ako sa sinabi niya.
***
Paikot-ikot ako sa loob ng classroom, ako pa lang mag-isa dito eh.
Hind kasi ako mapakali, hindi ko alam mung paano ko kakausapin si Ice. Baka hindi niya na
"Break na kayo?!"Napatakip ako sa tainga ko dahil sabay sabay na sumigaw ang Danger Zone pati si Kyla. Dahan dahan akong tumango."O-Oo." mahinang sabi ko habang nakatungo."B-Bakit?! Sinong nakipagbreak?! Si Prince ba?! Ang kapal naman pala ng mukha niya!" tuloy tuloy na sabi ni Kyla. Hinawakan naman siya ni Lion sa balikat."Hayaan mo munang makapagpahinga si Shenna." seryosong sabi ni Lion."S-Sorry Shenna. Sige, magpahinga kana. Alam kong napagod ka ng sobra sa mga nangyari." tipid na ngumiti lang ako kay Kyla."S-Sige. Punta na ko sa kwarto ko." tipid na sabi ko at tumayo na. Tumango na lang sila.Pagkapapasok ko sa kwarto, nanghihinang napaupo ako sa kama. Naramdaman ko ang mabilis na pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko.Isa na yata 'to sa mga pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Si Ice ang unang lalaking minahal ko ng ganito. Hindi ko
“Uy! Tulala ka na naman diyan.” napalingon ako kay Clinton. Nandito kami ngayon sa garden. Dito na ko lagi nagl-lunch kasama si Clinton.“Wala, may iniisip lang.” sabi ko at tinampal siya ng mahina sa pisngi.“Tss. Baka si Prince yung iniisip mo. Batukan kita diyan eh.” agad ko naman siyang sinapak sa braso. “Aray! Brutal mo ah!” naiinis na sabi nito.“Ikaw kasi eh! Kung ano anong pinagsasasabi mo diyan.” Dalawang buwan na rin mula nang makilala ko si Clinton. Naging close talaga kami, nakakatuwa kasi siyang kasama at may sapak minsan.Si Ice naman, dalawang buwan ko na rin siyang hindi nakikita. Dalawang buwan na siyang hindi pumapasok sa school, nung tinanong ko naman ang Danger Zone hindi rin daw nila alam. Hindi ko na nga sila masyadong nakakasama eh. Nararamdaman ko din na galit sila sakin, hindi na kasi ako masyadong nasama sa kanila. Si Clinton ang lagi kong kasama.
Nagulat ako nang matapos kong maligo. Napansin ko kasing may kakaibang amoy yung pantulog ko kagabi. Parang amoy ni Ice.Baka naman hindi ako nananaginip kagabi! Baka nandito talaga si Ice kagabi?!Napatulala ako at natawa, imposible ang iniisip ko. Ni hindi nga ako kakausapin no'n eh. Napailing na lang ako.Lumabas na ko ng kwarto at nagtaka ako dahil parang aligaga ang mga katulong. Anong meron?!Agad akong pumunta sa dining area at halos matumba ako nang makitang nando'n si Ice kasama ang Danger Zone, ai Xyrille at si Kyla.Natigilan sila sa pagk-kwentuhan at napatingin sakin. Agad naman akong nginitian ni Lion at Gun."Halika Shenna. Kain tayo." pagyayaya ni Gun.Napatingin ako kay Ice. Malamig na nakatingin lang ito sakin.Teka?! Kagabi pa ba siya dito?! Ibig sabihin hindi talaga panaginip
"S-Sasabay na ko sa inyo." nakatungong sabi ko sa Danger Zone. Napailing naman sila."Ano ka ba? Sumabay ka kay Prince. Ano na lang ang sasabihin ng ng mga magulang mo at ni Ochoy kapag hindi kayo magkasabay?!" sabi pa ni Kyla."She's right. Remember, hindi nila pwedeng malaman na break na kayo ni Prince." dagdag pa ni Lion."Kailangan sweet kayo sa isa't isa." napasimangot ako sa sinabi ni Bullet.Napatingin ako kay Ice. Cool na nakasandal sa kulay pula nitong kotse. Gano'n pa rin ang mukha niya, poker face at cold. Napanguso ako, kung makaasta siya parang hindi niya ko ninakawan ng halik kagabi ah.Napansin kong simple lang ang suot niya, plain T-shirt na white ang suot niya at simpleng pants. Hindi katulad ng lagi niyang suot na black leather jacket o kahit anong kulay black. Gwapo pa rin siya, kahit anong suot niya. Hindi rin messy ang buhok niya kaya nagmukha siyang mabait kahit konti, na
"You're here din pala CL!" masiglang sabi ni Xyrille at lumapit kay Clinton saka niyakap ito pagkatapos ay umupo na siya sa bakanteng upuan sa tabi ni Clint. Magkakilala pala sila."M-Magkakilala kayo?" gulat na tanong namin. Sabay sabay pa kami. Si Ice at sina nanay tahimik lang."Yeah. Magkasama kami lagi dati sa America, right CL?" napatikhim si Clinton at tumango. Bakit parang hindi siya komportable kay Xyrille?"Hi tito, Hello tita! Parents po kayo ni Shenna diba?" nakangiting tanong ni Xyrille, napatango na lang sina nanay. "Hello there Ochoy! Happy birthday." sabi pa niya at inabot ang regalo niya kay Ochoy. Napipilitang kinuha na lang yo'n ni Ochoy."Kaibigan ka ba ni Shenna?" seryosong tanong ni tatay. Nginitian siya ni Xyrille at tumango."Yes po. Mabait po kasi si Shenna, she's like an angel." gusto kong umirap sa pinagsasasabi ng babaeng 'to. Napakaplastik!"Maba
Nandito kami ngayon ni Xyrille sa kwarto ko. Ayaw niya daw kasing marinig ni Ice ang pag-uusapan namin.“Slap me Shenna.” seryosong sabi niya sakin. Agad nanlaki ang mga mata ko. Bakit gusto niyang sampalin ko siya?!“A-Ano bang sinasabi mo Xy---”“Slap me, punch me, kick me, you can hurt me. Kulang pa yan sa mga nagawa kong kasalanan sayo.” nakita ko ang pagtulo ng mga luha sa mga mata niya. Nakikita ko ang sinseridad niya. Alam kong nagsisisi talaga siya.“X-Xyrille.”“I'm sorry Shenna. I'm so sorry. Alam kong simula ng dumating ako gumulo ang buhay niyo ni Ice. Tama si CL, I'm an insecure b!tch. K-Kung sana hindi ako dumating, hindi sana kayo naghiwalay ni Ice. Ginulo ko ang buhay niyo.” malungkot na sabi niya. Tipid na ngumiti ako sa kanya.“Ayos lang. Lahat naman tayo nagkakamali. Alam kong nagawa mo lang yo'n dahil sa pagmamahal.” nakangiting sabi ko sa kanya.
***Clinton's POV***Nakatitig lang ako sa mukha niya habang hinahaplos ko ang buhok niya. Tulog na tulog ang reyna ko.Masyado ko yata siyang pinagod, napangisi na lang ako. Mapapagod talaga siya dahil madaling araw na bago ko siya pinagpahinga. Napatingin ako sa pulang mantsa sa bedsheet. Napangiti ako at napakagat sa labi ko.I'm her first! Damn! Ang saya ko. Sisiguraduhin kong ako ang una at huling lalaki sa buhay niya. Walang makakahawak sa kanya ng ganito kundi ako lang.Hindi na ko papayag na makawala siya sakin. Ang tagal kong naghintay para sa araw na 'to. Minahal niya rin ako.Don't get me wrong, hindi ko ginamit si Shenna. Aminado akong nagustuhan ko talaga siya, pero hindi mawawala ang pagmamahal ko kay Xyrille ng gano'n gano'n lang.Natigilan ako nang umungol si Xyrille at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sakin. Napapikit ako nang mara
"Anong pinag-usapan niyo ni Ice Lord?" malamig na tanong ni Ice at mas hinigpitan pa ang pagyakap sakin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Nagpatulong kasi ako sa kanya sa assignment namin, actually siya lang talaga ang nagsagot ng assignment ko sa loob ng sampung minuto."Sikretong malupet." sabi ko at ginantihan siya ng yakap."Tss." sabi na lang niya at dinampian ako ng halik sa leeg. Ano bang meron sa leeg ko at gustong gusto niya yo'n?"Pinupuntirya mo na naman ang leeg kong hinayupak ka." sabi ko at inilayo ko ang mukha niya sa leeg ko."Tss. You act as if you don't like it." sinabunutan ko na lang ang mokong. Sabagay totoo naman ang sinasabi niya."Wait nga lang ituro mo muna sakin yung assignment natin, hindi ko naman ma-gets yung mga sinagot mo eh." sabi ko at pilit na umalis sa kandungan niya pero hinigpitan niya ang pagkapit sa baywang ko."Mahina