Hindi inimbita ni Luna si Fiona, at mas lalong hindi niya iimbitahin si Joshua na sumama sa kanila.Tinikom niya ang mga labi niya at sasagot na siya nang binaba ni Joshua ang isang dokumento sa harap niya.“Tingnan mo.”Yumuko si Luna, agad na napunta ang atensyon niya sa pamagat ng dokumento.“International Jewelry Design Competition?”“Oo.” Sumandal sa upuan si Joshua, habang nakatingin sa kalmado at malamig kay Luna ay sinabi niya , “Dito sa Banyan City magaganap ang kompetisyon ngayong taon, sana ay sumali ka.”Tinikom ni Luna ang mga labi niya, yumuko siya, nakasimangot habang binubuklat ang dokumento. “Hindi ako masyadong interesado.”Sikat na sa buong mundo ang dating pagkakakilanlan niya bilang isang jewelry designer na si Moon. Hindi niya kailangan patunayan ang sarili niya sa isang kompetisyon na tulad nito. “Alam ko.” Humalukipkip si Joshua, malamig ang kanyang mga mata. “Pero hindi na ikaw si Moon, ikaw na si Luna. Sana ay kumatawan ka para sa Lynch Group gamit an
Tinaas niya ang malaki at magandang kamay niya at kinurot niya ang noo niya. “Ang design department lang ang grupo na naghanda ng event para ipagdiwang ang pag galing ng anak ko. May problema ba kung sumama ako sa pagtitipon nila?”Tahimik ng ilang sandali si Lucas. “Wala naman po.”Pagkatapos, yumuko siya at nagpokus na siya sa pag organisa ng mga dokumento, nagpatuloy na siya sa report niya para kay Joshua.Makalipas ang kalahating oras, pagkatapos ayusin ang report tungkol sa trabaho, nagbuntong hininga si Lucas bago siya umalis ng opisina. Sa huli, hindi niya mapigilan ang sarili niya at sinabi niya, “Sa totoo lang po, sa tingin ko… hindi po kayo dapat pumunta pareho ni Ms. Blake sa pagtitipon ngayong gabi…”Ang dinner party ni Luna ay isang masayang okasyon. Kung sumama sina Joshua at Fiona, hindi makakapag relax at saya ang mga staff members, at higit sa lahat, hindi rin mapapakali si Luna.Bukod pa dito, kapag nalasing sina Fiona at a Luna at nag away sila… Mapanganib ang k
Lumamig ang buong kwarto dahil sa mga sinabi ni Joshua. Sumimangot si Luna at lumamig ang kwarto, sa huli ay bumalik na siya sa pag iisip niya habang kausap si Bonnie.Sa sandali na lumingon siya, nakita niya sina Joshua at Fiona na nakatayo sa tabi ng pinto. Magkakapit ang mga braso nila, suot ng parehong kulay na puti, mula sa malayo, mukha silang perpektong magkasintahan.Sa mga sandaling ito, nakatingin ng malamig si Joshua kay Shannon at sa ilang mga babaeng empleyado sa tabi nito, puno ng galit sa kanyang mga mata.Dahil sa tingin niya, namutla si Shannon, yumuko ang ilang tao sa paligid niya at hindi na nila kayang tumingala.Hindi alam ni Luna kung ano ang nangyari. Pero siya ang naghanda ng pagtitipon ngayong gabi, siya ang nag imbita sa lahat sa kanila. Kailangan niyang sumingit para ayusin ang lahat kapag naging pangit ang mood.Huminga siya ng malalim at tumayo siya. “Dahil nandito na sina Mr. Lynch at Ms. Blake, bakit hindi kayo pumasok at maupo muna?”Pagkatapos, tu
“Pero, nagtatrabaho si Fiona sa design department, kung gusto niyang sumama, dapat ko siyang samahan. Pero hindi ko inaasahan na marinig na sinisiraan siya ng mga katrabaho sa oras na dumaing kami.”Bahagyang tumigil ang kamay ni Luna na nagbubuhos ng wine. Ilang sandali lang, ngumiti siya, hindi siya interesado na ituloy ang usapang ito. “In love talaga si Mr. Lynch at Ms. Blake…”“Tama ka.” Kalmado at tila walang pakialam ang mga mata ni Joshua. “Pero dahil malalim ang pagmamahal namin, hindi ko hahayaan sina Shannon at ang iba ng ganito lang.”Pagkatapos sabihin ito, si Shannon at ang ibang mga babaeng empleyado ay tila tumigil ang puso.Tumigas din ang katawan ni Luna. Ngumiti siya. “Ano pala ang gagawin natin para matapos ito?”“Madali lang,” Tumawa ng mahina si Joshua, “Nakita ko ang binigay mo sa akin kanina na listahan ng mga team na sasama sa International Jewelry Design Competition para sa Jewelry Design Department ng Lynch Group.” Lumingon siya at tumingin siya ng m
Sa sandali na lumabas sa bibig niya ang mga salitang ito, lumamig ang kwarto. Tumigil sa paghinga ang lahat at maingat nilang sinuri sina Luna at Joshua.Kahit na pinipilit ni Joshua na ipasok si Fiona sa team. Sinabi ni Luna ang lahat ng ito sa harap nila Joshua at Fiona, hindi ba natatakot si Luna na magalit sa kanya si Joshua?Kinagat ni Shannon ang labi niya at hinila niya ang manggas ni Luna, sumesenyas siya na tumigil na si Luna sa pagsasalita. Gayunpaman, inalis ni Luna ang kamay ni Shannon, na para bang hindi niya maintindihan ang pahiwatig ni Shannon.Lumingon siya at tumingin ng malamig sa malamig at walang emosyon na mga mata ni Joshua, binigkas niya ng bawat salita. “Hindi ka tulad ng ganito dati. Kailan ka ba titigil?”Dati, kahit na si Aura Gibson man o si Alice Gibson, kahit gaano niya man mahal at pinapamihasa ang dalawa, hindi seryoso siya kapag dumating sa business at sa kumpanya. Napalaki niya lang ang Lynch Group sa ganitong katayuan dahil may klarong linya siya
“Kapag napunta siya sa hospital…”“Kapag napunta siya sa hospital, dapat mo siyang alagaan, Ms. Blake.” Ngumiti ng malamig si Luna, malamig ang mga mata niya habang nakatingin sa mukha ng babae.“Noong napunta sa hospital si Joshua, nagkasakit ka at ayaw mo pang umalis ng kwarto mo. Bilang girlfriend niya, ang ginawa mo lang ay bisitahin siya ng isang beses, at sa mga sumunod na araw, ako, ang ex-wife niya, ang nag alaga sa kanya. Pero ang lalaking inalagaan ko gamit ang lahat ng oras at pagsisikap ko ay dumiretso ng Orchard Manor pag gising niya, hindi man lang ako pinasalamatan, para lang kargahin ka papunta sa hospital para sa operasyon mo. Ngayon at tapos na ang operasyon mo, hindi ka na magkakasakit ulit at makakalabas ka na ng kwarto mo…”Lumingon siya at tumingin ng malamig sa mga mata ni Joshua. “Oras na para bayaran mo ang utang mo sa akin, tama ba?”Hindi mapigilan ni Joshua na ngumiti ng mapait sa sarili niya. Sinabi ni Luna na ibalik ni Joshua ang lahat ng inutang niya
Dahil sa tanong ni Luna, suminghot si Fiona at hindi niya mapigilan na sabihin ng nakakaawa, “Nandito pa rin ako dahil gusto ni Joshua na manatili ako para sa kanya.”Lumingon siya at tumingin ang pulang mga mata niya kau Luna. “Nasa tabi ko sina Charmaine at Arianna kanina, narinig siguro nila. Sinabi ni Joshua na hindi swerte ang hospital, at sinabi niya na ‘wag na akong sumama…”Pinunasan niya ang mga luha niya at nagsalita siya. “Mukhang ayaw ako ni Ms. Luna dito. Kung ganun, mas mabuti na lang na puntahan ko si Joshua sa hospital…”Dahil sa mga sinabi ni Fiona, hindi na ito natiis ni Charmaine at tumayo siya mula sa kanyang upuan. “Tama si Fiona, sinabi nga ni Mr. Lynch na manatili si Fiona dito, sinabi niya rin na magiging ayos lang siya!” Pag salita niya, hinila niya si Arianna at tinanong niya, “Narinig mo rin siya, hindi ba? Isa ka sa mga tauhan ni Luna, siguradong maniniwala siya sayo!”Marahas ang mga kilos ni Charmaine nang hilahin niya si Arianna, kaya’t napasigaw ng m
Tama si Luna.Bukod kina Christian at Joshua, wala siyang ibang kaibigan sa Banyan city. Gabing gabi na, wala si Christian sa Banyan City at nasa hospital pa rin si Joshua, hindi pa rin malaman ang sitwasyon ni Joshua…Ayaw niya rin namang sumakay ng taxi ng mag isa. Gabing gabi na, isa siyang magandang babae, paano kung may masamang nangyari?Kahit na ayaw niya itong gawin, ang pagalok lang ni Luna na ihatid siya pauwi ang tanging pagpipilian niya.Umandar na ang makina at gumalaw na ang kotse.Humalukipkip si Fiona habang nakaupo siya sa backseat ng kotse, tumingin siya ng malamig kay Luna. “‘Wag mo isipin na may utang na loob ako sayo dahil lang hinatid mo ako pauwi.”Ngumiti si Luna, umupo siya ng mas komportable, sumandal siya sa kanyang upuan. “Hindi ko inaasahan na magkaroon ka ng utang na loob, ‘wag ka lang gumawa ng mga bagay na ikakasama ng loob ko.”Umikot ang mga mata ni Fiona at hindi na siya nagsalita.“Nagtataka lang ako.” Pumikit si Luna at humikab siya. “May ut