Share

Kabanata 24

Author: Inked Snow
last update Huling Na-update: 2021-10-09 21:05:40
Sa kabilang dulo ng phone, nakaupo sa isang bench sa tabi ng kalsada si Neil habang nakatingin siya sa paalis na ambulansya. “Congratulations,” ang sagot niya ng walang gana.

Kahit na naligtas sila Mommy at Nellie, nakaramdam pa rin ng pagsisisi si Neil.

Hindi niya inaasahan na ganito kasama si Aura kay Nellie.

Kung hindi dahil sa kanya, kung hindi dahil pinagtagpo niya sila Nellie at ang basurang si Joshua, hindi sana mangyayari ito.

Habang iniisip ito, umasim ang mood ni Neil.

Hindi napansin ng dalawang security guard ang malungkot na ekspresyon ni Neil, sabik pa rin nilang ipinahayag ang magandang balita, “Salamat sayo, papasok na kami sa Lynch Group bukas!”

“Kung kailangan mo ng tulong sa susunod, sabihin mo lang sa amin!”

Magtrabaho sa Lynch Group? Lumiwanag ang mga mata ni Neil.

Kung sabagay, kailangan niya ng tauhan sa loob ng Lynch Group!

...

Sa loob ng hospital.

Marahan na tinulak ni Joshua ang pinto ng ward, at lumingon si Luna nang marinig niya na bumukas ang pint
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku joshua anong ginagawa mo kay luna
goodnovel comment avatar
Raquel Alasagas
dapat lfree nlang
goodnovel comment avatar
Diane Bill
dati sabi libre
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 25

    Humampas ang likod ni Luna sa matigas na pader, namilipit ang mukha niya sa lakas nito.Sinakal ni Joshua ang leeg niya habang napuno ng lamig ang mga mata nito. “Katulong ka lang na kailangang alagaan si Nellie para matuwa ako. Sino ka ba sa tingin mo?”“Natutuwa ako sa mga kilos mo ngayon araw, pero hindi ibig sabihin nito na pwede kang magsalita tungkol sa mga bagay tungkol sa amin ng ex-wife ko. Sa mundong ito, walang pwedeng kumausap sakin ng ganito maliban sa tunay na nanay ni Nellie!”Humigpit ang hawak ng lalaki sa leeg ni Luna, nag kulay asul ang mukha niya dahil sa kakulangan sa hangin.Makalipas ang ilang saglit, nung mawawalan na siya ng malay, binitawan siya ng lalaki. “Tandaan mo kung sino ka!”“Uhu, uhu…”Nakahinga na ulit si Luna, bumagsak siya sa sahig habang hawak ang kanyang leeg at umubo siya.“Oh, anong nangyari?” maririnig ang boses ni Aura sa corridor. Tumingala si Luna.Sa harap niya, nakasuot ng pulang dress si Aura habang may suot itong takong na piton

    Huling Na-update : 2021-10-09
  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 26

    Dapat huminahon si Luna!Huminga ng malalim si Luna at tumingin siya kay Joshua, bahagyang nanginig ang boses niya, “Kapag sinabi ko na nagsearch ako ng mga panganib na maaaring mangyari sa amusement park dahil natatakot ako na may pwedeng mangyaring masama kay Nellie, maniniwala ba kayo sa akin?”Nangutya si Aura, “Paano pala ang number na ‘yun?”Ginitgit ni Luna ang kanyang ngipin at tiniis niya ang namumuong galit at kamuhian. “Ang numero na ‘yun… ay galing sa kaibigan ko. Alam niya na pupunta ako sa amusement park, para matulungan niya ako kung sakaling may nangyari.”Tumingin siya kay Joshua at sinubukan niyang maging magmukhang tapat.Bahagyang sumimangot si Joshua. “Tawagan mo ang kaibigan mo, at personal natin siyang tanungin.”“Hindi siya pupunta.” nanginig ang mga labi ni Luna. “Hindi ako aamin sa ganitong akusasyon, at hindi kailangan ipaliwanag ng mga kaibigan ko ang sarili nila.”Sinara niya ang kanyang mga mata at sinabi niya ng malamig. “Ang lahat ng ginawa ko kan

    Huling Na-update : 2021-10-09
  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 27

    Namutla ang mukha ni Aura.Gusto niya lang humanap ng ebidensya para itulak ang responsibilidad kay Luna, ngunit nakalimutan niya na hindi lamang ang signal ni Luna ang nasa Blue Bay Villa, kundi pati kay Joshua!“Tama,” sumandal si Luna sa pader habang napuno ng panunuya ang kanyang mga labi. “Kahit na encrypted ang signal ng mobile phone ni Mr. Lynch, kung nagkataon na namonitor mo ang ilan nito, at kumalat sa iba ang data nito… Lalampas sa milyon milyon ang mawawala.”Biglang namutla ang mukha ni Aura.“Joshua, hindi… hindi ko ibebenta ang impormasyon mo, kailan man! Kasi… balisa lang ako. Gusto ko lang malaman ang ebidensya sa plano ni Luna, kaya…”Ngumisi si Luna habang nakatingin sa balisang ekspresyon ni Aura. Magsasalita na sana siya, ngunit biglang narinig ang boses ni Nellie mula sa ward.“Auntie…”Sa sandali na tinawag siya ng anak niya, iniwanan ni Luna ang lahat at binuksan niya ang pinto ng ward para pumasok.Natira na lamang sina Joshua at Aura sa corridor.“Jos

    Huling Na-update : 2021-10-09
  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 28

    Habang nakahiga siya maliit at pink na kama, kumurap ang malaking mga mata ni Nellie at tumingin siya lalaki. “Matagal niyo na pong kasama si Nellie, at oras na po para magtrabaho kayo. Tawagin niyo na lang po si auntie para kwentuhan ako ng istorya!”Kinuha ni Joshua ang storybook. “Kaya kong magkwento ng magandang istorya.”Nabigla si Nellie.“Nagsisinungaling po kayo! Narinig ko na po ang mga istorya niyo!” Inalog ng batang babae ang manggas ni Joshua. “Gusto ko po auntie, Daddy. Sige na po...”Pagkatapos ulit ulitin ang hiling niya, lumabas na rin si Joshua sa kwarto, nadismaya talaga siya.Nakatayo si Luna sa corridor, sa labas ng pinto, habang hinintay niya na umalis si Joshua.Binuksan ng lalaki ang pinto at tumingin siya ng hindi natutuwa kay Luna bago siya naglakad para umalis.Umiling si Luna bago niya binuksan ang pinto.“Mommy.” sumandal paharap si Nellie at sinabi niya ng mahinang boses, “Hindi po ba’t parang ang bait ngayon ni Daddy? Parang natatakot din po siya n

    Huling Na-update : 2021-10-09
  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 29

    “Bakit?”Nang makita ni Joshua ang gulat na ekspresyon ng batang lalaki, ngumiti siya. “Gulat ka ba na makita ako?”Lumunok si Neil at tumango siya. “Nakakagulat nga po…”Paano niya nahanap ang lugar na ‘to?“Mukhang hindi ko na dapat ipakilala ang sarili ko.” kumuha ng malinis na baso ang lalaki at nagbuhos siya ng beer. “Niligtas mo ang anak ko, pero bakit mo ako iniiwasan?”“Hindi, hindi ko po kayo iniiwasan.” guilty na lumingon palayo si Neil para umiwas sa tingin ni Joshua.Kahit na paulit ulit niyang tinawag na masamang lalaki si Joshua, hindi pa rin siya komprotable nang biglang dumating ito sa tabi niya.Tumawa si Joshua. “Hindi mo talaga ako iniiwasan?”Umubo ng mahina si Neil. “Gumagawa ako ng mabuti ng hindi nag iiwan ng pangalan.”“Hindi lang sa hindi ka nag iwan ng pangalan, hindi ka rin nag iwan ng bakas?”Hinanap ng mga tao niya ang buong amusement park at tiningnan ang lahat ng taong lumabas at pumasok sa park, ngunit hindi siya mahanap dito.Sumipsip si Neil

    Huling Na-update : 2021-10-09
  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 30

    Gumulong ang mga mata ni Neil at hinulaan niya na tinanong ito ni Joshua dahil kay Nellie.Gusto bang bumawi ng masamang lalaking ito kay Nellie?Sumimangot ang batang lalaki at inisip niya ang sinabi sa kanya ni Nellie.“Neil, kapag bumalik ka kay Daddy, anong gusto mong gawin ni Daddy para sayo? Sana maging katulad ni Daddy si Mommy at ipagluto niya ako ng masarap na pagkain. Tulad ng pag suklay sa akin ni Mommy, pagpili ng mga damit ko, at kwentuhan ng mga istorya bago matulog tulad ni Mommy!”…Nagdalawang isip si Neil at inalis niya ang pag pag suklay sa kanyang sagot, “Gusto ko po na ipagluto ako ng tatay ko, pilian ako ng damit, at kwentuhan ako ng mga istorya bago matulog.”Tumaas ang mga kilay ni Joshua. “Kailangan mo pa ba ng tao na magkwento sayo ng istorya bago matulog?”Mature na ang batang ito para kwentuhan ng istorya bago matulog.“Syempre gusto ko pa rin po makinig sa mga istorya bago matulog!” sumama ang loob ni Neil. “Bata pa rin po ako! Hindi niyo po pwedeng

    Huling Na-update : 2021-10-09
  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 31

    Pak!May matangkad na lalaki ng dumating sa pinto.Sa sandali na binuksan ni Joshua ang pinto, nakita niya ang babaeng nakaupo sa hagdan.Nakaupo siya sa upuan habang may photo album sa kanyang kandungan, tumitingin sa laman ng photo album.Nakasuot siya ng yellow nightdress, at nakalugay ang mahaba at kulot na buhok niya, nagmukha siyang seksi at payat dahil dito.Sa ilalim ng mahinang ilaw, mukhang seksi at nakakaakit ang mga binti niya, ngunit sa kanyang maliit at makinis na mga paa, may suot siya na cartoon plush slipper na pareho kay Nellie.Huminto ang mga mata ng lalaki.Ang babaeng ito, ay gising pa ng madaling araw, at naka-pose ng ganito sa loob ng study room ng lalaki, sinusubukan ba niyang mang akit?Muntik na siyang mamatay ngayong araw, at ngayon at dumating na ang dabi, may ganitong mga intensyon pa rin siya!Habang iniisip ito, naging malamig ang ekspresyon niya. Lumapit siya at sinabi, “Anong ginagawa mo?”Hindi matatag ang posisyon ni Luna sa hagdan, at naka

    Huling Na-update : 2021-10-10
  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 32

    Kumurap si Nellie, pagkatapos ay napagtanto niya na mali ang sinabi niya.Hindi siya humarap sa kanyang tatay, lumingon siya sa gilid, “Si Mommy po, ngayon, siya ay…”Bago pa siya matapos sa pagsasalita, nakita niya si Luna na nakatayo sa entrance ng study room.Naiwan ang salita ng batang babae sa kanyang lalamunan.Lumigon si Joshua at tumingin siya babaeng nakatayo sa entrance, maririnig sa boses niya na hindi siya natutuwa, “May gusto ka bang sabihin?”“Opo.”Nanatiling walang ekspresyon ang mukha ni Luna. “Sinabi po ng mga katulong sa baba na handa na po ang agahan at tinanong nila kung kakain na po si Nellie.”“Pwede ka nang maunang kumain kung gutom ka na.”Tumingin sa kanya si Joshua ng naiirita, “Kapag natapos na si Nellie, kami na ang bahalang bumaba.”“Okay po.”Ngumiti si Luna at tumango, pagkatapos ay lumingon siya ng hindi nagdadalawang isip.Pag alis ni Luna, sinara ni Joshua ang pinto sa study room, lumingon siya at nagpatuloy sa pag tanong kay Nellie. “Ano n

    Huling Na-update : 2021-10-10

Pinakabagong kabanata

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3080

    Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3079

    Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3078

    Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3077

    Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3076

    “Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3075

    “Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3074

    Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3073

    Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3072

    “Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya

DMCA.com Protection Status