đź’śđź’śđź’ś
"WHAT IS IT?" bungad na tanong ni Hycent kay Misty pagkapasok nito sa opisina niya. Nakatutok siya sa kanyang laptop na hindi naman nakasindi. He just needs to make himself busy. "Goodmorning Sir, aga po natin, ah. By the way, coffee, sir? And, your schedule?" tanong nito. Nag-angat si Hycent ng tingin at nakita ang secretary na nakatayo na sa kanyang harapan. "Later for my schedule and yes coffee and milk for Miss Lee." Nakita niyang lumingon si Misty sa table ni Reese. "Nandito na po si Ms. Lee?" nagdududang tanong nito. "Uutusan ba kitang gumawa kung wala siya dito?" Balik-tanong niya. Tumango naman si Misty pero muli na naman nagtanong, "Nasaan po siya kung ganun?" "Comfort room," walang ganang sagot ni Hycent at ibinalik ang atensyon sa kanyang laptop na black lang naman ang makikita. "Galing po ako sa banyo, wala naman po siya dun. Imposible naman po na hindi kami magkasalubong dahil iisa lang naman po ang-" natigil si Misty sa pagsasalita nang seryoso niya itong tingn
NAGSIMULA NA ang busy day ni Reese sa kumpanya ni Hycent. Dahil nga naghahabol sila at gusto ring mahuli kung sino ang traydor. Marahas na napabuga ng hangin si Reese habang nakapangalumbaba sa may pantry. Kababalik niya lang galing sa lunch break. Sasabay sana siya kina Hycent, Noel at Misty na nagkayayaan. Kaso biglang tumawag ang kuya niyang istorbo kahit kailan at nakikipagkita. Akala naman niya napaka importante. Nagpapalibre lang pala. Walanghiya talaga, pagkakataon na sana niya 'yun upang muling akitin si Hycent.Naalala niya ang sinabi kanina ni Hycent. Stop flirting with him daw. As if naman makikinig siya. Ano pa ginagawa niya sa kumpanya nito? Wala naman ibang dahilan kung hindi ang akitin ito hanggang sa wala na itong magagawa kung hindi maging kanya."Desperada na ba ako?" tanong niya sa sarili. Kanina nang ipinakita ni Hycent ang wedding ring nito. Gustong-gusto na niyang alisin at itapon palabas ng bintanaMabuti na lang at nakontrol niya ang sarili. Nararamdaman niy
"I Will be there, ofcourse," masiglang sabi ni Reese sa kausap sa kabilang linya. Napalingon siya nang bumukas ang pintuan at pumasok si Hycent. Nagtama ang kanilang mga mata ngunit umiwas din agad ito. Bumalik ang atensyon niya sa kausap. "I need to go. I have work to do, see you tomorrow sweetheart. I miss you and I love you. Take care, ok. See you tomorrow." She makes a sound like giving the person a kiss before she bids goodbye. Nang maibaba niya na ang tawag ay lumingon si Reese kay Hycent. "Goodmorning, Hycent," bati niya sa lalaki na ang aga-aga ay tila pinagsakluban na ng langit. Badtrip ba ito dahil nag half day siya kahapon. Parang 'yun lang."Morning," ganting bati nito pero hindi man lang siya tinapunan ng tingin.Kinuha niya ang bag saka hinanap ang kanyang maliit na salamin. Kapagkuwan ay tiningnan niya ang sarili sa salamin. "Panget ba ako? Kapalit-palit ba ako? Mukha na ba akong zombie? Then, why can't he look at me?" Madrama niyang kausap sa reflection sa salamin.She
TODAY is the day. Nasa backstage si Reese at pasimpleng pinagmamasdan ang mga taong nagkakadaugaga sa pag-aayos.Dumating na rin ang oras na kanilang hinihintay. Ang Dresar Fashion Show ay ang pinakakilala at pinakamalaking fashion shows sa bansa. People outside the country are here to witness the event. Isang karangalan ang mapabilang ka sa mga kumpanyang rarampa sa stage nito.All of them aim for one- to be chosen. Malaki ang magiging kapalit kapag napili. Dahil bukod sa partnership na ibibigay ng Dresar ay siguradong papakyawin ang mga design na nagustuhan. And that means a big income. At 'yun ang target ng BCi. Ang tiwalang binigay ni Hycent sa kanya ay sobra-sobra para ipagkatiwala ang isang malaking okasyon na 'yun."Ms. Lee," pukaw ni Noel sa kanya na hindi niya namalayan na nasa tabi na niya."Yes?" tanong niya."The show will start in ten minutes. How is it?" tanong nito.Bago siya makasagot ay ang paglapit ni Misty na bakas ang pag-aalala sa mukha nito."Good evening Sir Noe
MATAGUMPAY ang naging pagrampa ng mga model ng Bci. Mas lalo nang lumabas si Pearl Bustamante. Hindi naman lingid kay Reese na isa ito sa mga sikat na modelo noon. Kaso bigla nga raw tumigil at ang rason ay naaksidente ito. Kung saan pumasok siya sa buhay ng mag-ama. Nakaharap si Reese ngayon sa salamin sa loob ng banyo. After the last part she decided to leave. And here she is, in the comfort room. May mga performer's pa kasi bago tuluyan i-announce ang result. Kitang-kita niya ang reaksyon ng kanilang mga kalaban. Gulat. As in gulat na gulat sa kanilang inilabas or how they managed to perform after stealing their designs.Narinig niyang bumukas ang pintuan pero hindi siya nag-aksaya ng panahon tingnan kung sinuman ang pumasok. Nagdesisyon na lang si Reese na mag retouch ng kanyang simpleng make up lang naman. Akmang maglalagay siya ng lipstick nang magtagpo ang kanilang mga mata, none other than—Pearl Bustamante. Nginitian siya nito at hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyo
MARAMI na ang nainom ni Reese pero hindi pa rin mawala sa isipan niya ang mga sinabi ni Hycent. Hinabol kasi siya nito nang umalis siya. Natuwa pa man din siya pero hinabol lang pala siya para ipamukha sa kanya na tanging trabaho lamang ang nagkokonekta sa kanila."F*ck you. Anong trabaho lang? Gusto mo bang ipakita ko sayo ang isa pang nag-uugnay sa atin? Pasalamat ka at mahal kita, gago ka!" Hindi siya iiyak. Hindi pwede, malakas siya at kaya niya pa. Pero hindi niya na napigilan ang mga luhang kumawala. "G*go ka Hycent!" she murmured while trying to stop her tears. Tanggap niya na hindi siya ang asawa. Pero masakit palang masaksihan mismo ng mga mata mo ang katotohanan. "Kaya pa?" Boses ng kuya Rohan niya ang pumukaw sa kanya. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha at ininom ang alak sa baso saka muli nagsalin. Akmang iinumin muli ang alak nang may kamay na humawak sa baso at tuluyan kinuha sa kanya."What do you think you're doing Reese?" bakas ang inis sa boses ng kuya niya.Hin
"HIRA, si toto Rohan muna ang sasama sa inyo sa mall, ah. May work pa kasi si mommy, ok lang ba?" Kausap ni Reese sa kanyang two year old na anak. "Ok po mommy. But I miss you," sabi nito. Sa murang edad ay napaka tuwid na magsalita. Malapit na rin naman itong mag tatlong taon.Niyakap ni Reese ang anak. "Mommy misses you too, baby. Don't worry, after tomorrow mommy is free, okay." "Yehey!" Bumitaw si Hira sa pagkakayakap sa kanya saka nagtatalon sa tuwa." Hira is one of the best gift she got. Kung may isang magandang nangyari sa pagiging Pearl Bustamante niya noon 'yun ay si Hira. "Mabuti naman at sobrang miss ka na ni Hira. Spend some time with her. A mother-daughter bonding," boses ng kanyang ina ang pumukaw sa kanya habang pinagmamasdan ang anak na naglalaro na sa may malaking doll house nito."Mom," tawag niya rito at nilapitan niya ang kanyang ina at niyakap. "How about our bonding?" Lambing niya sa ina.Tumawa naman ito saka hinaplos ang kanyang buhok. "My baby girl is reall
NASA LOOB ng meeting room sina Reese, Hycent at Jammy. Kakatapos lang ng meeting nila with the Dresar company at maayos ang kinalabasan. Halos maiyak nga siya dahil sa papuri ni Mr. Dresar sa gawa niya na hindi daw halatang baguhan. Muntik na nga niya mayakap si Hycent sa sobrang tuwa nang makaalis ang mga ka-meeting mabuti at napigilan niya pa ang sarili. Hindi natuloy kahapon ang dapat na personal meeting daw nilang tatlo na hindi niya malaman kung bakit nasali siya dahil may biglaang meeting ang bos-bosan niya.Tumikhim si Hycent na pumukaw sa paglalakbang ni Reese mula sa mundo ng imahinasyon."Pwede ko na ba makuha ang atensyon n'yong dalawa?" tanong ni Hycent pero sa kanya naman nakatingin na para bang sinasabi nito na atensyon niya lang. Oh, well, he could have it. All for him. Bigla niya naipilig ang ulo dahil sa kalandian na naman. Bakit ba hindi niya mapigilan ang sarili. "Sure.""Yes sir."Sabay pa nilang sagot ni Jammy. Hindi niya talaga malaman bakit siya naririto at kas
"EXPLAINED WHAT HAPPENED?" seryoso ang boses ni Reese habang nakatingin sa dalawang anak. Narito sila ngayon sa sala. Kakauwi lang nila galing sa school ng mga anak. Ipinatawag sila ng teacher dahil raw nakipagsuntukan ang anak na lalaki at ayaw naman magsalita kung ano dahilan. Kaya humingi na lang sila ng pasensya mabuti at nadaan sa mabuting usapan o mas tamang sabihin na empleyado nila ang magulang ng nasuntok ng kanilang anak kaya hindi na pinalaki.Pero kahit na ganoon ay hindi niya hahayaan na lumaking walang disiplina ang anak. "Hira? Do I need to repeat my question?" Baling niya sa anak na panganay. "Didn't tell you to watch your brother?" Tumingin si Hira kay Hans na nanatiling nakayuko bago nito ibinalik ang tingin sa kanya."Mom, it was my fault. Huwag n'yo na po pagalitan si Hans." Nag-angat ng tingin si Hans at tumingin kay Hira. "I'm sorry Hans, sinabi ko naman kasi sayo na hindi siya nararapat sayo. She's a bitch—""Hira!" Napalakas ang boses niya dahil sa lumabas na
MATAPOS ANG ARAW NA pag-propose ni Hycent ay nakahinga rin siya nang maluwang. After niya malaman na anak niya si Hira ay sinimulan na niya planuhin kung paano mag-pro-propose kay Reese. At nang wala siyang maisip ay humingi siya ng tulong sa kanyang mommy na humingi rin ng tulong sa mommy ni Reese. At hindi naman sila nabigo. Simple lang pero tama sila, Reese definitely like it. Isa 'yun sa mga katangian nito na talagang umagaw ng kanyang pansin. Despite growing in a wealthy family she stayed humble and kind."Hindi ka ba uuwi?" Napukaw ang kanyang pag-iisip nang marinig ang boses ni Reese. Napalingon siya rito na kakalabas lang ng banyo. Natatakpan ang katawan nito ng roba habang ang buhok ay may towel na nakapulupot. At hindi niya napigilan na hindi mag-init. Ewan niya ba, pero pagdating kay Reese madikit lamang siya rito ay nabubuhay ang katawang lupa niya. "Stop giving me that look na para bang gusto mo akong kainin ng buhay.""Paano kung gusto ko nga?" sagot niya na ikinabilog n
KAPWA may ngiti sa labi sina Reese at Hycent habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay nila Reese. Matapos ang nangyari sa bahay ni Marlon ay panatag na ang loob nilang iwan si Harold. At sigurado naman sila na hindi ito pababayaan ng mga tunay na magulang. Walang humpay ang pasasalamat naman nina Marlon at Pearl sa kanila. "Harold is really a smart kid and a mature one. Nagulat talaga ako kanina sa revelation niya. Alam mo 'yung hindi natin alam paano sasabihin sa kanya pero siya alam na pala ang totoo," pagsisimula ni Reese ng paksa. "Me too. Sobra akong kabado kung paano magpapaalam sa kanya. All along he already knew. Ayoko talaga siyang ipasama pero karapatan niyang makasama ang mga tunay niyang magulang." Hindi nakaligtas sa kanya ang bahid ng kalungkutan sa boses nito. Hindi niya naman masisisi ito, ilang taon ba nito nakasama si Harold? Isinandal niya ang ulo sa balikat nito saka niya pinagsalikop ang kanilang mga kamay. Wala naman problema kahit isang kamay lang ang gamitin
PAGKALIPAS NG ISANG LINGGO ay nakalabas na ng hospital si Pearl. Kasalukuyan ito tumuloy sa bahay ni Marlon upang makapag-usap nang masinsinan ang dalawa habang si Harold ay nanatili sa poder ni Hycent. Sa isang linggo rin na 'yun ay mas napadalas ang pagpunta ni Hycent sa bahay nina Reese upang makabonding ang anak niya na si Hira. Hindi pa sila pinayagan na lumabas dahil hindi pa maayos ang sitwasyon lalo na ang tungkol sa kanila ni Pearl. Wala man lumabas na eskandalo pero kasal siya sa mata nang maraming tao. Hindi naman nagbago ang turing niya kay Harold para sa kanya ay anak niya ito. Kung siya ang masusunod mas nanaisin niya manatili sa poder ang bata pero may mga tunay itong magulang na naghihintay. "Are you okay?" Napabalik sa sarili si Hycent sa tanong ni Reese na nasa tabi niya. Sandali niya itong nilingon at muling ibinalik ang tingin sa daan. Patungo sila ngayon sa bahay ni Marlon upang ihatid si Harold na ilang araw nang hinahanap si Pearl. "I'm okay," tipid niyang s
NABIGLA SI Reese nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. "Mahal."Napangiti na lang siya nang marinig ang boses nito. At kahit hindi ito magsalita ay alam naman niya kung sino lang ang yayakap sa kanya ng ganun. Ipinatong niya ang mga kamay sa mga braso nito na nakayakap sa kanya. Narito sila sa may rooftop. "Tulog na ba si Hira?" tanong niya. Hindi na kasi humiwalay ang anak nila rito. Kaya hanggang sa pagtulog ay ito ang gusto na makasama. Magtatampo na sana siya pero pinigilan niya ang sarili. Dalawang taon mahigit ang nasayang sa mga ito. "Oo. Sleeping beauty na ang ating prinsesa." Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya."I'm sorry," sambit niya makalipas ang ilang minutong katahimikan. "Sorry kung hindi ko agad ipinaalam sayo. Natatakot lang kasi ako na baka i-deny mo si Hira. Ni hindi ko alam kung paano siya ipapakilala. Dahil maging sarili ko ay hindi ko rin alam kung paano ipapakilala," panimula niya saka siya huminga nang malalim. Naramdaman niya ang pagpatong ng baba
HINDI NA napakali si Reese habang tinatahak nila ang daan pauwi. Sobra ang kabang nararamdaman niya. "This is it," bulong niya sa sarili. Kung maghihintay pa siya ng tamang pagkakataon ay baka matagalan pa 'yun. At baka sa iba pa malaman ni Hycent. Ayaw na niyang itago ang katotohanan rito. Kaya naman kahit natatakot siya ay pinilit niyang pinalakas ang loob upang aminin rito ang pinakaiingatan niyang sikreto."We're here." Napapitlag pa siya nang marinig ang boses ni Hycent sa kanyang tabi. Nang lingunin niya ito ay nakakunot ang noo nito na nakatingin sa kanya. "Are you okay, mahal." Hinawakan nito ang kanyang mga kamay na mabilis niya naman binawi dahil alam niya na nanlalamig 'yun. "Mahal," masuyo nitong pagtawag sa kanya.Huminga siya nang malalim saka nilingon ang labas ng bintana. Nasa harapan na sila ng kanilang mansion. Pumikit siya upang pakalmahin muli ang puso niyang nagsisimula na naman lamunin ng kaba. At hindi nakaligtas sa kanya ang matiim na titig ni Hycent na ipina
HANGGANG sa makasakay sina Hycent at Reese sa kanyang kotse ay walang nagsalita sa kanila.Hindi malaman ni Hycent kung ano ba ang dapat sabihin o maramdaman. Ang lakas nang tibok ng puso niya. Divorce na sila ni Pearl. Kailan pa? Paano nangyari? Gustong-gusto niya lingunin si Reese ngunit inaagaw nang paghuhurementado ng puso niya ang atensyon niya. Galit? No! Hindi siya galit sa nalaman kung totoo man 'yun baka nga magwala siya sa tuwa. Pero paano nga nangyari? Napahawak siya sa manibela at napatulala roon. Humugot siya nang malalim na hininga. Ilang beses niyang ginawa upang pakalmahi ang puso niya. Narinig niya ang pagtikhim ni Reese na ikinabalik niya sa sarili."Ma-mahal," may pag-aalala sa boses nito na tila napuno ng takot. Kaya naman mabilis niyang nilingon ito.Kitang-kita niya ang pagbakas ng pagkabahala sa mukha nito. Ang takot sa mga mata nito. Bakit ito natatakot? Iniisip ba nito na galit siya? 'Oh, mahal, you are so wrong, I can't get mad to you.'"Ma-mahal, I can expl
DALAWANG ARAW NA ANG lumipas mula nang mangyari ang malaking rebelasyon sa buhay nina Reese at Hycent. Matapos mawalan ng malay si Marlon ay dinala na muna ito sa clinic na nasa loob din ng headquarters. Habang sila ay nagdesiyon na munang magsiuwi lalo na at naghihintay ang kanilang mga ina. Gusto niya makausap si Hycent ngunit hindi siya hinayaan ng kuya niya at sinabi na hayaan muna ito dahil kailangan pa nito i-proseso ang mga nalaman. At dahil nakaramdam na rin siya ng pagod ay pumayag siya. Nagpaalam lang sila sa isa't isa saka nagkanya-kanya ng uwi.After two days, here she is. Standing outside of their mansion to wait for Hycent. Dalawang araw din na hindi sila nagkita at nagkausap dahil nagkulong lang daw ito sa silid nito. Kahit tawag niya ay hindi nito sinasagot. Nauunawaan naman niya ito kaya naman hinayaan niya na lang muna. Masakit naman kasi malaman na ang itinuring mong anak ay hindi sayo. Kung siya nga na dalawang buwan lang ay sobrang sakit. What more to Hycent who k
LIMA NA LAMANG sila nasa loob ng silid na 'yun. Lumabas na ang mommy ni Hycent at Reese.Katabi ni Hycent si Reese habang magkatabi naman si Rohan at Arsen at nasa kanilang harapan si Marlon.Alam ni Hycent na marami pa siyang kailangan malaman. Mga bagay na may kinalaman siya. Mga bagay na sana hindi wawasak sa kanya.Narinig nila ang pagtikhim ni Marlon kaya napabaling silang lahat rito. Huminga ito nang malalim bago nag-angat ng tingin at dumako sa gawi nila. Makikita sa mga mata nito ang halo-halong emosyon. Pero nangingibabaw ang pagkabigo, pagsisisi at pagsuko. Sa isang iglap ay tila itong naging isang maamong tupa. "I met Pearl in an orphanage. I admit I was got attracted by her beauty. And when I saw her light green eyes, an idea came into my mind. Sinimulan kong makipaglapit sa kanya, kinuha ang loob. At hindi ako nabigo, she trusted me or we should say she loved me. I used her feelings towards me to make her do what I want." Umigting ang panga nito at mabilis na binawi an