Napalingon ako sa narinig ko mula kay Alexander. Alam niya na hindi si Nico ang ama ni Andrea? Alam niya na nagsinungaling ako? Dahan dahan akong lumalapit sa kanya bumulong ako sa kaniyang kanang tainga. "It's none of your business." Umatras ako ng kaunti at hinarap siya. "Oo, inaamin kong nag sinungaling lang ako, tapos? Anong pakialam mo?" Kumunot ang noo ni Alexander at nanlilisik ang kanyang tingin sa akin. "Thea!!" pasigaw niyang sambit. Nag walk out na ako kaagad dahil napapansin kong nangingilid na ang aking mga luha ngunit pinigilan ako ni Alexander. "Nagsasalita pa ako! Sino ang tunay na ama ni Andrea?!" Napayuko na lamang ako at para bang hindi na ako makahinga sa kaba dahil tila'y galit na ito."W-wala ka ng pakialam tungkol dito Mr. Alexander, buhay ko naman ito." "Hindi eh, kaya ka ganiyan dahil puno ng tampo at sakit ang puso mo. Pwede bang isantabi mo muna ang lahat ng iyan? Alang-alang sa dati nating relasyon?" Oo, tama si Alexander. Puno nga ng sakit at ta
Nagkatinginan kami ni Alexander sa aming narinig mula sa Mommy niya. Narinig niyang tinawag ako ni Alexander sa pangalan ko. "N-no, madam k-kaibigan-" Naputol ako sa aking pagsasalita dahil hinawakan niya bigla ang aking kamay. Hindi ko nakikitang galit si Madam, ang nakita ko ay pagsisisi sa kanyang mukha. "Thea, ikaw yan diba? Sorry! Sorry Thea," humahagulhol ito sa pag-iyak. "Please forgive me, pinarusahan na yata ako ng Panginoon dahil pinutol ko ang relasyon niyo ni Alexander. Sobrang sama kong Ina, akala ko ay kahit kamatayan ay madadala ko ang lahat ng yaman kaya gusto kong ipakasal si Alexander sa babaeng balang araw ay tagapag mana rin ng kanilang negosyo." Pumapatak na ang luha ni madam samantalang si Alexander ay napahilot nalang sa kanyang sentido. Umaalis ito at hinayaan lang muna kami rito na mag-usap. Muling nagsalita pa si Madam. "Pinarusahan na siguro ako ng Diyos. Hindi na ako makakita, hindi na ako makalakad ng maayos, at hindi na ako makapag patakbo ng negosyo
Nagkatinginan kami ni Alexander saglit. Shit! Hindi pwede to! Hinila ko siya palabas ng room namin. "Hinila mo ako dito sa labas? Ako ang nagbayad, tapos ako pa ang ipalabas mo? Woah, can't believe this, Ms. Reyes!" pang-asar nito. "Of course, Mr. Alexander. Baka ano pang isipin ni Andrea kapag dito ka matulog besides I already have a husband, nakalimutan mo na ba? Kaya please lang, watch your actions." Yumuko ito habang nakapamulsa. "Okay, sige. It's okay," aniya sa mahina niyang boses. Alexander Fuentes Pov: Husband? Hanggat wala akong nakikitang lalaking kasama niya palagi hindi ako susuko. I know about Nico, pinsan niya iyon. Nakalimutan niya bang kaya ko na ngayon mag utos ng mga tao? Hindi na ako katulad dati, ngayon na ako na ang nagpapatakbo ng sarili kong kumpanya naging mas responsable na ako ngayon sa aking bawat galaw. I'm 33 years old already, lagpas na ako sa kalendaryo kaya dapat lang na magtino ako. Hindi ko naman talaga balak tumabi sa kanila, even though Thea
Napaupo nalang ako sa aking natunghayan, pero impossible naman na siya ang driver ng sasakyang iyon. Sobrang yaman niyang tao tapos ano? Namamasahero siya? Impossible naman. Nakita kong umaahon na sila ni Andrea kaya agad kong binalik ang wallet sa bag niya at nagmamadaling umalis para magpalit ng pangligo. I'm wearing a color white two piece at may color black see through na cover up. Hindi naman siguro nakakahiya magsout ng ganito dito dahil halos ang mga naliligo rito ay naka pang swimming attire rin. Nasanay rin ako sa ibang bansa na walang pakialaman ang mga tao. Pabalik na ako ng table namin, tanaw ko si Andrea na tuwang tuwa kay Alexander habang sinusubuan siya ng pagkain. Sa totoo lang nakakatakot rin na baka sobrang ma attach si Andrea sa Daddy niya, natatakot ako na baka tutol nanaman ang tadhana sa amin tapos masasaktan lang si Andrea kapag nalaman niya si Alexander talaga ang Dad niya. Kaya sa ngayon, hayaan ko munang mag bonding sila hindi ko na ilalayo ang anak ko sa
Nagising ako na nasa loob na ako ng tent. Shit! Ano kaya ang nangyari kagabi? Pilit kong inalala ang mga nangyari pero wala talaga akong maalala. Masyado yata akong napainom ng marami. Bumalik na kami dito sa 5 Star Hotel para dahan dahan ng mag impake ng mga gamit. Flight narin namin agad mamayang 6:00 ng gabi. Alexander told me na kailangan naming makauwi na dahil parating na ang investor ng kanyang kumpanya. Bago kami pumunta ng airport ay dumalaw muna kami sa puntod ni Inay. Nagdala narin ako ng mga bulaklak para ibigay sa kanya. Hindi man nagtagpo muli ang aming landas ang importante ay nalaman ko na hindi niya ako basta basta lang iniwan. Kaya pala noong magkasama kami sa mansyon ay sobrang gaan ng pakiramdam ko habang nag-uusap kami. Papunta na kami ng airport since 2 hours nalang ay mag alas singko na ng hapon. Sobrang daming pinamili ni Andrea na mga key chain souvenier mula dito sa Cagayan De Oro. Nagkakasundo pa talaga sila ni Alexander. Hindi ko maiwasang mapagmasdan si
Mrs. Fuentes POV:Nais kong malaman kung apo ko si Andrea, kung anak siya ni Alexander kay Thea. Oo, hadlang ako noon sa relasyon nila dahil ang nais ko ay kahanay namin sa antas ng buhay ang mapangasawa ni Alexander, ngunit ngayon, hindi ko na pipigilan si Alexander sa kung sino ang mamahalin niya, kung sino ang babae na magbibigay direksyon sa buhay niya, at kung sakali man na anak nga ni Alexander si Andrea, magiging lubos akong masaya.-------- Thea Reyes Pov:Nandito kami ngayon sa lobby ng kumpanya ni Alexander. Natataranta at kinabahan man tinanong ko parin ng mahinahon si Andrea."Anak, sa susunod huwag kang aalis bigla na hindi alam ni mommy ha, sobrang pag-aalala ko sayo kanina" sambit ko habang napapaluha."Opo mommy, hindi na po mauulit" agad namang sagot nito at niyakap ako."Halika na anak, uwi na tayo..."Biglang dumating si Alexander at tilay hinabol pa kami rito. "Ihatid ko na kayo pauwi Thea.." alok ni Alexander"Hindi na Alexander, kaya ko naman magmaneho. Salamat
"Thea, saan si Andrea?!" Pinagtinginan na kami ng mga staff rito. Ayaw kong pumangit ang background ko dahil lang sa usap-usapan na ako raw ang sumira sa relasyon nila. Huminga ako ng malalim at saglit na pumikit.... "Bakit? Nalaman mo na ba ang totoo?" sagot ko kay Alexander. "Isa pa! Saan ang anak ko? Saan si Andrea? Ang anak mo, saan ang anak natin?!" bulyaw niya na siyang kinagulat ng mga staff dito sa kumpanya.Taimtim akong na nakatingin kay Alexander habang pumapatak ang mga luha. Dahan dahan akong lumalapit sa kanya at niyakap ko ng mahigpit. "S-sorry, ga..." pagtawag ko sa aming tawagan dati. Naramdaman kong mas humigpit ang yakap ni Alexander sa akin. Mas lalong na intriga ang mga staff rito at pinagtinginan kami. Akala koy sa pelikula ko lang makita ang ganito, nangyayari pala talaga sa totoong buhay at sa akin pa talaga. "Mommy..." Napatingin kami sa aming likuran. Si Andrea kasama ang tito Nico niya, tumakbo pa ito papalapit sa amin at bakas sa kanyang mukha ang ng
Natulala ako sa binitawan ni Alexander. Manliligaw siyang muli sa akin at kay Andrea? Nananatili parin akong nakatingin sa kanya habang iniisip at hinahanap ang tamang salita para isagot sa kanya. Napadilat kami ng biglang tumawag ng Mommy si Andrea mula sa kwarto. Lumabas ito bigla at agad binitawan ni Alexander ang aking kamay at umupo kami ng maayos na para bang walang nangyari kanina. Nakahalukipkip pa ang batang bagong gising sa aming harapan at tilay nagtataka ang mukha. "What's wrong po ba?" Naku talaga! Parang matanda na kung makapag imbestiga. Biglang natawa si Alexander at humawak ito sa bibig niya, sinisiko ko siya na huwag magpahalata muna. Sobrang cute raw kasi ni Andrea kaya natawa siya. Agad nitong nilapitan at niyakap. Kinalong niya si Andrea at nag kwentuhan silang dalawa habang ako ay niligpit muna ang mga kalat sa mga pagkain at niligpit ang kama kung saan natulog si Andrea. Nililingon ako ni Alexander dahil nakatalikod si Andrea ay para bang inaasar ako sa mga
Chapter 37"Good evening everyone, thank you for celebrating with me," anito habang unti-unting tinatanggal ang kaniyang maskara. Halos nanlambot ang aking mga tuhod at kamay. Para akong sinalakay bigla ng kaba na hindi ko maintindihan ang naramdaman ko. I felt betrayed! Hindi maaari!!! Ang babaeng top investor namin ay si Thea! Nang tinanggal nito ang kaniyang maskara ay napatingin na lamang rin si Katrina sa akin. Agad niya itong tiningnan ang profile ni Thea sa company, ibang pangalan ang ginamit niya para hindi namin siya makilala. "Meron akong special na bisita ngayong gabi," sambit niya habang ang mga mata niya'y klarong-klaro na sa akin nakatoun."Ms. Cathlyn" "M. Katrina" Of course hindi mawawala ang supportive husband ko na si Alexander. Napalingon ako sa likod at naroon nga si Alexander at mas lalo akong nagulat nang katabi pa niya si mommy. "What the hell is going on? Katrina!" "I don't know, Cath. Hindi ko talaga alam. Gulong-gulo rin ako. Wait, ibig-sabihin matag
Chapter 36 Namilog ang mata ko nang makitang kalong na ni Alexander si Andrea. "A...anong pakay mo?" tanong ko sa nalilitong tono."Wala! I just want to be with you and Andrea," saad niya sa kalmadong mukha.Really? Sa kabila ng lahat na nangyari, nagawa pa niyang magpakita sa harapan ko na parang wala lang? How insensetive he is! Hindi man lang niya inisip ang naramdaman ko. Patibong ba 'to? Huminga ako ng malalim."Can I talk to your dad, Andrea?" Ngumiti ako na parang walang tensyong namamagitan sa amin ni Alexander."Mommy, gagala po ba tayo with dad Alexander?" tanong ni Andrea na halos lumundag sa saya. Hindi ko alam pero nangilid bigla ang luha ko. Tinitigan ko saglit ang anak ko at niyakap ito saglit. "Usap lang kami ah? Iloveyou" Saka hinalikan siya sa noo.Hinili ko si Alexander sa labas at siniguradong hindi kami maririnig ni Andrea. "Nanadya kaba?" Diretsahan kong tanong.Bigla niya akong niyakap..."I'm sorry. I love you, Thea," anito habang yakap akong mahigpit. T
Bakas sa mukha ni Jordan ang kaniyang pagkagulat sa aking ginawa. Natulala ito sa aking pinakitang parang paglalandi sa kaniya. As if, totohanin ko naman. "Anong kondisyon ba ang sinasabi mo?" ani nito sa malamig na boses."Help me to get revenge." "Bakit kapa mag revenge? Dahil ba sa mga mana na sana ay para sa anak mo? O dahil mahal mo talaga ang ama ng iyong anak?"Napabuntong-hininga ako at napatigil saglit. "Gusto ko lang bawiin ang para sa akin," ani ko habang nakatingin sa kawalan.------------Umaga nanaman, pinagtimpla ko kaagad ng gatas si Andrea. Medyo marami akong iniisip ngayon dahil maglilipat-bahay nanaman kami. Bagong simula! Kung alam ko lang na ganito rin ang mangyari sana hindi nalang naglaan ng oras para kay Alexander pero masaya ako ngayon kahit sa kabila ng mga pagsubok na dumating alam kong makakaya namin to ni Andrea. Iniwan ko muna saglit si Andrea kay tyang Alice. Papunta ako sa mall ngayon, mayroon lang akong kailangan bilhin. Nakapack narin lahat ng amin
Agad akong umuwi ng bahay pagkatapos ang nangyari kanina sa opisina. Pinalitan nila ako sa aking posisyon. Katrina, is the girl that supposed to be maging ka arranged marriage ni Alexander ngunit hindi iyon natuloy. Baka ngayon na maglaho na ako sa buhay nila baka matuloy na, parang sunod-sunoran lang din naman si Alexander sa kapatid niya. I have trust in him pero ewan ko! Nawala na ang lahat ng iyon simula noong hindi niya ako pinagtanggol. Cathlyn, her sister was my client noong nasa canada ako. She sell her father's properties pero nalaman ko nalang na hindi pala alam iyon nila Alexander at donya Fuentes.--------- Abala ako sa aking pagtipa ng aking laptop habang nagkakape. Iniwan kong bukas ang telebisyon namin nang narinig ko ang balita na inanunsyo na raw ang tagapag mana ni donya fuentes. Kilala ng mga media ang pamilya nila Alexander dahil sa kilalang bilyonaryo sila at maraming negosyo. Nakita ko sa screen ang tamis ng ngiti ni Cathlyn. Hindi naman to tungkol sa pera lan
THEA'S POV: Umaga ng ako'y nagising. Maga ang mata at parang nawalan narin ng gana bumangon. Mabuti nalang binigyan ako ng Panginoon ng unica ija na magpapatibay sa akin sa ganitong sitwasyon. Minsan nakakapagod na, ginawa ko naman lahat pero mayron parin talagang umaaligid sa buhay ko na mga demonyo. Akala ko'y magiging okay na kami Alexander. Ito na nga ang sinasabi ko na baka masaktan lang ulit si Andrea kapag malaman niyang hindi nanaman kami nagkakasundo ni daddy niya. Gagawin ko ang lahat maging safe lang ang anak ko sa mga taong may balak sirain ang buhay namin. Babalik din ako! Nagdusa man ako ngayon pero hinding-hindi ko hahayaan na sisirain pa nila ang mundo ko. Akala ni Cathlyn hindi ko alam ang totoo? Iyong binenta niyang ari-arian sa ibang bansa dati hindi pala alam ng mommy at daddy nila ni Alexander. At least meron na akong alas laban sa kaniya. Sa susunod pang manghimasok pa siya sa buhay ko, hinding-hindi ko na siya uurongan pa! Nagluto ako ng agahan at sinilip lan
Nagulat ang mga tao rito sa biglang pagsalita ni Cathlyn. Mas lalo akong kinabahan ng tumingin siya sa akin na para bang kulang nalang ay kakainin niya ako sa demonyo niyang tingin. Wala akong pakialam sa yaman nila. Nakaya kong buhayin si Andrea na ako lang mag-isa even the 500,000 money na binigay ni Mr. Fuentes ay hindi ko iyon ginalaw dahil may sarili akong fund pero ang siraan ako sa harap ng mga tao ay baka hindi ko kakayanin. Marami na akong masasakit na karanasan kailan ba ito matatapos? Nangatog ang tuhod ko sa sobrang kaba. Dahan-dahan kaming lumabas sa venue at hila-hila ko si Andrea ngunit bigla akong hinawakan sa braso... Ni Cathlyn. "Plan to escape?" saad niya sa mahinang boses. "How dare you to cross the line! You planned this, Cathlyn! Wala kang awa," madiin kong pagkasabi ngunit kami lang ang nakakarinig. Pakiramdam koy aatakihin ako sa kaba lalo na't nakatingin sa amin si Alexander. Dali-dali kong kinuha sa bag ang headset at inilagay ko sa tainga ni Andrea at i
Dahan-dahan akong bumaba sa kama at dinampot ang aking mga damit. Nag tip-toe ako papuntang comfort room at nagmamadaling magbihis ngunit pagbalik ko ng kama ay naka-upo na si Jordan. Matalas ang kaniyang tingin sa akin at nag evil laugh ito. "Hi! It's been a while, Thea!" "Can't believe this, Jordan! Ano ito? Ilang taon na ang lumipas bakit kapa nagpakita sa akin?" Bulyaw ko sa kaniya."Kailangan ko ng pera kaya heto! Pumayag ako." "Shit! Wala kang pinagbago. Pagkatapos ng lahat-lahat nagagawa mo na akong traydorin?" Tumaas ang sulok ng kaniyang labi at ngumiti ito. "Ikaw rin! Wala kang pinagbago. Kumapit ka sa bilyonaryo para umangat sa buhay!" Hindi ko napagilan ang sarili ko at nasampal ko si Jordan. Ayokong ipakitang nasasaktan ako pero tangina! Bakit?! Bakit ipinagkait sa akin ang kasiyahan? Ito na sana 'yon eh pero dahil diyan sa Cathlyn na iyan ay mawala lang ang lahat. Alam kong magagalit si Alexander sa akin. Biglang tumunog ang cellphone ko at pagtingin ko ay si Alex
umipas ang isang linggo, nag handa na kami para sa aming travel goals ni Andrea at kasama pa si Alexander. Ganito pala ang pakiramdam kapag bou kayo. "Saan kana?" "On the way na ako, I will fetch you and Andrea diyan mismo sa bahay niyo," sagot nito sa kabilang linya. Flight na namin papuntang Hongkong, I never thought that Alexander would join us to travel abroad. Dati ay pangarap ko lang na maigala si Andrea pero sobra pa ang dumating, naging okay kami ni Alexander at tinanggap pa siya ng anak niya ng boung-buo. "Mommy? I want to bring these." Turo niya sa mga laruan niya. "Anak, huwag kana magdala ng mga toys mo dahil hindi na kakasya sa maleta natin." "But mommy... Gusto kong kasama ko ang mga barbie doll ko sa pag travel. Unang abroad natin ito kaya gusto ko silang isama," pagpapaliwanag nito sa malambing na tono. "O siya, sige na. Basta iyang dalawang barbie doll mo lang dalhin mo." Aba'y gusto ba naman dalhin lahat ang barbie doll niya. Nasa sampu na nga itong mga barbi
Chapter 29 Napatingin si Alexander sa akin na para bang nagtataka ito. Tinaasan ko lang siya ng dalawang kilay habang naka ngiti. Pagtingin ko kay Andrea ay nakangiti ito habang nakapikit ang mata. Para bang kinilig siya sa kanyang sinabi. Humalik ako kay Thea at hinila si Alexander palabas ng kuwarto. Dali-dali kaming pumunta sa hardin kahit gabi na. "What happened? I mean, alam na niya? Paano? Sino nagsabi?" Hindi mapakaling pagtatanong nito. Taimtim akong tumingin sa kanya, hindi ko mapigilang ngumiti habang nangingilid ang luha. "Yes, nalaman na niya. Sinabi ko," diretso kong sagot kahit hindi naman talaga ito ang totoo. Niyakap niya ako ng mahigpit habang tumatanaw kami sa mga bituin. Bigla niyang naalala ang mga alaala namin dito seven years ago. "Dito tayo huling nag-usap," saad niya sa mahinang boses. "Oo nga, muntik ko narin sana sabihin sa'yo noon na buntis ako." "B-bakit hindi mo sinabi agad?""Gusto ko kasi dati na mapag-usapan natin sa lugar kung saan hindi ako m