Habang naririnig na lalong lumalayo ang boses ni Mrs. Collins, nagmamadaling nagpalit ng damit si Luna, binuksan ang pinto, at hinabol siya sa direksyon ng boses nito.Gayunpaman, hindi niya ito makita, kahit ang anino nito.Napakagat labi si Luna. Gusto niyang ipagpatuloy ang paghahanap sa kanya nang umalingawngaw ang boses ni Christian mula sa likuran."Ano ang hinahanap mo?"Napaawang ang labi ni Luna. Muli siyang tumingin sa direksyon kung saan umalis si Mrs. Collins. Nang matiyak niyang hindi na niya ito makikita, napabuntong-hininga si Luna at sinabing, “Wala.”Nang sinama ni Luna pabalik sa Blue Bay Villa si Christian, ang kanyang dalawang anak ay nakaupo pa rin sa sofa habang naghihintay sa kanya gaya ng dati.Nang makita kung paano niya isinama ang isang estranghero, napakunot ang noo ni Nigel. Tumingin siya kay Christian na may kaunting poot.“Mommy, siya ay si…?”Kalmadong siyang ipinakilala ni Luna habang nilalapag ang mga masusustansyang pagkain sa mesa kasama si C
Binuksan niya ang social media ni Luna. Ang unang post na nakita niya ay kay Joshua.Ito ay isang larawan ng kalangitan sa gabi. Walang caption.Lihim na inirap ni Nellie ang kanyang mga mata.Isang kakaibang lalaki ang inuwi ng mommy niya, pero ang daddy niya ay nakatingin pa rin sa langit ng gabi na parang walang nangyari?Wala ba siyang nararamdamang krisis at pagkaapura?Napaawang ang labi ni Nellie at biglang may naisip. Kinuha niya ang larawan nina Christian, Luna, at Nigel na nag-uusap. Pagkatapos, ipinost niya ito sa social media ni Luna.Nang matanggap niya ang tawag ni Jude, si Joshua ay nasa ikalawang palapag na balkonahe sa Orchard Manor, nagtatrabaho sa kanyang laptop sa ilalim ng liwanag ng buwan."Joshua, anong nangyayari? Kailan pa nakilala ng pamangkin mong si Christian Moore si Luna? Nakita ko ang post niya sa social media. Mukhang malapit sila. Sabay silang kumakain at nagtatawanan! Magkasama ang pamangkin mo at ang dati mong asawa. Pati ang anak mo ay pumayag
Nang marating ni Joshua ang Blue Bay Villa, kahahatid lang ni Luna kay Christian sa labas.Nagtatawanan at nagkukwentuhan ang dalawa habang papalabas ng villa.Nagpark si Joshua sa isang madilim na sulok at ibinaba ang kanyang bintana. Naririnig niya ang kanilang mga boses sa simoy ng gabi.Si Luna ay nakasuot ng bagong biling damit habang naglalakad sa harapan. Ngumiti siya at naglakad kasama si Christian."Pasensya ka na ngayong araw. Gusto kong hayaan kang matikman ang aking luto, ngunit ang aksidente sa palengke…”Tapos, ngumiti si Luna at tumingin kay Christian. “Pero ayos lang. Walang ganap bukas. Bakit hindi ka pumunta bukas at subukan ito."Humalakhak si Christian. "Sige. Magandang ideya iyon. Hindi ako nagdala ng mga gamit ngayon. Ihahatid ko sila bukas para sa iyo."Tapos, nilingon ni Christian si Luna. “Oo nga pala, ano ang gusto nina Nigel at Nellie? Hindi ako makakapunta bukas ng walang dala."Walang magawa na tumawa si Luna, “Hindi mo na kailangan magdala ng mga r
Hindi lang sa hindi siya makawala sa pagkakagapos nito, kundi niyakap pa siya ng mas mahigpit.Si Luna, sa galit, ay ganap na ginulo ang kanyang mga paraan. Nagpumiglas siya at sinubukang kumawala nang walang pakialam sa anuman.“Joshua, bitawan mo ako!”“Tigilan mo nga ang pagyakap sa akin!”“Nandidiri ako sayo! Gusto kong sumuka!"Habang pinapagalitan niya ito, mas nanlamig ang tingin ni Joshua. Lalong humigpit ang yakap nito sa kanya.Ang galit na boses ni Luna ay hindi pangkaraniwang malakas sa tahimik na compound ng villa, kaya't nagkaroon pa ng ilang echo.Ipinikit ni Joshua ang kanyang mga mata. Kung magpapatuloy si Luna sa ganitong paraan, maririnig siya ang mga bata.Buti na lang at malapit lang ang sasakyan niya.Nagpasya si Joshua sa mismong lugar. Agad niyang binuhat si Luna na nagpupumiglas pa at humakbang papunta sa kanyang sasakyan.Binuksan niya ang pinto ng kotse niya at hinagis si Luna.Slam! Isinara niya ang pinto ng sasakyan.Ni-lock ni Joshua ang mga
“Anong bang nangyayari sa kanya?”Bago pa matapos ni Joshua ang kanyang pangungusap, malamig na pinutol siya ni Luna.Malamig niyang tiningnan ang lalaking minsan niyang minahal. Sa dami ng sinabi niya, mas lalo siyang nakaramdam ng kabalintunaan."Ang dami kong nasabi sa'yo, pero iniisip mo lang na sinasabi ko na nagpapanggap si Fiona ng kanyang sakit?"Medyo nanginig si Joshua. Bigla niya na hindi natuloy ang sasabihin.Kung titingnan kung gaano nag-aalangan si Joshua, nakaramdam ng katawa-tawa si Luna.Paano niya naisip na makikinig si Joshua sa kanyang sasabihin? Paano nga ba talaga mauunawaan ni Joshua kung gaano siya naagrabyado na hindi nga siya pinansin nito sa palengke?Kahit kailan ay hindi niya ito nakikita sa kanyang mga mata. Kahit minsan.Kaya, hindi mahalaga kung ano ang kanyang sinabi tungkol sa kung gaano kahabag-habag at kawalan ng kakayahan ang kanyang nadama nang siya ay muntik nang bugbugin sa palengke. Hindi nakikinig si Joshua.Narinig na lang niyang sin
Sabi ni Fiona sa mahina at agrabyado na tono, “Biglang umalis si Joshua na nagmamadali. Bagama't sinabi niya na magtatrabaho siya, hula ko na baka hinanap ka niya. Sa tingin ko ay sinisisi niya pa rin ako. Kasalanan ko ang lahat. Sana hindi sumiklab ang sakit ko.”"Ms. Luna, huwag mo sanang masamain si Joshua dahil sa pangyayari kaninang hapon. Hindi naman sa ayaw niyang iligtas ka. Siguradong nakonsensya siya na hindi ka niya pinuntahan at iniligtas. Salamat at wala kang anumang malubhang pinsala, kung may mangyari sa iyo, paano ako magpapatuloy sa buhay?"Pumikit si Luna at pinakinggan ang hindi taos-pusong mga salita ni Fiona. Ngumisi siya."Ms. Blake, sobrang iniisip mo naman ito. Hindi ako hinanap ni Joshua."Huminga ng malalim si Luna at malamig na tumingin kay Joshua na nasa driver's seat.“Matagal na naming tinapos ang aming relasyon. Isa pa, lantaran din niyang sinabi na hindi siya handang magbayad para sa mga medikal na bayarin ng aking anak. Matagal na kaming walang kin
Lalong bumigat ang kapaligiran sa sasakyan sa sinabi ni Luna.Hinawakan ni Joshua ang manibela at dahan-dahang pumikit.“Luna, paulit-ulit mong sinasabi na pinoprotektahan ko si Fiona, pero naglakas-loob kang sabihin na hindi mali ang mga tauhan mo?”"Mr. Lynch, kung talagang iimbestigahan mo ito, malalaman mo kung sila ba ay mali o hindi, ngunit gagawin mo ba ito? Gusto mo bang ilantad ang mga pakulo ni Ms. Blake? Hindi mo gagawin.”Huminga ng malalim si Luna.“Joshua, palagi kang ganyan. Kung gusto mo ang isang babae, hahayaan mo silang gawin ang lahat. Maging si Aura, Alice, o Fiona. Lahat ng babae mo, bukod sa akin, every one of them could use the fact that they are your woman to bully others.”“Ako lang ang hindi. Noong kasama kita lagi akong naglalakad sa manipis na yelo. Nag-aalala ako na baka masama ang loob mo. Nag-aalala ako na hindi kayanin ng iyong kalusugan dahil sa iyong sobrang pakikisalamuha.”"Pagkatapos makipaghiwalay sa iyo, palagi kong iniisip ang sarili ko s
Hinawakan ni Joshua ang kanyang telepono at tumahimik ng napakatagal bago sinabi sa paos na boses, "Sabi niya…hindi ko siya minahal."Sinabi ni Luna na sa kanyang puso, si Aura, Alice, at Fiona, ay mas mahalaga kaysa sa kanya, ngunit ang hindi niya alam ay...Mabait siya kay Aura dahil nagi-guilty siya. Akala niya ay pumanaw na si Luna kaya gusto niyang alagaang mabuti ang kanyang pinakamamahal na kapatid.Maganda ang pakikitungo niya kay Alice dahil nagpanggap si Alice bilang siya.Si Fiona naman...Pumikit si Joshua.Kung hindi ibinigay ni Fiona ang kanyang bone marrow kay Nigel at kung mamatay si Nigel...Mabubuhay pa kaya ng maayos si Luna?Gayunpaman, hindi na masabi ni Joshua ang mga bagay na iyon kay Luna. Hindi niya magagawa.Kahit na sabihin niya ito sa kanya, ano pa ang silbi noon?Iisipin pa rin ni Luna na nagsisinungaling siya sa kanya.Si Jude, sa kabilang dulo ng tawag, ay bumuntong-hininga.“Aalis na ako ngayon. Sa parehong lugar. Sasamahan kita."…Sa vill
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya