“Hindi siya nakatulog ng mahimbing kagabi. Pagkatapos niyang makita ang balita nitong umaga, gumaan ang loob niya. Bumabawi na siya ng tulog ngayon.”Tumingin si Luna kay Natasha mula sa maliit na butas sa pinto.Puti ang buhok ni Natasha. Natutulog siya ng mapayapa.Nagbuntong hininga si Luna. Binigyan niya ng pera ang nurse bilang pasasalamat bago siya umalis ng hospital kasama si Anne.Gayunpaman, hindi inaasahan ni Luna nang makalabas na siya ng elevator kasama si Anne, nakasalubong nila si Alice, na bumisita kay Natasha.Nakasalubong silang tatlo sa entrance. Sa sandali na makita ni Anne si Alice, hindi niya napigilan ang mga kamay niya na humigpit.Pinigilan siya ni Luna sa oras. “Tulog si Natasha.” Yumuko siya para tumingin sa oras at nagbuntong hininga siya.“Gusto mo ba akong samahang magkape?”Sumingkit ang mga mata ni Alice at ngumisi siya, “Hindi ka ba natatakot na baka lasunin kita?”“Basta’t hindi ka natatakot na ako ang maunang gumawa nun.”Ngumisi si Alice, “T
Bang! Galit na hinampas ni Alice ang mesa. Tumuro siya sa ilong ni Luna. “‘Wag mong isipin na nanalo ka na dahil lang wala akong nagawa sayo ngayon! ‘Wag mong kalimutan na ako pa rin ang asawa ni Joshua!”Sumandal sa upuan si Luna at humalukipkip siya. “Mrs. Lynch, hindi mo makakamit malalaking tagumpay kapag ganyan ang pag uugali mo. Ang ginawa ko lang ay magsabi ng ilang malulupit na salita. Wala ito kumpara sa balak mong pagsira sa karera ko. Hindi pa kita nabayaran sa mga nagawa mo sa akin, pero galit ka na agad ng ganito?”Galit na tumingin si Alice. Sa sobrang galit niya ay nanginginig siya.Sa huli, tumahol ng malamig si Alice. “Mabuti na lang at hindi ako ang bata mong kapatid, mandidiri ako kung pareho ang dugo ang dumadaloy sa mga ugat ko!”Ngumiti si Luna. “Ganun din ang nararamdaman ko.”Ginitgit ni Alice ang mga ngipin niya. May gusto sana siyang sabihin nang may napansin sa kanya mula sa malayo.“Ang galit na babaeng ‘yun ay si… Mrs. Lynch, hindi ba?”“Mukhang si
Nang mapansin ni Anne na nakatitig ng tulala si Luna sa papel, tinikom niya ang mga labi niya. “Naaksidente ng anim na taon na ang lumipas, tama ba? Nagsimula nang magplano ng cosmetic surgery ang babaeng ito pagkatapos mong maaksidente.“... Ang lahat ng ito para makasama ang isang lalaki. Kinalimutan niya na ang pagkakakilanlan niya at nagbago siya at naging ibang tao. Ang ganitong obsesyon ay nakakatakot rin.”Pagkatapos, tumingin si Anne kay Luna. “Noong kasama mo pa si Joshua, may paranoid ba na babaeng tulad niya?”Napahinto ng ilang saglit si Luna. May pangalan na dumaan sa isip niya.Hailey Walter.Noon, nung kinasal pa lang si Luna kay Joshua, nangako si Hailey na hindi na siya magpapaksal ng buong buhay niya.Pagkatapos ng kasal nila, sinubukan pang patayin ni Hailey si Luna.Bukod pa dito, noong nasa Sea City sila nung nakaraan…Ang patay na si Hailey Walter ay malamang na isang impostor…Habang iniisip ito, agad na nilabas ni Luna ang phone niya. Naghanap siya sa p
Nabigla si Luna.Humigpit ang hawak niya sa phone. “Akala ko pinag usapan natin na may ilang araw pa sila na makasama ako?”Tahimik ng ilang saglit si Joshua sa kabilang linya ng phone. “Sinabi ng tatay ko na namiss niya ang mga bata.”Ang kamay ni Luna na nakahawak sa phone ay nanginig ng kaunti.Noong nasa Sea City sila, ng mahabang panahon, sila Neil at Nellie ay tumutuloy sa apartment niya sa Swan Lake Residences.Si Adrian, ang lolo nila, ay hindi pa binisita sina Neil at Nellie ng isang buong linggo.Sa mga sandaling ‘yun, isang araw pa lang doon sina Neil at Nellie, pero namimiss na sila agad ni Adrian?Baka nga naniniwala si Joshua dito ng walang rason, ngunit hindi si Luna.Muling napunta sa isip niya ang eksena na galit na umalis si Alice.Pumikit si Luna.Natatakot siya na hindi si Adrian ang namiss ng mga bata, ngunit ito ay si Alice na gustong maghiganti sa kanya gamit ang mga bata.Sinisi ni Luna ang sarili niya. Pinigilan niya dapat ang sarili niya kanina. Gay
“Maging ito ay si Alice o si Adrian, wala silang rason para pigilan sila Nellie at Neil na makatanggap ng magandang edukasyon at training.”Kinagat ni Luna ang mga labi niya. Kinuha niya ang phone at tiningnan niya ang mga detalye ng summer camp.Isa nga talaga itong opisyal na summer camp. Ang training na matatanggap nila ay naaayon din.Sa sobrang pagkasabik ni Luna ay halos tumulo ang mga luha niya.Dahil sa pagkakakilanlan nila, laging nasa panganib sina Neil at Nellie dahil kay Alice. Matagal na itong nasa isip ni Luna.Sa mga sandaling ‘yun, kung pumayag si Joshua na pumunta ang mga bata sa summer camp, wala nang gagamitin si Alice para takutin siya!Habang iniisip ito, kinagat ni Luna ang mga labi niya. “Nigel, salamat.”“Mommy,” Nagbuntong hininga si Nigel at sinabi niya, “Anak niyo po ako. Sina Neil at Nellie ang mga kapatid ko. Maging isa po akong anak o kapatid, ang gusto ko lang po ay mabawasan ang pag aalala niyo at para maging ligtas sila.”Huminga ng malalim si L
Medyo nagulat si Luna.“Pumunta ka dito para sakin?”“Oo.”Tinaas ni Joshua ang mga kamay niya at binuksan niya ang bag ng pagkain. Pinasa niya ang isa kay Luna.“Gusto kong humingi ng tawad sayo.”Nabigla si Luna.Humihingi sa kanya ng tawad si Joshua?“Tungkol sa nangyari kahapon.”Dumilim ang ekspresyon ni Joshua. “Baka nga may problema sa pagharap ko sa nangyari kahapon, pero asawa ko pa rin si Alice. Ayaw ko siyang ipahiya masyado.”Huminto ang kamay ni Luna na nakahawak sa agahan.Umatras ang mga kamay niya, tumingala siya at tumingin sa malamig at gwapong mukha ni Joshua.“Humihingi ka ng tawad dahil dito?”Tumango si Joshua.Ngumiti at tumawa ng mapanglait si Luna. “Hindi ba’t tinapos na natin ang tungkol dito? Ang lahat ay ayon sa plano ni Courtney. Si Mrs. Lynch ay niloko lang ni Courtney.”Pagkatapos, tumingin siya ng mapanglait. “Dahil kasalanan ito lahat ni Courtney, bakit mo pa kailangan humingi ng tawad, Mr. Lynch?”Tumawa ng mapait si Joshua, “Tulad ng in
Bahagyang ipinikit ni Luna ang kanyang mga mata."Meron talaga ako."Pumunta si Luna sa study at kinuha ang laptop niya. Binuksan niya ang impormasyon ng summer camp na ipinadala sa kanya ni Nigel."Sana magkaroon ng mas magandang edukasyon sina Nellie at Nigel."Nagsalubong ang kilay ni Joshua. Mabilis niyang sinuri ang impormasyon sa summer camp."Hindi." Ibinuka ni Joshua ang kanyang bibig at determinadong sinabi, “Isang buwan lang bumalik sina Neil at Nellie sa akin at kay Alice. Ngayon gusto mong ipadala ko sila sa napakalayong lugar. Anim na buwan ang summer camp. Hindi ako sang-ayon diyan."Isinara ni Luna ang laptop. Inangat niya ang ulo at nanunuyang tumingin kay Joshua. "Mr. Lynch, hindi mo talaga tinutupad ang iyong mga pangako. Kinausap mo ako ngayon lang tungkol sa mga responsibilidad. Gayunpaman, pagkatapos sabihin iyon, hindi mo pa rin pinaplano na pasanin ang iyong mga responsibilidad, hindi ba?"Agad na nagdilim ang tingin ni Joshua.Tiningnan niya ng malapitan
Lihim na umikot ang mga mata ni Nellie.Biological Mommy. Ang kanyang tunay na Mommy ay si Luna!"Siyempre, malapit din sa isa't isa si Nellie at ang kanyang tunay na Mommy!"Bago makapagsalita si Nellie, si Neil, sa tabi, ay mahinang tumawa, "Wala nang ibang mas mahalaga pa kaysa sa mga relasyons ng magkakadugo."Tapos, inangat ni Neil ang ulo niya at tumingin kay Joshua. "Mr. Lynch, sabi mo mahal na mahal kami ni Ms. Alice. I’m sure na papayag siya na dumalo kami sa summer camp, di ba? Kung tutuusin, hangad ng bawat magulang na maging matagumpay ang kanilang mga anak sa buhay. Kapag naging successful kami ni Nellie, hindi na kailangang magselos si Ms. Alice kay Mommy Luna.”Ang mga salita ni Neil ay walang kamali-mali at hindi matatalo.Bahagyang kinusot ni Joshua ang kanyang mga mata at nilingon si Neil. Nakangiti pa rin si Neil. Siya ay kaibig-ibig na hindi mapaglabanan.Walang magawa na natawa si Joshua.Ayos lang.Bagama't umaasa siyang magkakaroon ng mas maraming oras s
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya