Nagulat si Luna sa sinabi ni Joshua. Sa loob ng isang minuto, hindi niya mairehistro kung ano ang tunay na ibig sabihin nito at naisip na si Joshua ay nagdadalamhati sa kanilang nawawalang anak."Ganoon ba?" Napabuntong-hininga si Luna. Muli niyang binuksan ang website ng balita. "Oh, wow... hindi ko mapapansin kung hindi mo sinabi sa akin."Alam ni Luna na may anak si Yannie sa labas ng kasal, kaya nang makita niya ang balita, ang una niyang naisip ay pinagtaksilan si Yannie at hindi pinansin ang mga impormasyong nalathala sa balita. Pumasok lang iyon sa isip niya matapos itong banggitin ni Joshua."Nagkataon lang na nanganak kami sa parehong araw," pahayag ni Luna."Hindi lang yun." Si Joshua, sa kabilang dulo ng linya, ay huminga ng malalim bago niya taimtim na idinagdag, "Ang ospital na kinaroroonan ni Yannie ay ang parehong ospital na sinabi ni Hunter na ninakaw niya si Riley. Ang araw na ipinanganak ni Yannie ang kanyang sanggol ay ang parehong araw na ipinanganak si Riley at
Mula nang araw na dumating si Thomas sa Merchant City, tinatarget na niya sina Luna at Joshua, na nagresulta sa pagkapoot ni Luna kay Thomas. Namangha siya nang malaman niyang si Thomas ang ama ng batang babae na gusto niyang ampunin."Si Yannie ba ang nagsabi sayo nito?" tanong ni Joshua nang hindi sinagot ni Luna ang tanong niya. Kumunot ang noo ni Joshua."Oo," mahinang sagot ni Luna, "at hindi ko gusto si Thomas."Hindi niya iniisip na magiging mabait si Thomas kina Riley at Yannie.Sa sandaling ito, kasosyo ni Yannie si Thomas, at isa siya sa mga celebrity sa ilalim ng kanyang ahensya. Tinutulungan niya si Thomas na kumita rin.Ang balita ng nakaraang pagbubuntis ni Yannie ay kumalat sa buong lungsod, ngunit walang ginawa si Thomas. Hindi man lang siya nag-abalang alisin ang balita matapos ganoon kalalim napunta si Yannie sa gulo. Kung hindi naisip ni Luna na hayaan si Joshua na alisin ito, sino ang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa buong kaguluhang ito?Kung hindi man l
"Luna, gusto kong sabihin sa iyo ang tungkol dito pagkatapos bumalik si Thomas, ngunit... “ Huminto sandali si Joshua bago siya nagpatuloy, "Sa hitsura nito, baka pwede tayong umupo sa gilid at manood muna. Kung kakayanin ni Thomas ang usapin sa pagkakataong ito, dapat tayong magtiwala na may kakayahan siyang pangalagaan sina Yannie at Riley.”"Alam kong hindi kayo magkasundo dahil sa inyong nakaraang alitan, pero kung kaya niya itong pangalagaan ng maayos sa pagkakataong ito, siguro dapat natin siyang bigyan ng pagkakataon. Pagkatapos ng lahat..."Siya ay napabuntong hininga. "Kung tutuusin, anak niya si Riley. Baka may maibigay sila ni Yannie kay Riley na hindi natin kaya."Nakausli ang mga buko ni Luna habang mahigpit ang hawak sa phone niya. Naiintindihan niya lahat ng sinabi ni Joshua, pero..."Sige," simpleng sagot ni Luna pagkatapos ng malalim na paghinga bago niya ibinaba ang tawag.Pumikit siya at inayos ang pagkakaupo para mas komportable matapos ibaba ang telepono.An
"Kayo ni Joshua... Ang baby nyo ba ay..."Napakunot ng noo si Yannie na hindi masaya. "Hugo, nirerespeto kita dahil naging mabait ka, mabuting manager sa akin, pero kung patuloy kang magsasabi ng kalokohan, hindi na ako magiging mabait sa iyo."Huminga siya ng malalim at mariing sinabi, "Ipapaliwanag ko sa iyo ito minsan: Tinulungan ako ni Mr. Lynch dahil kaibigan ako ng kanyang asawa, si Ms. Luna. Ang aking ina ay nagtatrabaho sa kanyang bahay bilang isang kasambahay. Kaya naman labas-masok ako sa bahay niya nang may kumuha ng mga litratong iyon. Ang baby ko naman..."Itinaas niya ang ulo niya at tinignan ng masama si Hugo. "Kung talagang maglalaan ka ng oras upang maunawaan ang impormasyon ni Mr. Lynch at ng kanyang asawa, mapapansin mong hindi siya kailanman narito sa Merchant City noong buntis ako."Pagkatapos ay ipinikit niya ang kanyang pagod na mga mata at ibinagsak ang sarili sa sofa. "Yun lang ang gusto kong sabihin."Kumunot ang noo ni Hugo habang nakatingin kay Yannie.
Sa kanyang panaginip, malabong naulinigan ni Yannie si Thomas na nagsasabi na mayroon siyang tatlong buwang gulang na sanggol, ngunit wala na siyang maalala pa. Pagkatapos ng lahat, siya ay pagod na pagod.Alas otso na nang tuluyang nagising si Yannie mula sa kanyang pagkakatulog. Ang unang pumasok sa kanyang isipan ay ang kanyang panaginip tungkol sa pagsasabi ni Thomas kay Hugo na isa siyang ama sa isang tatlong buwang gulang na sanggol.Hinaplos niya ang kanyang ulong pumipintig, ngunit hindi niya matukoy kung panaginip ba iyon o kung narinig niya ito habang natutulog siya habang nag-uusap sina Thomas at Hugo.Pagkatapos ng maraming pag-iisip, nagpasya siyang pumunta kay Thomas.Nang bumangon siya sa kama, napagtanto niyang natulog siya sa kama ni Thomas. Naalala niyang sa sofa ng mansyon siya nakatulog!Pinabuhat ba siya ni Hugo sa itaas pagkatapos niyang makita kung gaano siya kapagod? Gayunpaman, si Thomas ay nag-ayos ng isang silid para sa kanya mula noong hiniling nito sa
“Marunong talaga umarte si Yannie! Nagpapanggap siyang inosente at mahina, nagpapanggap siya na wala siyang koneksyon sa mga tao at galing siya sa hirap. Tingnan mo siya ngayon!” Galit na sinabi ni Wendy. “Kaya niyang bayaran ang isang buong hospital noong tatlong buwan na ang nakalipas par itago na nanganak siya dito. Mula sa nakikita ko, hindi inosente ang intensyon ni Yannie noong lumapit siya sayo.” “Tatlong buwan na siyang nagpaplano, hinihintay niya ang pagkakataon para pumasok sa entertainment industry. Sino ang mag aakala na ang isang mabait na tao na tulad mo ay bibigyan siya ng pagkakataon!” Patuloy sa pagsasalita si Wendy, ngunit ang bawat salita ay parang isang kutsilyo na sumasaksak sa puso ni Yannie. Kailangan niyang magsalita. Walang totoo sa mga sinasabi ni Wendy! Sa simula pa lamang, wala na siyang plano na pumasok sa entertainment industry. Nagkataon lang na ginawa niya ang shower gel commercial, at nagkataon na sumikat siya, at si Thomas ang nagpasok sa kan
“Kaya.” Tumigil si Thomas sa paglalakad at tumingin siya sa mukha ni Wendy na parang wala siyang pakialam. Naging malamig ang tono niya. “Base sa lohika mo, alam na ni Yannie na bibigyan mo siya ng pagkakataon noong tatlong buwan na ang nakalipas, kaya naghihintay siya sa mga panahong ‘yun?” Nagbago ang ekspresyon ni Wendy dahil sa mga sinabi ni Thomas. Kinagat niya ang labi niya. Pagkatapos, naisip niya na kung paano siya sasagot kay Thomas. “Hindi, hindi, hindi! Hindi ‘yun ang ibig kong sabihin! Ang sinasabi ko ay matagal nang plano ni Yannie na pumasok sa entertainment industry. Kahit na hindi dahil sayo o sa akin, balak niya dati pa na pumasok sa industriya.” Tumaas ang mga kilay ni Thomas at ngumiti siya. “Kung tama ang pagkaka alala ko, si Yannie ay assistant ni Luna noong nakaraan. Kung plano niya na pumasok sa entertainment industry, bakit siya naging assistant ng babae ni Joshua Lynch? O sinasabi mo bang…” Yumuko si Thomas at tumitig siya kay Wendy. “Ang babae ni Joshu
Habang iniisip ito, naging sabik si Wendy at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Sa nakalipas na buwan, may dalang malaking gulo si Yannie para kay Wendy. Sa nakalipas na mga taon, si Wendy lang ang tanging tao sa entertainment industry na kayang maging malapit kay Thomas. Paano naman siya magiging komportable sa biglang pagsulpot ni Yannie? Kaya naman, kinuha niya ang pagkakataon na ito para hayaan si Yannie na maglaho sa tabi ni Thomas! … Kasabay nito, sa isa sa mga ward sa Central Hospital, nakahiga si Gwen sa kama, pinapanood niya ang international news habang hindi nakapokus ang tingin. Pagpasok ni Luna, nakita niya ang malungkot at nakakaawa na itsura ni Gwen, lumapit siya dito. Kinuha niya ang remote control mula kay Gwen. “Bakit ka nanonood ng international news? Hindi mo naman ito gusto. Ang sabi ni Anne ay kapag nasa bad mood ang isang tao, dapat siyang manood ng entertainment news. Minsan, mas exciting ito kaysa sa kahit anong drama!” Bumalik sa sarili si Gwen p