Nang bumalik sina Joshua at Luna, pinapatulog ni Bonnie si Shelly. Nang makita ni Bonnie na bumalik na sila, agad siyang lumapit sa kanila at tinanong niya, “Anong nangyari?” Nagbuntong hininga si Luna at pinaliwanag niya kay Bonnie ang lahat ng nangyari. Hindi mapigilan na sabihin ni Bonnie habang nakasandal siya sofa, karga niya pa rin si Shelly, “Sana ay ayos lang si Roanne…” Kahit na tinulungan ni Roanne si Charlotte na gumawa ng masama sa mga nakalipas na taon, hindi nararapat sa kanya na mamatay. Tinikom ni Luna ang mga labi niya nang marinig niya ito, ngunit hindi siya sumagot. Biglang nagring ang phone ni Joshua. Napuno ng tuwa ang mga mata ni Joshua nang makita niya ang number sa screen. Naramdaman ni Luna ang pagkasabik sa buong katauhan ni Joshua, kaya’t tumingin din siya sa screen. Ito ay isang number na walang caller ID. Hindi pamilyar si Luna sa number na ito, kaya’t hindi niya alam kung sino ito. Ngumiti siya at sinabi niya kay Luna, “Sandali lang.
Alam niya kung bakit masama ang itsura niya. Kagabi, nang mag away sina Jim at Sean, halos makunan si Bonnie dahil sa suntok ni Jim. Naalala ni Bonnie ang sinabi sa kanya ng doctor sa hospital. “Ms. Craig, himala na buhay pa ang anak mo…” “Kahit na walang senyales na nakunan ka, mabuti na lang at nakaligtas ang bata.” “Syempre, kailangan mo pa rin mag ingat sa hinaharap.” Sa mga oras na ‘yun, umiyak si Bonnie. Umiiyak siya dahil sa masamang kapalaran niya, pati na rin ang malakas na determinasyon na mabuhay ng bata sa tiyan niya. Sa kabila nito, ayaw niya na suriin siya ni Laura. Sa ibang salita, wala siyang tiwala kay Laura. Wala siyang tiwala sa kahit sino maliban sa obstetrician niya. Himala na nga na nakaligtas ang anak niya sa puntong ito, ngunit nag aalala siya na kapag nalaman ni Jim ang tungkol sa pagkabuhay ng bata… Si Jim ay ipapalaglag o aangkinin ang bata. Tutal, dahil nakipaghiwalay na si Jim kay Charlotte, walang nakakaalam kung ano ang gagawin ni Ji
Napahinto sina Luna at Laura nang marinig nila ang boses ni Joshua. Naubos ang kulay sa mukha ni Laura. Tinikom niya ang mga labi niya at tumingin muna siya kay Joshua, pagkatapos ay tumingin siya kay Luna. “Ang… Ang sabi ko ay gusto kong makipag laban kay Ms. Luna… para sa…” “Maglaban para sa pagmamahal ko?” Naglakad si Joshua sa kwarto, ngumisi siya, at dumating siya sa tabi ni Luna. Pagkatapos, hinila niya palapit ng katawan niya si Luna. “Dr. Suess, si Lucas ang nag kumbinsi sa akin na kunin ka bilang family doctor.” “Noong una, ang gusto ko ay humanap ng lalaking doctor, pero dahil maraming taon nang nagtatrabaho para sa kin si Lucas, may tiwala ako sa desisyon niya, kaya’t hindi ako tumanggi noong nirekomenda ka niya sa akin.” “Sa sandali na pumasok ka sa pamamahay ko, alam ko na hindi ka kontento sa relasyon natin bilang boss at family doctor, at dahil dito, sinasadya ko na lumayo mula sayo.” Ngumisi siya at tumingin siya ng malamig kay Laura. “Hindi ko inaasahan na ba
Sa kabilang palad, isang matagumpay na babae si Laura. Naisip niya na kapag umakyat siya sa karera niya, mas maraming lalaki na makakapansin sa kanya. Gayunpaman, nang makilala niya si Joshua, natuklasan niya na hindi ito ang katotohanan. Kahit na bukod tangi siya sa kakayahan niya, hindi man lang siya tiningnan ng mabuti ni Joshua. Hindi lang si Joshua, ngunit pati ang kaibigan niyang si Jim, pati ang artist na si Theo; walang kahit sino sa kanila ang nagpakita ng interes sa kanya. Hindi mapigilan ni Laura na pagdudahan ang sarili niya at kinamuhian niya ang hindi patas na mundong ito. Bakit hindi nararapat na magustuhan ng iba ang mga matagumpay na babae? Bakit, sa kabilang palad, ang mga magagandang babae na walang utak na tulad nila Luna at Bonnie ang sikat para sa mga lalaki? “Dr. Suess.” Ngumiti si Luna at tumingin siya kay Laura. “Alam ko na galit ka siguro sa mundo dahil hindi ito patas, at galit ka dahil sa tingin mo ay hindi ka nakakatanggap ng kahit ano mula sa
Nagkaroon ng matagumpay na ngiti sa mukha ni Laura dahil sa tanong ni Luna. “Natatakot ka ba, Luna? Totoo ito; hindi mo kailangan patunayan ang sarili mo para sa akin. Ano naman ang magbabago? Kung patunayan mo man ito o hindi, isang walang kwentang p*ta ka pa rin na umaasa lang sa mga lalaki para mabuhay.” “Ang tanging bagay na higit ka lang sa akin ay ang magandang mukha mo.” Pagkatapos, naghikab siya at lumingon siya para tumingin kay Joshua. “Kahit na ito na ang huling araw ng trabaho ko, kailangan ko pa rin umakyat para bigyan ng checkup si June.” Kahit na nangyari ang lahat ng ito, naalala niya pa rin na doctor siya. Sa sandali na natapos siyang magsalita, lumingon siya at umakyat siya ng hagdan. Gayunpaman, pagkatapos ng ilang hakbang, tumigil si Laura at sinabi niya, “Akala ko ay at least magkakaroon ka ng lakas ng loob para patunayan na mali ako, Luna, pero mukhang masyado mataas ang tingin ko sayo.” Pagkatapos, nagpatuloy siya sa paglalakad sa hagdan. Nanatiling
Hindi maintindihan ni Luna kung bakit kailangan magtago ni Joshua mula sa kanya habang sinasagot ang phone call na ito. Maraming taon na silang mag asawa; ano ang kailangan itago ni Joshua mula kay Luna? Pagkatapos ng hindi malaman kung gaano katagal, bumalik na si Joshua.Lumapit siya kay Luna at sinabi niya, “Umakyat ka at magbihis ka ng maganda at mag makeup; dadalhin kita sa hospital.” Agad na kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito. “Magbihis ako ng maganda at mag makeup ako… para pumunta sa hospital?” Bakit niya kailangan magbihis? Bakit sila pupunta ng hospital? Hindi mapigilan ni Joshua na ngumiti nang marinig niya ito. Hinimas niya ang pisngi ni Luna at sinagot niya, “Umaabante ang schedule, magtiwala ka lang sa akin. Mag makeup ka at magsuot ka ng pinakamagandang dress mo. Isasama kita para makipagkita sa isang mahalagang tao.” Hindi mapigilan ni Luna na kumunot ang noo niya sa pagkalito nang marinig niya ito. Kinagat niya ang labi niya at tumingin siy
Hindi mapigilan ni Luna na isipin na kakaiba ang kilos ni Caleb, ngunit hindi niya malaman kung ano ang mali. Sa mga sandaling ito, tinawag ni Joshua ang pangalan niya, kaya’t sumunod si Luna kay Joshua so hospital pagkatapos magpaalam kay Caleb. Hindi mapigilan na ngumiti ni Caleb nang makita niya na pumasok sina Joshua at Luna ng hospital. Alam niya nang sa simula nang makilala niya si Joshua at Luna ay magkakatuluyan ang dalawang ito, ngunit nabigla siya at mabilis na dumating ang araw na ito. “Sino ang bibisitahin natin dito?” Ang tanong ni Luna ng may mahinang boses habang sumusunod siya kay Joshua. May maliit na ngiti sa mukha ni Joshua habang sinasamahan si Luna sa hallway, magkahawak ang kanilang mga kamay, “Bibisitahin natin ang babaeng kausap ko sa phone.” Bahagyang tumigas ang katawan ni Luna nang marinig niya ito. Kinagat niya ang labi niya at tumingin siya ng kabado kay Joshua. “Sino… siya?” Hindi pa binabanggit ni Luna ang tungkol sa babae, ngunit biglang
May bahid ng pagkasabik sa boses ni Rosalyn habang niyakap niya ang nanginginig na katawan ni Luna. “Ayaw ko na mag-alala ka, kaya’t hindi ko ito sinabi sayo noong nagising ako.” “Noong sinuri ako ni Dr. Liddell para masigurado na ayos na ako, at pagkatapos ko tulungan si Christopher na kontrolin ang pag iisip niya, doon lang ako bumalik dito sa Merchant City.” Hinawakan niya ang luhaan na mukha ni Luna at sinabi niya, “Hindi ka galit sa akin, hindi ba?” Mabilis na umiling si Luna habang patuloy ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mukha. “Syempre, hindi po.” Bakit naman siya magagalit? Pagkatapos mapunta sa coma ng higit sa isang taon, ang unang bagay na gustong gawin ni Luna ay makasama ang nanay niya, kaya’t paano naman siya magagalit kay Rosalyn? “Salamat sa pag unawa.” Nagbuntong hininga si Rosalyn at nagpatuloy siya sa pagyakap kay Luna ng matagal bago niya binanggit si Joshua. “Isang mabuting lalaki si Joshua.” Sa sandali na hawakan niya ang kamay ni Luna, sinabi niy