Nang marinig ang matamis at mapang-akit na boses ni Fiona na umaagos palabas ng opisina, marahas na sumimangot si Luna.Muling lumitaw sa kanyang isipan ang kaninang malumanay na tono ni Joshua habang kausap si Fiona sa kanyang opisina. "Ngayong naubos mo na ang iyong gatas, bumalik ka sa iyong mesa. Pinakamainam kung makilala mo ang iyong mga kasamahan at ang kapaligiran sa pagtatrabaho sa iyong unang araw."Bahagya niyang pinagsalubong ang mga kilay. Kaya, para sa kanyang unang araw ng trabaho, si Fiona ay nakatalaga sa departamento ng disenyo kung saan pinangangasiwaan ni Luna? Sinadya ba ito ni Joshua?"Ms. Blake, bakit mo naman nasabi, kami ang nangangailangan ng tulong mo. At saka, napakabait na tao ni Direktor Luna, dahil napakaamo at cute mo, siguradong magugustuhan ka niya!"Bahagyang tinapik ni Shannon ang balikat ni Fiona habang nagsasalita ito. "Narinig kong dumating ka sa opisina sakay ng kotse ni President Lynch?"Tahimik na ibinaba ni Fiona ang kanyang ulo sa sinabi
Halatang hindi inaasahan ni Fiona na lilitaw si Luna sa sandaling ito. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat, ngunit ang pagkagulat sa ilalim ng kanyang mga mata ay nawala sa isang iglap.Sa sumunod na segundo, nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata. "Ako ay... hindi iyon ang ibig kong sabihin!"Kinagat niya ang maputla, walang dugong labi, may hikbi sa boses. “Akala ko talaga ay magagalit ka sa akin kung gusto mo si Joshua…”"Wala akong nararamdaman para kay Joshua Lynch, at wala rin akong oras para kamuhian ka." Malamig na nilampasan siya ni Luna, itinaas ang kanyang mga paa at tinungo ang pinto sa kanyang sariling opisina. Nang nakapatong ang kamay niya sa doorknob, tumigil siya. Huminga siya ng malalim, lumingon siya at malamig na ibinalik ang tingin sa lahat ng nasa opisina. "Ito ay isang opisina, sana lahat ng tao dito ay mag-focus sa trabaho kaysa pag-usapan ang tsismis tungkol sa kung sino ang may gusto o napopoot sa iba."Sa huli, tahimik niyang sinulyapan si Fion
Malamig na tumawa si Luna. “Kaya mong gawin yun?” Tahimik siyang inirapan ni Samson. “Eksperto ako sa pag-asikaso sa mga doble-karang babae na katulad niya! Kailangan mo ba kami para palayasin siya?” “Hindi.” Inangat niya ang kanyang kamay at binuksan ang dokumentong nasa lamesa, habang malumanay na sinasabi, “Baka bago niyo siya mapalayas sa kumpanya, napalayas na kayo ni Joshua sa kompanya.” At doon, nilabas niya ang kanyang proposal at tinapon ito sa harapan ni Samson. “Ito ang magiging trabaho niyo sa loob ng tatlong buwan.” Sumimangot si Samson, kinuha ang proposal, at tinignan ito. “Mag-aasikaso nanaman kami ng isang malaking proyekto? Ang huli naming malaking proyekto ay kakatapos lang sa loob ng dalawang buwan, tama? Bakit kami kukuha uli ng isa pang nakakapagod at nakakaubos-oras na proyekto?” “Dahil kailangan ko ang pera.” Minasahe niya ang kanyang masakit na sintido. “Ang anak ko ay sasailalim sa isang malaking operasyon sa loob ng dalawang linggo, kailangan ko ng
nang nagsalita siya, umagos ang luha sa kanyang mga mata. “Hindi ko sinasadya…at nasaktan din ako!” Tinignan ni Zayne ang dibdib ni Fiona saka ang likuran ni Arianna na basa din, saka malamig na sinabi, “Ang paso mo ba ay mas malala kaysa kay Arianna?” Nagmamakaawang kinagat ni Fiona ang kanyang labi. “Pero…” Inangat ni Shannon ang kanyang ulo, tignan ang sitwasyon sa kanyang harapan saka ang kape na hawak ni Fiona, at saka nakaramdam ng pagsisisi sa kanyang dibdib. Dali-dali siyang tumayo at lumapit doon, tumayo sa harapan ni Fiona, at pinagtanggol ito. “Hindi ito sinasadya ni Ms. Blake, bakit niyo siya pinagtutulungan?” Kahit na hindi rin gusto ni Shannon si Fiona, ang insidenteng ito ay nangyari dahil sa dala nito ang kanyang kape. Syempre, kailangan siyang protektahan ni Shannon. “Ms. McCartney.” Nagmamakaawang umiyak si Fiona. “Kasalanan ko to, tama lang sila na pagalitan ako… Huwag kayong mag-away ng dahil lang sa akin…Ayos lang ako.” Habang nagsasalita siya, yum
Habang nakikinig siya sa usapan nila Fiona at Joshua sa phone, naunawaan ni Luna kung bakit si Arianna ang napaso. Halata naman na, mukhang sinuway siya ni Zayne at palihim na pinag-usapan ang kanyang plano sa pagpapalayas kay Fiona kasama sila Arianna at Samson. Subalit, narinig ni Fiona ang kanilang usapan. Parehong lalake sila Samson at Zayne, kaya mahihirapan siyang kalabanin ang mga ito, kahit na gawin niya iyon, hindi magiging halata ang epekto nito. Pero naiiba si Arianna. Si Arianna ang nag-iisang babae sa kanilang tatlo at parehong may crush sa kanya sina Zayne at Samson. Ang pagtarget kay Arianna ay makakasakit sa kanilang tatlo. Patamaan kung saan mas masakit. Higit na matalino si Fiona kaysa sa inaakala niya.Sa loob ng tatlong minuto pagkatapos tapusin ni Fiona ang tawag, bumukas ang pintuan ng design department. Nag-aalalang pumasok si Joshua, naglakad patungo kay Fiona at maingat na sinuri ito mula ulo hanggang paa. Matapos matiyak na ang dibdib lamang nito an
Nang maisip niya ito, tinaas ng lalaki ang kanyang ulo at malamig na tumingin kay Luna. "Tinatanong kita. Pinag-uusapan ba ng mga assistant mo kung paano papapalayasin si Fiona? Sadya ba nila siyang pinupuntirya at tinatakot?" Malamig na tumawa si Luna. Sinasadyang pinapakita ni Fiona ang pinakamahinang parte ng kanyang sarili, tinatanggap niya ang lahat ng sisi sa bagay na hindi niya kasalanan. Ang pakay niya ay ang kaawaan siya ng mga tao sa paligid at ipagtanggol siya ng mga ito. Ngayon, kahit na walang sinabing masama si Fiona tungkol kina Samson, Zayne, o Arianna, nagtagumpay na siyang sabihin kay Joshua ang tungkol sa 'masamang ginagawa' nila. Hindi lang iyon, bumuo pa siya ng isang malumanay, mabait at makatarungang imahe para sa sarili niya. "Sabihin mo sa'kin!" Kumunot ang noo ni Joshua nang makita niya si Luna na tinititigan nang masama si Fiona nang hindi nagsasalita. Nag-aalala siya na baka magkamali ng pagkakaintindi si Luna kay Fiona kaya nagmadali siyang tumagilid at
Malamig at mababa ang boses ni Joshua, ang bawat isang salita niya ay malakas na umalingawngaw sa opisina. Sa isang iglap ay nanahimik ang buong opisina. Lahat sila ay gulat na tumitig kay Joshua. Ang totoo, alam ng lahat na silang tatlo ay mga pinagkakatiwalaang tao ni Luna sa kumpanya. At alam ng lahat ang kakaiba at pasulput-sulpot na relasyon sa pagitan ng kanilang director at president. Pero ngayon na mayroon na siyang bagong minamahal, si Fiona, napakasama na niya sa kanyang dating pag-ibig, si Luna? Sapat na ang mga salita ni Fiona kanina para mapaatras sina Joshua at Luna at hayaan na lang ang insidente. Pero kahit na ganoon, nagkusa pa rin si Joshua at nagsuhestiyon na tanggalin silang tatlo?“Joshua…”Tinignan ni Fiona si Joshua, umaliwalas ang kanyang mga mata sa pagkaantig ng kanyang damdamin. "Ayos lang ako, mga kanang kamay silang tatlo ni Mrs. Luna, hindi niya sila gustong makita na matanggal. Wag ninyong sirain ang samahan ninyo nang dahil lang sa'kin." Sa supor
Bumuntong-hininga si Luna, pagkatapos ay dumiretso siya at nag-inat. "Kung hindi nila kilala ang isa't-isa at ngayon ang una nilang pagkikita, paanong nalaman ni Arianna na madaling matakot si Ms. Blake? Paano niya nalaman kung anong tunog ang magpapatakot kay Ms. Blake para aksidente niyang matapon ang kape niya?" Pagkatapos, tumingin siya sa babae na ipinagtanggol si Fiona ngayon lang. "Kung may gumawa ng malaking ingay habang naglalakad ka, mawawalan ka ba ng balanse at matatapon mo ang buong tasa ng kape mo?" Binuka ng babae ang kanyang bibig na para bang may sasabihin, ngunit sa huli ay wala siyang nasabi. Nanahimik ang buong opisina. Dahil sa katahimikan sa opisina ay para bang naging napakalakas ng boses ni Luna. "O baka pwede nating tignan nag security footage para makita kung hindi talaga pinansin ni Arianna ang ginagawa ni Ms. Blake para takutin siya. Kung hindi, paano niya malalaman na matatakot si Ms. Blake?" Tumalikod si Luna para tignan si Joshua. "Mr. Lynch, ti