Wala sa mood si Luna para umuwi kasama ang lahat.Kinagat niya ang labi niya at sinubukan niyang bitawan ang kamay ni Rosalyn. “Mom, sabihin niyo sa akin. Ano ang nangyari sa kanya?”Tumulo ang mga luha niya nang magmakaawa siya para malaman ang nangyari kay Joshua.Sa nakalipas na tatlong buwan, naisip niya ang maraming mga alaala na kasama niya si Joshua. Nakita niya rin ang maraming balita tungkol sa Lynch Group. Habang nakakulong siya, ang tanging nasa isip niya ay ang pagsisisi at kalungkutan niya para kay Anne.Hindi nagtagal, mabagal niyang naintindihan kung paano nagsakripisyo si Joshua para sa kanya noong nasa kulungan siya kasama ang mga inmate at mula sa mga balita.Para kumbinsihin ang mga bisita sa kasal na pumanig kay Luna at sabihin ang katotohanan tungkol sa nangyari nang gabing ‘yun, binayaran ni Joshua ang bawat utang ni Adrian sa mga pinagkakautangan nito, at sa prosesong ito, halos nagamit niya ang kalahati ng savings niya. Ang lahat ng ito ay para mabawasan an
“Sino?” Nabigla si Luna nang sabihin ito ni Rosalyn, ang isip niya ay hindi maintindihan ang mga sinabi ng nanay niya. “Sino ang naghihintay sa akin?”“Sino pa ba?” Ang tanong nag aalala sayo, syempre.” Tumawa ng malakas si Jim habang tinaas niya ang kamay niya para katukin ang noo ni Luna. “Hinihintay ka ni Joshua sa loob. Sige na.”Natulala si Luna. Matagal bago niya naintindihan ang buong bagay. Nang maintindihan niya ito, lumabas siya ng kotse na parang isang malakas na bagyo.Pagkatapos niyang bumaba mula sa kotse, nakita niya na kung ano ang gusali. Ito ay isang simbahan. Bago ito, nag aalala siya tungkol sa kaligtasan ni Joshua at hindi siya nag bigay ng atensyon sa paligid niya. Ang alam niya lang ay hindi ito ang bahay nila.Sa huli, naintindihan niya na kung bakit walang tao sa kotse ang nagsalita, na para bang may sikreto sila nang tumingin siya sa simbahan sa harap niya.‘I—Ito ang sorpresa na inihanda ni Joshua para sa akin!’ Ang naisip niya.Umiyak siya habang nagl
May matangkad at payat na lalaking may hawak ng malaking bouquet ng sariwa at pulang mga rosas na lumapit patungo kay Luna mula sa malayo.Nagulat at natuwa ng sobra si Luna sa eksena. Ang mga luha na naglaho ay muling bumalik sa mga mata niya nang malaman niya na ayos lang si Joshua.Ngayon naman, lumuluha siya dahil sa tuwa.Si Joshua ay nakasuot ng itim na suit na may gold trimming, at mas mukha siyang elegante kumpara sa normal. Ang bouquet ng mga pulang rosas ay bagay sa damit niya, at ang mukha niya ay mas naging gwapo mula sa malayo.Hindi mapigilan ni Luna na maalala ang eksena ng kasal niya kay Joshua noong maraming taon na ang nakalipas habang nakatitig siya sa lalaking nasa harap niya.Noon, nagpakasal si Joshua kay Luna para lang galitin si Adrian, at dahil dito, hindi sila nag imbita ng maraming bisita at wala ring effort sa paghahanda. Kahit ang wedding dress ay pinili lang ng nagmamadali, at walang nagsulat sa kanila ng mga wedding vow para sa okasyon.Kahit sa mga
“Pero, ‘wag kang tumigil mangarap ng mas marami.”Habang umiikot sila ng pang limang beses, hindi na ito mapigilan ni Jim at sinabi niya, “Hoy, kung hindi kayo agad maghahanda, mamimiss niyo ang perpektong timing!”Bumalik sa katotohanan si Joshua. Mabilis niyang ibinaba si Luna at hinalikan niya ito sa noo. “Sige. Oras na para maghanda.”Kumunot ang noo ni Luna dahil dito, ngunit bago pa siya makapagsalita, hinila siya nila Rachel at Bonnie sa backstage.Ang makeup artist at assistant ay naghihintay sa kanya, naghanda na ng wedding dress para sa kanya.Nang dumating si Luna, mabilis nilang pinaupo si Luna at nagsimula na sila. May ilang mga taong tumulong sa kanya na magbihis ng bago niyang dress, at ang ilan naman ay nagaayos ng buhok niya, at ang iba ay nilagyan siya ng makeup.Natikman na rin ni Luna ang pagiging tulad ng isang celebrity ngayon at maraming mga stylist na tumutulong sa kanya.Tumawa siya ng mapait at sinabi niya, “Kung alam ko lang na ito ang pagtrato na mat
[Hindi ‘yan totoo.] Ang message ni Rachel ay may kasunod na nakadila na emoji. [Hindi na ako isang bata.]Ang nangyari sa pagitan nila Thea at Roanne ay matagal nang lumipas, at wala na rin siyang nararamdaman na sama ng loob dahil dito.[Kaya nga lang, wala na akong kagustuhan para sa pag ibig at sa pagpapakasal.][Kaya pala tinatawag ka ng ibang tao na kakaiba ka.] Mabilis na dumating ang mapaglarong sagot ni Caleb. [Oo nga pala, may sasabihin ako sayong interesante.][Ano ‘yun?][Nakita ko si Gwen.] May isang litrato na sinend kasama ang message ni Caleb. [Bumisita ako ng isang kaibigan sa isang maliit na lungsod sa timog, at nakasalubong ko siya sa isang eskinita, pero parang hindi niya ako naalala. Nagkasalubong kami sa kalsada, pero hindi ko rin siya pinigilan. Ang ginawa ko lang ay kumuha ng ilang litrato niya.]Nabigla si Rachel nang makita niya ito, pagkatapos ay binuksan niya ang litrato.Si Gwen nga talaga ito. May suot siyang beige floral dress, naglalakad siya sa is
Nakaupo sina Luna at Bonnie sa kanilang upuan ng isang oras habang nagtatrabaho ang mga makeup artist at mga hairstylist.Nang sumapit ang alas diyes, ang dalawang bride ay hinatid sa dulo ng entablado sa tulong nila Rachel at Shannon.Sina Charles at Rosalyn ay nasa dulo ng entablado, nakahawak si Rosalyn sa kanyang tungkod.“Luna.” Tinaas ni Charles ang kamay niya at tumitig siya kay Luna. “Ibibigay na kita kay Joshua.”Tumango si Luna at hinawakan niya ang braso nito.Sa kabilang palad, inalok ni Rosalyn ang kamay niya kay Bonnie. “Kahit na wala kang pamilya, bestfriend ka pa rin ni Luna, at tinatrato kita bilang sarili kong anak, kaya hayaan mo akong kumilos ako bilang magulang mo at ibibigay kita kay Jim.”Nabigla si Bonnie, pagkatapos ay tumango siya habang namuo ang mga luha sa kanyang mga mata. “Okay po.”Naisip niya kung sino ang magbibigay sa kanya sa kasal niya, ngayon at wala ang mga magulang niya dito.Maglalakad ba siya sa red carpet ng mag isa?Sa mga huling san
Tumaas ang mga kilay ni Rachel at binigay niya ang bouquet kay Theo. “Sige. Sayo na ito.” Huminto si Theo, at ang ekspresyon sa mukha niya ay medyo nagbago. “Hindi mo ba ako tatanungin kung kanino ako magpapakasal?” “Pwede kang magpakasal sa kahit sino.” Ngumiti si Rachel. “Basta’t hindi ako.” Pagkatapos, tinulak niya palayo si Theo at tumalikod siya para umalis. Ilang hakbang pa lang ang naglalakad niya nang hawakan ni Theo ang braso niya. Kumunot ang noo ni Theo at tumingin siya kay Rachel. “Rachel, ayos… ayos lang ba talaga sayo na isipin na magpapakasal ako sa iba?” Tumaas ang mga kilay ni Rachel sa aliw at lumingon siya para tumingin sa mga mata ni Theo. “Hindi oka sakin noong pinilit mo na magpakasal kay Roanne, pero ano ang nakuha ko sa huli? Ano ang pagkakaiba kung ayos lang ito sa akin o hindi?” Tumahimik si Theo nang marinig niya ito. Pagkatapos, umatras siya, ang mga mata niya ay nakatitig pa rin kay Rachel. “Alam ko na mali ang ginawa ko, at ginagawa ko ang laha
Kumunot ang noo ni Gwen at napatingin siya sa likod niya. May lalaking nakasuot na itim, may sombrero siya at may suot na face mask. Nakaupo siya sa harap ng mesa na hindi nalalayo sa kanya, nakatitig kay Gwen. Ngunit, nang mapansin niya na nakatingin si Gwen sa kanya, kinuha niya ang menu at nagpanggap siyang binabasa niya ito. “Medyo kahina hinala siya…” Kumunot ang noo ng watier at pinaalala nito kay Gwen ng may mahinang boses, “Kailangan ko po bang tumawag ng pulis?” “Hindi na kailangan.” Ngumiti si Gwen. “Salamat sa kabaitan mo.” Huminto ang waiter, hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. “Kilala niyo siya?” “Parang ganun na nga.” Ngumiti siya at tumuro siya sa menu. “Ikuha mo ito para sa kanya, pero ‘wag mong sabihin na ako ang nagpadala.” “Sige po.” Nalilito ang waiter, tumango siya at sumunod siya sa hiling ni Gwen. Pagkatapos umalis ng watier, muling tumingin si Gwensa lalaking nasa malayo, pagkatapos ay bumalik siya sa pag inom ng tsaa. Ang lalaki ay sumus
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya