HINDI maalis ang kaba sa puso ni Monica habang lulan sila ng kotse patungo sa opisina ni Federico. Pinagpapawisan siya nang malamig at hindi mapakali sa upuan. “Kumalma ka nga, Monica. Lalo kang mahihirapan niyan,” sita ng kan’yang tiya na katabi niya sa backseat. Kandong nito si Kenji. “Eh, hindi ko maiwasan, Tita. Ayaw paawat ng kaba ko,” aniya. “Sa halip na magpadaig ka sa takot, magdasal ka. Magtiwala ka rin kay Federico na hindi niya kayo pababayaan. Marami namang bodyguards na nagbabantay sa atin.” Panay ang buga niya ng hangin at nakailang inom na ng tubig. Malayo pa sila sa kumpanya ni Federico kaya ayaw humupa ng kan’yang kaba. Nakasunod naman sa kanila ang kotse ng bodyguards pero hindi siya makampanti hanggat hindi sila nakararating sa distinasyon. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makarating sila sa kumpanya ni Federico. May nakaabang na mga bodyguard sa labas ng kumpanya at sinalubong na sila. Bantay-sarado sila hanggang makapasok ng gusali. Naghahanda na rin an
NAPATAKBO palabas ng opisina si Federico matapos matanggap ang report ng kan’yang agent na kasama ni Monica. Tinambangan umano ng mga kalaban ang kotse at tinangay ang kan’yang mag-ina. Nanginginig siya sa galit at binulabog ang tauhan maging ang kasama niya sa organisasyon. Hindi umano kinaya ng bodyguards ni Monica ang dami ng kalaban at tila planado nang maayos ang pagsugod ng mga ito. Kumpiyansa siya dahil kasama ni Monica ang magagaling niyang agent pero naisahan ang mga ito. May ibang grupo na humarang sa kotse na backup upang mapalayo sa grupo ni Monica. Namatayan pa siya ng driver at isang agent. “F*ck!” gigil niyang usal habang lulan ng kotse. It’s too late. Nakuha na ng kalaban ang mag-ina niya. Halos paliparin na ng driver ang kotse ngunit hindi pa siya nakontento. Hindi na nila naabutan ang kalaban. Dinala na sa ospitala ng agents na sugatan at dead on arrival naman ang driver at isang bodyguard. Napasandal siya sa dingding sa labas ng emergency room ng ospital at naghi
“F-FERNAND!” kabadong sambit ni Monica nang makita si Fernand na pumasok ng kuwarto. “Bakit kailangan mong gawin ‘to?” mangiyak-ngiyak niyang saad. Tumayo sa tapat niya ang lalaki ngunit hindi nagsalita. Sinuyod niya ito ng tingin. Nakasuot ito ng black suit at pansin niya na medyo nahumpak ang katawan nito, hindi kasing kisig ng unang kita niya. Kumislot siya nang tuluyan itong lumapit sa kan’ya at hinawakan ang kan’yang baba. Inangat nito ang mukha niya kaya napatitig siya sa mga mata nito. Mayamaya rin ay lumayo ito pero walang sinabi. May dinukot ito sa bulsa ng pants, ang kan’yang cellphone. Inilapag nito iyon sa lamesa bago lumabas. Ang weird lang bakit hindi siya kinausap ni Fernand. Bumaba siya ng kama at kinuha ang kan’yang cellphone. Na-drain na ang battery nito pero may dala naman siyang charger sa bag. Nag-charge kaagad siya ng cellphone at hinintay malamanan bago binuksan. Nabuksan nga ang cellphone ngunit mahina ang signal. May data pa siya kaya nag-chat siya kay Fed
NAG-CANCEL ng meeting si Federico at nagtungo siya sa headquarters ng CEG. Nadatnan niya ang tauhan nila na naghahanda para sa pag-atake sa kalaban. Naroon din si Duke at nagmando sa mga tao. “What happened, Eagle?” tanong ni Duke. Dala pa rin kasi niya ang gigil kaya nag-aapura siya. “We need to catch Wilfredo before he reach his main goal!” nanggagalaiting sabi niya. “May bagong impormasyon ka bang nakuha?” “Monica told me what she discovered, but it’s unclear. Sinabi niya na posibleng patay na si Fernand at malamang ay si Wilfredo ang nagpanggap na kapatid ko. He got all the details from Fernand, and he used it against us.” Napailing si Duke. “Wala talagang kuwenta ‘tong si Wilfredo. Calm yourself, Eagle. We’re not sure about Fernand’s status. Baka nagkamali lang si Monica.” Iginiit niya na nagkamali nga lang si Monica. Hindi matanggap ng sistema niya na tuluyang mawawala ang kakambal niya. Madudurog talaga niya si Wilfredo oras may ginawa itong masama sa kapatid niya. Inasi
TINUTUKAN ni Federico ng baril ang lalaking kamukha niya ngunit nagtaas ito ng mga kamay. He just moaning. Mariing kumunot ang noo niya. Ito marahil ang lalaking sinabi ni Monica na naputulan ng dila at tumulong sa asawa niya. “Who are you?” tanong niya. Hindi nagsalita ang lalaki. Mabuti inabala siya ni Stefano na nasa kabilang linya. “I saw another impostor, and he’s not talking,” sabi niya. “He was just pretending. Kasama ko ang isa na hindi makapagsalita,” ani Stefano. Nang mapansing bumunot ng baril mula sa tagiliran nito ang lalaking kaharap ay kaagad niyang kinalabit ang garilyo ng kan’yang baril. Sa kanang balikat lang niya binaril ang lalaki. Sinugod niya ito at tinadyakan sa ulo. Nang bumulagta ito sa sahig ay saka niya inalis ang maskara nito. Hindi nga ito ang lalaking tinutukoy ni Monica. “You’re right, Stefano. Naisahan ako ng kalaban pero don’t worry. Napatumba ko na siya,” aniya. “Nice. Just proceed. We’re waiting here. Sundan mo lang ang pasilyo at sa dulo kami
NAKALABAS na sila ng tunnel at diretso na sa ilog pero dumating ang rescue helicopter nila kaya dito nila isinakay si Fernand. They found the nearest hospital and urgently admitted Fernand and some other wounded agents. Pinapasok na nila sa operating room si Fernand kahit wala pang doktor na mag-oopera lalo’t gabi na. Hindi mapakali si Federico habang naghihintay na may doktor na mag-asikaso sa kapatid niya. Wala pang available na surgeon on call. Hindi naman basta magagalaw ng ibang doktor ang pasyente lalo’t maselan ang tinamaan ng bala, nasa pagitan ng puso at baga. They need experts. He tried to call Dr. Guilliani. And gladly, Chase was willing to go to help them. Pinasundo niya ito ng helicopter mula Maynila. Naghanap lang ito ng meeting place. “Please save my brother!” samo niya sa nurse na lalaki. “We need extra blood, sir!” wika ng nurse. “I’m the patient’s twin. Can I donate my blood?” “We need screening first, sir. But we can rush it.” “Please do it!” Tumuloy naman s
KINABUKASAN ng umaga ay muling inatake ng pagkahilo si Monica at nagsuka. Inalalayan pa siya ni Federico papasok ng banyo at panay ang hagod sa kan’yang likod. “Kaya mo bang bumiyahe?” tanong nito. “Oo, mamaya kakalma rin ang sikmura ko. Magpapahinga lang ako saglit. Asikasuhin mo muna si Kenji,” aniya. Naghilamos na siya. Iginiya rin siya ni Federico pabalik sa kama. “I will prepare our breakfast,” anito nito nang mapaupo siya sa kama. “Sige. Gusto ko lang ng mainit na sabaw at kahit nilagang itlog lang,” aniya. “Okay. Dadalhin ko na si Kenji para hindi ka maabala.” Lumabas din ang mag-ama. Humiga siyang muli sa kama at kinuha ang kan’yang cellphone. Sinagot niya ang sandamakmak na chat ng kan’yang tiya. Nag-aalala na ito sa kan’ya. Hindi pa niya nasabi rito na nakauwi na sila ni Kenji. Nagbabalak na itong susugod doon sa bahay nila. Nalaman nito na na-kidnap sila dahil tumawag si kay Federico. Nawala rin ang hilo niya at sakit ng ulo. Nakaidlip siya ulit at ginising lang siy
DAHIL sa pagkawala ng step-father ni Monica ay hindi na sila nakauwi ng bahay ni Federico. Bumili na lamang sila ng pagkain sa restaurant para sa tanghalian. Sinamahan niya ang nanay niya hanggang sa maasikaso ang labi ng asawa nito. Ibinigay pa rin niya ang perang tulong dito at dinagdagan ni Federico upang mabigyan ng maayos na libing ang step-father niya. Bago lumubog ang araw ay naiuwi na rin ang labi ng step-father niya. Saka lang sila nakauwi ng bahay ni Federico. Nangako siya sa kan’yang ina na dadalo sa libing ng asawa nito. Kinabukasan ay bumalik na sa trabaho si Federico. Sumama si Monica sa kan’yang asawa upang tulungan ito sa tambak na paperwork. Doon na silang mag-ina sa opisina kasama ng mga pusa. Mas marami nga namang magagawa si Federico kung naroon sila dahil nakakapag-focus ito at hindi sila naiisip na malayo. Habang nakaupo sa tapat ng lamesang katapat ni Federico ay panay at chat niya sa kan’yang ina. Inaalala niya ito baka biglang ma-depress. Nakailang buntongh