Umangat ang kundisyon ni Kate nang maisip niya ang tangang iyon. Noong nasa Merchant City siya, taimtim na sasabihin ni Luke sa kanya na mayroon itong kasintahan kahit na sinubukan niyang mapalapit kay Luke. Nais nitong magkaroon siya ng respeto dito at sa kanyang sarili.Napatingin siya sa lalaking katabi niya.Ang alon ay bumaling. Hindi inakala ni Gwen na mawawala sa kanya ang kapareha pagkatapos ng operasyon, habang si Kate naman ay malapit nang ipakasal kay Steven at magiging Mrs. Hughes!Kapag naiisip niya kung paano siya matutulog sa iisang kama kasama si Steven, na magigising para makita ang guwapong mukha nito tuwing umaga...pakiramdam niya ay puno ng pag-asa ang kanyang buhay!Pagkaalis ng front desk attendant, tumigil si Steven at may gustong sabihin bago mapansin kung gaano kasaya si Kate. Kaya, bumalik siya sa upuan at nagsalin ng kape, nagtanong, "Ano ang nginingiti-ngiti mo?""Wala." Bumalik sa katinuan si Kate at napatingin sa gwapong lalaki sa likod niya. "Iniisip
"Espesyal na reaksyon?" Kumunot ang noo ni Steven at inalala ang business meeting nila ni Joshua.Pagkatapos ay tinitigan niya si Kate. "Wala naman, maliban sa sinabi mo sa akin na sabi niya kamukha daw ako ng dating kaibigan niya."Naguguluhan pa rin si Steven dito nang maalala niya ang sandaling iyon. "Sa kabutihang palad, sinabi mo sa akin na si Joshua Lynch ay gustong sabihin iyon para makontrol ako, o baka maniwala ako sa kanya kapag sinabi niya iyon!"Pinikit ni Kate ang kanyang mga mata. "So si Joshua Lynch na mismo ang nagsabi na kamukha mo ang dati niyang kaibigan?""Oo." Huminto si Steven habang nakakaramdam ng swerte. "Pero, di ako nahulog dito. Sinabi ko sa kanya na Hindi ako mahilig magkontrol kapag negosyo ang pinag-uusapan."Nagulat si Kate, at hindi maitago ng kanyang mga mata kung gaano siya kasaya. "Ano ngayon ang nangyari?""Well, hindi na siya nagsalita tungkol sa kaibigan niya, at nagsimula kami sa negosasyon."Maya-maya pa ay hindi niya napigilang mapabunt
"Mali ba ang pagkaalala mo?"Umiling si Gwen. Matagal nang nasa kanya ang pendant, at hindi niya maaaring hindi maalala ang isang detalye. Bukod pa rito, kung may nakapulot ng pendant, malamang na ang metal plate ay nasa taong nakahanap din nito.Ilang beses nang naghanap sina Luna at Yannie sa sofa. Kung nahulog ito dito, dapat kanina pa ito natagpuan.Kumunot ang noo ng front desk attendant. "Ngunit Ms. Larson, pinagbabawalan kaming ibunyag ang impormasyon ng aming customer…"Bago pa siya matapos, kumuha si Gwen ng isang tumpok ng pera at itinulak ito sa kamay ng front desk attendant. "Maaari mo bang sabihin sa akin ngayon?"Laking gulat ng front desk attendant nang makita ang pera sa kanyang mga kamay. Ito ay halos ang halaga ng suweldo na maaari niyang makuha pagkatapos magtrabaho ng ilang taon!Nakagat niya ang labi niya at tumingin kay Gwen. "Sila ay...nasa ikatlong silid sa kanan kapag lumakad ka sa itaas."Tinitigan ng front desk attendant ang pera sa kanyang kamay at bu
Nagsalubong ang kilay ni Kate nang makita niya sina Gwen at Luna na nakatayo sa labas ng resting room niya. Laging makikita ng isang tao ang taong hindi nila inaasahan kapag ayaw nilang makita!Ipinaliwanag nito kung bakit parang pamilyar ang pendant na nakita ni Steven. Yun yung binili ni Luke para kay Gwen!Umasim ang ekspresyon ni Kate. Mas pinili niyang huwag hayaang makipag-ugnayan si Steven kay Gwen. Gayunpaman, tila hindi kakampi ang Diyos at sinubukang lumikha ng gayong koneksyon sa pagitan nina Gwen at Luke.Buti na lang at pinabili niya si Steven ng paborito niyang kape dalawang minuto na ang nakalipas. Kung hindi, hindi maiisip ang mga kahihinatnan kung makita nina Gwen at Luna si Steven nang pumasok sila sa silid…Huminga siya ng malalim at tumingin kay Luna. "Oy, Luna. Matagal nang hindi tayo nagkita."Wala sa mood si Luna na buhayin muli ang 'pagkakaibigan' nila ni Kate. Sinulyapan niya si Kate na may naniningkit na mga mata. "Ikaw ba ang nakahanap ng pendant ni Gwen
Sinasabi ng instinct ni Kate sa kanya na maaaring sirain nina Luna at Joshua ang plano niya. Kung si Gwen ay nag-iisa sa Saigen City, hindi siya gaanong mag-aalala. Ngayong nandito na rin sina Joshua at Luna...wala siyang paraan para masiguro na hindi magkikita sina Steven at Gwen!Mababaliw si Gwen kapag nakita niya si Steven. Hindi lamang siya ay magdurusa, ngunit magsisimula ring maghinala si Steven sa buhay nito.Habang iniisip pa niya iyon, huminga ng malalim si Kate. Nilabas niya ang phone niya at nagdial ng number."Mrs. Hughes, nasa bahay po ba si Mr. Hughes? Ah wala naman po. Sinabi sa akin ni Steven na hinihiling nyo kaming magpakasal sa lalong madaling panahon…kaya tatanungin ko po kung ano ang iniisip nyo tungkol doon..""Ako? Syempre, mas maaga mas mabuti."…Nang makaalis si Gwen sa The Spring Resort, pumara siya ng taxi. Sinundan siya ni Luna at Yannie at sumakay sa taxi kasama si Gwen."Hi, mga binibini! Saan kayo pupunta ngayon?" nakangiting tanong ng driver.
Sa tambakan ng basura sa labas ng Saigen City.Nang ihinto ng driver ang sasakyan, bumaba si Gwen sa kotse at dumiretso sa tambakan ng basura, na mabilis na sinundan nina Yannie at Luna, na nagbayad sa driver ng pamasahe sa taxi bago bumaba.Pagkababa ni Luna sa taxi, natigilan siya nang makita ang mga bundok ng basura sa kanyang harapan. Saglit na hindi niya malaman kung ano ang sasabihin.'Diyos ko! Paano natin hahanapin ang maliit na metal plate sa mga tambak na ito ng basura? Kasing hirap ito ng maghanap ng karayom sa karagatan!'Gayunpaman, walang pakialam si Gwen sa anumang bagay at sumugod sa mga tambak na ito na parang baliw. Wala siyang pakialam na katatapos lang niya mag-enjoy sa mainit na bukal o sa amoy o kung gaano karumi ang mga basura. Sumugod na lang siya sa basurahan suot ang kulay puti niyang damit.Napakababa ng temperatura sa Saigen City. Hindi nagtagal, nanlamig ang kanyang mga kamay, ngunit nagpatuloy pa rin siya sa paghahanap sa metal plate na ibinigay sa
Saglit na huminto si Yannie bago kinuha ang kanyang telepono at idinial ang numero ni Thomas."Maaari mo ba akong bigyan ng pabor? Kailangan ko ng tulong mo sa paggawa ng metal plate," sabi niya sa mahinang boses.Kumunot ang noo ni Luna nang marinig iyon.Mali pala ang pagkakaintindi niya kay Yannie. Gusto ni Yannie…na tulungan siya ni Thomas na gumawa ng bagong metal plate.Kinailangang aminin ni Luna na ito ay isang magandang ideya.Biglang nagring ang phone ni Luna. Ito ay isang tawag mula kay Joshua.Sa sandaling ito, magkasama sina Joshua at Thomas, at nang makita niya ang larawan ng metal plate na ipinadala ni Yannie sa telepono ni Thomas, agad niyang pinag-isipan ito.Kaya naman agad niyang tinawagan si Luna."May nangyari kay Gwen." Napabuntong-hininga si Luna at nagpatuloy sa mahinang boses na bahagya pang bumubulong, "Aksidente namang nawala ni Gwen ang kanyang pendant, at kahit na nahanap namin ito sa huli, nawala ang metal plate na nakakabit dito.”"Alam mo na si
Nanigas ang kamay ni Joshua sa pagbanggit kay Steven. Natahimik siya sandali bago tuluyang nagtanong, "Luna... Nakita nyo na bang lahat ang boyfriend ni Kate?""Hindi pa. Bakit?""Wala." Kinuskos ni Joshua ang noo niya sa kabiguan. "Hindi ko maiwasang mapansin na ang bagong boyfriend ni Kate ay kamukhang-kamukha ni Luke, kaya sa tingin ko ay hindi nyo dapat hayaang makita siya ni Gwen."Tumango si Luna. "Tama ka. Huwag mag-alala; gagawin ko sa abot ng aking makakaya na protektahan si Gwen."Kahit na hindi pa niya nakikilala ang bagong nobyo ni Kate sa totoong buhay, nakita na niya sa internet ang mga larawan nila ni Kate na magkasama. Kaya naman, bago pa man sabihin ni Joshua, alam na niya na ang lalaking ito ay kamukha ni Luke.Sa puntong ito, mababaliw si Gwen sa anumang pagbanggit kay Luke, kaya kung ang kasintahan ni Kate ay talagang katulad ni Luke, kailangan niyang pigilan si Gwen na makita siya nang personal sa anumang paraan."Pag-uusapan pa natin ito kapag nagkita tayo,"
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya