Home / Romance / Maid For You / CHAPTER 01

Share

CHAPTER 01

Author: janeebee
last update Huling Na-update: 2022-02-11 15:32:51

CHAPTER 01

Halos malula si Estrella sa mga naglalakihang gusali sa harapan niya. Pakiramdam niya ay isa siyang bagong silang na sanggol na walang alam sa mga nangyayari sa kaniyang paligid, sapagkat sa dalawamput limang taong nabubuhay siya sa mundong ibabaw, ito ang unang pagkakataon na makarating siya sa isang malaki at magarang siyudad. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na lumuwas siya mag-isa at tanging isang mapa lang ang gumagabay sa destinasyong tatahakin niya.

" Excuse me, nakaharang ka sa daan. " Napalingon si Estrella sa likuran nang marinig ang isang boses. Agad siyang gumawi sa gilid at humingi agad ng pasensya. Binalik niya ang tingin sa paligid at wala pa ring pumapasok sa isip niya kung anong unang gagawin matapos niyang makarating sa dito sa siyudad. Umalis siya sa probinsya para makipagsapalaran dito subalit wala siyang konkretong plano kung paano magsisimula sa paghahanap ng trabaho. Kailangan niya ng pera para matulungan ang kaniyang lolo na nasa ospital at nagpapagaling mula sa sakit nito sa puso.

" Este, sigurado ka ba sa desisyon mo? Puwede namang manatili ka na lang dito sa probinsya at ako ang maghahanap ng trabaho. Kaya ko pa naman anak, " wika ng kaniyang lola Teodora habang tinutulungan siyang mag impake ng mga damit na dadalhin sa kaniyang pag luwas mamaya.

" Lola, ako na po ang bahala mag hanap ng trabaho. Kayo po ang magbabantay kay lolo, kailangan niya kayo, " aniya saka hinarap ang kaniyang lola. " Matanda na po ako La, kaya ko naman po ang sarili ko. Huwag kayong mag-alala saakin. "

" Naku Este, hindi mo ako mapipigilang hindi mag-alala sa'yo. Ito ang unang beses na lalabas ka ng probinsya at wala ka pang kasama. Maraming masasamang loob sa siyudad baka akala mo. Sobrang laki ng pagkakaiba ng probinsya natin sa mga tao doon sa labas at naku, mahirap mamuhay mag-isa doon kung wala kang kakilala. "

Ngumiti si Estrella. " Lola, huwag po tayo maging nega. Baka nakakalimutan niyo po, nag mana po ako sainyo kaya kahit anong hirap pa ang naghihintay saakin sa siyudad, buong tapang ko silang haharapin. "

Isang malalim na buntong hininga ang pinawalan ni Estrella nang maalala ang pag-uusap nila ng kaniyang lola Teodora kanina. Buong-buo ang loob niya kanina bago siya umalis pero ngayong narito na siya sa siyudad, hindi na niya alam ang gagawin at nais na lang umuwi pabalik.

" Hindi, para kay lolo Emil 'to. " Tinapik-tapik ni Estrella ang magkabilang pisngi upang gisingin ang sarili. Kinuha niya ang mapa sa bag na kaniyang dala-dala at dahil di siya gaanong marunong magbasa, kailangan niya pang magtanong-tanong sa mga estranghero upang malaman kung saang lugar siya ngayon naroroon. Elementarya lamang ang kaniyang inabot dahil mas pinili niyang tulungan muna noon ang lolo at lola niyang mag trabaho para sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Pagsasaka at pagtitinda ng mga gulay ang kanilang ikinabubuhay sa probinsya ngunit hindi 'yon sapat para mabayaran ang lahat ng kailangang bayaran sa pagpapagaling ng kaniyang lolo. Alam niyang ilang buwan pa ang aabutin para kitain ang perang kailangan nila kung kaya naman mas pinili na lamang niyang lumuwas dahil alam naman ng lahat na mas malaki ang kita sa siyudad kaysa sa di kilalang probinsya.

" Magandang umaga po." Nakangiting bati ni Estrella sa isang karinderya na pinasukan niya. " Ah, baka po kailangan niyo ng tao sa kainan niyo? Marunong po ako sa gawain sa kusina. "

" Naku pasensya na miss, puno na kami. Sa iba ka nalang mag hanap, " tugon sakaniya ng babaeng nasa kahera.

" Tagalinis po? Baka po kailangan—"

" Hindi namin kailangan. Sige na miss, umalis ka na. Maraming customer, hindi ka namin maaasikaso, " anito kaya wala ng nagawa si Estrella kundi ang umalis sa karinderya. Ala-dose na ng tanghali pero halos wala pa siyang kain. Idagdag pa na mabigat ang bag na dala-dala niya kaya hirap siya mag desisyon kung anong uunahin.

Naglakad siya patungo sa isang parke at naupo sa isang bench para mamahinga pansamantala. Ginamit ang mapa para paypayan ang sarili dahil tagaktak ang pawis niya sa sentido at leeg dahilan ng kaniyang paglalagkit. Tirik na tirik ang araw pero wala siyang oras para mamahinga nang matagal dahil hindi pwedeng lumubog ang araw na wala siyang napapala.

Tumingin siya sa paligid at dahil kumakalam na ang sikmura niya, naglabas siya ng barya para bumili ng maiinom. Kailangan niya mag tipid-tipid dahil sapat lang ang perang baon niya para sa pambili niya ng pagkain sa tatlong araw.

" Kuya, mineral nga po. Iyong maliit lang tsaka malamig po sana. " Turo ni Estrella sa isang plastic bottle na mura lang ang presyo. Agad namang binigay sakaniya ang tubig pero hindi nga lang malamig kagaya ng gusto niya. Hindi na siya nag reklamo at binayaran na lang ang binili.

Pabalik na sana si Estrella sa bench kung saan siya namahinga pero napadaan ang kaniyang tingin sa isang matanda na hinihingal sa daan. May hawak itong tungkod bilang suporta sa paglalakad pero nang mabitawan ito ng kamay niya, hindi nag dalawang isip si Estrella na puntahan ito at alalayang makaupo sa isang bench na malapit sa kanila.

" Tay, ayos lang po kayo? Tubig po, kailangan niyo? Ano pong masakit sainyo? " sa pagkataranta, hindi na alam ni Estrella ang unang itatanong niya. Tumingin siya sa paligid at nagbabakasakaling may mahihingan pang tulong pero tinapik siya ng matanda.

" Hija, tubig...kailangan ko ng tubig, " mahinang bigkas nito at mabilis namang binuksan ni Estrella ang tubig na binili niya para iabot sa matanda. Nanginginig nitong tinanggap at dire-diretsong ininom ang lamang tubig na halos mangalahati na bago isauli sa kaniya.

" O-okay na po ba kayo, Tay? Ano pa po bang kailangan niyo? " tanong ni Estrella  saka ibinalik ang takip ng bote. " Baka po may masakit pa sainyo? Sabihin niyo po agad para makahingi agad ako ng tulong at madala kayo sa ospital--"

" Hindi...hindi na kailangan ng ospital, " agad na sabi ng matanda saka mariing pumikit upang maalis ang nanlalabo niyang paningin. " Nakaramdam lang ako ng hilo dahil sa tindi ng init ng panahon. Hindi ko naman akalaing makakaramdam ako agad ng paghingal gayong wala pa namang kalahating oras akong nasa parkeng ito. "

" Ganoon ho ba? Wala po ba kayong kasama man lang para maalalayan kayo? Delikado po kasi na mag-isa lang kayo, Tay. Baka kung mapano pa kayo sa daan, " bakas ang pag-aalala sa boses ni Estrella dahil nakikita niya ang lolo niya sa matandang tinulungan niya. " Saan ho ba ang bahay niyo? "

" Naku, malayo pa ang bahay ko rito. Bibisita lang sana ako sa apo ko pero masyado pala akong napaaga dahil wala pa 'yon sa kanila. Nasa opisina pa 'yon ng ganitong oras, " tugon ng matanda, " Wala naman akong gagawin sa bahay niya kaya naisip kong mag libot-libot muna dito sa parke bago ako dumiretso sa kanila. "

" Saan ho ba ang opisina niya? Gusto niyo po bang samahan ko kayo para dalhin sa kaniya? "

Tumingin ang matanda sa kaniya at nagtaka si Estrella nang bahagya itong matawa.

" Wala kang dapat ipag-alala saakin hija. Maayos ako at kailangan lang ng kaunting pahinga, " anito saka kinuha ang tungkod niya na nasa gilid. " Maraming salamat pala sa pagtulong mo saakin. Maaari ko bang malaman ang ngalan mo? "

" Ako po si Estrella pero pwede niyo ho akong tawaging Este dahil iyon tawag saakin ng karamihan. "

Nakangiting tumango ang matanda bago tumayo. " Masaya akong makilala ka hija. Hindi ka taga-rito sa siyudad, tama ba? "

Gumuhit ang gulat sa mukha niya. " Paano niyo po nalaman? "

" Sa tagal kong nakatira dito sa siyudad, halos kabisado ko na ang mukha ng mga tao rito at alam ko rin kung may mga dayo, " anito saka lumingon-lingon sa paligid. " Mag-iingat ka dahil maraming masasamang loob ang pwedeng lumapit sa mga dayong kagaya mo. "

" Iyon nga po ang ikinababahala ko ngayon. Ito ho kasi ang unang pagkakataon na lumuwas ako mag-isa dahil kailangan kong maghanap ng trabaho, pero ang hirap po pala lalo na't di ka pamilyar sa mga lugar at tao rito. 

" Ano bang trabaho ang hinahanap mo? Baka matulungan kita. "

" Kahit ano hong trabaho. Kailangan na kailangan ko po ngayon mismo. Handa ho akong pasukin ang kahit na anong trabahong ire-rekomenda niyo. "

Napahawak sa balbas ang matanda at pinasadahan ng tingin si Estrella mulo ulo hanggang paa bago magpasya.

" Sige, sumama ka saakin ngayon at mayroon akong trabahong ibibigay sayo. "

***

Kung nalula si Estrella sa nagtataasang gusali kanina, mas nalula siya sa mansion kung nasaan siya ngayon.

" Ang ganda ng bahay... " hindibmapigilan ni Estrella ang mag komento dahil ngayon pa lamang siya nakakita ng magarang mansion. Madalas sa mga litrato at telebisyon lamang siya nakakakita ng ganitong mga uri ng bahay at aminado siyang manghang-mangha sa estilo nito. Pakiramdam tuloy niya, para siyang nasa palasyo.

" Susan, ikaw muna ang bahala sa kaniya. Hindi ako maaaring magtagal at may biglaang meeting akong kailangan puntahan ngayon. " Napalingon si Estrella sa likuran niya nang marinig ang sinabi ng matandang nagdala sakaniya dito.

" Tay, aalis na ho kayo? Akala ko ho ba gusto niyo makita ang apo niyo? " takhang tanong ni Estrella. 

" Sa ibang araw na lang siguro. Biglaan lang rin kasi ang meeting na ito at kailangan naroon ako, " anito sakaniya saka tinapik ang isang matandang babae na nag ngangalang Susan. " Kayo na ang bahala sa kaniya dito at kung tanungin kayo ng amo niyo tungkol sakaniya, sabihin niyong ako ang tumanggap sakaniya. "

" Masusunod sir Pio, " tugon ni Susan, ang pinakamatagal ng kasambahay sa mansion na inaapakan ngayon ni Estrella. Tatlo lamang silang mga kasambahay sa mansion na isang tao lang ang nakatira at sinusunod nila. Minsan lang rin nila makita ang kanilang amo dahil madalas ay nakakulong lang ito sa opisina o kwarto habang nag ta-trabaho. Ayaw nito ng magulo at maingay at sobrang istrikto pagdating sa kalinisan ng kapaligiran.

" Saan po tayo pupunta? " tanong ni Estrella kay Susan na nasa unahan niya at diretsong naglalakad sa mahabang pasilyong tinatahak nila.

" Sa opisina ng magiging amo mo. Kailangan ka niyang makita at makilala. Halos kararating lang din niya galing trabaho, " tugon nito saka sila huminto sa isang kwarto at bago kumatok, nagbigay pa ito ng payo sakaniya. " Hija, alam kong kasambahay ang papasukan mo pero kailangan maganda at maayos ang first impression sayo ni sir. Galingan mo pa rin sa interview mo kahit na si sir Pio pa ang nagdala sayo dito. "

" O-okay po, " ang tanging naisagot na lamang ni Estrella dahil sa kakaibang nerbyos na naramdaman matapos siyang paalalahanan.

Kumatok ng tatlong beses si Manang Susan bago buksan ang pinto at papasukin sa loob si Estrella na kabado pero sabik sa papasuking trabaho.

" Magandang tanghali po, " halos mapunit ang labi ni Estrella nang batiin ang lalakeng nasa mesa at nakaupo sa isang magarang office chair na nakatalikod muka sa kaniya. " Magandang tanghali po sir Sebastian. Ako po ang bagong kasambahay niyo, Estrella po ang pangalan ko. "

Umikot paharap sakaniya ang inuupan ng kaniyang magiging amo at nang magtama ang kanilang mga mata, lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Estrella. Hindi alam kung sa kaba o nabighani lang siya sa kakisigan ng lalake sa kaniyang harapan. Kakaiba ang tindig nito at tila isang artista sa paningin niya.

" May nakakatawa? "

Nabalik siya sa realidad nang tanungin siya nito. " Po? Anong pong nakakatawa? "

" Ikaw ang tinatanong ko. Anong nakakatawa? "

" Wala po, " nagtatakang tugon ni Estrella.

" Kung ganoon bakit ka nakangiti ng ganiyan? "

Otomatikong inalis ni Estrella ang kurba sa labi niya. " Sorry po kung di niyo nagustuhan. Normal na ngiti ko lang po 'yon. "

Saglit na namayani ang katahimikan. Tumayo si Sebastian sa kaniyang kinauupan at pinasadahan ng tingin ang babae sakaniyang harapan.

" Kasambahay ba talaga ang pakay mo dito? " 

" Opo katulong po ang papasukin ko dito, " mabilis na tugon ni Estrella.  " Lahat po kaya kong gawin. Kaya ko pong magluto, maglaba, maglinis ng bahay, mag hugas ng pinggan—"

" Wala pa akong tinatanong sayo, nakasagot ka na, " putol ni Sebastian saka diretsong tinitigan sa mata si Estrella. " Isang tanong, isang sagot lang ang kailangan ko. Ano talaga ang pakay mo dito? "

" Trabaho po. "

" Trabaho ng ano? "

" Katulong niyo po sir. "

" Ilang taon? "

" Kahit ilang taon po. "

" Ano? "

" Po? "

Muling namayani ang katahimikan dahil sa di pagkakaintindihan ng dalawa. Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Sebastian at kinuha ang folder na hawak ni Estrella mula pa kanina. Binuklat niya ito at doon nakita ang ilang impormasyon o detalye patungkol sa babae sa harap n'ya.

" So, twenty-five years old ka pa lang. Bata ka pa, " anito habang binabasa ang nakalagay sa resume ni Estrella. " Hanggang elementarya lang ang pinasok mo? "

" Ah opo, hindi po kasi—"

" Isang tanong, isang sagot, " muling paalala nito kaya tinikom na ni Estrella ang bibig niya at nangakong hindi magsasalita hanggat di hinihingi ang opinyon niya.

Sa kaligtaan ng pagbabasa ni Sebastian sa resume niya, biglang may tumunog na cellphone kaya natigil ito at kinuha ang cellphone sa ibabaw ng kaniyang mesa. Sinagot ang tawag at bahagyang lumayo para kausapin ang nasa kabilang linya pero napagtantong may kasama pa pala siya sa loob.

" Ikaw, marunong ka naman siguro mag basa at magsulat hindi ba? Pirmahan mo 'yong employment contract at pagkatapos pwede ka ng lumabas, " ani Sebastian bago bumalik sa pakikipag usap sa kabilang linya ng cellphone.

Nakangiwing naglakad si Estrella sa mesa at nakita ang dalawang folder na itinuro ni Sebastian. Inangat niya ang tingin sa amo pero nakakunot ang noo nito habang nakikipag usap kaya di na siya nagtangkang mag tanong at kinuha na lamang ang ballpen bago buklatin ang dalawang folder.

" Alin kaya dito 'yon? " takhang tanong ni Estrella habang nagpapalit-palit ang tingin sa dalawang kontrata na nasa ibabaw ng mesa. Hirap siyang magbasa lalo na sa wikang ingles kaya naman nanghula na lang siya. Kinuha niya ang isang folder at hinanap ang ilang pamilyar na sa kaniyang salita kung saan inilalagay ang pangalan at lagda ngunit ang hindi niya alam, ang kontrata na kaniyang pipirmahan ay isa sa magiging dahilan ng pagbabago ng takbo ng buhay niya, sapagkat ang inaakala niyang employment contract na kaniyang nilalagdaan ay isa pa lang agreement marriage contract.

---

Kaugnay na kabanata

  • Maid For You    CHAPTER 02

    CHAPTER 02 Isang magandang umaga ang sumalubong kay Estrella pagkagising niya dahil naging mahimbing ang pagtulog kagabi. Bukod pa doon, mayroon na siyang nahanap na maayos na trabaho na bawas sa iisipin niya at naging maganda rin ang pakikitungo sakaniya ng mga kasama. Sa isang kwarto, apat silang magkakasama ngunit may mga sariling kama. Pinaliwanag na rin sakaniya ang mga alituntunin sa mansion na siyang kinabisado niya bago matulog kagabi. Hindi siya gaanong marunong magbasa subalit sa pagdating sa pagkakabisa, maasahan siya. " Este, sunod ka na sa labas mamaya ha? Start na tayo, " sabi ni Anna, ang kasambahay na una niyang nakapalagayan ng loob dahil halos pareho sila ng rason kung bakit sila narito sa siyudad ngayon. " Oo sige, susunod na ako. Ayusin ko lang 'to, " ani Estrella habang tinatali ang kaniyang mahaba at bagsak na buhok. Suot na niya ang uniporme at habang nakaharap sa salamin, hindi niya maiwasang pagmasdan nang maagi ang sariling repleksyon. Ngayon lang niya napa

    Huling Na-update : 2022-02-11
  • Maid For You    CHAPTER 03

    CHAPTER 03 " Paano ako nakakasigurong tutupad kayo sa usapan? " tanong ni Sebastian sa kaniyang Lolo Pio na lalong lumaki ang ngiti sa labi sa naging sagot niya. " Malalaman mo kapag kinasal na kayo, " tugon ni Lolo Pio saka naglakad pabalik sa upuan ng kaniyang apo. " Sebastian, may isang salita ang lolo. Kailan man ay hindi ko nagagawang hindi tumupad sa usapan. " Hindi kumibo si Sebastian at nanatili ang mga tingin sa marriage contract na hawak ng kaniyang lolo. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya dahil wala pa mang isang linggo ang kasambahay na ito sa kaniya, nakagawa na ito agad ng isang malaking pagkakamali na pati siya ay nadamay. " Hindi ba talaga kayo makakapaghintay na makapag asawa ako? " hindi maiwasang itanong ni Sebastian dahil halos araw-araw, palaging pinapaalala sakaniya ang pagkakaroon ng kasintahan at pag aasawa. Noon ay hindi naman niya ito pinapansin dahil alam niyang titigil din ang lolo Pio niya sa ginagawa nito pero nagkamali siya dahil umabot na sa pun

    Huling Na-update : 2022-03-01
  • Maid For You    CHAPTER 04

    CHAPTER 04 " Ano? Ikakasal ka kay sir Sebastian?! " pabulong ngunit malakas pa rin ang boses na napawalan ni Anna dahilan para mataranta si Estrella. " Huwag ka namang maingay muna, Anna. Baka may makarinig sayo, " ani Estrella habang lumilingon-lingon sa paligid para masiguro kung may ibang tao ba dito sa kusina pero wala kaya nakampante siya at tinuloy ang kwento. " Sayo ko pa lang nasasabi 'to at kailangan ko hingin ang opinyon mo tungkol sa bagay na 'to. " " Para saan pa? Nabigay mo na ang sagot mo kay sir Pio, hindi ba? " ani Anna sabay kagat sa mansanas na hawak niya. " Pero alam mo, hindi na ako gaanong nagulat kasi in-expect ko ng mangyayari 'to. " " Bakit naman? " " Kasi feeling ko—feeling ko lang naman ha? Walang kasiguraduhan pero feeling ko nga hindi ka pinasok ni sir Pio dito para maging kasambahay. Alam mo 'yon, parang dinahilan niya lang 'yon para mapapayag ka sa una tapos ito na nga, naging candidate ka para ipakasal sa amo natin, " ani Anna saka natawa nang baha

    Huling Na-update : 2022-03-02
  • Maid For You    CHAPTER 05

    CHAPTER 05 Naging matagumpay ang seremonya ng kasal sa kabila ng kalituhang nangyari sa dalawang simbahan na halos magkatabi lang. Narito na ang lahat sa wedding reception subalit ang kahihiyan na nararamdaman ni Estrella na mula pa kanina ay hindi mawala-wala sakaniya. " Hindi magandang pinaglalaruan ang pagkain, " nabalik si Estrella sa katinuan nang marinig ang boses ni Sebastian. " S-sorry, " agad na binitawan ni Estrella ang kubyertos at hindi maiwasang ikumpara ang pinggan niya sa pinggan ni Sebastian. Simot na simot ito na para bang isang malaking kasalanan na may matirang katiting na pagkain dito. Inangat ni Estrella ang tingin sa kabuuan ng wedding reception. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na ganito karami ang mga bisitang dadalo sa kasal gayong sa side lang ni Sebastian ang mga taong narito ngayon. Wala ang kaniyang lolo at lola dito dahil nakiusap siyang huwag munang ipaalam sa mga ito ang pinasok niyang gulo. Ayaw niya munang iparating ang nangyari da

    Huling Na-update : 2022-03-03
  • Maid For You    CHAPTER 06

    CHAPTER 06 Alas otso na ng gabi ngunit hindi pa rin lumalabas si Sebastian sa silid nito upang maghapunan. Walang ideya si Estrella kung tapos na ba ang online meeting na dinaluhan nito o hindi pa dahil nahihiya siyang kumatok sa pinto baka makaabala. Wala siyang maisip na ibang paraan kundi ang hintayin na lang itong lumabas bago galawin ang mga pagkain na nasa kaniyang harapan. " Nagugutom na 'ko..." buntong hiningang wika ni Estrella habang pinagmamasdan ang mga putahe sa mesa. Sa katunayan, kanina pa niya gustong galawin ito subalit pinipigilan niya ang sarili dahil kailangan niyang hintayin ang kasama niyang maupo sa kabilang silya para sila'y sabay na kumain ng hapunan. Hindi niya gustong maunang sumubo dahil wala naman siyang ginastos sa mga pagkain dito, hiya ang umiiral sa kaniya kung kaya naman kahit kumakalam na ang sikmura niya, tiis lang ang kaniyang magagawa. Kinuha ni Estrella ang pitsel na may lamang tubig para muling magsalin sa kaniyang baso at ito'y inumin. Halo

    Huling Na-update : 2022-03-07
  • Maid For You    CHAPTER 07

    CHAPTER 07 Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman ni Estrella ang habang nakatingin sa dalawang magkasintahan na gumagawa ng eksena sa gitna. Nakaluhod ang binata sa harap ng dalaga na nagsisimulang tumulo ang luha nang isuot sa daliri nito ang singsing na siyang katibayan sa nalalapit nilang pag-iisa. Nagpalakpakan ang mga tao dahil sa naging resulta ng supresa ng binata sa kasintahan niya habang mayroon namang umiiyak na magulang dahil sa sobrang tuwa. " Ang galing... " komento ni Estrella na nakikipalakpak na rin kasama ang mga estranghero sa paligid niya. Ngayon lamang siya nakasaksi ng marriage proposal at hindi niya maalis-alis ang ngiti sa labi habang pinanonood ang nangyayari sa gitna. " Salamat po sa lahat! Maraming salamat po sa tulong niyo! " halos mapunit naman ang labi ng binata habang pinasasalamatan ang mga taong tumulong sa supresang ito at kasama doon si Estrella na may hawak na light stick na dagdag sa palamuting nakapalibot sa magkasintahan. Masaya nam

    Huling Na-update : 2022-03-08
  • Maid For You    CHAPTER 08

    CHAPTER 08 Isang linggo na ang nakalipas at nakabalik na rin sila sa mansion sa wakas. Balik sa dati ang lahat kung saan, balik na rin sa pagiging abala si Sebastian sa kumpanya na kaniyang pinamumunuan. " Good morning sir Martinez! " ang bati ng bawat empleyadong nasasalubong ni Sebastian sa lobby. Lahat ay may mga matatamis na ngiti sa labi at ang mga mata ay tila ba kumikinang habang nakatingin sa kaniya. Wala siyang ideya kung bakit ganito ang salubong sakaniya ng mga tao sa opisina gayong mayroon pa silang problema kinahaharap ngayon. " Ako lang ba o talagang good mood lang sila? " tanong ni Sebastian sa kaniyang sekretarya nang makapasok sila sa elevator. " Good mood lang po sila Sir. " Nakangiting tugon nito bago pindutin ang numero sa gilid para sila'y dalhin sa palapag kung saan naroroon ang opisina nito. Ilang segundo bago bumukas ang pinto ng elevator, isang putok ng confetti ang bumulaga sa kanila. " Congratulation on your wedding sir Martinez! " Sabay-sabay na bati

    Huling Na-update : 2022-03-09
  • Maid For You    CHAPTER 09

    CHAPTER 09 Halos mangalay na ang mga kamay ni Estrella at Anna bitbit ang samut-saring plastic bag na naglalaman ng kanilang mga pinamili. Nasa kalahati na ng listahan ang burado subalit hindi na nila kaya pang magdagdag ng panibagong hahawakang plastic bag dahil marami na sila nito ngayong bitbit. " Ilagay na kaya natin muna ito sa kotse? Mababali na ang mga kamay ko at ang sakit narin ng binti ko, " suhestiyon ni Anna saka binaba saglit ang mga dala niya. " Hindi ko akalaing mabibigat pala ang dadalhin natin. Dapat nagsama pa tayo ng isa. " " Kaunti na lang naman na iyong natitirang kailangan nating bilhin. Diretso na tayo, " ani Estrella habang sinusuri ang listahang hawak niya. Nilingon niya si Anna na halos sumalampak na sa lapag dahil sa bigat nga naman ng mga dala nito. " Ganito na lang, dalhin mo na 'yong ibang pinamili natin sa kotse tapos tawagin mo si kuya driver para tulungan tayo sa pag dala ng mga 'to. Ako naman, bibilhin ko na 'yong ibang mga natitira sa listahan para

    Huling Na-update : 2022-03-11

Pinakabagong kabanata

  • Maid For You    Author's Note

    Hi, maraming salamat po sa lahat ng nakaabot dito. Halos isang taon na rin pala simula noong isulat ko ito at ang sarap sa feeling na nakatapos ulit ako ng nobela. Sa ngayon, ito na pinakamahaba kong nobela na naisulat. Hindi ko inakala na aabot ito sa 100+ chapter pero wala, nag enjoy ako isulat ang journey nina Estrellla at Sebasian. San ganoon rin po kayo! So ayon, sa mga nagtatanong po kung mayroon bang story sina Anna/Javier at si Estrellita/Adam? Ang sagot ay wala po...pero puwede ring magbago depende sa panahon. Sa ngayon kasi, marami pa po akong story na planong i-published dito sa Good Novel at wala pang time para mag-isip ng plot sa mga side characters ng Maid For You. Ganunpaman, sana po ay suportahan niyo pa rin ako sa mga bago kong story at sa mga darating pang iba. Muli, salamat po sa inyong lahat!

  • Maid For You    EPILOGUE

    EPILOGUE Humugot ng isang malalim na hininga si Estrella habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. Walang mapaglagyan ang kaniyang tuwa, hindi siya makapaniwala na sa ikalawang pagkakataon, ikakasal ulit siya. " Ready ka na? " Napatingin si Estrella sa gilid nang marinig ang boses ng kambal. " Ganda ng ngiti mo, ah. Siguraduhin mong nakapag banyo ka na bago ka lumakad sa altar mamaya. Baka tumakbo ka na naman. " Bahagyang natawa si Estrella nang maalala ang marriage proposal ni Sebastian sa kaniya. Magkahalong kaba at saya ang naramdaman ni Estrella noong mga oras na yon, resulta upang magmadali siyang magtungo sa banyo. " But kidding aside, masaya ako para sayo, Estrella. " Inayos ni Estrellita ang belo na suot ng kaniyang kambal at pinagmasdan ang hitsura nito mula sa salamin. " Medyo nakakalungkot lang dahil saglit lang 'yong oras na nagkasama tayo. Ngayong kakasal ka na, malilimitahan na ang oras mo sa labas. " " Ate, noong nagkita naman tayo, kasal naman na kami

  • Maid For You    CHAPTER 125

    CHAPTER 125" Anong ginagawa niyo rito? " tanong ni Estrellita sa dalawang matanda saka siya lumapit sa kinatatayuan ng kambal upang hawakan ang kamay nito at ilagay sa kaniyang likuran. " Hindi kayo gusto makausap ni Estrella. Umuwi na lang kayo. "" H-hindi lang naman siya ang gusto naming kausapin, " ani Lola Teodora saka tumingin sa asawa bago muling ibalik ang tingin sa kambal. " Gusto namin kayong makausap na dalawa. "" Wala tayong dapat na pag-usapan. " Matigas na sambit ni Estrellita, humigpit ang kapit sa kamay ni Estrella nang maramdaman ang kagustuahn nitong lapitan ang dalawang matanda. " Wala kaming sasabihin sainyo. Umalis na lang kayo... "Hindi nagawang ituloy ni Estrellita ang balak na sabihin nang makita ang pagluhod ni Lolo Teodora na sinundan ni Lolo Emilio. " Humihingi kami ng kapatawaran sa ginawa namin, " saad ni Lolo Emilio, pilit pinipigilan ang luha subalit mababakas ang nginig sa boses nito. " Alam kong hindi sapat ang paghingi namin ng tawad at pagluhod s

  • Maid For You    CHAPTER 124

    CHAPTER 124 " Azami, saan ka pupunta? " Napahinto si Azami sa balak na pagbaba ng stage nang harangan siya ng Manager niya. " Kumalma ka muna, okay? Huwag mong ipakita na apektado ka. Maraming tao ngayon dito sa Mall at lahat ng mata at camera ay nakatutok sa'yo ngayon. " Mariing napapikit si Azami, at humugot nang malalim na buntong hininga sa pag-asang mawala ang mga daga sa dibdib niya ngunit hindi ito tumalab. " Okay guys, kumalma muna ang lahat. Mayroon lang po tayong technical difficulties ngayon at 'yong narinig niyo kanina ay isa lang audio clip mula sa haters. Relax lang po tayong lahat! " Pagpapagaan ng emcee sa sitwasyon. Hindi na gumagana ang mike kaya kinailangang nitong lakasan ang boses para marinig ng lahat ang sinasabi niya at hindi magkagulo ang mga tao. Walang alam ang emcee sa nangyayari ngunit kailangan niya pa ring gumawa ng paraan upang mapakalma ang lahat at matuloy ang programa. Tumingin si Azami sa puwesto kung saan niya nakita si Estrella ngunit hind

  • Maid For You    CHAPTER 123

    CHAPTER 123" Halikan mo 'ko. " Gumuhit ang gulat sa mukha ni Adam sa sinabi ni Estrellita na nakalingkis ang kamay sa braso niya." Pinagsasabi mo? Wala naman sa plano ''yon, Estrellita, " angal ni Adam saka binalik ang tingin sa harap kung saan abala ang lahat ng tao sa kani-kanilang mundo. Nasa isa sila ngayong parke, nakaupo sa isang bench habang magkahawak ang kamay ngunit si Estrellita ay halos ipulupot na ang sarili sa braso ni Adam." Para nga mas makatotohanan, 'di iba? Isipin mo na lang na ako si Estrella para hindi ka mailang, " ani Estrellita dahilan para lalong magsalubong ang kilay ni Adam. " Oh, bakit? May mali ba sa sinabi ko? 'Di ba may gusto ka sa kambal ko—"" Estrellita, please. " Pigil ni Adam, hindi komportable sa balak sabihin ng kasama niya, ngunit gusto niyang linawin ang lahat para hindi na ito mabuksan pa. " Yes, inaamin kong may gusto ako kay Estrella, pero matagal na 'yon at wala akong balak guluhin ang relasyon nila Sebastian. "" Talaga ba? " tila pang-a

  • Maid For You    CHAPTER 122

    CHAPTER 122 Halos lumuwa ang mata ni Anna nang makita ang nag doorbell sa labas ng gate ng mansyon. Ilang beses siyang kumurap sa pag-aakalang mag-iiba ang mukha ng babae sa harapan niya ngunit walang nabago sa histura nito. " Alam kong maganda ako, huwag mo na ako masyadong titigan, " anito saka isinara ang payong at tiniklop. " K-kayo ba ang kambal na sinasabi ni Este? " tanong ni Anna at nang tumango ito, napalitan ng paghanga ang nararamdaman niya. " Grabe, magkamukhang-magkamukha talaga kayo. Sa pananamit pa lang, si Este na ang nakikita ko sainyo. " " Hindi ito ang style ko. Ginaya ko lang ang pananamit ni Estrella para papasukin ako sa subdivision, " ani Estrellita saka tumingin sa loob ng gate. " Anyway, nandiyan ba siya ngayon? " " Ah, oo, na sa loob si Este. Pasok kayo, " sabik na pagpapatuloy ni Anna, hindi magawang alisin ang tingin kay Estrellita dahil labis ang gulat, tuwa at paghanga ang nararamdaman niya. Nang makarating sa salas, hindi maiwasang humanga ni Estr

  • Maid For You    CHAPTER 121

    CHAPTER 121 Sa apat na araw na itinagal ng burol ni Sergio, naging dahilan na rin ito para muling magsama-sama at magkita-kita ang pamilyang Martinez. Ang ibang mga kamag-anak na nasa ibang bansa ay umuwi upang makita sa huling pagkakataon si Sergio. Muli ring nagkita-kita ang mga malalapit na kaibigan ni Sergio sa araw ng libing nito, maliban sa isa na piniling hindi lumabas ng kotse habang pinanonood sa hindi kalayuan ang pagbaba ng kabaong sa ilalim ng lupa. " Sir Arman, hindi ho ba kayo bababa para tignan ang libing ni Mr. Sergio Martinez? " tanong ng sekretarya ni Arman na nasa passenger seat. " Hindi ho ba kayo magpapaalam sa dati niyong kaibigan? " Piniling hindi sumagot ni Arman. Hindi niya maintindihan kung bakit nakararamdam siya ng panghihinayang noong nagkausap sila ni Sergio na huling beses na pala mangyayari. Mayroong pagsisisi si Arman dahil hindi niya agad nagawang ilabas at ipakita ang galit na kinimkim niya ng matagal na panahon kay Sergio, dahil ngayong wala na i

  • Maid For You    CHAPTER 120

    CHAPTER 120 Hindi magawang gumalaw ni Sebastian sa kinaatayuan niya habang nakayakap sa kaniya si Estrella. Hindi niya inaasahan na makikita niya ito pag-uwi niya, ngunit sa kabila ng lungkot sa nangyari sa biglaang pagpanaw ng ama, kahit papano ay gumaan ang kaniyang nararamdaman dahil sa higpit ng yakap mula sa asawa, " Pasensya na kung umalis ako..." saad ni Estrella sa pagitan ng paghikbi. Inangat ni Sebastian ang kamay upang yakapin pabalik ang asawa ngunit humiwalay na si Estrella. " Patawarin mo 'ko kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo nang personal. Alam kong galit ka pa rin saakin, pero sana hayaan mo akong damayan ka..." Hindi magawang sumagot agad ni Sebastian. Gusto niyang sabihin na hindi na siya galit at aminin ang pagkakamali n'ya ngunit walang salita ang gustong lumabas sa bibig niya, hanggang sa biglang mag-ring ang kaniyang cellphone sa bulsa ng pantalon. Kinuha niya ito at isang tawag mula sa kaniyang tiya ang nakita niya. " Sebastian, nakauwi ka na ba? " tanong n

  • Maid For You    CHAPTER 119

    CHAPTER 119 " Okay, ready na ang lahat ng mga kailangan nating dalhin! " Masiglang wika ni Estrellita matapos isara ang zipper ng bag niya. Tumingin siya kay Estrella na nagkakamot ng ulo habang nakatingin sa ilang bagong biling damit at gamit nito. " So, anong balak mo? Tititigan mo na lang 'yan? Ilagay mo na kaya 'yan sa bag mo, 'no? Alas-tres ng madaling araw ang alis natin mamaya kaya dapat naka-ready na ang lahat ng mga gamit mo. " " B-bakit kasi ang daming biniling damit ni Mama? " Nahihiyang saad ni Estrella habang pinagmamasdan ang mga damit na binili sa kaniya ng ina. " Ang mahal pa ng mga damit—tsaka hindi ko kayang suotin 'tong kapirasong tela na 'to. " " Bikini ang tawag diyan, ano ba? Tsaka beach ang pupuntahan natin kaya normal lang na iyan ang mga suot doon. Mas pagtitinginan ka ng mga tao kung naka-pajama ka habang nag s-swimming. " Pinasadahan ng tingin ni Estrellita ang kapatid mula ulo hanggang paa. " Isa pa, perfect naman ang shape ng body mo. Sexy ka naman at a

DMCA.com Protection Status