Home / Romance / Maid For You / CHAPTER 03

Share

CHAPTER 03

Author: janeebee
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

CHAPTER 03

" Paano ako nakakasigurong tutupad kayo sa usapan? " tanong ni Sebastian sa kaniyang Lolo Pio na lalong lumaki ang ngiti sa labi sa naging sagot niya. 

" Malalaman mo kapag kinasal na kayo, " tugon ni Lolo Pio saka naglakad pabalik sa upuan ng kaniyang apo. " Sebastian, may isang salita ang lolo. Kailan man ay hindi ko nagagawang hindi tumupad sa usapan. "

Hindi kumibo si Sebastian at nanatili ang mga tingin sa marriage contract na hawak ng kaniyang lolo. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya dahil wala pa mang isang linggo ang kasambahay na ito sa kaniya, nakagawa na ito agad ng isang malaking pagkakamali na pati siya ay nadamay. 

" Hindi ba talaga kayo makakapaghintay na makapag asawa ako? " hindi maiwasang itanong ni Sebastian dahil halos araw-araw, palaging pinapaalala sakaniya ang pagkakaroon ng kasintahan at pag aasawa. Noon ay hindi naman niya ito pinapansin dahil alam niyang titigil din ang lolo Pio niya sa ginagawa nito pero nagkamali siya dahil umabot na sa puntong may mga babae ng ipinapakilala sakaniya at ang malala, kumuha na rin ito ng marriage contract para sakaniya na kahit anong punit niya, wala ring kwenta dahil marami itong kopya. 

" Paano ka mag aasawa kung puro trabaho ang inaatupag mo, Sebastian? Matanda ka na hijo. "

" Thirty years old pa lang ho ako. "

" Aba, matanda na 'yon. Baka di mo alam na taon-taon ay nadadagdagan ang mga edad natin, pero nababawasan naman ang kakayahan nating mag bigay ng lahi, " katwiran nito. " Hihintayin mo bang hindi na tumayo 'yan bago ka makapagpasyang mag-asawa? "

" Lolo—"

" Ikaw na lang ang pag-asa ng Martinez na magtutuloy ng lahi natin. Ako ay gustuhin ko mang magkaroon pa ng anak pero wala na ang lola mo at di na kaya ng balakang ko " dagdag pa ni Lolo Pio saka hinimas-himas ang likurang bahagi ng katawan. " Ang iyong ama naman ay hindi na rin kaya. Ikaw na lang ang nag iisang lalake sa mga apo ko na nakaupo sa trono at reyna na lang ang kailangan mo upang magtuloy-tuloy ang lahi natin at maging masagana ang ating kaharian. "

Napahawak sa sentido si Sebastian dahil sa kahihiyan. Kakaibang imahinasyon talaga ang mayroon ito na ipinagpapasalamat niyang hindi niya namana. 

" Isang linggo. Bigyan niyo ako ng isang linggo para mapag isipan ang bagay na 'to. "

" Hindi ito business proposal para mag isip ka ng ganoon katagal. " Tumayo ito at umalis sa mesa ng kaniyang apo. " Isang araw lang ay sapat na kaya bukas ng umaga, umaasa akong may sagot ka na. "

" What the heck? Bakit bukas agad? "

" Aba, huwag mo akong mamura-mura, Sebastian! " gamit ang hawak nitong tungkod, tinangka nitong paluin ang apo na mabilis nakailag sa kaniya. " Ilang taon na akong naghihintay baka akala mo? "

" Tsk, masyadong mabilis ang araw—"

" Iyon nga ang punto ko. Mabilis lang lumipas ang araw kaya mag desisyon ka na. Iyang isang linggo mo na 'yan ay posibleng umabot ng isang buwan kaya mamayang gabi, pag isipan mo na nang maagi. " Lumapit si Lolo Pio sa kaniyang apo saka tinapik ang balikat nito. " Sebastian, huwag mo sanang bibiguin ang lolo. "

Isang malalim na buntong hininga lamang ang pinawalan ni Sebastian dahil kung magsasalita pa siya, paniguradong hahaba pa lalo ang kanilang diskusyon. 

***

" Isa, dalawa, tatlo! " sabay na ibinalibag nina Estrella at Anna ang makapal na kumot sa sampayan matapos banggitin ang napagkasunduang bilang. Inayos nila ang pagkakasabit nito sa sampayan saka piniga ang magkabilang dulo ng kumot dahilan para lumabas ang mga naipong tubig sa loob. 

" Grabe, hindi ko akalaing ganito kabibigat ang mga kumot nila dito, " ani Estrella saka pinunasan ang pawis sa sentido niya. " Ang kumot na ginagamit namin sa probinsiya ay sobrang nipis lang kaya madaling labhan at mabilis din matuyo. "

" Ganito talaga kumot ng mga mayayaman. Sa sobrang kapal, kailangan may katulong ka pa sa pagsampay dahil napakabigat lalo na kapag di pa napipiga, " tugon naman ni Anna. " Ewan ko ba kay sir, linggo-linggo nagpapalit ng kumot, bed sheet at pillowcase. Ako sa totoo lang, dalawa hanggang tatlong linggo pa ang kailangan lumipas bago ko mapag desisyunang magpalit ng higaan. "

" Ganoon rin ako, Anna. Aksayado kasi sa tubig at sabon kung linggo-linggo magpapalit ako ng sapin sa higaan, pero palagi ko namang pinapagpag ang gamit ko para siguradong hindi pugaran ng mga surot. "

" Totoo, sobrang aksayado sa sabon kung linggo-linggo ngang kasama sa paglalaba ang mga sapin natin sa higaan, " pagsang-ayon nito saka kinuha ang basket na pinaglagyan nila ng mga sampayin. " Pero siyempre wala naman tayong magagawa kung ito ang gusto ng amo natin. Masyado kasing OC si sir Sebastian kaya intindihin na lang natin. "

" OC? Anong ibig sabihin no'n? "

" OC, kumbaga sobrang linis niya sa gamit. Ayaw ng magulo, gusto laging nasa ayos ang lahat, " paliwanag ni Anna, " Basta, napaka sinop ni sir Sebastian. Ayaw niyang makakakita ng mga alikabok lalo na sa gamit niya. Madaling uminit ang ulo. "

Napatango na lamang si Estrella habang pino-proseso sa isip ang narinig niya. Hindi rin niya gusto ang magulo at makalat na paligid pero hindi siya masinop sa gamit. 

" Estrella. " Napahinto ang dalawa sa paglalakad nang humarang si Manang Susan sa harapan nila. " Gusto kang makausap saglit ni sir Pio. Naroon siya sa sa garden, puntahan mo. "

" Po? Bakit raw po? " tanong ni Estrella pero isang kibit balikat lang ang tinugon ni Manang Susan sakaniya.

" Sige na puntahan mo na si sir Pio, ako na ang bahala rito, " ani Anna kaya walang nagawa si Estrella kundi ang pumunta sa hardin kung saan naghihintay sakaniya ang matandang may matamis na ngiti nang makita siya.

" Sir Pio, pinapatawag niyo raw po ako. May ipagagawa ho ba kayo? " tanong ni Estrella. 

" Huwag ka ng maging pormal saakin, Estrella. Darating ang araw na lolo Pio na ang itatawag mo saakin, " anito saka siya inanyayahang maupo sa kabilang silya. " Gusto lamang kitang makita at kumustahin. Nais ko ring malaman kung anong masasabi mo sa trabahong binigay ko sa'yo. "

" Sobra ho akong nagpapasalamat sainyo, " agad na wika ni Estrella, " Masaya po ako sa trabahong binigay n'yo saakin. Mababait po ang mga kasambahay dito at madali po silang pakisamahan kaya sigurado ho akong walang magiging problema sa hinaharap. "

Bahagya itong natawa. " Ano namang ibig mong sabihin sa bagay na 'yan? "

" Ang alin po? "

" Iyong sinabi mong walang magiging problema sa hinaharap? "

" Ah, iyon po ba? Ang ibig ko pong iparating ay hindi po ako aalis dito kahit na anong mangyari. Hindi bali na pong masungit ang amo ko, mabait naman ang mga kasama ko kaya sigurado ho akong magtatagal ako dito. "

Lalong lumaki ang ngisi sa mukha ng matanda saka sumandal sa silyang inuupan nito. 

" Suplado nga ang apo ko pero mabait na tao 'yan, Este. Nasisiguro ko sayo ang bagay na 'yon. "

" Ah, opo alam ko naman pong mabait si sir Sebastian. Siguro nasakto lang na mainit ang ulo niya kanina kaya nasungitan ho ako, " ani Estrella habang nagkakamot sa ulo niya. Gusto niyang bawiin ang sinabi niya kanina dahil nawala sa kaniyang isip na lolo ng amo niya ang kausap niya.

" Anyway, mayroon sana akong gustong itanong patungkol sa personal mong buhay kung ayos lang? Maliiit na detalye lang naman. "

" Ayos lang po, wala pong problema, " agad na tugon ni Estrella na kinatuwa ni Lolo Pio. 

" Ikaw ba ay may kasintahan ka na? "

" Wala po akong nobyo. "

" Maari ko bang malaan kung bakit? "

" Hindi ko pa po masyadong iniisip ang bagay na 'yon. Gusto kong mai-ahon muna sa kahirapan ang lola at lolo ko bago ho ako mag desisyon na magkaroon ng nobyo. "

Tumango-tango ito. " Kung ganoon, mas gusto mo munang tulungan ang lolo't lola mo bago ka pumasok sa isang relasyon. "

" Ganoon na nga po. Tsaka hindi po ba nabanggit ko na sainyo ang tungkol sa kalagayan ngayon ng lolo ko? " ani Estrella, " Ayon po, kailangan ko lalong mag doble kayod para sa kanila. Ayos lang po saakin na hindi muna magkaroon ng karelasyon dahil hindi naman po ako nagmamadali. Sina lola at lolo muna ang prayoridad ko para panatag ang loob ko. "

Umalis sa pagkakasandal si Lolo Pio nang makahanap ng tamang bwelo. 

" Paano kung sabihin kong ako na ang bahala sa mga gastusin ng iyong lolo sa ospital? Papayag ka? "

Nagsalubong ang kilay ni Estrella. " Bakit niyo ho 'yon gagawin? "

" Hmm, sabihin na nating magaan ang loob ko sayo at kagaya nga ng sabi mo kanina, wala akong nakikitang problema sayo sa hinaharap, " ani Lolo Pio saka ibinaba sa mesa ang folder na hawak niya mula pa kanina. " Ikaw ang babaeng napili ko para ituloy ang henerasyon ng mga Martinez. "

Bumaba ang tingin ni Estrella sa folder na ibinaba sa harap niya. Hirap siyang basahin ang nakasulat kaya tinanong na lamang niya. 

" Tungkol ho ba saan ito sir Pio? Hindi ko ho kasi maintindihan ang gusto niyong iparating saakin, " nahihiyang sabi ni Estrella saka binalik ang tingin sa folder. " Alam niyo naman po, hirap akong magbasa kaya pasenya na po kung di ko mabasa ang--"

" Ikaw ang babaeng napili ko para ipakasal sa aking apo. "

Katahimikan. 

" Po? A-ano hong kasal? Hindi po ako kasal sa apo n'yo. "

Nagpakawala ito nang mahinang tawa. " Alam ko dahil mangyayari pa lang ang bagay na 'yon kung papayag kang pakasalan ang aking apo na si Sebastian. "

" Si sir Sebastian? B-bakit po? Bakit po ako? " doon lang nag rehistro ang lahat kay Estrella kaya hindi niya maitago ang pagkataranta. " Sir Pio, hindi po kami magkasintahan ng apo niyo kaya wala pong dahilan para ipakasal niyo kami pareho. "

" Alam ko naman 'yon pero kailangan na kasi niyang makasal dahil matanda na si Sebastian. Ayokong umabot sa punto na tumanda siyang binata. Sayang ang lahi naming Martinez kung hindi niya gagamitin. " Bumuntong hininga ito upang ipakita ang pagkadismayado. " Wala siyang oras maghanap ng nobya o mapapangasawa dahil tutok na tutok siya sa trabaho. Sa katunayan, ako na nga ang gumagawa ng paraan para magkaroon siya ng kasintahan pero nasasayang lang dahil napaka pihikan ng apo ko. Magaganda naman ang mga babaeng ipinakikilala ko sakaniya pero wala pa rin siyang interes. Hindi ko nga malaan kung babae o lalake ba ang tipo. "

Napangiwi si Estrella. " Ganoon ho ba? "

" Oo ganoon nga at ako'y pagod na rin kahihintay magkaroon ng pangalan at pirma ang marriage contract na ito dahil wala talaga siyang balak asikasuhin ito. " Itinuro ni Lolo Pio ang folder na nasa harap nila. " Pero tadhana na ang kumilos dahil sa maniwala ka man o sa hindi, pangalan mo ang nakalagay dito. "

Nanlaki ang mata ni Estrella. " Po? Paano pong nangyari 'yon? "

" Aba'y hindi ko alam. Sulat at pirma mo ito kaya wala akong kinalaman diyan. " Binuksan nito ang folder at doon nakita ni Estrella ang pangalan at pirma niya sa isang bahagi ng papel. " Ngayon tatanungin ulit kita, papayag ka bang pakasalan ang apo ko kapalit ng pagtulong ko sa lolo't lola mo? Lahat ng gagastusin, h'wag mo ng alalahanin dahil ako na ang bahala doon. "

Katahimikan. 

" Ayos lang kung hindi mo pa alam ang sagot. Bibigyan kita ng isang araw para pag isipan—"

" Payag na po ako. " Huminga  nang malalim si Estrella. " Payag po akong pakasalan ang apo niyo. "

Gulat ngunit isang malaking ngiti ang gumuhit sa mukha ni Lolo Pio matapos marinig ang desisyon ng dalaga sa harap niya. Hindi inaasahan na magiging mabilis ang sagot niyo pero kakaibang tuwa naman sakaniya ang dala nito. 

" Masaya akong marinig 'yan pero gusto ko lang din ipaalam sayo na wala ng atrasan ang kasunduang ito. Hindi laro ang papasukin mo, Estrella kaya naman umaasa akong seryoso ka sa tugon mo ngayon saakin, hija. "

" Seryoso po ako sa naging sagot ko sainyo. Hindi po ba't pakakasalan ko lang naman ang inyong apo at tutulungan niyo naman po ako sa mga bayarin sa ospital ng aking lolo? Naiintindihan ko po ang papasukin ko, sir Pio, " ani Estrella. " Pero gusto ko lang pong itanong kung hanggang kailan po ito? "

Nagsalubong ang kilay ni Lolo Pio. " Hanggang kailan ang alin? "

" Ito pong kasunduan. Halimbawa pong  kinasal na po kami ni sir Sebastian, tutulungan niyo pa rin po ba ang lolo at lolo ko? "

" Tuloy-tuloy ang pagtulong na gagawin ko sakanila at huwag kang mag alala, ako na ang bahala sa kanila. Ang isipin mo na lang ngayon, kung paano mo paghahandaan ang buhay mag-asawa dahil sa susunod na buwan, hindi ka na kasambahay dito, isa ka ng Maybahay. "

---

Related chapters

  • Maid For You    CHAPTER 04

    CHAPTER 04 " Ano? Ikakasal ka kay sir Sebastian?! " pabulong ngunit malakas pa rin ang boses na napawalan ni Anna dahilan para mataranta si Estrella. " Huwag ka namang maingay muna, Anna. Baka may makarinig sayo, " ani Estrella habang lumilingon-lingon sa paligid para masiguro kung may ibang tao ba dito sa kusina pero wala kaya nakampante siya at tinuloy ang kwento. " Sayo ko pa lang nasasabi 'to at kailangan ko hingin ang opinyon mo tungkol sa bagay na 'to. " " Para saan pa? Nabigay mo na ang sagot mo kay sir Pio, hindi ba? " ani Anna sabay kagat sa mansanas na hawak niya. " Pero alam mo, hindi na ako gaanong nagulat kasi in-expect ko ng mangyayari 'to. " " Bakit naman? " " Kasi feeling ko—feeling ko lang naman ha? Walang kasiguraduhan pero feeling ko nga hindi ka pinasok ni sir Pio dito para maging kasambahay. Alam mo 'yon, parang dinahilan niya lang 'yon para mapapayag ka sa una tapos ito na nga, naging candidate ka para ipakasal sa amo natin, " ani Anna saka natawa nang baha

  • Maid For You    CHAPTER 05

    CHAPTER 05 Naging matagumpay ang seremonya ng kasal sa kabila ng kalituhang nangyari sa dalawang simbahan na halos magkatabi lang. Narito na ang lahat sa wedding reception subalit ang kahihiyan na nararamdaman ni Estrella na mula pa kanina ay hindi mawala-wala sakaniya. " Hindi magandang pinaglalaruan ang pagkain, " nabalik si Estrella sa katinuan nang marinig ang boses ni Sebastian. " S-sorry, " agad na binitawan ni Estrella ang kubyertos at hindi maiwasang ikumpara ang pinggan niya sa pinggan ni Sebastian. Simot na simot ito na para bang isang malaking kasalanan na may matirang katiting na pagkain dito. Inangat ni Estrella ang tingin sa kabuuan ng wedding reception. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na ganito karami ang mga bisitang dadalo sa kasal gayong sa side lang ni Sebastian ang mga taong narito ngayon. Wala ang kaniyang lolo at lola dito dahil nakiusap siyang huwag munang ipaalam sa mga ito ang pinasok niyang gulo. Ayaw niya munang iparating ang nangyari da

  • Maid For You    CHAPTER 06

    CHAPTER 06 Alas otso na ng gabi ngunit hindi pa rin lumalabas si Sebastian sa silid nito upang maghapunan. Walang ideya si Estrella kung tapos na ba ang online meeting na dinaluhan nito o hindi pa dahil nahihiya siyang kumatok sa pinto baka makaabala. Wala siyang maisip na ibang paraan kundi ang hintayin na lang itong lumabas bago galawin ang mga pagkain na nasa kaniyang harapan. " Nagugutom na 'ko..." buntong hiningang wika ni Estrella habang pinagmamasdan ang mga putahe sa mesa. Sa katunayan, kanina pa niya gustong galawin ito subalit pinipigilan niya ang sarili dahil kailangan niyang hintayin ang kasama niyang maupo sa kabilang silya para sila'y sabay na kumain ng hapunan. Hindi niya gustong maunang sumubo dahil wala naman siyang ginastos sa mga pagkain dito, hiya ang umiiral sa kaniya kung kaya naman kahit kumakalam na ang sikmura niya, tiis lang ang kaniyang magagawa. Kinuha ni Estrella ang pitsel na may lamang tubig para muling magsalin sa kaniyang baso at ito'y inumin. Halo

  • Maid For You    CHAPTER 07

    CHAPTER 07 Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman ni Estrella ang habang nakatingin sa dalawang magkasintahan na gumagawa ng eksena sa gitna. Nakaluhod ang binata sa harap ng dalaga na nagsisimulang tumulo ang luha nang isuot sa daliri nito ang singsing na siyang katibayan sa nalalapit nilang pag-iisa. Nagpalakpakan ang mga tao dahil sa naging resulta ng supresa ng binata sa kasintahan niya habang mayroon namang umiiyak na magulang dahil sa sobrang tuwa. " Ang galing... " komento ni Estrella na nakikipalakpak na rin kasama ang mga estranghero sa paligid niya. Ngayon lamang siya nakasaksi ng marriage proposal at hindi niya maalis-alis ang ngiti sa labi habang pinanonood ang nangyayari sa gitna. " Salamat po sa lahat! Maraming salamat po sa tulong niyo! " halos mapunit naman ang labi ng binata habang pinasasalamatan ang mga taong tumulong sa supresang ito at kasama doon si Estrella na may hawak na light stick na dagdag sa palamuting nakapalibot sa magkasintahan. Masaya nam

  • Maid For You    CHAPTER 08

    CHAPTER 08 Isang linggo na ang nakalipas at nakabalik na rin sila sa mansion sa wakas. Balik sa dati ang lahat kung saan, balik na rin sa pagiging abala si Sebastian sa kumpanya na kaniyang pinamumunuan. " Good morning sir Martinez! " ang bati ng bawat empleyadong nasasalubong ni Sebastian sa lobby. Lahat ay may mga matatamis na ngiti sa labi at ang mga mata ay tila ba kumikinang habang nakatingin sa kaniya. Wala siyang ideya kung bakit ganito ang salubong sakaniya ng mga tao sa opisina gayong mayroon pa silang problema kinahaharap ngayon. " Ako lang ba o talagang good mood lang sila? " tanong ni Sebastian sa kaniyang sekretarya nang makapasok sila sa elevator. " Good mood lang po sila Sir. " Nakangiting tugon nito bago pindutin ang numero sa gilid para sila'y dalhin sa palapag kung saan naroroon ang opisina nito. Ilang segundo bago bumukas ang pinto ng elevator, isang putok ng confetti ang bumulaga sa kanila. " Congratulation on your wedding sir Martinez! " Sabay-sabay na bati

  • Maid For You    CHAPTER 09

    CHAPTER 09 Halos mangalay na ang mga kamay ni Estrella at Anna bitbit ang samut-saring plastic bag na naglalaman ng kanilang mga pinamili. Nasa kalahati na ng listahan ang burado subalit hindi na nila kaya pang magdagdag ng panibagong hahawakang plastic bag dahil marami na sila nito ngayong bitbit. " Ilagay na kaya natin muna ito sa kotse? Mababali na ang mga kamay ko at ang sakit narin ng binti ko, " suhestiyon ni Anna saka binaba saglit ang mga dala niya. " Hindi ko akalaing mabibigat pala ang dadalhin natin. Dapat nagsama pa tayo ng isa. " " Kaunti na lang naman na iyong natitirang kailangan nating bilhin. Diretso na tayo, " ani Estrella habang sinusuri ang listahang hawak niya. Nilingon niya si Anna na halos sumalampak na sa lapag dahil sa bigat nga naman ng mga dala nito. " Ganito na lang, dalhin mo na 'yong ibang pinamili natin sa kotse tapos tawagin mo si kuya driver para tulungan tayo sa pag dala ng mga 'to. Ako naman, bibilhin ko na 'yong ibang mga natitira sa listahan para

  • Maid For You    CHAPTER 10

    CHAPTER 10 Pabagsak na naupo si Sebastian sa kaniyang swivel chair matapos tanggalin ang necktie na suot niya mula pa kaninang umaga. Pakiramdam niya ay lumuwag ang kaniyang paghinga subalit ang bigat sa ulo niya ay nanatiling sagabal sa pag-iisip ng solusyon sa kinahaharap nilang problema sa kumpanya. Ang dating nangungunang Pipol's app ay unti-unting nasasapawan ng isang bagong launch na app na halos wala ring pinagkaiba sa kanila ngunit mas tinangkilik na agad ito ng masa. Nagkaroon sila ng pagpupulong kanina at base sa mga narinig niyang komento ng mga empleyado niya, maraming pagkakatulad ang Pipol's app doon sa nasabing communication app na bagong labas lang. May mga nabuong teorya na baka ginaya lang ang kanila subalit hindi sila maaaring mag bintang nang walang sapat na ebindensya. Sa dami ng mga nauusong communication app ngayon, karamihan sa mga ito ay halos magkakatulad lang at mahirap mag akusa ng plagiarism kung ang pinagbasehan lang ay ang ilang mga pagkakatulad ng d

  • Maid For You    CHAPTER 11

    CHAPTER 11 Sa mga sandaling ito, hindi alam ni Sebastian ang nararapat na sabihin matapos marinig ang pagtatapat ni Estrella sa kaniya. Magkahalong gulat at pagtataka ang naramdaman niya dahil sa hindi inaasahang katapatan ng taong kaniyang pinakasalan. " Sebastian--" " Estrella, sandali lang, " pigil ni Sebastian sa kadahilanang baka magbitaw ulit ito ng salitang ikagugulat niya. Hirap siyang basahin ang takbo ng utak ni Estrella dahil mahilig itong manggulat sa paraan ng pagkilos at pananalita nito. Huminga si Sebastian nang malalim at diretsong tinitigan sa mata ang babaeng tila walang ideya kung anong lumabas sa bibig niya. " Tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi mo? " tanong ni Sebastian at hindi naman nagdawang isip si Estrella na tumango. " Pakiramdam ko, mayroon na akong gusto sainyo, " anito at inilagay ang isang kamay sa dibdib niya. " Ang bilis ng tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng paro-paro sa tiyan ko kanina--" " What the hell? " hindi na mapigilan ni Sebasti

Latest chapter

  • Maid For You    Author's Note

    Hi, maraming salamat po sa lahat ng nakaabot dito. Halos isang taon na rin pala simula noong isulat ko ito at ang sarap sa feeling na nakatapos ulit ako ng nobela. Sa ngayon, ito na pinakamahaba kong nobela na naisulat. Hindi ko inakala na aabot ito sa 100+ chapter pero wala, nag enjoy ako isulat ang journey nina Estrellla at Sebasian. San ganoon rin po kayo! So ayon, sa mga nagtatanong po kung mayroon bang story sina Anna/Javier at si Estrellita/Adam? Ang sagot ay wala po...pero puwede ring magbago depende sa panahon. Sa ngayon kasi, marami pa po akong story na planong i-published dito sa Good Novel at wala pang time para mag-isip ng plot sa mga side characters ng Maid For You. Ganunpaman, sana po ay suportahan niyo pa rin ako sa mga bago kong story at sa mga darating pang iba. Muli, salamat po sa inyong lahat!

  • Maid For You    EPILOGUE

    EPILOGUE Humugot ng isang malalim na hininga si Estrella habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. Walang mapaglagyan ang kaniyang tuwa, hindi siya makapaniwala na sa ikalawang pagkakataon, ikakasal ulit siya. " Ready ka na? " Napatingin si Estrella sa gilid nang marinig ang boses ng kambal. " Ganda ng ngiti mo, ah. Siguraduhin mong nakapag banyo ka na bago ka lumakad sa altar mamaya. Baka tumakbo ka na naman. " Bahagyang natawa si Estrella nang maalala ang marriage proposal ni Sebastian sa kaniya. Magkahalong kaba at saya ang naramdaman ni Estrella noong mga oras na yon, resulta upang magmadali siyang magtungo sa banyo. " But kidding aside, masaya ako para sayo, Estrella. " Inayos ni Estrellita ang belo na suot ng kaniyang kambal at pinagmasdan ang hitsura nito mula sa salamin. " Medyo nakakalungkot lang dahil saglit lang 'yong oras na nagkasama tayo. Ngayong kakasal ka na, malilimitahan na ang oras mo sa labas. " " Ate, noong nagkita naman tayo, kasal naman na kami

  • Maid For You    CHAPTER 125

    CHAPTER 125" Anong ginagawa niyo rito? " tanong ni Estrellita sa dalawang matanda saka siya lumapit sa kinatatayuan ng kambal upang hawakan ang kamay nito at ilagay sa kaniyang likuran. " Hindi kayo gusto makausap ni Estrella. Umuwi na lang kayo. "" H-hindi lang naman siya ang gusto naming kausapin, " ani Lola Teodora saka tumingin sa asawa bago muling ibalik ang tingin sa kambal. " Gusto namin kayong makausap na dalawa. "" Wala tayong dapat na pag-usapan. " Matigas na sambit ni Estrellita, humigpit ang kapit sa kamay ni Estrella nang maramdaman ang kagustuahn nitong lapitan ang dalawang matanda. " Wala kaming sasabihin sainyo. Umalis na lang kayo... "Hindi nagawang ituloy ni Estrellita ang balak na sabihin nang makita ang pagluhod ni Lolo Teodora na sinundan ni Lolo Emilio. " Humihingi kami ng kapatawaran sa ginawa namin, " saad ni Lolo Emilio, pilit pinipigilan ang luha subalit mababakas ang nginig sa boses nito. " Alam kong hindi sapat ang paghingi namin ng tawad at pagluhod s

  • Maid For You    CHAPTER 124

    CHAPTER 124 " Azami, saan ka pupunta? " Napahinto si Azami sa balak na pagbaba ng stage nang harangan siya ng Manager niya. " Kumalma ka muna, okay? Huwag mong ipakita na apektado ka. Maraming tao ngayon dito sa Mall at lahat ng mata at camera ay nakatutok sa'yo ngayon. " Mariing napapikit si Azami, at humugot nang malalim na buntong hininga sa pag-asang mawala ang mga daga sa dibdib niya ngunit hindi ito tumalab. " Okay guys, kumalma muna ang lahat. Mayroon lang po tayong technical difficulties ngayon at 'yong narinig niyo kanina ay isa lang audio clip mula sa haters. Relax lang po tayong lahat! " Pagpapagaan ng emcee sa sitwasyon. Hindi na gumagana ang mike kaya kinailangang nitong lakasan ang boses para marinig ng lahat ang sinasabi niya at hindi magkagulo ang mga tao. Walang alam ang emcee sa nangyayari ngunit kailangan niya pa ring gumawa ng paraan upang mapakalma ang lahat at matuloy ang programa. Tumingin si Azami sa puwesto kung saan niya nakita si Estrella ngunit hind

  • Maid For You    CHAPTER 123

    CHAPTER 123" Halikan mo 'ko. " Gumuhit ang gulat sa mukha ni Adam sa sinabi ni Estrellita na nakalingkis ang kamay sa braso niya." Pinagsasabi mo? Wala naman sa plano ''yon, Estrellita, " angal ni Adam saka binalik ang tingin sa harap kung saan abala ang lahat ng tao sa kani-kanilang mundo. Nasa isa sila ngayong parke, nakaupo sa isang bench habang magkahawak ang kamay ngunit si Estrellita ay halos ipulupot na ang sarili sa braso ni Adam." Para nga mas makatotohanan, 'di iba? Isipin mo na lang na ako si Estrella para hindi ka mailang, " ani Estrellita dahilan para lalong magsalubong ang kilay ni Adam. " Oh, bakit? May mali ba sa sinabi ko? 'Di ba may gusto ka sa kambal ko—"" Estrellita, please. " Pigil ni Adam, hindi komportable sa balak sabihin ng kasama niya, ngunit gusto niyang linawin ang lahat para hindi na ito mabuksan pa. " Yes, inaamin kong may gusto ako kay Estrella, pero matagal na 'yon at wala akong balak guluhin ang relasyon nila Sebastian. "" Talaga ba? " tila pang-a

  • Maid For You    CHAPTER 122

    CHAPTER 122 Halos lumuwa ang mata ni Anna nang makita ang nag doorbell sa labas ng gate ng mansyon. Ilang beses siyang kumurap sa pag-aakalang mag-iiba ang mukha ng babae sa harapan niya ngunit walang nabago sa histura nito. " Alam kong maganda ako, huwag mo na ako masyadong titigan, " anito saka isinara ang payong at tiniklop. " K-kayo ba ang kambal na sinasabi ni Este? " tanong ni Anna at nang tumango ito, napalitan ng paghanga ang nararamdaman niya. " Grabe, magkamukhang-magkamukha talaga kayo. Sa pananamit pa lang, si Este na ang nakikita ko sainyo. " " Hindi ito ang style ko. Ginaya ko lang ang pananamit ni Estrella para papasukin ako sa subdivision, " ani Estrellita saka tumingin sa loob ng gate. " Anyway, nandiyan ba siya ngayon? " " Ah, oo, na sa loob si Este. Pasok kayo, " sabik na pagpapatuloy ni Anna, hindi magawang alisin ang tingin kay Estrellita dahil labis ang gulat, tuwa at paghanga ang nararamdaman niya. Nang makarating sa salas, hindi maiwasang humanga ni Estr

  • Maid For You    CHAPTER 121

    CHAPTER 121 Sa apat na araw na itinagal ng burol ni Sergio, naging dahilan na rin ito para muling magsama-sama at magkita-kita ang pamilyang Martinez. Ang ibang mga kamag-anak na nasa ibang bansa ay umuwi upang makita sa huling pagkakataon si Sergio. Muli ring nagkita-kita ang mga malalapit na kaibigan ni Sergio sa araw ng libing nito, maliban sa isa na piniling hindi lumabas ng kotse habang pinanonood sa hindi kalayuan ang pagbaba ng kabaong sa ilalim ng lupa. " Sir Arman, hindi ho ba kayo bababa para tignan ang libing ni Mr. Sergio Martinez? " tanong ng sekretarya ni Arman na nasa passenger seat. " Hindi ho ba kayo magpapaalam sa dati niyong kaibigan? " Piniling hindi sumagot ni Arman. Hindi niya maintindihan kung bakit nakararamdam siya ng panghihinayang noong nagkausap sila ni Sergio na huling beses na pala mangyayari. Mayroong pagsisisi si Arman dahil hindi niya agad nagawang ilabas at ipakita ang galit na kinimkim niya ng matagal na panahon kay Sergio, dahil ngayong wala na i

  • Maid For You    CHAPTER 120

    CHAPTER 120 Hindi magawang gumalaw ni Sebastian sa kinaatayuan niya habang nakayakap sa kaniya si Estrella. Hindi niya inaasahan na makikita niya ito pag-uwi niya, ngunit sa kabila ng lungkot sa nangyari sa biglaang pagpanaw ng ama, kahit papano ay gumaan ang kaniyang nararamdaman dahil sa higpit ng yakap mula sa asawa, " Pasensya na kung umalis ako..." saad ni Estrella sa pagitan ng paghikbi. Inangat ni Sebastian ang kamay upang yakapin pabalik ang asawa ngunit humiwalay na si Estrella. " Patawarin mo 'ko kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo nang personal. Alam kong galit ka pa rin saakin, pero sana hayaan mo akong damayan ka..." Hindi magawang sumagot agad ni Sebastian. Gusto niyang sabihin na hindi na siya galit at aminin ang pagkakamali n'ya ngunit walang salita ang gustong lumabas sa bibig niya, hanggang sa biglang mag-ring ang kaniyang cellphone sa bulsa ng pantalon. Kinuha niya ito at isang tawag mula sa kaniyang tiya ang nakita niya. " Sebastian, nakauwi ka na ba? " tanong n

  • Maid For You    CHAPTER 119

    CHAPTER 119 " Okay, ready na ang lahat ng mga kailangan nating dalhin! " Masiglang wika ni Estrellita matapos isara ang zipper ng bag niya. Tumingin siya kay Estrella na nagkakamot ng ulo habang nakatingin sa ilang bagong biling damit at gamit nito. " So, anong balak mo? Tititigan mo na lang 'yan? Ilagay mo na kaya 'yan sa bag mo, 'no? Alas-tres ng madaling araw ang alis natin mamaya kaya dapat naka-ready na ang lahat ng mga gamit mo. " " B-bakit kasi ang daming biniling damit ni Mama? " Nahihiyang saad ni Estrella habang pinagmamasdan ang mga damit na binili sa kaniya ng ina. " Ang mahal pa ng mga damit—tsaka hindi ko kayang suotin 'tong kapirasong tela na 'to. " " Bikini ang tawag diyan, ano ba? Tsaka beach ang pupuntahan natin kaya normal lang na iyan ang mga suot doon. Mas pagtitinginan ka ng mga tao kung naka-pajama ka habang nag s-swimming. " Pinasadahan ng tingin ni Estrellita ang kapatid mula ulo hanggang paa. " Isa pa, perfect naman ang shape ng body mo. Sexy ka naman at a

DMCA.com Protection Status