LUCIEN point of view Nang makalabas si Hermosa, katahimikan ang namayani sa amin. Hindi ako makapaniwala na nagawa akong suntukin ng babaeng `yon. Tsk, ang lakas at sakit. Babae ba talaga siya? Hinawakan ko ang gilid ng aking labi na pumutok. “Hey, Lu. Are you ok? Let me see your lips.” Lumapit sa akin si Crystal halatang nagaalala ang itsura nito, Nang akma niyang hahawakan ang aking labi na sugatan iniwas ko agad ang aking mukha saka umatras. “Don't touch me, Crystal. Leave me alone.” Seryoso kong turan. Ayoko na palalain ang nangyari. Napatigil naman siya at hindi inaasahan ang ginawa ko. Paulit ulit ang boses at itsura ni Hermosa sa aking isip. Baka bigla itong bumalik at makita na naman ang tagpong magkalapit kami ni Crystal at mapuno na ito ng tuluyan. I need to talk to her. Hindi niya pwedeng sabihin kay Claire ang kagaguhan ko. Ayokong masaktan siya. “Don't tell me natatakot ka sa pagbabanta ng babaeng ‘yon? Seriously, Lucien?” Galit na binaling
SCARLETT THREE DAYS LATER.. SA nakalipas na tatlong araw hindi pa rin kami masyado nagpapansinan ni Lucien. Kinakausap ko lang siya kapag may katanungan siya o di kaya may itatanong ako, pero kapag wala naman mahalagang sasabihin nanahimik ako. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari doon sa Bar ni Ace, Isa pa, bakit ko siya papansinin? In the first place siya ang may kasalanan. Hindi dapat ako ang mag first move at humingi ng sorry. Kung mataas ang pride niya, mas mataas ang pride ko. Isa pa, alam ko rin naman na hindi ito magtatagal ng isang linggo, hindi makakatiis ‘yon dahil may kailangan siya sa akin. May alas kaya akong hawak. Naglalaro ako sa aking cellphone ng biglang lumapit ang secretary ni Lucien. Maarte itong tumigil sa aking harap saka nagsalita. “Pinapatawag ka ni Sir, pumasok ka raw sa loob.” Turan nito sabay irap sa akin saka tumalikod na at bumalik sa kanyang table. Ano naman kaya ang kailangan niya? Wala pa namang lunch time. Tumayo
LUCIEN point of view PAGKALABAS ni Hermosa agad kong binalingan ng tingin si Crystal. “What the fvck, Crystal? What are you doing here? Ipapahamak mo pa ako! Sisirain mo pa ang lahat!” Galit na sigaw ko dito. Hindi naman siya nasindak at nagpatalo bagkus mas lumapit pa siya sa aking table at humalukipkip. “I'm asking you, Lu! What was that? Bakit nandito si Louise sa opisina mo? Don't tell me she's one of your bitch? Baka naman kaya ka niya sinuntok nung nasa bar tayo dahil nagselos siya? Oh, well hindi nga malabo mangyari.” Inis niyang tanong. Napailing na lang ako habang hawak hawak ang aking noo. Pati si Hermosa pinag isipan na niya ng kung ano-ano. She's my personal maid! Kung alam lang niya kung gaano ka-amazona ang babaeng ‘yun, sa tingin niya magugustuhan ko ang kagayan no'n? Baka puro bugbog abutin ko don. Noong hinalikan ko nga galit na galit na at grabe ginawa sa kamay ko. Minsan nga nagiging mas bossy pa siya kesa sa akin. Parang hindi maid
SCARLETT PAGSAPIT ng uwian ay agad na akong tumayo sa kinauupuan at naghintay sa paglabas ng boss ko. Naging ok naman na ang lahat matapos ang nangyari, muli akong kinausap ni Lucien at pinaliwanag ang dahilan ng pag punta ni Crystal sa opisina niya. Kinuwento rin niya ang nangyaring paguusap nilang dalawa. Naging payapa naman ang maghapon ko at hindi mabigat sa pakiramdam. Feeling ko nga nag bago na talaga si Lucien. Pero syempre kailangan ko pa rin mag ingat baka pinapaikot lang ako ng lalaking ‘yun, Maganda ng sigurado. Umayos ako ng tayo ng bumukas ang pinto ng opisina ni Lucien. Agad napatingin sa akin ang lalaki saka bahagyang tumango tapos lumapit. “Hermosa, ayos lang ba sayo kung dadaan tayo sa Bar ni Ace sa BGC? Gusto ko lang humingi ng tawad sa dalawa at para makausap kona rin sila ng maayos. Nandoon daw sila ngayon sabi ni Isaiah.” Mahinahong turan ni Lucien. Aba-aba, improving siya ha? Hindi ako sinungitan. Gusto ko ‘yan, kapag ganyan siya ng ganyan.
“Wala akong inaagaw sa‘yo, at hindi mo alam ang totoo. Sa susunod kasi na papatol ka sa lalaki siguraduhin mong single at seryoso sa‘yo. Hindi ‘yung pampalipas oras ka lang.” Malamig kong turan na mas kinainis ng babae. Totoo naman ah? Truth hurts ika nga. “How dare you say that to me, bitch! pumatol ka rin naman! Nagmamalinis kapa!” Akma niya ulit akong sasampalin pero naging alerto na ako at mabilis na pinigilan ang kamay niya. Mariin kong hinawakan ang kanyang pala-pulsuhan at seryosong nagsalita. “Once is enough, hindi ko na hahayaan na dumapo ang palad mo sa mukha ko. You know what, kanina pa ako nag pipigil sa inyo kasi ayoko kayo patulan pero sana ‘wag niyong sagarin ang katiting na pasensya ko dahil hindi niyo magugustuhan ang magagawa ko…Imbes na ako ang pag initan at buhusan niyo ng galit hanapin muna lang ang kinababaliwan mong si Lucien sa loob, sa kanya ka mag inarte, siya ang guluhin mo. Baka sakaling may makuha kang sagot bakit ayaw na niya sa ‘yo!” Sin
SCARLETT PAGKAPARADA ko ng sasakyan sa harap ng HQ, huminga muna ako ng malalim para irelax ang sarili. Mag-iisang buwan na rin ang nakakalipas simula ng huling punta ko dito. Pagkababa ko ng sasakyan awtomatikong nagbago ang awra ko. Poker face na ulit ako saka walang pakialam na pumasok sa loob. Halos lahat gulat na gulat ng makita ako, lahat ng nakakasalubong at nadadaanan ko ay ramdam na ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa akin. Well, hindi ko sila masisisi. Ikaw ba namang pumunta sa HQ ng biglaan at ganito pa ang itsura. tsk! Dere-deretso akong umakyat at nagtungo sa opisina ni Boss. Walang kagatol-gatol na binuksan ko ang pinto saka pumasok sa loob. Nagulat naman ang lahat ng nandoon. Oh, mukhang may meeting pa sila. “Red! What happened to you?” Nag-aalalang tanong ni Night saka mabilis na lumapit sa akin at pinag masdan ang kabuuan ko. Kitang kita sa mga mata niya ang pag-aalala. Pero hindi sa kanya nakatutok ang mga paningin ko. “Red, what are
PUMUNTA kami ni Night sa paborito naming gotohan. Inorderan niya ako ng special goto na gustong gusto ko. Bigla akong natakam, matagal tagal na rin ng huli kong kain nito. Habang kumakain bigla akong napatigil. “Why? Masakit ba ang gilid ng labi mo?” Biglang tanong ni Night ng makitang tumigil na ako sa pagkain. Tipid akong ngumiti sa kanya saka umiling. “Okay lang ako, bigla lang pumasok sa isip ko ang mga nangyari kanina. Siguradong masama ang loob sa akin ni Boss, Narinig pa ng iba natin kasamahan ang mga binitawang kong salita..” “Ano ka ba, hindi ka naman matitiis ni boss. Saka ‘wag mong isipin sila Sapphire. Sanay na sila sa ‘yo.” Bumuga ako ng hangin saka uminom ng coke. “..Konting tiis na lang, Red. Konting tiis na lang sa mission mong ito at balik ka rin sa dati mong mga gawain. Nandito naman ako para tulungan ka. Sa ngayon pag tiyagaan mo na lang muna si Lucien Saavedra.” Napabusangot naman ako ng marinig ang pangalan ni Lucien, muling bumalik
SCARLETT KINABUKASAN NAGISING ako dahil sa kirot ng katawan at sugat na natamo kagabi. Dahan-dahan akong bumangon saka nag kusot ng mga mata. Chineck ko ang oras sa wall clock at 7:10 pa lang ng umaga. Argh, daig ko pa ang sumabak sa literal na mission. Grabe ang sakit ng katawan ko, grabe ginawa sa akin ng Ex-fling ni Lucien. Bigla naman akong napatigil ng maalala ang lalaki. Wala sa sarili na pinag-masdan ko ang brasong ginamot ni Lucien. Hindi ko akalain na may ganon na side ang lalaki. Sana araw-araw siyang mabait para hayahay ang trabaho ko. Baka sakaling magkasundo pa kaming dalawa. Nasa ganoon akong tagpo ng mag-ring ang aking cellphone. Napakunot noo ako ng lingunin ko iyon sa bedside table, ang aga pa. Sino ang tatawag sa akin ng ganitong oras? Hindi naman pumasok si Lucien. Inabot ko ang cellphone, napalunok ako ng makitang si Boss ang tumatawag. Jeez! I forgot to text him! Dali-dali kong sinagot ang tawag. “H-hello? G-goodmorni
Mabilis akong bumaba ng sasakyan at sumunod sa lalaki. Baka magbago pa ang isip. “You like K-restaurant, right? Then order whatever you want. It’s on me,” He said bossily as we sat down. Instead of getting annoyed, I just smiled and shook my head. I think I already know why he’s acting like this—it’s because of Night. “Why are you shaking your head? Don’t you want to eat here? Where do you want to go? Let’s go there instead,” he said.“Nah, I like it here,” I replied with a smile. “Tss. Stop smiling.” “Why? I’m happy.” “Really, huh?”“Yeah, good thing you asked me to join you. I didn’t eat properly earlier. I didn’t even finish my food.” “Huh, paano enjoy na enjoy ka makipag usap sa Night na 'yon. May pa punas punas pa sa gilid ng labi mo.” I grinned at his reaction. He looked like a jealous boyfriend. “Why? Are you jealous? Do you want to be the only one to do that for me? Why? Are you in love with me?” I teased him.“What the… In your dreams. I’m loyal to Crystal,” he s
UWIAN Nakasunod ako kay Lucien at Crystal na magkahawak ang kamay. Patungo kami sa paborito nilang kainan para mag dinner. Well, Sila lang ang kakain dahil hindi naman nila ako niyaya. Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Lucien. Isa pa ayoko din silang makasabay. Sa bahay na lang siguro ako kakain or bibili na lang ako. Nasa harap na kami ng restaurant ng biglang tumunog ang cellphone ko. Shit, nakalimutan kong i-silent. Naka-agaw tuloy ako ng atensyon. Tumigil ako saglit at nagmamadaling kinuha sa bulsa ang phone. Napansin kong tumigil din ang dalawa at sinulyapan ako ni Lucien. Hindi ko siya pinansin, nang makitang si Night ang tumatawag ay agad ko iyong sinagot. “Hello Night?” “Hi, Are you guys having dinner?” Nangunot naman ang noo ko. “Huh? No, just them. I’m not joining. Why?” “Good, then let’s eat together. I’ll come to you.” “Huh? Where are you?” “Same place kung nasaan kayo. wait for me there.” “Naku, ‘wag na sa bahay na ako kakain ok—” Hindi kona nata
“Ouch! Why did you push me, Lu? That hurts!” I heard Crystal's pained complaint. But instead of paying attention and helping her, I froze in place as if rooted to the ground. “OPEN THIS FUCKING DOOR!! WHY IS YOUR DOOR LOCKED?!” Oh fck! Natataranta kong nilapitan si Crystal na kakatayo lang. “Fix your clothes quickly! Then sit over there.” “Why? Why are you panicking?” Nakataas na kilay na tanong niya. “Just do what I’m telling you.” Medyo naiinis kong sabi. “No. Don’t tell me you’re scared because your bodyguard might see us like this? Let me remind you, I’m your fiancé, there’s nothing wrong with what we’re doing. Kung makita man niya tayo wala na siya don, Right?” Inis na sagot niya sa akin pero hindi ko ‘yun pinansin dahil focus ako sa babaeng kanina pa katok ng katok. “Tsk, Just do what I'm telling you.” Sagot ko sa kanya saka inayos ang sarili at humakbang papalapit sa pinto. “KAPAG HINDI MO BINUKSAN ANG PINTO SISIRAIN KO TO LUCIEN!!” D*mn it! This woman is re
“Tsk, that's not what I want to hear. That's not the Louise I know who loves my son. I'm here to give you a chance to fight for what you feel for Lucien. Find a way to catch his attention and stir up his mind and heart.” Natigilan ako sa sinabi ni Sir Aidan. Seryosong seryoso ito. “I’m doing this because I don’t want us to have any regrets in the end. I don’t want us to blame each other later. I’m giving you a chance, but if there’s truly nothing, I’ll let Lucien go ahead and marry Crystal. I’ll intervene for the last time. So, gawin mo na ang lahat habang may natitirang araw pa. It’s up to you what fate has in store for the two of you.” Hindi agad ako nakasagot. Mariin akong pumikit saka sumandal sa kinauupuan ko. Nahihirapan akong magdesisyon lalo na sa mga binitawang salita ni Sir Aidan. Gusto kong ipaglaban si Lucien, gusto kong bawiin ang lalaking mahal ko. Pero nagtatalo ang puso’t isip ko. Sinisigaw ng puso ko na ipaglaban ko siya pero ang isip ko sinasabing mali dahil m
KINABUKASAN Ang aga-aga pero wala sa mood ang boss ko. Hindi man lang ako pinansin mula kanina, mukhang napikon ko ata kagabi. Argh! Araw araw ba na magiging ganito ang ganap ko kapag badmood ang boss ko? Bumuntong hininga ako saka sumandal sa kinauupuan at kinuha ang aking phone. Oorder na nga lang ako ng pagkain tsk! Hindi ako nakapag almusal kanina dahil na late ako ng gising ‘e. Tapos nagmamadali pa ang boss ko na pumasok. Ang ending wala akong almusal kahit man lang humigop ng hot choco or kape wala! Buti pa siya nakapag kape at almusal ‘e. Sakto naman na tumunog ang phone ko hudyat na may nag text. Bumungad sa akin ang pangalan ni Night, Agad kong binasa ang text niya. Night: Good morning, Red. Are you busy? Mabilis naman akong nagreply. To Night: Not really, why? Night: I’m here outside Lucien’s office. I brought some hot chocolate and a sandwich. I found out you didn’t have breakfast earlier, so I brought you some. Come on out, let’s eat together. Hindi
PAGBALIK sa opisina ganon pa rin ang mood ni Lucien. Hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin o kahit sulyap man lang. Ano bang problema niya? Ano ba ang nangyari sa kanila ni Crystal? Nag-away ba sila? Kung nag-away man sila bakit pati ako damay? Or… Galit siya sa akin dahil hindi ako sumabay sa kanila sa pagkain? Hm, imposible naman ‘yun. Pakialam ba niya sakin ‘diba? Argh! Ewan! Ang hirap na nga ng sitwasyon ko dinadagan pa ng ganito. Bahala nga siya d’yan. Hahayaan ko siya sa toyo niya. Mahirap kapag sinabayan ‘e, Baka kung saan kami humantong kapag pinatulan ko siya. Hanggang sa mag-uwian hindi pa rin niya ako pinapansin. Bad mood pa din ang hinayupak. Pati ako dinadamay, nakakainis! Seryoso ako sa pagmamaneho ng biglang magsalita ang katabi kong lalaki. “Have you known that guy for a long time?” Nangunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya. Anong sinasabi niya? Sinong guy? Bahagya ko siyang sinulyapan. “Who?” Taka kong tanong. “The guy who was sitting
MASAYA akong tumalikod para puntahan ‘yung dalawa. Atleast ma-eenjoy ko ang lunch ko! “Hey!” Masayang bati ko sa dalawa sabay upo sa tabi ni Night. Parehas naman silang nagulat at napatingin sa akin. “Gulat na gulat? Hindi niyo man lang napansin na palapit ako. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo.” Nakangiti kong sambit. “What are you doing here, Red?” Nagtatakang tanong ni Night sa akin. “Oo nga, anong ginagawa mo dito? ginulat mo pa kami. Nasaan ang alaga mo?” Segundang tanong naman ni Thunder. Aba parang ayaw nilang nandito ako ah. Pero imbes na sagutin sila ay nginuso ko na lang kung nasaan sila Lucien tapos nanguha ng lutong pork sa plato ni Night at kinain ‘yun. “Oh, I get it. Sasabay ka dapat sa kanila no? kaso nakita mo kami ni Night dito kaya lumipat ka?” Napaangat ako ng tingin kay Thunder saka nag thumps up at ngumisi. “Yeah, good thing nandito kayo kaya nakatakas ako. Hindi ko kayang makasama ng matagal ang Crystal na ‘yun. Saka sa lagay e, mukha akong third
NANG makarating sa mansyon ay nauna itong bumaba habang ako ay pinarada muna ang sasakyan tapos pumasok na rin sa loob. Saktong pag pasok ko siyang labas naman sa kusina ng lalaki, Mukhang uminom muna ito ng tubig or tinanong ang mga katulong kung ano ang dinner. Hindi na lang ako umimik at pinauna siyang umakyat ng hagdan habang ako ay nakasunod lang. Tumigil ako sa aking kwarto at akmang bubuksan na ng biglang magsalita si Lucien. “Si Dad ba ang pumili ng kwarto mo?” Nagtataka ko naman siyang binalingan dahil sa biglaan nitong tanong. Akala ko pa naman papasok na siya sa kanyang kwarto. “Oo, bakit?” “I see, alam mo bang ang kwartong ‘yan ang pinaka maganda at espesyal sa mansyon. Maswerte ka dahil ‘yan ang naging kwarto mo. Hm, halatang paborito ka ni Dad.” Mahaba niyang turan habang nakasandal sa pader ng kanyang kwarto habang ang mga pagod niyang mata ay nakatingin sa akin. Pero wait, pinaka maganda at espesyal? Bakit hindi ko alam `yon? Hindi nabanggit ni Sir Aid
Hindi pa rin talaga siya makapaniwala na close kami noon, Hindi pa rin siya sanay na ang isang katulad ko ay malapit sa kanya. Tinuon ko na lang ang pansin sa folder na hawak para basahin ‘yon. Saka naglakad sa harap ng table ni Lucien para maupo sa bakanteng upuan. Nang maintindihan ko para saan ang folder ay sinimulan kong ipaliwanag sa kanya. Nakinig naman siyang mabuti at wala akong narinig na reklamo. Pati ang ibang hindi niya maintindihan ay pinaliwanag ko na rin.Hanggang sa abutin kami ng ala singko ng hapon. “Naintindihan mo naman ba lahat ng pinaliwanag ko?” Marahan kong tanong habang nag-uunat. Masakit din sa likod ang maghapon nakaupo habang nagpapaliwanag ah. Buti na lang talaga ay may alam ako, kung hindi siguradong aburido maghapon si Lucien. Saka masaya akong nakatulong sa kanya at nabawasan ang kanyang stress. “Yes, Thank you for helping me. Kung hindi mo pina-intindi sa akin ang lahat siguradong wala akong magagawa mag-hapon.” Malamyos niyang sagot sa akin. N