HABANG lulan ng kotse ng target ay pinaplano na ni Federico kung paano naman nila maipuslit ang target mula sa kotse. May isa pang kotse ng kalaban kasi na nakabuntot sa kanila. And he was surprised when Chase showed him the remote control on his palm. May ikinabit pala itong devices sa gulong ng backup nilang kotse. Nang pindutin nito ang remote, tumirik sa kalsada ang kotse ng backup nila, umusok ang mga gulong. Maging ang kotseng sinasakyan nila ay nilagyan nito ng device na kayang ubusin ang hangin ng gulong o kaya’y pasabugin. “What happened?” tanong ng driver. Naihinto nito bigla ang kotse sa gilid ng kalsada. Nasa backseat sila ni Chase at napagitnaan ang target. May isa pang bodyguard katabi ng driver. “I think there is something on the wheel,” he said. Hawak na niya ang needle na ituturok sa leeg ng bodyguard na nasa harapan niya. Sabay pa sila ni Chase na tinurukan ng karayom sa leeg ang driver at bodyguard. Sabay ring nawalan ng malay ang mga ito. Natagpuan na sila ng
PAGDATING sa detention area ng underground ay naabutan ni Federico si Mr. Hiroshi na nakaupo na silya at nakagapos. Nasa loob ito ng makitid na silid at merong rehas na bakal. The fat man raised his head and looked at him straight with confusion on his face. “W- Who are you? What do you need from me?” tanong nito sa garalgal na tinig. Pinabuksan niya sa guwardiya ang rehas na pinto ng piitan saka siya pumasok at tumayo sa harapan ng target. Nakasunod kaagad sa likuran niya si Duke. Nakaabang ito sa kan’yang kilos. “That’s not important. I have questions that you need to answer honestly,” he said. “What do you want to know?” “You know Fernand Sartorre, right? He has a twin brother named Federico,” he said. Ngumisi ang ginoo. “I know them, but I don’t have any connection to them.” “That’s not what I wanted to know. You’re aware that Fernand Sartorre was killed almost three years ago now. Based on my knowledge, you invited the Sartorre brothers to Japan for a business partnership.
IBINIDA ni Monica kay Federico ang garden niya ng mga gulay. Lumabas pa sila ng bahay at nagtungo sa backyard. Doon na dinala ni Federico ang pagkain nito at gusto ring makita ang hardin. May naitanim na rin siyang puno ng malunggay roon na hiningi niya kay Mang Nestor. “Ano naman ang mga naitanim mo?” tanong ni Federico. Hawak nito ang plato ng salad na gulay at dalawang sandwich. “Ano, mga native na gulay lang. Baka hindi ka pamilyar sa mga ‘yon. Iyong mga inilalagay sa penakbet. Alam mo ba ‘yon?” aniya. “Of course. The mixed vegetables with fish sauce?” “Oo. Mabuti alam mo. May naitanim din akong buto ng kalabasa pero naroon malapit sa bakod at pinagawaan ko kay Mang Nestor ng rehas na gagapangan. May ampalaya rin doon at sitaw, hindi pa tumubo. Dito naman sa ginawa kong plant box, mga talong, okra, kamatis, at saka pechay.” Panay lang ang tango ni Federico. Pagkuwan ay umupo na ito sa sementadong bench sa tapat ng round table. Isinama nito si Kenji at pinaupo sa tabi nito. Si
HIRAP pa ring magpasya si Monica dahil sa takot. Pero alam niya sa kan’yang puso na gusto niyang magpakasal kay Federico. Hinanap pa ng paningin niya si Duke. Namataan niya itong nakaupo sa unahang silya karga si Kenji. Nang sumenyas ito at nagsasabing umoo na siya, saka niya muling tinitigan si Federico. Buo na ang loob niya. “Yes, magpapakasal ako sa ‘yo, Federico!” sagot niya sa tanong ng binata. Umugong na ang palakpakan. Nakangiting tumayo si Federico at dagling isinuot ang singsing sa kan’yang palasingsingan. Pagkuwan ay siniil siya nito ng halik sa mga labi. Kinakabahan man ay maagap siyang tumugon sa halik nito. Ipinaubaya na niya sa May Kapal ang kan’yang kapalaran. “Thank you, Monica!” ani Federico nang maghiwalay ang kanilang mga labi. “Salamat din, pero….” Natutukso na siyang magtapat kay Federico ngunit niyaya na siya nitong bumaba ng entablado. Nagsimula na ring kumain ang mga bisita. Hindi sila makaalis sa crowd dahil binabati sila ng mga investors. Nilapitan din n
“SORRY, Federico. Sobrang nahirapan ako dahil hindi madaling magtraidor sa taong mahal mo,” humihikbing wika ni Monica habang kulong pa rin ng mahigpit na yakap ni Federico. “Okay lang kung hindi mo ako mapatawad. Okay lang din kung patayin mo na ako ngayon. Basta mangako ka na aalagaan mo si Kenji nang maayos.” Humigpit na naman ang yakap sa kan’ya ni Federico. “Id*ot!” tanging nausal nito. “How can I kill you? I love you, Monica!” Napatda siya at naudlot maging kan’yang pagluha. Hindi siya nakakibo hanggang sa bahagyang dumestansiya sa kan’ya si Federico. Pinakatitigan siya nito sa mga mata. “I doubted you many times; I thought about the spy thing. Naisip ko na kung totoo ang hinala ko, maaring magalit ako, pero alam ko sa puso ko na mahirap na ‘yong gawin. Ang ikinakatakot ko lang ay baka bigla kang lalayo at hindi ko na kayo makakasama ni Kenji,” emosyyonal nitong pahayag. Mamasa-masa na rin ang mga mata nito. “F-Fed….” nautal niyang sambit at naunahan na ng emosyon. “H-Hindi
NAGTATAKA si Monica bakit hindi pa lumalabas ng kuwarto nito si Federico. Alas-nuwebe na ng umaga at naka-ilang katok na siya sa pinto ng kuwarto nito. Kinabahan na siya at hindi nakatiis. Muli niyang pinuntahan sa kuwarto ang binata at kinalampag ang pinto. “Federico! Gising ka na ba?” sigaw niya. Napansin niya na hindi na naka-lock ang pinto. Binuksan niya ito at tuluyang pumasok. Tahimik sa kuwarto. Dumaan pa siya sa mini lobby bago ang mismong bedroom. Namataan niya si Federico na hubad-baro at nakadapa sa kama. Itim na boxer lang ang suot ninto. “Federico?” sambit niya. Naunahan na siya ng kaba. “M-Monica,” paos namang usal ng binata. Tuluyan siyang lumapit dito at lumuklok sa gilid ng kama. “Okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Dalhan na lang kita ng food,” nag-aalalang tanong niya. “I’m fine. I just need to relax my head. Hindi kasi ako nakatulog nang maayos.” “Kain ka muna bago matulog ulit. Kukuha ako ng food mo.” Muli siyang tumayo. Pumihit naman pahiga ang
NABITIN si Federico sa unang massage session nila. Hindi napigil ni Monica ang kan’yang hagikgik habang binabayo ng binata buhat sa kan’yang likuran. Pinadapa pa siya nito sa lamesa at walang lubay na inulusan ng alaga nito sa kan’yang kaselanan. Nakailang orgasmo na sa loob niya ang binata at hindi siya magtataka kung balang araw ay mabubuntis siya. Hindi naman niya iyon tututulan lalo’t sabik na siyang makasama bilang asawa si Federico. “Kailan pala tayo ikakasal, Rico?” tanong niya nang matapos sila sa second round. Nakaupo pa rin siya sa kandungan ng binata at hawak ang sandata nitong bumubuga ng likido. “After my busy schedule. Pero mas maganda kung mag-process ka na ng papers mo.” “Sige, aayusin ko.” Tumayo na siya at naglinis ng kalat. Malamig sa silid ngunit pinagpawisan pa siya sa init ng mga tagpo. Saktong nakapagbihis sila ni Federico ay nagising si Kenji. Inasikaso na niya ito at nagreklamong napuno na ang diaper ng ihi. Dinala niya ito sa banyo at doon binihisan. Pu
UMALIS na si Terra pagkatapos tumulong sa hugasin. Kausap naman ni Federico si Stefano, at pansin ni Monica na lumilihis ng usapan ng dalawang binata. Nabanggit ni Stefano ang pangalan ni Terra. Pagkatapos ng trabaho sa kusina ay kinuha na niya si Kenji kay Federico. Papikit-pikit na ito kaya dinala niya sa kuwarto at pinatulog. Sinamahan na niya ito sa kama. Ang bilis nakatulog ni Monica pero kagaad din siyang nagising nang maramdaman ang paglundo ng kama. Namataan niya si Federico na nakaupo sa tabi ni Kenji. Hinihipo nito ang ulo ng bata. “Naisturbo ba kita?” tanong nito nang mapansin siyang nagmulat na ng mga mata. “Ah, h-hindi naman. Umidlip lang talaga ako.” “Nakumpleto mo na ba ang requirements para sa kasal, Monica?” pagkuwan ay tanong nito. “Ah, hindi pa. Iyong CENOMAR pa. Baka next week ko na makuha.” “No worries. We don’t need to rush it. Once naayos na lahat ng kailangan mo, magpapakasal tayo sa huwis. Then, we will proceed to Italy. Magpapakasal tayo ulit doon.” N