"Babalik din naman ako eh. Gusto ko lang mawala na 'tong kahibangan ko." tuluyan na kong napaluha sa sinabi niya.
"Bakit kasi kailangan mo pang magkagusto sakin eh?!" naiinis na sabi ko at hinampas siya sa balikat.
Nandito kami ngayon sa airport para ihatid si Dragon. Nandito sina Kyla, Xyrille at ang Danger Zone maliban kay Ice. Inaasahan na naman namin na hindi siya pupunta.
"Mamimiss kitang hayop ka." sabi ni Lion at tinapik sa balikat si Dragon.
"Pagbalik mo, siguraduhin mong burado na ang nararamdaman mo para kay Shenna." sabi pa ni Tiger.
"Oo nga. Para naman magbati na kayo ng yelong yo'n." sabi ni Kyla.
"Payakap nga sa inyo, mamimiss ko kayo." sabi ni Dragon at niyakap ako.
"Hoy hoy! Kami ang yakapin mo at wag si Shenna. Baka
Tahimik kaming nakahiga pareho sa kama. Nakaunan ako sa braso niya at nakayakap naman siya sa baywang ko. Magkaharap kaming dalawa, marahan rin niyang hinahaplos ang buhok ko.Nandito kami ngayon sa condo niya. Pagkatapos ng kissing scene namin kanina, hinila niya ko at dinala dito sa condo niya. Mukhang nagulat pa yung dalawang guard nang makitang kasama ako ni Ice.Natigilan ako sa pag-iisip nang maramdaman kong hinalikan ni Ice ang ulo ko at mas humigpit ang pagyakap niya sakin."I-Ice.""Hmm?""Hindi mo na b-ba ako mahal?" tanong ko at tumingala para tingnan siya.Ang gwapo gwapo niya talaga. Ang ganda ng mata, ilong at labi niya. Ang kinis kinis pa ng mukha niya. Gustong gusto kong tinititigan ang kulay blue niyang mata. Kaya hindi na nakakapagtaka na halos lahat yata ng mga babae sa FU ay may crush sa kanya. Kung tutuusin nga ang swerte ko pa dahil ma
“I'm sorry, okay?” inirapan ko lang si Ice. Hindi ako makamove on sa mga videos niya sa phone.“Papatawarin kita kung buburahin mo na yung mga videos mo sa phone mo.”“You know I can't do that. It's normal for us to watch por---” agad ko ng pinutol ang sasabihin niya.“Tse! Ang sabihin mo, pervert ka talaga.”“Okay. Pervert na kung pervert.”Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko na ang pagb-bake. Nagb-bake ako ng muffins. Yung may chocolate sa loob, mahilig kasi ako sa chocolates minsan pero si Ice talaga ang kilala kong mahilig sa chocolate pero hindi nagiging hyper. Kahit chocolates hindi siya napapalambot.“Wow! Ang bango ah, pahingi naman!” napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Kyla. Kasama niya ang Danger Zone at si Xyrille.“What the hell? Bakit kayo nandito?” masungit na sabi ni Ice. Agad ko naman siyang hinampas sa braso.
"You should have seen your face. Ang epic!" masamang nakatingin lang ako kay Gun habang tawa ito ng tawa. Minsan na nga lang siya tumawa at magbiro, nakakainis pa."Bwisit ka! Kinabahan ako do'n ah! Akala ko talaga totoo!" naiinis na sabi ko at hinampas siya sa matigas niyang braso."Pero tama ang Danger Zone, si Xyrille ang gusto ko." sumeryoso na ulit ang mukha niya. Kaloka! Bilis magpalit ng mood ah!"Alam ko, obvious naman eh." syempre joke lang yo'n. Di ko nga nahalata eh. May pagkamasungit at may pagka-snob itong si Gun eh, kaya di ko napapansin. Mainitin pa yung ulo nitong ugok na 'to eh."Wag mo na ngang pansinin ang lovelife ko. Pumasok na tayo sa loob." napangiti na lang ako sa sinabi niya.***Paikot-ikot ako sa loob ng classroom, ako pa lang mag-isa dito eh.Hind kasi ako mapakali, hindi ko alam mung paano ko kakausapin si Ice. Baka hindi niya na
"Break na kayo?!"Napatakip ako sa tainga ko dahil sabay sabay na sumigaw ang Danger Zone pati si Kyla. Dahan dahan akong tumango."O-Oo." mahinang sabi ko habang nakatungo."B-Bakit?! Sinong nakipagbreak?! Si Prince ba?! Ang kapal naman pala ng mukha niya!" tuloy tuloy na sabi ni Kyla. Hinawakan naman siya ni Lion sa balikat."Hayaan mo munang makapagpahinga si Shenna." seryosong sabi ni Lion."S-Sorry Shenna. Sige, magpahinga kana. Alam kong napagod ka ng sobra sa mga nangyari." tipid na ngumiti lang ako kay Kyla."S-Sige. Punta na ko sa kwarto ko." tipid na sabi ko at tumayo na. Tumango na lang sila.Pagkapapasok ko sa kwarto, nanghihinang napaupo ako sa kama. Naramdaman ko ang mabilis na pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko.Isa na yata 'to sa mga pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Si Ice ang unang lalaking minahal ko ng ganito. Hindi ko
“Uy! Tulala ka na naman diyan.” napalingon ako kay Clinton. Nandito kami ngayon sa garden. Dito na ko lagi nagl-lunch kasama si Clinton.“Wala, may iniisip lang.” sabi ko at tinampal siya ng mahina sa pisngi.“Tss. Baka si Prince yung iniisip mo. Batukan kita diyan eh.” agad ko naman siyang sinapak sa braso. “Aray! Brutal mo ah!” naiinis na sabi nito.“Ikaw kasi eh! Kung ano anong pinagsasasabi mo diyan.” Dalawang buwan na rin mula nang makilala ko si Clinton. Naging close talaga kami, nakakatuwa kasi siyang kasama at may sapak minsan.Si Ice naman, dalawang buwan ko na rin siyang hindi nakikita. Dalawang buwan na siyang hindi pumapasok sa school, nung tinanong ko naman ang Danger Zone hindi rin daw nila alam. Hindi ko na nga sila masyadong nakakasama eh. Nararamdaman ko din na galit sila sakin, hindi na kasi ako masyadong nasama sa kanila. Si Clinton ang lagi kong kasama.
Nagulat ako nang matapos kong maligo. Napansin ko kasing may kakaibang amoy yung pantulog ko kagabi. Parang amoy ni Ice.Baka naman hindi ako nananaginip kagabi! Baka nandito talaga si Ice kagabi?!Napatulala ako at natawa, imposible ang iniisip ko. Ni hindi nga ako kakausapin no'n eh. Napailing na lang ako.Lumabas na ko ng kwarto at nagtaka ako dahil parang aligaga ang mga katulong. Anong meron?!Agad akong pumunta sa dining area at halos matumba ako nang makitang nando'n si Ice kasama ang Danger Zone, ai Xyrille at si Kyla.Natigilan sila sa pagk-kwentuhan at napatingin sakin. Agad naman akong nginitian ni Lion at Gun."Halika Shenna. Kain tayo." pagyayaya ni Gun.Napatingin ako kay Ice. Malamig na nakatingin lang ito sakin.Teka?! Kagabi pa ba siya dito?! Ibig sabihin hindi talaga panaginip
"S-Sasabay na ko sa inyo." nakatungong sabi ko sa Danger Zone. Napailing naman sila."Ano ka ba? Sumabay ka kay Prince. Ano na lang ang sasabihin ng ng mga magulang mo at ni Ochoy kapag hindi kayo magkasabay?!" sabi pa ni Kyla."She's right. Remember, hindi nila pwedeng malaman na break na kayo ni Prince." dagdag pa ni Lion."Kailangan sweet kayo sa isa't isa." napasimangot ako sa sinabi ni Bullet.Napatingin ako kay Ice. Cool na nakasandal sa kulay pula nitong kotse. Gano'n pa rin ang mukha niya, poker face at cold. Napanguso ako, kung makaasta siya parang hindi niya ko ninakawan ng halik kagabi ah.Napansin kong simple lang ang suot niya, plain T-shirt na white ang suot niya at simpleng pants. Hindi katulad ng lagi niyang suot na black leather jacket o kahit anong kulay black. Gwapo pa rin siya, kahit anong suot niya. Hindi rin messy ang buhok niya kaya nagmukha siyang mabait kahit konti, na
"You're here din pala CL!" masiglang sabi ni Xyrille at lumapit kay Clinton saka niyakap ito pagkatapos ay umupo na siya sa bakanteng upuan sa tabi ni Clint. Magkakilala pala sila."M-Magkakilala kayo?" gulat na tanong namin. Sabay sabay pa kami. Si Ice at sina nanay tahimik lang."Yeah. Magkasama kami lagi dati sa America, right CL?" napatikhim si Clinton at tumango. Bakit parang hindi siya komportable kay Xyrille?"Hi tito, Hello tita! Parents po kayo ni Shenna diba?" nakangiting tanong ni Xyrille, napatango na lang sina nanay. "Hello there Ochoy! Happy birthday." sabi pa niya at inabot ang regalo niya kay Ochoy. Napipilitang kinuha na lang yo'n ni Ochoy."Kaibigan ka ba ni Shenna?" seryosong tanong ni tatay. Nginitian siya ni Xyrille at tumango."Yes po. Mabait po kasi si Shenna, she's like an angel." gusto kong umirap sa pinagsasasabi ng babaeng 'to. Napakaplastik!"Maba
"Mag-iingat kayo ah. Video call tayo lagi." nakangiting sabi ni Kyla.Nandito na kami ngayon sa airport. Sina Xyrille at Clint pala, next week pa sila pupunta sa America."O-Oo naman, mamimiss ko kayo eh." naiiyak na sabi ko."Mag-aral ka ng mabuti Shenna, para may mapatunayan ka kay Lolo." sabi ni Bullet at ginulo ang buhok ko.Lumapit naman sakin sina nanay, tatay at Ochoy. Niyakap nila ako ng sabay sabay. Mas lalo tuloy akong napaiyak."Anong nangyayari dito?"Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Halos lahat kami ay nagulat nang makita siya. Agad akong tumakbo sa kanya at niyakap siya ng mahigpit."Wag kang ganyan Shenna, baka magkagusto ulit ako sayo." natatawang sabi niya at ginantihan ako ng yakap."Bakit ngayon ka lang u-umuwi Dragon?!" sabi ko at lalong napaiyak.
"Hindi ko akalaing magagawa 'to ni Lolo." napapailing na sabi ni Kyla. Napabuntong hininga na lang ako."Are you really sure about this Shenna? Alam mong hindi papayag si Prince." sabi ni Lion."H-Hindi pwedeng malaman ni Ice ang tungkol dito hangga't hindi pa ko nakakaalis." nakatungong sabi ko."I-Ibig sabihin, hindi mo sasabihin kay Primce ang tungkol sa offer ni Lolo sayo?" napatango na lang ako sa sinabi ni Xyrille."Sa tingin mo ba makakaalis ng Pilipinas si Shenna kapag nalaman ni Prince 'to? He'll do anything to stop her." seryosong sabi ni Tiger."Siguradong masasaktan ng sobra si Prince." napahilot si Gun sa sentido niya."Anong plano mo Shenna?" tanong ni Bullet."M-Mag-aaral ako sa America gaya ng gusto ni Mr. Farthon. P-Pero--- pero bago ako umalis gusto ko munang makasama si Ice kahit saglit lang." nakatungong sabi ko. Tinapik ako sa balikat ni
"Fvck!" napalingon kaming lahat nang mapatayo at mapamura si Lion habang nakatingin sa cellphone niya."What's your problem Mr. Faller?!" galit na sigaw ng prof namin."Ms. Kim, pagbigyan niyo muna kami. Emergency lang." sabi ni Lion. Dali dali niya kaming sinenyasan na lumabas. Mukhang seryoso siya kaya lumabas na kami ng room kahit sigaw na ng sigaw si Ms. Kim."What's happening? May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Xyrille."Dun tayo sa parking lot. Nando'n yung van. Kailangan nating pumunta sa mansyon nina Prince." seryosong sabi ni Lion."Wait! Hintayin niyo ko!" napalingon kaming lahat kay Kyla na natakbo papalapit samin."Nasabihan ka rin ba ni Tita Amy?" tanong ni Lion sa kanya. Napatango na lang si Kyla."Kailangan tayo ni Prince." nagulat ako sa sinabi ni Kyla. Ano ba talagang nangyayari?!***"Nasaan po si Ice?!"
“Magpahinga ka na lang ha, wag ka munang magpagod masyado para gumaling agad yang mga sugat mo.” pabulong na sabi ko sa kausap ko sa cellphone.Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya.“Anong nakakatawa?” naasar na tanong ko.“I'm just imagining how you look right now. I'm sure you're frowning and pouting while talking.” nagulat ako sa sinabi niya. Pa'no niya nalaman?!“Hindi kaya.” nakangusong sabi ko.Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nag-iingat talaga ako maigi habang kausap si Ice, baka marinig ako nina nanay kaya mahina ang boses ko. Buti pa nga si Ice eh, kahit sumigaw siya do'n walang makakarinig sa kanya kasi sound proof yung kwarto niya.“I love you.” nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Ang hilig talaga magpakilig neto!“M-Mahal din kita.” nahihiy
Nandito lang ako sa gate ng school habang nakaupo at iyak ng iyak. Hindi pa ko nauwi dahil siguradong makikita nina nanay ang namumugto kong mga mata. Buti na lang at wala ng tao sa school kaya nakakapag-emote ako dito.Mas lalo ako napahagulgol nang maalala ko ang sakit sa mga mata ni Ice. Kung alam niya lang, mas nasasaktan ako dahil nasasaktan siya. Gustong gusto ko na siyang balikan do'n at yakapin ng mahigpit kaso hindi pwede.Inabot yata ako ng fifteen minutes sa kakaiyak. Naniningkit na ang mga mata ko dahil sa pagkamugto. Tumayo na ko at pinagpag ang palda ko. Kailangan ko ng umuwi, baka nag-aalala na sina nanay.Aalis na ko nang may tumigil na van sa harapan ko. Umakyat ang kaba sa dibdib ko, pamilyar ang van na 'to.Tatakbo na sana ako nang bumaba na ang mga tao sa van. S-Sila yung kumidnap sakin dati!"Na-miss mo ba kami Miss Shen
"Ah. Yung kapatid ba kamo ni Dragon? Hindi namin masyadong ka-close yo'n kasi masyado siyang mabait para samin." natatawang sabi ni Lion."Nakilala mo na pala si Sean? Ang gwapo noh? Kamukha ni Dragon." kinikilig na sabi ni Kyla. Tiningnan naman siya ng masama ni Lion."Tss. Gwapo daw." bulong ni Lion. Inirapan na lang siya ni Kyla. Nakakapanibago silang dalawa ah. Hindi kasi sila masyadong nag-uusap dati kasi madalas sungitan ni Kyla si Lion pero ngayon. Wow lang!Naki-seat lang pala dito sa room namin si Kyla dahil wala siyang klase. Last subject na namin 'to at hanggang ngayon, wala pa si Prof."Teka, bakit ang tagal ni Prof Just? Almost fifteen minutes na siyang late ah." nagtatakang sabi ni Xyrille. Dahil medyo puyat ako kakaisip kay Ice kaya umub-ob muna ako, iidlip muna ko kung wala pa si Prof Just.Nagtaka ako nang natahimik ang lahat. Hindi ko na lang pinansin yo'n at sinubukan ulit na
"What the heck are you doing Shenna?! Ano bang pinag-usapan niyo ni Ice Lord at ginagawa mo 'to?!" napipikon na si Ice at pilit na inaalis ang mga damit na nilalagay ko sa maleta ko."Wag mo na kong pigilan Ice! Para 'to sa ikakabuti nating lahat! Walang mabuting idudulot sayo ang relasyon natin!" nararamdaman ko nang nanlalabo na ang paningin ko dahil sa nagbabadyang mga luha pero pinipigil ko."Please Shenna. Stop doing this. Please don't break up with me." naramdaman ko ang pagsusumamo sa boses niya. Napapikit ako ng mariin. Nag-iiba talaga siya pag ako na ang kaharap niya. Tama si Mr. Farthon, kahinaan ako ni Ice at hindi maganda yo'n."Kailangan Ice! Nakikita mo ba ang lolo mo?! Kailangan ka na niya pero wala kang ginagawa. Kailangan mong harapin ang malaking responsibilidad mo! At ako! Magiging distraction lang ako sayo, kaya i-itigil na muna natin 'to." tuluyan nang tumulo ang luha ko. Akala ko kaya kong pigilin ang na
"Anong pinag-usapan niyo ni Ice Lord?" malamig na tanong ni Ice at mas hinigpitan pa ang pagyakap sakin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Nagpatulong kasi ako sa kanya sa assignment namin, actually siya lang talaga ang nagsagot ng assignment ko sa loob ng sampung minuto."Sikretong malupet." sabi ko at ginantihan siya ng yakap."Tss." sabi na lang niya at dinampian ako ng halik sa leeg. Ano bang meron sa leeg ko at gustong gusto niya yo'n?"Pinupuntirya mo na naman ang leeg kong hinayupak ka." sabi ko at inilayo ko ang mukha niya sa leeg ko."Tss. You act as if you don't like it." sinabunutan ko na lang ang mokong. Sabagay totoo naman ang sinasabi niya."Wait nga lang ituro mo muna sakin yung assignment natin, hindi ko naman ma-gets yung mga sinagot mo eh." sabi ko at pilit na umalis sa kandungan niya pero hinigpitan niya ang pagkapit sa baywang ko."Mahina
***Clinton's POV***Nakatitig lang ako sa mukha niya habang hinahaplos ko ang buhok niya. Tulog na tulog ang reyna ko.Masyado ko yata siyang pinagod, napangisi na lang ako. Mapapagod talaga siya dahil madaling araw na bago ko siya pinagpahinga. Napatingin ako sa pulang mantsa sa bedsheet. Napangiti ako at napakagat sa labi ko.I'm her first! Damn! Ang saya ko. Sisiguraduhin kong ako ang una at huling lalaki sa buhay niya. Walang makakahawak sa kanya ng ganito kundi ako lang.Hindi na ko papayag na makawala siya sakin. Ang tagal kong naghintay para sa araw na 'to. Minahal niya rin ako.Don't get me wrong, hindi ko ginamit si Shenna. Aminado akong nagustuhan ko talaga siya, pero hindi mawawala ang pagmamahal ko kay Xyrille ng gano'n gano'n lang.Natigilan ako nang umungol si Xyrille at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sakin. Napapikit ako nang mara