Home / Romance / Maid For You / CHAPTER 02

Share

CHAPTER 02

Author: janeebee
last update Last Updated: 2022-02-11 15:32:58

CHAPTER 02

Isang magandang umaga ang sumalubong kay Estrella pagkagising niya dahil naging mahimbing ang pagtulog kagabi. Bukod pa doon, mayroon na siyang nahanap na maayos na trabaho na bawas sa iisipin niya at naging maganda rin ang pakikitungo sakaniya ng mga kasama. Sa isang kwarto, apat silang magkakasama ngunit may mga sariling kama. Pinaliwanag na rin sakaniya ang mga alituntunin sa mansion na siyang kinabisado niya bago matulog kagabi. Hindi siya gaanong marunong magbasa subalit sa pagdating sa pagkakabisa, maasahan siya.

" Este, sunod ka na sa labas mamaya ha? Start na tayo, " sabi ni Anna, ang kasambahay na una niyang nakapalagayan ng loob dahil halos pareho sila ng rason kung bakit sila narito sa siyudad ngayon.

" Oo sige, susunod na ako. Ayusin ko lang 'to, " ani Estrella habang tinatali ang kaniyang mahaba at bagsak na buhok. Suot na niya ang uniporme at habang nakaharap sa salamin, hindi niya maiwasang pagmasdan nang maagi ang sariling repleksyon. Ngayon lang niya napagtanto na sobrang laki nga talaga ng pagkakaiba ng pisikal na hitsura ng mga taga-siyudad sa mga probinsyanang gaya niya. Sa mga kutis palang ng balat, nakita na niya ang pagkakaiba ngunit hindi niya kailan man ikinahihiya ang pagiging morena.

Lumabas siya ng kwarto na handa ng magsimula ng trabaho ngunit nang masalubong niya ang amo, saglit siyang na-blangko.

" M-magandang umaga po sainyo, sir Sebastian. " Bahagyang itinungo ni Estrella ang ulo upang magbigay galang. " Kumusta po ang tulog niyo? Maayos po ba? "

Natigil ito sa paglalakad." Bakit mo naitanong? Hindi ko alam na iteresado ka pala sa pagtulog ko? "

" Ah kasi po mukha kayong puyat dahil ang lalim ng mga mata niyo, " tugon ni Estrella saka inangat ang tingin sa amo niya. " Mayroon ho akong alam para maalis ang eye bag. Gusto niyo pong subukan ko sainyo? "

Nagsalubong ang kilay ni Sebastian at hindi mawari kung may sinceridad ba ang babae sa harap niya o nagiging sarkastiko lang ito para sirain ang araw niya.

" Ano nga ulit pangalan mo? " tanong nito.

" Estrella po. "

" Estrella. Okay, tatanungin ulit kita. Anong trabaho ang pinasok mo dito? "

" Katulong po sir Sebastian. "

" Katulong, so ibig sabihin ang pagtutuunan mo ng pansin ay 'yong bahay lang at hindi ang amo mo, " kalmadong wika ni Sebastian  habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Estrella. " Gawin mo nang maayos ang trabaho mo bilang katulong at kung kakausapin mo ako, siguraduhin mo munang importante ang sasabihin mo para magkasundo tayo, maliwanag? "

Matagal bago nakasagot si Estrella dahil wala siyang nakikitang mali sa sinabi niya kanina pero sa halip na umangal, tumango-tango na lang siya.

" Masusunod po sir, pero importante rin po ang may sapat na tulog para sa kalusugan niyo, " ani Estrella na lalong nagpadilim sa mukha ni Sebastian. Bago pa lumala ang sitwasyon, dumating si Manang Susan at napansin agad nito ang kakaibang tensyon na namumuo sa kanilang amo at sa bagong kasambahay.

" Estrella, " tawag ni Manang Susan at agad na lumapit kay Estrella saka hinawakan sa magkabilang braso. " Ano bang ginagawa mo? Kanina pa kita hinihintay sa labas. "

" Ah, kinu-kumusta ko lang ho si sir Sebastian, " tugon ni Estrella, " Napansin ko po kasi na ang lalim ng mga mata niya kaya--"

" Manang Susan, " tawag ni Sebastian at sabay na napalingon ang dalawa sa kaniya. " Please, kusapin niyo s'ya at ipaliwanag ang mga dapat at di dapat gawin dito sa mansion. Ayoko ng gulo. "

" Masusunod sir, " tugon ni Manang Susan saka nagpaalam na sa kanilang amo bago hilahin paalis si Estrella na nagtataka kung anong mali sa sinabi at ginawa niya.

***

Isang halakhak ang kumawala sa bibig ni Anna matapos marinig ang kinuwento sa kaniya ni Estrella patunkgol sa naging pag-uusap nila ng kanilang boss.

" Huwag kang maingay, Anna. Mapapagalitan tayo ni Manang Susan, " ani Estrella sa kaibigan habang lumilingon-lingon sa paligid para masigurong walang ibang tao bukod sa kanila. Narito sila sa hardin dahil silang dalawa ang nautusang mag dilig ng mga halaman at bulaklak. " Pero seryoso, may mali ba sa gingawa ko kanina? "

Sinubukan munang kumalma ni Anna bago tumugon sa inosenteng pagtatanong ni Estrella sa kaniya.

" Walang masama sa pagtatanong mo pero alam mo kasi, 'yong amo natin ay hindi friendly gaya mo. Kumbaga siya yung tipo ng tao na hindi gustong pinapakialaman siya. Ayaw ng maingay, ayaw ng magulo dahil puro siya trabaho, " paliwanag ni Anna dahil sa limang taon na naninilbihan siya sa mansion, basa na niya ang ugali ng amo. " Minsan may pagka-bossy pero mabait si sir Sebastian. Madalas pa magbigay ng bonus kapag nasa mood. "

Ngumiti si Estrella at pinagpatuloy ang pagdidilig ng halaman sa harap niya." Ganoon ba? Wala pa bang pamilya si sir Sebastian? Pansin ko kasi na parang siya lang mag-isa sa malaking bahay na'to. "

" Oo, single ang amo natin dahil gaya nga sinabi ko, puro siya trabaho. Linggo ngayon pero tignan mo naman, nakakulong sa office room niya at busy. Walang time makipag date o pwede rin namang ayaw niya lang," tugon ni Anna saka muling hinarap si Estrella. " Alam mo ba si sir Pio, ang dami ng pinakilalang magagadang babae sa amo natin pero wala rin nangyari. Buwan-buwan nagdadala ng babae ang lolo niya dito sa mansion pero hindi nagpakita ng interes si sir kahit kaunti. Akala ko nga kahapon, isa ka sa mga babaeng ipakikilala na naman kay sir, pero di pala. "

" Ha? Teka paano mo naman 'yon nasabi? " gulat na wika ni Estrella saka itigil ang pagdidilig. " Kasambahay ang pinasok, Anna. "

" Akala ko nga lang, hindi ba? Ang ganda mo kasi, pang beauty queen ang ganda mo. Napaka simple pero malakas ang dating. For sure pati ang amo natin, inakalang isa ka sa mga babaeng ipakikila na naman sakaniya, " kumpiyansang sabi nito. " Matanong lang, ikaw ba may nobyo ka na? "

" Wala, hindi pa ako nagkakaroon. Ayaw pa nila lola . "

" Seryoso? Hindi ba't nasa bente pataas ka na? "

Tumango si Estrella. " Twenty-five na ako pero wala, di masyadong sumasagi sa isip ko ang pagkakaroon ng kasintahan. Mas gusto ko kasing tulungan muna ang lola at lolo ko makaahon sa kahirapan bago ko magpasya magkaroon ng nobyo. "

" Wow, ang bait mo namang apo, " natutuwang komento ni Anna. " Sabagay ganiyan rin naman ang goal ko noong una pero nagbago na simula noong makilala ko ang pinsan ng amo natin. Ang goal ko ngayon ay mapansin ni sir Javier. Cute siya. "

" Bakit? Crush mo? "

" Malamang, pero huwag kang maingay ha? Ikaw pa lang nasasabihan ko tungkol dito. Ituturo ko siya sayo kapag nagpunta dito, " ani Anna habang pinipigilan ang sariling kiligin sa tumatakbo sa isip niya. Wala namang nagawa si Estrella kundi ang mag kibit balikat na lang at hayaan ang katabi niyang kiligin sa ini-imagine nito.

" Estrella, " kapwa sila napalingon sa likuran nang marinig ang boses ni Manang Susan. Buong akala niya ay kagagalitan sila dahil sa pagdadaldalan pero inangat nito ang isang cellphone. " Tumatawag ang lola mo, limang minuto lang ang ibibigay ko "

Nanlaki ang kaniyang mata at mabilis na nagtungo kay Manang Susan para kuhanin ang cellphone nito at kausapin ang kaniyang lola.

" Lola! " hindi mapigilan ni Estrella ang emosyon kaya napataas ang boses niya. Humingi agad siya ng paumanhin at lumayo nang bahagya para makapagusap sila ng lola. Wala kasi siyang sariling cellphone at nakihiram lang kay Manang Susan para magpadala ng mensahe kanina sa kaniyang lola na alam niyang hanggang ngayon ay nag aalala.

" Este, naku salamat naman at ligtas kang nakarating d'yan. Kagabi pa ako nag aalala sayo dahil baka kako napano ka na. Mabuti at nakapag text ka kanina kaya nabawasan kahit papano ang pag-aalala ko, " wika nito sa kabilang linya, " Ano kumusta ka naman? Totoo bang nakapaghanap ka na agad ng trabahong mapapasukan? Iyon ang sinabi mo sa text kanina, hindi ba? "

" Opo lola, mayroon na po akong trabaho. Kasambahay po sa isang malaking-malaking bahay. Mababait po ang mga kasama ko kaya wala po kayong dapat ipag-alala, " aniya.

" Eh ang amo ba? Mabait naman ba? "

" Mabait naman po siya, " ani Estrella na tila ba 'di sigurado sa sinagot niya. " Siya nga po pala, si Lolo po, kumusta naman ang lagay? "

" Naku, ito nangungulit na naman. Parang walang karamdaman dahil gustong bumalik sa pag t-trabaho. Sobrang kulit, kulang na lang igapos ko ang kamay at paa para mag tigil. "

Natawa nang bahagya si Estrella dahil nai-imagine niya ang hitsura ng kaniyang lolo na nangungulit mag-trabaho. Hindi kasi ito sanay na walang ginagawa at noon pa man, kahit may karamdaman ay walang pahinga ito sa pag t-trabaho para lang may kitain sa araw na 'yon. Natigil lang ito dahil sumumpong ang sakit niya sa puso na naging rason para lumuwas si Estrella at siya naman ang makipagsapalaran para kumita ng pera.

" Este, kung hindi mo kaya ay huwag kang magdadalawang isip na umuwi dito sa probinsya, " sambit ng kaniyang Lola, " Huwag mong piltin ang sarili mo at gagawa na lang tayo ng paraan para kumita pambayad ng bills--"

" Lola, kaya ko po ang trabaho at kaya ko rin po mag isa 'to. Huwag na po kayong mag alala saakin dahil nasa tamang lugar po ako, " ani Estrella  saka tumingin kay Manang Susan na naghihintay matapos ang pag uusap nila. " Mababait po ang mga tao dito kaya wala po kayong dapat ikabahala saakin. Ako na po ang bahala sa gastusin, huwag na po kayong mag-isip, lola. Alagan niyo po si lolo, kailangan niya kayo. "

Ilang segundo namayani ang katahimikan sa kabilng linya at inakala ni Estrella na binaan na siya pero may nagsalita pa sa cellphone.

" Mag-iingat ka palagi, apo. Mahal ka namin ni Lolo. "

Ngumiti si Estrella at pinigilan ang sariling maluha. " Mahal ko rin po kayo. "

***

Samantala, abala naman si Sebastian sa harap ng laptop habang binabasa ang mga reviews ng mga taong gumagamit ng kanilang website na Pipol app. Isang social media platform na kung saan, maaari kang kumonekta sa mga tao mula sa malalayong lugar o bansa at makipag usap gamit ang app o website na ito. Maaari din ito gamitin para magpadala ng mensahe sa mga taong kilala at gusto mo pang makilala.

@jeykehey: 3 star muna ang ibibigay ko dahil ang pangit ng service niyo. Sa una lang masaya gamitin, pag nagtagal ang dami ng glitch.

@mariaolala: 1 star kasi napaka bagal na nga ng net namin, bagal rin ng app niyo. Bulok.

@santa_hoe: 5 star kasi ang daming pogi kong nakikilala dito hehe. Next time sana available na ang video call kahit di pa kayo mutual.

@issanagae: 1 star kasi ang pangit ng bagong update. Ibalik niyo sa dati utang na loob! Nawala tuloy ka-pipol ko!

Isang malalim na buntong hininga ang pinawalan ni Sebastian bago mapagpasyahang itigil muna ang pagbabasa ng mga komento mula sa kanilang consumers. Masakit na ang kaniyang mga mata dahil sa magdamag na pagbababad sa screen ng laptop niya.

" Linggo ngayon, baka gusto mo munang magpahinga? " Napaangat ang tingin ni Sebastian nang marinig ang isang pamilyar na boses mula sa pintuan. Ang kaniyang lolo Pio na may ngiti sa labi na hindi nawawala kapag nagkikita sila. Naglakad ito papasok sa loob nang maisara ang pinto at dumiretso sa gawi niya na para bang may magandang balitang hatid sakaniya.

" Hindi ko gusto ang ganiyang ngiti niyo, " ani Sebastian saka hinubad ang salamin sa mata. " Ano na naman ho bang pakulo ito? "

" Aba, hindi ko alam ang sinasabi ng apo ko. Ano bang pakulo ang sinasabi mo? " pagkukunwari nito na nagpa iling nalang kay Sebastian bago tumayo at umalis sa kaniyang mesa.

" Saan niyo ba nakita ang isang 'yon? Parang walang alam sa mundo, " ani Sebastian na kinatawa ng kaniyang Lolo. Walang pangalang binabanggit pero iisang babae lang ang nasa isip nila pareho. " Kung sino-sino na lang ba ang dadalhin niyo rito para ipakilala saakin? "

" Napaka lupit mo namang magsalita apo. Mabait na tao si Estrella. Tsaka dinala ko siya rito para bigyan ng trabaho at di ipakilala sayo, maliban na lang kung tipo mo? " anito na lalong nagpalukot sa mukha ng kaniyang apo. " Napaka galang niyang tao at maalalahanin sa matatanda. Sabihin na nating mangmang pero mabuti ang kaniyang puso. Mayroon siyang taglay na kagandahan na alam kong napansin mo una palang. "

" Anong magagawa no'n sakaniya? " tanong ni Sebastian, " Sa simpleng instruction nga, hindi makasunod at parang isip bata pa kung umasta. Hindi ako interesado. "

" Teka nga, bakit ba mainit ang ulo mo sakaniya? " takhang tanong nito saka naupo sa office chair ng kaniyang apo. " May ginawa ba siya sayo na kinagalit mo? "

Imbis na magsalita, isang malalim na buntong hininga na lang ulit ang pinawalan ni Sebastian nang maalala ang nangyari kaninang umaga. Halos wala pa siyang nagiging tulog at ang mga salitang 'yon pa ang bumungad sakaniya na tila ba ini-insulto siya. Hindi niya tuloy mapigilan ang sarili na sungitan ang bagong pasok na kasambahay dahil sa pangingialam nito sa hitsura ng eyebag n'ya

" Aba tignan mo nga naman, kumilos ka na pala? " Nabalik si Sebastian sa realidad nang marinig ang sinabi ng kaniyang lolo. May hawak itong folder na kinuha sa drawer nito sa lamesa habang wala ang atensyon niya rito kanina. " Nagkukunwari ka pang galit sakaniya, mapusok ka rin pala. "

Nagsalubong ang kilay niya. " Anong sinasabi niyo? "

Imbis na makakuha ng sagot, isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa labi ng kaniyang lolo kung kaya naman dali-dali siyang bumalik sa mesa para silipin ang loob ng folder na tinitignan nito, at doon niya nakita ang marriage contract na may pangalan at lagda ng isang tao.

" What the hell—" Sinubukan niyang kuhanin ito pero inilayo ito ng kaniyang lolo Pio at tumayo habang tinitignan ang kontrata na hawak niya. " Ano ho ba 'tong ginagawa niyo? "

" Ako ang dapat mag tanong sayo ng bagay na 'yan, Sebastian. Anong ginagawa mo? " tanong nito saka hinarap ang marriage contract sa kaniya. " Buong akala ko'y mamamatay ako ng wala akong nakikitang pangalan ng babae sa papel na ito, nagkamali pala ako. "

" Kayo ang may gawa niyan. "

" Hindi ako ang may gawa nito at wala rin akong planong ipakilala siya sayo, " paglilinaw nito saka tinignan ang papel na hawak. " Pero mukhang nakatadhanang mangyari ito dahil ang Diyos na mismo ang nag plano para tuparin mo ang isa sa mga pangarap ko sayo apo. "

" Hindi 'yon mangyayari, " matigas na sambit ni Sebastian saka binuksan ang drawer niya at hinanap ang isang kontrata kung saan sana nakapirma si Estrella pero nang buklatin niya ito, wala ang pangalan at lagda ng bagong kasambahay niya rito. " Great. Pagsunod sa instruction, hindi magawa. Pati ba naman sa simpleng pagbabasa, wala siyang alam? "

" Pero mabuti siyang tao. Maalaga, magalang at higit sa lahat maganda. Tiyak akong magiging maganda ang susunod nating henerasyon oras na magbunga ang pagmamahalan niyo. "

Mariing napapikit si Sebastian at napahawak na lamang sa magkabilang sentido dahil dumoble lang ang pananakit ng kaniyang ulo.

" Wala akong nakikitang problema sa kaniya bukod sa pagiging mangmang. Maaari naman siyang matuto sa pamamagitan ng pagpasok ng eskwelahan. Ano pang problema? " tanong ni Lolo Pio saka tinapik ang balikat ng apo. " Halos limang taon na akong nagpapakilala ng mga magagandang dilag sayo pero ni isa sa mga 'yon, wala kang natipuhan. Ito na ang tamang oras para magpakasal ka at bigyan ako ng apo sa tuhod, Sebastian. Hindi na magtatagal ang buhay ng lolo sa mundong ito at hindi ko rin hahayang tumanda ka ng hindi nararanasan magkaroon ng kasintahan at isang pamilya. "

Hindi kumibo si Sebastian dahil abala siya sa pag iisip ng paraan para matigil ang kaniyang lolo sa binabalak nito.

" Pangako, hindi na ako magpapakilala ng mga babae sayo at hindi na ako manggugulo sa buhay mo oras na magpakasal ka na, " rinig pa ni Sebastian kaya naimulat niya ang mga mata. " Sige, kahit sinong babae na ang pakasalan mo basta mabigyan lang ako ng apo sa tuhod, ayos na ang lolo. Mamamatay ako nang nakangiti at walang dinadalang sama ng loob. "

" Nasa seventy-five pa lang kayo at malakas pa ang pangagatawan niyo. Wala akong nakikitang dahilan para sumunod agad kayo kay lola. Bakit niyo ba ako minamadali? "

" Dahil nasa trenta anyos ka na, Sebastian. Ikaw na lang ang pag-asa para mag tuloy-tuloy ang lahi natin. " Ibinaba ng kaniyang lolo ang hawak na kontrata at tinitigan siya nang diretso sa mata. " Wala kang makikitang problema sa kaniya kaya mamali ka, pakakasalan mo siya o itutuloy ko ang pagpapakilala ng mga babae sayo para makapili ka kung sino ang pakakasalan mo. Deal or no deal? "

---

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Eillen Pagdato Lovino
paano po b mka punta s ibang chapter nakalahai kona po itong basahin kaso n bura ko p
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Maid For You    CHAPTER 03

    CHAPTER 03 " Paano ako nakakasigurong tutupad kayo sa usapan? " tanong ni Sebastian sa kaniyang Lolo Pio na lalong lumaki ang ngiti sa labi sa naging sagot niya. " Malalaman mo kapag kinasal na kayo, " tugon ni Lolo Pio saka naglakad pabalik sa upuan ng kaniyang apo. " Sebastian, may isang salita ang lolo. Kailan man ay hindi ko nagagawang hindi tumupad sa usapan. " Hindi kumibo si Sebastian at nanatili ang mga tingin sa marriage contract na hawak ng kaniyang lolo. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya dahil wala pa mang isang linggo ang kasambahay na ito sa kaniya, nakagawa na ito agad ng isang malaking pagkakamali na pati siya ay nadamay. " Hindi ba talaga kayo makakapaghintay na makapag asawa ako? " hindi maiwasang itanong ni Sebastian dahil halos araw-araw, palaging pinapaalala sakaniya ang pagkakaroon ng kasintahan at pag aasawa. Noon ay hindi naman niya ito pinapansin dahil alam niyang titigil din ang lolo Pio niya sa ginagawa nito pero nagkamali siya dahil umabot na sa pun

    Last Updated : 2022-03-01
  • Maid For You    CHAPTER 04

    CHAPTER 04 " Ano? Ikakasal ka kay sir Sebastian?! " pabulong ngunit malakas pa rin ang boses na napawalan ni Anna dahilan para mataranta si Estrella. " Huwag ka namang maingay muna, Anna. Baka may makarinig sayo, " ani Estrella habang lumilingon-lingon sa paligid para masiguro kung may ibang tao ba dito sa kusina pero wala kaya nakampante siya at tinuloy ang kwento. " Sayo ko pa lang nasasabi 'to at kailangan ko hingin ang opinyon mo tungkol sa bagay na 'to. " " Para saan pa? Nabigay mo na ang sagot mo kay sir Pio, hindi ba? " ani Anna sabay kagat sa mansanas na hawak niya. " Pero alam mo, hindi na ako gaanong nagulat kasi in-expect ko ng mangyayari 'to. " " Bakit naman? " " Kasi feeling ko—feeling ko lang naman ha? Walang kasiguraduhan pero feeling ko nga hindi ka pinasok ni sir Pio dito para maging kasambahay. Alam mo 'yon, parang dinahilan niya lang 'yon para mapapayag ka sa una tapos ito na nga, naging candidate ka para ipakasal sa amo natin, " ani Anna saka natawa nang baha

    Last Updated : 2022-03-02
  • Maid For You    CHAPTER 05

    CHAPTER 05 Naging matagumpay ang seremonya ng kasal sa kabila ng kalituhang nangyari sa dalawang simbahan na halos magkatabi lang. Narito na ang lahat sa wedding reception subalit ang kahihiyan na nararamdaman ni Estrella na mula pa kanina ay hindi mawala-wala sakaniya. " Hindi magandang pinaglalaruan ang pagkain, " nabalik si Estrella sa katinuan nang marinig ang boses ni Sebastian. " S-sorry, " agad na binitawan ni Estrella ang kubyertos at hindi maiwasang ikumpara ang pinggan niya sa pinggan ni Sebastian. Simot na simot ito na para bang isang malaking kasalanan na may matirang katiting na pagkain dito. Inangat ni Estrella ang tingin sa kabuuan ng wedding reception. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na ganito karami ang mga bisitang dadalo sa kasal gayong sa side lang ni Sebastian ang mga taong narito ngayon. Wala ang kaniyang lolo at lola dito dahil nakiusap siyang huwag munang ipaalam sa mga ito ang pinasok niyang gulo. Ayaw niya munang iparating ang nangyari da

    Last Updated : 2022-03-03
  • Maid For You    CHAPTER 06

    CHAPTER 06 Alas otso na ng gabi ngunit hindi pa rin lumalabas si Sebastian sa silid nito upang maghapunan. Walang ideya si Estrella kung tapos na ba ang online meeting na dinaluhan nito o hindi pa dahil nahihiya siyang kumatok sa pinto baka makaabala. Wala siyang maisip na ibang paraan kundi ang hintayin na lang itong lumabas bago galawin ang mga pagkain na nasa kaniyang harapan. " Nagugutom na 'ko..." buntong hiningang wika ni Estrella habang pinagmamasdan ang mga putahe sa mesa. Sa katunayan, kanina pa niya gustong galawin ito subalit pinipigilan niya ang sarili dahil kailangan niyang hintayin ang kasama niyang maupo sa kabilang silya para sila'y sabay na kumain ng hapunan. Hindi niya gustong maunang sumubo dahil wala naman siyang ginastos sa mga pagkain dito, hiya ang umiiral sa kaniya kung kaya naman kahit kumakalam na ang sikmura niya, tiis lang ang kaniyang magagawa. Kinuha ni Estrella ang pitsel na may lamang tubig para muling magsalin sa kaniyang baso at ito'y inumin. Halo

    Last Updated : 2022-03-07
  • Maid For You    CHAPTER 07

    CHAPTER 07 Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman ni Estrella ang habang nakatingin sa dalawang magkasintahan na gumagawa ng eksena sa gitna. Nakaluhod ang binata sa harap ng dalaga na nagsisimulang tumulo ang luha nang isuot sa daliri nito ang singsing na siyang katibayan sa nalalapit nilang pag-iisa. Nagpalakpakan ang mga tao dahil sa naging resulta ng supresa ng binata sa kasintahan niya habang mayroon namang umiiyak na magulang dahil sa sobrang tuwa. " Ang galing... " komento ni Estrella na nakikipalakpak na rin kasama ang mga estranghero sa paligid niya. Ngayon lamang siya nakasaksi ng marriage proposal at hindi niya maalis-alis ang ngiti sa labi habang pinanonood ang nangyayari sa gitna. " Salamat po sa lahat! Maraming salamat po sa tulong niyo! " halos mapunit naman ang labi ng binata habang pinasasalamatan ang mga taong tumulong sa supresang ito at kasama doon si Estrella na may hawak na light stick na dagdag sa palamuting nakapalibot sa magkasintahan. Masaya nam

    Last Updated : 2022-03-08
  • Maid For You    CHAPTER 08

    CHAPTER 08 Isang linggo na ang nakalipas at nakabalik na rin sila sa mansion sa wakas. Balik sa dati ang lahat kung saan, balik na rin sa pagiging abala si Sebastian sa kumpanya na kaniyang pinamumunuan. " Good morning sir Martinez! " ang bati ng bawat empleyadong nasasalubong ni Sebastian sa lobby. Lahat ay may mga matatamis na ngiti sa labi at ang mga mata ay tila ba kumikinang habang nakatingin sa kaniya. Wala siyang ideya kung bakit ganito ang salubong sakaniya ng mga tao sa opisina gayong mayroon pa silang problema kinahaharap ngayon. " Ako lang ba o talagang good mood lang sila? " tanong ni Sebastian sa kaniyang sekretarya nang makapasok sila sa elevator. " Good mood lang po sila Sir. " Nakangiting tugon nito bago pindutin ang numero sa gilid para sila'y dalhin sa palapag kung saan naroroon ang opisina nito. Ilang segundo bago bumukas ang pinto ng elevator, isang putok ng confetti ang bumulaga sa kanila. " Congratulation on your wedding sir Martinez! " Sabay-sabay na bati

    Last Updated : 2022-03-09
  • Maid For You    CHAPTER 09

    CHAPTER 09 Halos mangalay na ang mga kamay ni Estrella at Anna bitbit ang samut-saring plastic bag na naglalaman ng kanilang mga pinamili. Nasa kalahati na ng listahan ang burado subalit hindi na nila kaya pang magdagdag ng panibagong hahawakang plastic bag dahil marami na sila nito ngayong bitbit. " Ilagay na kaya natin muna ito sa kotse? Mababali na ang mga kamay ko at ang sakit narin ng binti ko, " suhestiyon ni Anna saka binaba saglit ang mga dala niya. " Hindi ko akalaing mabibigat pala ang dadalhin natin. Dapat nagsama pa tayo ng isa. " " Kaunti na lang naman na iyong natitirang kailangan nating bilhin. Diretso na tayo, " ani Estrella habang sinusuri ang listahang hawak niya. Nilingon niya si Anna na halos sumalampak na sa lapag dahil sa bigat nga naman ng mga dala nito. " Ganito na lang, dalhin mo na 'yong ibang pinamili natin sa kotse tapos tawagin mo si kuya driver para tulungan tayo sa pag dala ng mga 'to. Ako naman, bibilhin ko na 'yong ibang mga natitira sa listahan para

    Last Updated : 2022-03-11
  • Maid For You    CHAPTER 10

    CHAPTER 10 Pabagsak na naupo si Sebastian sa kaniyang swivel chair matapos tanggalin ang necktie na suot niya mula pa kaninang umaga. Pakiramdam niya ay lumuwag ang kaniyang paghinga subalit ang bigat sa ulo niya ay nanatiling sagabal sa pag-iisip ng solusyon sa kinahaharap nilang problema sa kumpanya. Ang dating nangungunang Pipol's app ay unti-unting nasasapawan ng isang bagong launch na app na halos wala ring pinagkaiba sa kanila ngunit mas tinangkilik na agad ito ng masa. Nagkaroon sila ng pagpupulong kanina at base sa mga narinig niyang komento ng mga empleyado niya, maraming pagkakatulad ang Pipol's app doon sa nasabing communication app na bagong labas lang. May mga nabuong teorya na baka ginaya lang ang kanila subalit hindi sila maaaring mag bintang nang walang sapat na ebindensya. Sa dami ng mga nauusong communication app ngayon, karamihan sa mga ito ay halos magkakatulad lang at mahirap mag akusa ng plagiarism kung ang pinagbasehan lang ay ang ilang mga pagkakatulad ng d

    Last Updated : 2022-03-12

Latest chapter

  • Maid For You    Author's Note

    Hi, maraming salamat po sa lahat ng nakaabot dito. Halos isang taon na rin pala simula noong isulat ko ito at ang sarap sa feeling na nakatapos ulit ako ng nobela. Sa ngayon, ito na pinakamahaba kong nobela na naisulat. Hindi ko inakala na aabot ito sa 100+ chapter pero wala, nag enjoy ako isulat ang journey nina Estrellla at Sebasian. San ganoon rin po kayo! So ayon, sa mga nagtatanong po kung mayroon bang story sina Anna/Javier at si Estrellita/Adam? Ang sagot ay wala po...pero puwede ring magbago depende sa panahon. Sa ngayon kasi, marami pa po akong story na planong i-published dito sa Good Novel at wala pang time para mag-isip ng plot sa mga side characters ng Maid For You. Ganunpaman, sana po ay suportahan niyo pa rin ako sa mga bago kong story at sa mga darating pang iba. Muli, salamat po sa inyong lahat!

  • Maid For You    EPILOGUE

    EPILOGUE Humugot ng isang malalim na hininga si Estrella habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. Walang mapaglagyan ang kaniyang tuwa, hindi siya makapaniwala na sa ikalawang pagkakataon, ikakasal ulit siya. " Ready ka na? " Napatingin si Estrella sa gilid nang marinig ang boses ng kambal. " Ganda ng ngiti mo, ah. Siguraduhin mong nakapag banyo ka na bago ka lumakad sa altar mamaya. Baka tumakbo ka na naman. " Bahagyang natawa si Estrella nang maalala ang marriage proposal ni Sebastian sa kaniya. Magkahalong kaba at saya ang naramdaman ni Estrella noong mga oras na yon, resulta upang magmadali siyang magtungo sa banyo. " But kidding aside, masaya ako para sayo, Estrella. " Inayos ni Estrellita ang belo na suot ng kaniyang kambal at pinagmasdan ang hitsura nito mula sa salamin. " Medyo nakakalungkot lang dahil saglit lang 'yong oras na nagkasama tayo. Ngayong kakasal ka na, malilimitahan na ang oras mo sa labas. " " Ate, noong nagkita naman tayo, kasal naman na kami

  • Maid For You    CHAPTER 125

    CHAPTER 125" Anong ginagawa niyo rito? " tanong ni Estrellita sa dalawang matanda saka siya lumapit sa kinatatayuan ng kambal upang hawakan ang kamay nito at ilagay sa kaniyang likuran. " Hindi kayo gusto makausap ni Estrella. Umuwi na lang kayo. "" H-hindi lang naman siya ang gusto naming kausapin, " ani Lola Teodora saka tumingin sa asawa bago muling ibalik ang tingin sa kambal. " Gusto namin kayong makausap na dalawa. "" Wala tayong dapat na pag-usapan. " Matigas na sambit ni Estrellita, humigpit ang kapit sa kamay ni Estrella nang maramdaman ang kagustuahn nitong lapitan ang dalawang matanda. " Wala kaming sasabihin sainyo. Umalis na lang kayo... "Hindi nagawang ituloy ni Estrellita ang balak na sabihin nang makita ang pagluhod ni Lolo Teodora na sinundan ni Lolo Emilio. " Humihingi kami ng kapatawaran sa ginawa namin, " saad ni Lolo Emilio, pilit pinipigilan ang luha subalit mababakas ang nginig sa boses nito. " Alam kong hindi sapat ang paghingi namin ng tawad at pagluhod s

  • Maid For You    CHAPTER 124

    CHAPTER 124 " Azami, saan ka pupunta? " Napahinto si Azami sa balak na pagbaba ng stage nang harangan siya ng Manager niya. " Kumalma ka muna, okay? Huwag mong ipakita na apektado ka. Maraming tao ngayon dito sa Mall at lahat ng mata at camera ay nakatutok sa'yo ngayon. " Mariing napapikit si Azami, at humugot nang malalim na buntong hininga sa pag-asang mawala ang mga daga sa dibdib niya ngunit hindi ito tumalab. " Okay guys, kumalma muna ang lahat. Mayroon lang po tayong technical difficulties ngayon at 'yong narinig niyo kanina ay isa lang audio clip mula sa haters. Relax lang po tayong lahat! " Pagpapagaan ng emcee sa sitwasyon. Hindi na gumagana ang mike kaya kinailangang nitong lakasan ang boses para marinig ng lahat ang sinasabi niya at hindi magkagulo ang mga tao. Walang alam ang emcee sa nangyayari ngunit kailangan niya pa ring gumawa ng paraan upang mapakalma ang lahat at matuloy ang programa. Tumingin si Azami sa puwesto kung saan niya nakita si Estrella ngunit hind

  • Maid For You    CHAPTER 123

    CHAPTER 123" Halikan mo 'ko. " Gumuhit ang gulat sa mukha ni Adam sa sinabi ni Estrellita na nakalingkis ang kamay sa braso niya." Pinagsasabi mo? Wala naman sa plano ''yon, Estrellita, " angal ni Adam saka binalik ang tingin sa harap kung saan abala ang lahat ng tao sa kani-kanilang mundo. Nasa isa sila ngayong parke, nakaupo sa isang bench habang magkahawak ang kamay ngunit si Estrellita ay halos ipulupot na ang sarili sa braso ni Adam." Para nga mas makatotohanan, 'di iba? Isipin mo na lang na ako si Estrella para hindi ka mailang, " ani Estrellita dahilan para lalong magsalubong ang kilay ni Adam. " Oh, bakit? May mali ba sa sinabi ko? 'Di ba may gusto ka sa kambal ko—"" Estrellita, please. " Pigil ni Adam, hindi komportable sa balak sabihin ng kasama niya, ngunit gusto niyang linawin ang lahat para hindi na ito mabuksan pa. " Yes, inaamin kong may gusto ako kay Estrella, pero matagal na 'yon at wala akong balak guluhin ang relasyon nila Sebastian. "" Talaga ba? " tila pang-a

  • Maid For You    CHAPTER 122

    CHAPTER 122 Halos lumuwa ang mata ni Anna nang makita ang nag doorbell sa labas ng gate ng mansyon. Ilang beses siyang kumurap sa pag-aakalang mag-iiba ang mukha ng babae sa harapan niya ngunit walang nabago sa histura nito. " Alam kong maganda ako, huwag mo na ako masyadong titigan, " anito saka isinara ang payong at tiniklop. " K-kayo ba ang kambal na sinasabi ni Este? " tanong ni Anna at nang tumango ito, napalitan ng paghanga ang nararamdaman niya. " Grabe, magkamukhang-magkamukha talaga kayo. Sa pananamit pa lang, si Este na ang nakikita ko sainyo. " " Hindi ito ang style ko. Ginaya ko lang ang pananamit ni Estrella para papasukin ako sa subdivision, " ani Estrellita saka tumingin sa loob ng gate. " Anyway, nandiyan ba siya ngayon? " " Ah, oo, na sa loob si Este. Pasok kayo, " sabik na pagpapatuloy ni Anna, hindi magawang alisin ang tingin kay Estrellita dahil labis ang gulat, tuwa at paghanga ang nararamdaman niya. Nang makarating sa salas, hindi maiwasang humanga ni Estr

  • Maid For You    CHAPTER 121

    CHAPTER 121 Sa apat na araw na itinagal ng burol ni Sergio, naging dahilan na rin ito para muling magsama-sama at magkita-kita ang pamilyang Martinez. Ang ibang mga kamag-anak na nasa ibang bansa ay umuwi upang makita sa huling pagkakataon si Sergio. Muli ring nagkita-kita ang mga malalapit na kaibigan ni Sergio sa araw ng libing nito, maliban sa isa na piniling hindi lumabas ng kotse habang pinanonood sa hindi kalayuan ang pagbaba ng kabaong sa ilalim ng lupa. " Sir Arman, hindi ho ba kayo bababa para tignan ang libing ni Mr. Sergio Martinez? " tanong ng sekretarya ni Arman na nasa passenger seat. " Hindi ho ba kayo magpapaalam sa dati niyong kaibigan? " Piniling hindi sumagot ni Arman. Hindi niya maintindihan kung bakit nakararamdam siya ng panghihinayang noong nagkausap sila ni Sergio na huling beses na pala mangyayari. Mayroong pagsisisi si Arman dahil hindi niya agad nagawang ilabas at ipakita ang galit na kinimkim niya ng matagal na panahon kay Sergio, dahil ngayong wala na i

  • Maid For You    CHAPTER 120

    CHAPTER 120 Hindi magawang gumalaw ni Sebastian sa kinaatayuan niya habang nakayakap sa kaniya si Estrella. Hindi niya inaasahan na makikita niya ito pag-uwi niya, ngunit sa kabila ng lungkot sa nangyari sa biglaang pagpanaw ng ama, kahit papano ay gumaan ang kaniyang nararamdaman dahil sa higpit ng yakap mula sa asawa, " Pasensya na kung umalis ako..." saad ni Estrella sa pagitan ng paghikbi. Inangat ni Sebastian ang kamay upang yakapin pabalik ang asawa ngunit humiwalay na si Estrella. " Patawarin mo 'ko kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo nang personal. Alam kong galit ka pa rin saakin, pero sana hayaan mo akong damayan ka..." Hindi magawang sumagot agad ni Sebastian. Gusto niyang sabihin na hindi na siya galit at aminin ang pagkakamali n'ya ngunit walang salita ang gustong lumabas sa bibig niya, hanggang sa biglang mag-ring ang kaniyang cellphone sa bulsa ng pantalon. Kinuha niya ito at isang tawag mula sa kaniyang tiya ang nakita niya. " Sebastian, nakauwi ka na ba? " tanong n

  • Maid For You    CHAPTER 119

    CHAPTER 119 " Okay, ready na ang lahat ng mga kailangan nating dalhin! " Masiglang wika ni Estrellita matapos isara ang zipper ng bag niya. Tumingin siya kay Estrella na nagkakamot ng ulo habang nakatingin sa ilang bagong biling damit at gamit nito. " So, anong balak mo? Tititigan mo na lang 'yan? Ilagay mo na kaya 'yan sa bag mo, 'no? Alas-tres ng madaling araw ang alis natin mamaya kaya dapat naka-ready na ang lahat ng mga gamit mo. " " B-bakit kasi ang daming biniling damit ni Mama? " Nahihiyang saad ni Estrella habang pinagmamasdan ang mga damit na binili sa kaniya ng ina. " Ang mahal pa ng mga damit—tsaka hindi ko kayang suotin 'tong kapirasong tela na 'to. " " Bikini ang tawag diyan, ano ba? Tsaka beach ang pupuntahan natin kaya normal lang na iyan ang mga suot doon. Mas pagtitinginan ka ng mga tao kung naka-pajama ka habang nag s-swimming. " Pinasadahan ng tingin ni Estrellita ang kapatid mula ulo hanggang paa. " Isa pa, perfect naman ang shape ng body mo. Sexy ka naman at a

DMCA.com Protection Status