Despite the pain, I forced myself to step closer to where they were. All my excitement vanished just like that. Lucien's forehead furrowed even more. I looked at him from head to toe. D*mn it. Is this what my brother is talking about? Ito na ang side effect ng surgery.. Him having Amnesia… Binigyan naman ako ng daan ni Sir Aidan, Lumayo ito ng kaunti para makalapit ako sa kanyang anak, Ramdam ko rin ang titig na binibigay niya sa akin. Si Crystal naman ay umurong lang ng konti. I wanted to hug him, I missed him so much, but I restrained myself. He might get startled and it could affect him. I lifted my trembling hand and held his hand to shake hands, then I smiled. “Hello, Sir Lucien. I'm Louise Hermosa, the personal bodyguard assigned to you by your father, I've been your bodyguard for several months now.” I said with a smile, though in truth, I wanted to cry. I struggled to keep my voice from trembling and cracking. “Louise!” Gulat na sambit ni Sir Aidan. B
“Why aren't you answering my question? Is she the one you're talking about?” Muling tanong ni Lucien. Sir Aidan turned back to his son. “She's one of the people you've forgotten. Don't be like that to her, Lucien. You were close to Louise before.”Lucien frowned. “Really? I was close to her? I can't imagine being close to a bodyguard, especially a female one,” he arrogantly replied to his father. Bumalik na nga siya sa dating Lucien na nakilala ko. “Wag kang magsalita ng ganyan Lucien. You might regret it.” “Tss, why would I regret it, Dad? Is that woman really important for you to talk like this? Tsk, bodyguard lang naman siya.” Damn, I noticed that my brother was still looking at me, concern evident in his eyes. He knew I was hurting from what I was hearing and seeing. “And what are they doing here? Shouldn't they be waiting outside the room? Why do they need to be here? Only family should be present here, right?” Sabay tingin niya sa gawi namin. Napaayos ako ng tayo
“It's okay, Sir Aidan. ayoko na ho madagdagan 'yung sakit at paghihirap ni Lucien, And worse baka may mangyari pa sa kanya na hindi maganda kung ipipilit natin. It's fine if he doesn't remember me. If the time comes that he does remember, I'll be grateful and happy, but if he completely forgets me and never recalls anything, I'll accept that wholeheartedly. What's important to me now is that he's awake and doing well.” “Don't tell me you're giving up? You're not going to fight for my son? Hindi mo ipipilit na maalala ka niya?” Hindi makapaniwalang tanong niya. Sumulyap ako kay kuya na taimtim lang na nakikinig sa amin habang nakatingin saakin. “It's not like that, Sir Aidan. I don't want to pressure him. I accept and understand the situation. I love your son, and I'll do everything for him lalo na kung mas makakabuti sa kanya.” “Louise, this is my chance to make up for everything I've done to you both. I want to see my son happy.” “Na-aappreciate at naiintindihan ko 'yung gu
SIMULA (Unang Kabanata) MALALIM na ang gabi, halos isang oras na kaming nakamasid sa mansyon ng target. Hinihintay na makatulog ang lahat bago simulan pasukin ang loob ng mansyon. Dalawa lang naman ang target, Hindi kasama ang ibang pamilya, kaya kailangan maging maingat. Sana lang walang maging hadlang sa gagawin namin para walang madamay na ibang inosente. Tsk, kahit naman assassin kami kung sino lang ang target at inutos sa amin na papatayin iyon lang ang susundin. Pwera na lang kapag may makisawsaw at puntirya din kami. Ibang usapan na iyon. Isang group mission ang binigay ni Boss na trabaho ko. Kasama ko ang ibang assassin na nasa top rank din. Tsk, sa totoo nga lang hindi ko gusto ang group mission na ito. Ayoko sa lahat ‘yung may iniisip akong iba, para sa akin nagiging pabigat lang sa misyon kapag may kasama. Mas tumatagal ang oras. Maya maya pa napansin ko na ang ang surveillance drone ni Sapphire na papasok sa loob ng mansyon. “Be carefull, Sapp
SCARLETT KINABUKASAN ALA sais pa lang ng umaga gising na ako para sa routine kong pag eehersisyo. Tumatagaktak ang pawis sa mukha ko ng matapos ang target kong bilang para sa squat. Tumalon talon ako at inikot inikot ang mga paa saka dumeretso sa upuan kung nasaan ang aking tubig at towel. Pinunasan ko ang pawis saka uminom ng tubig. Araw araw ko itong ginagawa para mapanatili ang malakas na pangangatawan. Kahit sabihin na pagod ako kagabi at ilang oras lang ang tulog. Automatikong nagigising ang diwa ko pag sapit ng ala sais ng umaga. Matapos makapag pahinga ay bumalik ako sa aking kwarto para maligo at maghanda papunta sa headquarters. Hindi ako pwedeng malate dahil malalagot ako kay Boss. Isa pa excited ako sa misyon ko, nabubuhay ang dugo ko kapag alam kong importanteng misyon ang binibigay sa akin ni Boss. More bakbakan mas nagiging buhay na buhay ako. Pumasok na ako sa banyo at masiglang naligo. Nang matapos ay nag suot ako ng pantalon na itim na may sira sa
SCARLETT WALA akong ibang nagawa kung hindi tanggapin ang misyong inatas sa akin ni Boss. Labag man sa loob ko may magagawa pa ba ako? Naka-plano na pala ang lahat bago sabihin sa akin. Tsk! Sa huli pinili ko na lang munang umuwi sa bahay para dalawin sila grandpa. Tatlong araw lang ang pahinga ko kaya dapat sulitin ko at gawin ang ibang gawain na labas ang pagiging isang Asssasin. Dadaan din siguro ako sa store para maabisuhan ang manager na matagal tagal akong mawawala. Aside sa pagiging Assassin meron din akong tatlong businesses Flower shop, Cafe and botique. Hindi man halata sa akin pero iyon ang mga negosyo ko. Nang makarating sa harap ng bahay ay nakangiti akong pumasok sa loob. Sinalubong ako ng mga kasambahay para batiin. “Goodmorning Manang Flor, where is lolo and dad? Nandito ba sila?” Tanong ko sa katiwala namin. “Magandang umaga Iha, oo nandito sila. Hindi umalis ang Daddy mo. Oo nga pala nakahanda na ang pagkain sa lamesa para sa pananghalian.
MATAPOS mag almusal ay agad na tumayo si Lucien at walang imik na umalis sa hapag kainan. ay, bastos din. may ugali nga ang magiging amo-amuhan ko. Hinayaan naman ni Sir Aidan ang anak dahil sigurado ay hindi pa rin nito matanggap ang naging desisyon nito. Napapailing na lang si Sir Aidan saka kiming ngumiti sa akin. “Pag pasensyahan mona ang anak ko. Nabigla ko siya. Sana hindi ka sumuko sa kanya Iha. Kailangan kailangan ko talaga ng magbabantay sa nag iisa kong anak.” Biglang lumamlam ang mga mata ni Sir Aidan. Hindi man nito sabihin pero kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pagmamahal sa anak. May bigla namang pumasok sa isip ko, bakit kaya naisipan ni Sir na pumasok sa underground ganong alam naman niya na delikado? Ano kaya ang nag udyok sa kanya? Hmm..siguro may rason naman ito? Yeah, baka nga. “H‘wag ho kayong magalala Sir Aidan akong bahala sa anak niyo.” Sincere kong turan. Ewan ko pero biglang nagbago `yung isip ko lalo na ng makita ko ang pagmam
SCARLETT KINABUKASAN ala sais pa lang ay gising na ako at naka gayak na, suot suot ang aking sports bra at leggings para sa jogging na gagawin, actually, gusto ko rin libutin ang subdivision na ito kung saan ang ibang daan pa na possibleng daanan ng kalaban kung sakaling tumakas ang mga ito. Mas maganda ng sigurado ako at kabisado ang paligid. Nang makuntento na ay lumabas na rin ako ng kwarto at bumaba. Binati ko ang mga katulong, pati ang guards na nagbukas ng gate para sa akin. Yes, feeling close na ako sa mga ito. Iyon naman talaga ang plano ang makalapit sa mga ito at mas makilatis. Sinabi pala ni Sir Aidan sa mga katulong sa bahay na personal maid ako ni Lucien kaya ang gagawin ko lang ay pagsilbihan ang kumag na lalaking iyon. Hindi rin daw ako kikilos o maglilinis ng bahay basta ang trabaho ko lang ay bantayan at asikasuhin si Lucien. Para nga akong naalinasan ng tinik sa dibdib dahil hindi ako kikilos. To be honest hindi ako marunong magluto. Wala akong tale