Thank you so much for reading. Sinusubukan ko po makapag-update sa abot ng aking makakaya. Malapit na rin po tayo sa wakas at ang mga katanungan ay malapit nang masagot. Salamat po ulit.
REESE laughed silently. Kitang-kita niya ang reaksyon sa mukha ni Hycent. She knows she made a good decision to accept Noel's invitation to join them as they celebrate the success of BCi. "Hello there Miss Lee, happy to see you here," pagbati ni Noel sa kanya na ikinangiti niya.Narinig niya na pumalantak ang isang lalaki na nasa kabilang sofa. "You are Miss Lee? Finally, we meet you." Tumayo ito at mabilis na nakalapit sa kanya. "I'm Arsen Tuazon," pagpapakilala nito na inilahad pa ang kamay. Nginitian niya ito at tinanggap ang kamay. "Reese Arabejo Velasco." "Are you related to Mr. Rohan Velasco?" tanong nito na hindi pa rin binibitiwan ang kanyang kamay."Yes, he's my brother," tugon niya."Really?" Bumadha ang pagkagulat sa mukha nito pero mas nagulat ito nang nasa tabi na nila si Hycent at ito mismo ang nagkalas sa magkahawak pa rin nilang mga kamay."Why are you here, Miss Lee," diretso at malamig nitong tanong sa kanya. Imbes na sagutin ito ay nilingon niya si Noel at kuma
LIHIM NA NAGSASAYA si Reese dahil alam niyang nagtagumpay siya. Hindi na maitatanggi ni Hycent na gusto siya nito kahit pa may asawa na ito. And she will grab the opportunity to attack. Siguro sa iba ay matatawag siyang desperada, who cares? "Where are we going?" Pagbasag ni Reese sa katahimikan halos kalahating oras na at ganun katagal na rin umaandar ang kanilang sasakyan. Ni hindi na nga niya alam kung nasa Pilipinas pa ba sila.Wala siyang sagot na nakuha kaya liningon niya ito. Seryoso ang tingin nito sa daan at mahigpit ang pagkakahawak sa steering wheel na parang ayaw itong pakawalan. Hindi rin nakaligtas ang pag-igting ng panga nito. Napalunok siya, she remember again that day. Ang araw na una silang nagkita bilang siya si Pearl. Mabilis niyang binawi ang tingin at tumingin na lamang sa labas ng bintana. "Scared?" Narinig niyang tanong nito.Napansin yata nito ang kanyang ginawa pero wala siyang panahon para ipakitang talo siya."Why would I?" Balik-tanong niya habang nana
PINAGMAMASDAN ni Hycent ang nakapikit na si Reese. Hindi niya akalain na isang round lang ay bagsak na ito. Siguro ay dahil sa pagod. Hindi naman lingid sa kanya ang ilang araw din na walang tamang pahinga ito lalo nang mga panahon na naghahabol sila para sa pagresolba sa kanilang problema. Nagpakawala siya nang malalim na hininga saka inalis ang mga naligaw na hibla ng buhok sa mukha nito. Iniipit niya 'yun sa likuran ng tainga nito.Mas napagmasdan niya ang napakakinis na mukha nito na ang pores or pimples ay mahihiyang tumubo rito. Naka tagilid siya ng higa habang nakatukod ang isang kamay niya sa kama at salo ng palad ang kanyang ulo. Ang isang kamay naman ang hinaplos niya sa pisngi nito."Such a tease," he murmured. Wala siyang maramdaman na pagsisisi sa ginawa niya. Sa pag-angkin rito. Hindi niya alam kung bakit. Alam niyang mali pero para sa kanya ay walang mali. Muli siya napabuntung-hininga. May binubuhay na kakaibang emosyon si Reese sa kaibuturan ng kanyang puso. Emosyon
MASAYANG NAGLULUTO NG almusal si Reese kasama si Nanay Afelia. Pagkagising niya kanina ay hindi na nawala ang ngiti sa kanyang mga labi nang masilayan ang gwapong mukha ni Hycent sa kanyang tabi. She misses waking up with him.Kahit medyo nananakit ang kanyang pagkababae dahil naka-ilang rounds yata sila ay pinilit niyang bumangon. Mabilis siyang naligo saka lumabas ng silid. Tanging suot niya ay ang nakita malaking t-shirt nito at boxer. Saktong pagkalabas niya ay ang pagbukas ng pinto at iniluwal ang isang may edad na babae na nagpakilala na si Nanay Afelia. At dahil rin sa kanya ay may naisuot siyang matino na damit. Mabuti na lang at may sideline si Nanay Afelia nang nagpapa-order ng mga damit at kung ano-ano pa. At saktong may mga bagong dating na underwear kaya ayun binentahan siya. Natawa pa siya dahil talagang segurista si Nanay Afelia. "Iha, gisingin mo na kaya si Hycent at baka lumamig pa ang almusal n'yo. Masyado mo yata pinagod kagabi." May pagka pilya rin si nanay Afeli
ABALA si Reese habang pina-finalize ang kanyang mga designs na ipapasa na sa production department. She feels happy. Siguro dahil sa isang araw na bakasyon nila ni Hycent. Hinatid siya nito sa kanilang bahay ngunit hindi na bumaba. FLASHBACK "Ingat ka," tipid na saad ni Hycent nang ihinto nito ang kotse sa harap nang mansion nila. Nakita niya pang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng kanilang mansion. Makikita kasi ito nang buo kahit nasa labas ka dahil ang mga bakod at gate ay mga gawa sa modern black horizontal slats, black steel and white concrete combo na mismo siya ang nag-decide. They no need to worry the village itself is safe.Huminga nang malalim si Reese kapagkuwan ay hinarap si Hycent. "Thank you for the time. I really enjoy it. And…" Napalingon ito sa kanya nang hindi niya itinuloy ang pagsasalita. Muli ay napabuntung-hininga siya saka sinalubong ang tingin nito. She couldn't see any emotion in his eyes. Bumalik na ito sa dati. Tipid siyang ngumiti. "I'm not sorry for wh
HINDI maiwasan ni Hycent na lingunin si Reese dahil sa ingay nito sa pagtipa na kung nakakapagsalita lang ang keyboard ay sigurado na nagreklamo na ito.Napansin niya na kanina pa ito tila nagdadabog at wala sa sarili mula nang iwan sila ng kanyang asawa at anak. Nagulat talaga siya sa pagdating ng mag-ina niya. Dito kasi siya sa opisina tumuloy kahapon pagkahatid niya kay Reese. Hindi niya pa kaya harapin si Pearl. Magulong-magulo pa isip niya sa mga nangyari. Nainis pa siya dahil natapunan pa siya ni Pearl ng kape kaya napilitan siya magpalit ng polo. Muli na naman niya naisip kung ano problema ni Reese at tila napaka suplada nito parang hindi niya ito dinala sa langit nang ilang ulit, ah. Imposible naman na nagseselos ito. Muli siyang napatingin sa gawi nito nang marinig na may kausap ito sa cellphone. "Ok, sunduin mo na lang ako dito sa BCi. No problem, Arsen, see you later."Nanliit ang mga mata ni Hycent nang makilala ang kausap nito. Nang tumingin si Reese sa gawi niya ay tuma
TINATAHAK ni Reese ang daan sa restaurant na sinabi ni Juri kung saan gusto raw makipagkita ni Abygail Naguit sa kanya. Nagtataka man ay pinagpasyahan niyang pagbigyan ito. Maybe this is the time to face her. Lalo na at kilala na rin naman siya ni Pearl. At aaminin niya na may pangamba siyang naramdaman. Now, Pearl knows she's alive, what is her next move? Nagawa nga nito pagtangkaan ang buhay niya. Maari kayang sinugod nito si Abygail kaya ngayon ay nakikipagkita sa kanya ang babae. Huminga si Reese nang malalim nang ma-i-park niya ang kanyang kotse. Hindi naman lingid sa kanya ang mga bodyguard na nakasunod sa kanya. Mula nang magdesisyon siyang lumabas sa lungga ay hindi pumayag ang kuya niya na wala siyang bantay. 'Yun nga lang patago ang mga ito dahil naiirita siya. Hindi na bumalik si Hycent sa opisina na ipinagpasalamat niya dahil hindi niya alam kung paano ito haharapin pagkatapos ng mga sinabi niya.Nagpasya na siyang bumaba upang matapos na at gusto na niya umuwi at makita a
MAS LALONG NALITO si Reese sa naging usapan nila ni Pearl. Isa lang ang malinaw sa kanya. Okay lang dito na hiwalayan ito ni Hycent pero bakit? Akala niya mahal nito si Hycent. Ang daming tanong na hindi naman niya alam kung may kasagutan ba. Nang magising siya at ipinaliwanag ng kuya Rohan niya kung sino talaga siya ay hindi niya 'yun agad natanggap. Kasi ang isip at puso niya ay naniwala na siya si Pearl Bustamante. Dna test ang ipinakita ng kuya niya sa kanya na dahilan upang paniwalaan niya ito. Hanggang sa lumipas ang araw buwan habang pinagbubuntis si Hira ay unti-unti niya naaalala ang lahat. Ang kanyang tunay na pagkatao. Napag-alaman niya din na ang gamot na binibigay ni Abygail ay iba sa gamot na nasa bote. Pinapalitan. Kaya pala walang epekto dahil pampalimot lalo ito.Gusto niya lusubin si Pearl nun pero pinigilan siya ng kuya niya. Tama naman ito delikado pa at ano ang katunayan sa mga sasabihin niya? Ang anak niya? Hinding-hindi niya itataya ang kaligtasan ng anak sa pa
"EXPLAINED WHAT HAPPENED?" seryoso ang boses ni Reese habang nakatingin sa dalawang anak. Narito sila ngayon sa sala. Kakauwi lang nila galing sa school ng mga anak. Ipinatawag sila ng teacher dahil raw nakipagsuntukan ang anak na lalaki at ayaw naman magsalita kung ano dahilan. Kaya humingi na lang sila ng pasensya mabuti at nadaan sa mabuting usapan o mas tamang sabihin na empleyado nila ang magulang ng nasuntok ng kanilang anak kaya hindi na pinalaki.Pero kahit na ganoon ay hindi niya hahayaan na lumaking walang disiplina ang anak. "Hira? Do I need to repeat my question?" Baling niya sa anak na panganay. "Didn't tell you to watch your brother?" Tumingin si Hira kay Hans na nanatiling nakayuko bago nito ibinalik ang tingin sa kanya."Mom, it was my fault. Huwag n'yo na po pagalitan si Hans." Nag-angat ng tingin si Hans at tumingin kay Hira. "I'm sorry Hans, sinabi ko naman kasi sayo na hindi siya nararapat sayo. She's a bitch—""Hira!" Napalakas ang boses niya dahil sa lumabas na
MATAPOS ANG ARAW NA pag-propose ni Hycent ay nakahinga rin siya nang maluwang. After niya malaman na anak niya si Hira ay sinimulan na niya planuhin kung paano mag-pro-propose kay Reese. At nang wala siyang maisip ay humingi siya ng tulong sa kanyang mommy na humingi rin ng tulong sa mommy ni Reese. At hindi naman sila nabigo. Simple lang pero tama sila, Reese definitely like it. Isa 'yun sa mga katangian nito na talagang umagaw ng kanyang pansin. Despite growing in a wealthy family she stayed humble and kind."Hindi ka ba uuwi?" Napukaw ang kanyang pag-iisip nang marinig ang boses ni Reese. Napalingon siya rito na kakalabas lang ng banyo. Natatakpan ang katawan nito ng roba habang ang buhok ay may towel na nakapulupot. At hindi niya napigilan na hindi mag-init. Ewan niya ba, pero pagdating kay Reese madikit lamang siya rito ay nabubuhay ang katawang lupa niya. "Stop giving me that look na para bang gusto mo akong kainin ng buhay.""Paano kung gusto ko nga?" sagot niya na ikinabilog n
KAPWA may ngiti sa labi sina Reese at Hycent habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay nila Reese. Matapos ang nangyari sa bahay ni Marlon ay panatag na ang loob nilang iwan si Harold. At sigurado naman sila na hindi ito pababayaan ng mga tunay na magulang. Walang humpay ang pasasalamat naman nina Marlon at Pearl sa kanila. "Harold is really a smart kid and a mature one. Nagulat talaga ako kanina sa revelation niya. Alam mo 'yung hindi natin alam paano sasabihin sa kanya pero siya alam na pala ang totoo," pagsisimula ni Reese ng paksa. "Me too. Sobra akong kabado kung paano magpapaalam sa kanya. All along he already knew. Ayoko talaga siyang ipasama pero karapatan niyang makasama ang mga tunay niyang magulang." Hindi nakaligtas sa kanya ang bahid ng kalungkutan sa boses nito. Hindi niya naman masisisi ito, ilang taon ba nito nakasama si Harold? Isinandal niya ang ulo sa balikat nito saka niya pinagsalikop ang kanilang mga kamay. Wala naman problema kahit isang kamay lang ang gamitin
PAGKALIPAS NG ISANG LINGGO ay nakalabas na ng hospital si Pearl. Kasalukuyan ito tumuloy sa bahay ni Marlon upang makapag-usap nang masinsinan ang dalawa habang si Harold ay nanatili sa poder ni Hycent. Sa isang linggo rin na 'yun ay mas napadalas ang pagpunta ni Hycent sa bahay nina Reese upang makabonding ang anak niya na si Hira. Hindi pa sila pinayagan na lumabas dahil hindi pa maayos ang sitwasyon lalo na ang tungkol sa kanila ni Pearl. Wala man lumabas na eskandalo pero kasal siya sa mata nang maraming tao. Hindi naman nagbago ang turing niya kay Harold para sa kanya ay anak niya ito. Kung siya ang masusunod mas nanaisin niya manatili sa poder ang bata pero may mga tunay itong magulang na naghihintay. "Are you okay?" Napabalik sa sarili si Hycent sa tanong ni Reese na nasa tabi niya. Sandali niya itong nilingon at muling ibinalik ang tingin sa daan. Patungo sila ngayon sa bahay ni Marlon upang ihatid si Harold na ilang araw nang hinahanap si Pearl. "I'm okay," tipid niyang s
NABIGLA SI Reese nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. "Mahal."Napangiti na lang siya nang marinig ang boses nito. At kahit hindi ito magsalita ay alam naman niya kung sino lang ang yayakap sa kanya ng ganun. Ipinatong niya ang mga kamay sa mga braso nito na nakayakap sa kanya. Narito sila sa may rooftop. "Tulog na ba si Hira?" tanong niya. Hindi na kasi humiwalay ang anak nila rito. Kaya hanggang sa pagtulog ay ito ang gusto na makasama. Magtatampo na sana siya pero pinigilan niya ang sarili. Dalawang taon mahigit ang nasayang sa mga ito. "Oo. Sleeping beauty na ang ating prinsesa." Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya."I'm sorry," sambit niya makalipas ang ilang minutong katahimikan. "Sorry kung hindi ko agad ipinaalam sayo. Natatakot lang kasi ako na baka i-deny mo si Hira. Ni hindi ko alam kung paano siya ipapakilala. Dahil maging sarili ko ay hindi ko rin alam kung paano ipapakilala," panimula niya saka siya huminga nang malalim. Naramdaman niya ang pagpatong ng baba
HINDI NA napakali si Reese habang tinatahak nila ang daan pauwi. Sobra ang kabang nararamdaman niya. "This is it," bulong niya sa sarili. Kung maghihintay pa siya ng tamang pagkakataon ay baka matagalan pa 'yun. At baka sa iba pa malaman ni Hycent. Ayaw na niyang itago ang katotohanan rito. Kaya naman kahit natatakot siya ay pinilit niyang pinalakas ang loob upang aminin rito ang pinakaiingatan niyang sikreto."We're here." Napapitlag pa siya nang marinig ang boses ni Hycent sa kanyang tabi. Nang lingunin niya ito ay nakakunot ang noo nito na nakatingin sa kanya. "Are you okay, mahal." Hinawakan nito ang kanyang mga kamay na mabilis niya naman binawi dahil alam niya na nanlalamig 'yun. "Mahal," masuyo nitong pagtawag sa kanya.Huminga siya nang malalim saka nilingon ang labas ng bintana. Nasa harapan na sila ng kanilang mansion. Pumikit siya upang pakalmahin muli ang puso niyang nagsisimula na naman lamunin ng kaba. At hindi nakaligtas sa kanya ang matiim na titig ni Hycent na ipina
HANGGANG sa makasakay sina Hycent at Reese sa kanyang kotse ay walang nagsalita sa kanila.Hindi malaman ni Hycent kung ano ba ang dapat sabihin o maramdaman. Ang lakas nang tibok ng puso niya. Divorce na sila ni Pearl. Kailan pa? Paano nangyari? Gustong-gusto niya lingunin si Reese ngunit inaagaw nang paghuhurementado ng puso niya ang atensyon niya. Galit? No! Hindi siya galit sa nalaman kung totoo man 'yun baka nga magwala siya sa tuwa. Pero paano nga nangyari? Napahawak siya sa manibela at napatulala roon. Humugot siya nang malalim na hininga. Ilang beses niyang ginawa upang pakalmahi ang puso niya. Narinig niya ang pagtikhim ni Reese na ikinabalik niya sa sarili."Ma-mahal," may pag-aalala sa boses nito na tila napuno ng takot. Kaya naman mabilis niyang nilingon ito.Kitang-kita niya ang pagbakas ng pagkabahala sa mukha nito. Ang takot sa mga mata nito. Bakit ito natatakot? Iniisip ba nito na galit siya? 'Oh, mahal, you are so wrong, I can't get mad to you.'"Ma-mahal, I can expl
DALAWANG ARAW NA ANG lumipas mula nang mangyari ang malaking rebelasyon sa buhay nina Reese at Hycent. Matapos mawalan ng malay si Marlon ay dinala na muna ito sa clinic na nasa loob din ng headquarters. Habang sila ay nagdesiyon na munang magsiuwi lalo na at naghihintay ang kanilang mga ina. Gusto niya makausap si Hycent ngunit hindi siya hinayaan ng kuya niya at sinabi na hayaan muna ito dahil kailangan pa nito i-proseso ang mga nalaman. At dahil nakaramdam na rin siya ng pagod ay pumayag siya. Nagpaalam lang sila sa isa't isa saka nagkanya-kanya ng uwi.After two days, here she is. Standing outside of their mansion to wait for Hycent. Dalawang araw din na hindi sila nagkita at nagkausap dahil nagkulong lang daw ito sa silid nito. Kahit tawag niya ay hindi nito sinasagot. Nauunawaan naman niya ito kaya naman hinayaan niya na lang muna. Masakit naman kasi malaman na ang itinuring mong anak ay hindi sayo. Kung siya nga na dalawang buwan lang ay sobrang sakit. What more to Hycent who k
LIMA NA LAMANG sila nasa loob ng silid na 'yun. Lumabas na ang mommy ni Hycent at Reese.Katabi ni Hycent si Reese habang magkatabi naman si Rohan at Arsen at nasa kanilang harapan si Marlon.Alam ni Hycent na marami pa siyang kailangan malaman. Mga bagay na may kinalaman siya. Mga bagay na sana hindi wawasak sa kanya.Narinig nila ang pagtikhim ni Marlon kaya napabaling silang lahat rito. Huminga ito nang malalim bago nag-angat ng tingin at dumako sa gawi nila. Makikita sa mga mata nito ang halo-halong emosyon. Pero nangingibabaw ang pagkabigo, pagsisisi at pagsuko. Sa isang iglap ay tila itong naging isang maamong tupa. "I met Pearl in an orphanage. I admit I was got attracted by her beauty. And when I saw her light green eyes, an idea came into my mind. Sinimulan kong makipaglapit sa kanya, kinuha ang loob. At hindi ako nabigo, she trusted me or we should say she loved me. I used her feelings towards me to make her do what I want." Umigting ang panga nito at mabilis na binawi an