Gumawa ng traffic sa kalsada si Quentin at pinatay niya ang assistant ni Jim… Humigpit ang dibdib ni Luna nang marinig niya ito. Posible kaya na siya rin ang may sala ng aksidente ni Bonnie? Ano ang binabalak ng lalaking ito? Napagtanto na rin ito ni Joshua. “Stuck si Bonnie sa traffic sa timog na parte ng bayan, at naaksidente ang kotse niya.” Tumahimik ng ilang sandali si Joshua habang hawak ang phone, pagkatapos ay tinanong niya, “May mga tauhan ka ba na nasa lugar na ‘yun? Pahingi ng pabor at dalhin mo ang isa sa mga tauhan mo para tulungan si Bonnie. Papunta na ako doon.” “Walang problema.” Biglang may naisip si Luke. “Oo nga pala, ang assistant ni Jim na namatay habang pabalik sa Landry Mansion ay galing sa DNA Diagnostic Center.” Nagkatinginan sina Luna at Joshua. Biglang naalala ni Luna na nitong umaga, sinabi niya kay Jim na gamitin ang buhok nila Shelly at Charlotte para gumawa ng isang DNA testing. Ibig bang sabihin ay… namatay si Assistant Clark dahil hawak
Agad na tumayo si Bonnie nang marinig niya na dumating si Luna. “Luna, kasi…” “Alam ko.” Nagbuntong hininga si Luna, niyakap niya si Harvey, at ngumiti siya kay Bonnie. “‘Wag kang mag alala; sigurado ako na maganda ang kalalabasan.” Mas kinabahan si Bonnie nang marinig niya ito. Habang nanginginig ang boses, ipinaliwanag niya kela Joshua at Luna na pinadala ng butler ang isa sa tauhan nito para sundan si Assistant Clark. Kumunot ang noo ni Joshua nang marinig niya ito. “Kung may kopya lang tayo at hindi ang orihinal… mahirap malaman kung maniniwala si Jim sa resulta ng DNA test.” Tumingin si Bonnie ng nalilito kay Joshua. “Pero nakay Assistant Clark ang orihinal.” Si Assistant Clark ang personal na assistant ni Jim, at hindi pwedeng hindi niya ibibigay ang orihinal na kopya ng DNA report kay Jim. Nagkatinginan sina Joshua at Luna nang marinig nila ito. Sa huli, nagbuntong hininga si Luna at hinawakan niya ang mga kamay ni Bonnie. “Si Assistant Clark… ay pumanaw kanina,
Sa sobrang saya ni Harvey ay napatalon siya sa tuwa. “Sa huli, ako talaga ang anak ni Bonnie! Hindi, teka, dapat ay Mommy na ang itawag ko sa kanya simula ngayon!” “Kaya pala nagustuhan ko agad siya sa oras na makita ko siya. Hindi ko mapigilan na isipin na matagal ko na siyang kilala at nakatadhana kaming magsama nang makita ko siya!” Hindi rin mapigilan ni Bonnie nag tuwa sa sarili niya. Lumapit siya sa tabi ni Harvey at niyakap niya ito ng mahigpit, kinuha niya ang report mula sa kamay ni Bonnie. Natuwa ang puso niya sa bawat salita na nakasulat dito. Kinagat niya ang labi niya at sinubukan niyang pigilan ang pagtulo ng mga luha niya. Higit sa isang taon niya nang hinahanap ang anak niya! Ang mahal niyang anak… Sa huli, ang nawawala niyang anak ay nasa harap niya lang, at ito ay walang iba kung hindi ang batang lalaki na mahal na mahal niya at balak niyang palakihin ng mag isa! Tumulo ang mga luha sa mukha niya. Niyakap niya si Harvey at binulong niya, “Nahanap
Agad na napahinto si Luna nang marinig niya ito. Matagal siyang tumitig ng blanko kay Joshua bago niya maintindihan kung ano ang tinutukoy ni Joshua. Kinagat niya ang labi niya at sinabi niya ng nalilito, “Sinasabi mo ba na… may kinalaman din si Charlotte sa plano ng pagpatay sa akin?” Sumingkit ang mga mata ni Joshua at sinabi niya ng nakangisi, “Tama.” Kinilabutan si Luna mula ulo hanggang paa. Kung totoo ito, edi si Charlotte… ay mas mapanloko pa kaysa sa iniisip niya. Kung may kinalaman si Charlotte sa plano nila Heather at Aura para patayin si Luna noong anim na taon na ang nakalipas… Ang pagbisita ni Charlotte kay Luna noong nasa kulungan si Luna para sa pagpatay kay Cheryl para tulungan si Luna ay peke sa simula pa lang. Sa puntong ‘yun, naniniwala pa rin si Luna na gusto talaga siyang tulungan ni Charlotte, pero nasira ang mga plano ni Charlotte na maging malapit kay Jim, kaya’t wala siyang magawa kundi maging desperado… Nang maisip ito ni Luna, nanginig ang
“Dinala ng butler ang mga tauhan niya para tulungan ako na patayin ang apoy habang nanatili siya para alagaan si Shelly.” “Nang makarating kami doon, natuklasan namin na ang basura ay aksidente na nasunog, at mabilis namin na pinatay ang apoy at bumalik agad kami sa bahay.” “Pero nang makabalik na kami, natuklasan namin na walang malay ang butler, at may kumuha kila June at Shelly!” “Sinubukan ko silang habulin, pero pumasok na sila sa kotse… at hindi ko sila masundan!” Malungkot na pinanood ni Sean habang palayo ng palayo ang kotse at lumuhod siya sa sahig at sinabi niya ng pagod. “Pero, nagawa kong isulat ang plate number, at isesend ko na agad ito sa inyo!” Pagkatapos, ibinaba niya ang phone at nagsend siya ng test message na may laman ng plate number ng kotse na nakatakas. Naging blanko ang utak ni Bonnie habang tumunog ang ring tone sa tainga niya. Wala siyang ideya kung ano ang gagawin niya. Bakit… Bakit may taong kikidnap kay Shelly? Ang tao na tanging naisip n
Hindi ba’t sinabi ni Sean na dinukot sina June at Shelly? Kung ganun, ano ang ginagawa ni June sa bahay ni Joshua? Nalito din si Luna dahil dito. “Ano… Ano ang nangyayari?” Nang makita na gulat ang mga mukha nila Bonnie at Luna, ngumisi si Joshua, lumapit siya kay June, at hinimas niya ang ulo nito. “Bakit hindi mo sabihin sa dalawang tita mo kung ano ang nangyari?” Dating natatakot si June sa malamig at makapangyarihan na ugali ni Joshua, at dahil hinimas ni Joshua ang ulo niya, sa sobrang kaba niya ay nanginig ang ngipin niya. Gayunpaman, inilarawan niya pa rin ang karanasan niya. “May lalaki po na pumasok mula sa backdoor para hanapin kami, at dinala po kami ni Mr. Butler sa kotse.” “Pagkatapos po, bumalik po siya ng bahay habang dala ang maliit na manika kapalit ni Shelly, at dumating na po kami dito!” Pagkatapos, tumuro siya sa kwarto sa likod niya. “Nandoon po si Shelly, natutulog!” Agad na umiyak dahil sa tuwa si Bonnie nang marinig niya ito. Agad niyang nilagp
Sa sandali na maisip niya ito, hindi mapigilan ni Luna na tumingin kay Joshua. Lumaki lang lalo ang paghanga at pagmamahal niya kay Joshua. Gayunpaman… Ang paghihiganti sa mga pamilya nila ay hindi pa nareresolba. Sa sandali na pumasok ng bahay si Bonnie, nakita niya si Shelly sa stroller, na siyang tumatawa at nakikipaglaro kay Nigel. Sandali siyang nabigla sa nakita niya. Kasing edad ni Nigel si Harvey, ngunit sa hindi malamang rason, habang nakatitig siya kila Nigel at Shelly, hindi niya mapigilan na isipin na magkahawig sila kaysa kumpara kila Harvey at Shelly. Nawala ang saya niya nang maisip niya ito. Ano ang tunay na pagkakakilanlan ni Shelly? Hindi siya ang anak ni Charlotte, at hindi rin siya anak ni Jim. Bakit pala dinala ni Jim ang batang ito at sinabi niya kay Bonnie na anak niya ito? Bakit trinato ni Jim ang sanggol na ito na para bang anak niya ito? Ang tanging paraan para masagot ang mga tanong niya ay kung bumalik ang mga alaala ni Jim… Nang maisi
Ngumisi si Bonnie sa pag uugali ni Jim. Hindi siya makapaniwala na kahit na sa panahong ito, ang ginagawa lang ng lalaking ito ay insultuhin siya. Mahirap para sa kanya na isipin na ito ay ang maamo at mabait na lalaki na minahal niya noong isang taon na ang nakalipas. Kahit na sinabi ng butler sa kanya na hindi siya naaalala ni Jim dahil masyado siyang mahalaga para kay Jim, hindi niya pa rin mapigilan na maisip na nakakatawa ito. “Ano ang tinatawanan mo?” Ang malamig na tanong ni Jim habang nakakunot ang noo niya nang marinig niya na tumawa si Bonnie. Patuloy sa pagtawa si Bonnie ng matagal bago siya huminga ng malalim at sinabi niya, “Tumatawa ako dahil isa kang ipokrito. Jim Landry, ang anak mo ang nawawala ngayon, at hindi lang sa hindi mo siya hinahanap, tumawag ka pa sa akin para tanuning ako?” “Kahit na hindi mo nakalimutan ang mga anak mo pagkatapos mawala ng mga alaala mo, hindi sila mahalaga para sayo!” “HIndi mo sila tinanong noong nasa Banyan City sila, at ng
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya