"Ang unang beses na ikaw at ako ay natulog nang magkasama noong 10 p.m. sa Tea Cottage sampung buwan na ang nakararaan, noong ika-napulo ng isang partikular na buwan. Mayroon akong dalawang saksi sa pangyayaring ito; ang isa sa kanila ay ang iyong kapatid na si Luna at ang isa ay isa sa iyong mga driver na tinatawag na Mr. Williams.”"Ang pangalawang beses na ikaw at ako ay natulog nang magkasama ay siyam at kalahating buwan na ang nakalipas sa Starhill Hotel noong hatinggabi. Noong panahong iyon, may nangyaring marahas sa iyong pamilya, at nalilito ka kung dapat ka bang bumalik sa Landry Group para tumulong sa iyong pamilya o hindi. Ang mga saksi sa insidenteng ito ay ang mga kasambahay at ang lobby receptionist sa Starhill Hotel…"Sa ikatlong pagkakataon…”"Sa ikaapat na pagkakataon..."Binibigkas ni Bonnie ang mga pangyayaring ito habang isinulat niya ito sa papel.Napakabilis niyang sumulat, at masyado siyang na-absorb sa kanyang pagsusulat kaya hindi niya napansin ang pagpata
“Mauuna na pala kami, Jim.” Makikita ang masakit sa ekspresyon ni Christopher nang makita niya ang tingin ni Jim. Wala siyang balak na manatili pa, kaya’t tumalikod siya at mabilis siyang umalis kasama si Bonnie. Nanatiling walang kibo si Jim habang nakatitig siya kay Christopher at kay Bonnie. Sa hindi malamang rason, hindi niya mapigilan na isipin na may kakaibang namamagitan sa dalawang ito. Tila desperado si Bonnie na lumayo kay Christopher, habang si Christopher ay sinusubukan na lumapit kay Bonnie. Tumitig si Jim sa kanila, hanggang sa mawala na sila sa paningin ni Jim. “JIm!” Si Charlotte, na kakatapos lang sa appointment sa doctor, ay biglang tumakbo papunta sa hardin. “Ano ang ginagawa mo dito? Kanina pa kita hinahanap! Bakit hindi mo sinasagot ang phone mo?” Nawala ang pagiging tulala ni Jim at tumingin siya sa phone niya. Mayroon siyang tatlong missed call, at lahat ng ito ay mula kay Charlotte. Tumawag si Charlotte kay Jim sa sandali na umalis sina Chris
“Christopher, ang pagiging isang mahusay na doctor ang rason kung bakit ayaw ko na magpatuloy ka na mag aksaya ng oras sa akin.” “Ikaw na ang nagsabi na simple lang ang kaso ko, at kaya kong gumaling kahit na isang nurse lang ang nag aalaga sa akin, kaya’t hindi ko kailangan ang isang taong tulad mo na mag alaga sa akin.” Kumunot ang noo ni Christopher. “Pero gusto ko!” “Pero ako, ayaw ko.” Dumilat si Bonnie at tumitig siya kay Christopher, ngunit ang titig niya ay tila tumagos papunta sa malayong lugar. “Christopher, alam ko na isa kang mabuting tao, pero hindi ako.” “Ang taong nasa isip ko ay si Jim lang, at kahit na hindi niya ako naaalala at hindi niya na ako mahal, hindi ko pa rin siya kayang bitawan.” “Tama si Jim. Ang isang tao na tulad ko ay hindi bagay sayo, kaya’t sa tingin ko ay mas mabuti na lumayo ako sayo.” Hinawakan ni Bonnie ang tiyan niya at pinilit niya ang sarili niya na tumayo. “Sira na ang phone ko ng halos bente-kwatro oras na. Nagaalala ako na hindi a
Ang napalingon sina Christopher at Bonnie dahil sa mababa at pamilyar na boses na ito. Ang tao na huminto kay Christopher sa pagsara ng pinto ay si Lucas. Para sa taong nagsalita, ito ay walang iba kundi si Joshua, na nakatayo sa malayo, pinapanood sila. May hawak siyang sigarilyo sa pagitan ng ngipin niya habang elegante siyang nakasandal sa poste. Tumingin siya kay Christopher at sinabi niya, “Hindi ito ang paraan para makuha ang puso ng isang babae.” Pagkatapos, tumingin siya sa maputlang mukha ni Bonnie at tinanong niya, “Gusto mo bang umuwi kasama siya o ako?” Kinagat ni Bonnie ang labi niya. Tumingin siya kay Christopher, pagkatapos ay tumingin siya kay Lucas, na siyang nakaharang sa pinto. Makalipas ang ilang sandali, tinulak niya ang pinto, lumabas siya ng kotse, at pumunta siya sa direksyon ni Joshua, hawak niya ang tiyan niya gamit ang kamay niyang nasugatan. Kumunot ang noo ni Christopher at agad niyang nilabas ang kamay niya para hawakan ang braso ni Bonnie.
Tumigil si Bonnie, pagkatapos ay bigla niyang naalala na balak niyang bumili ng bagong phone. Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Mr. Lynch, nasa bahay ba si Luna ngayon?” Hindi siya malapit kay Joshua, at ang tanging koneksyon lang nila ay si Luna, kaya’t hindi siya komportable para sabihin kay Joshua na samahan siya sa shopping trip niya. Gayunpaman, base sa kondisyon niya ngayon, hindi siya pwedeng umalis ng mag isa, kaya’t naisip niya si Luna. “Wala siya sa bahay.” Tumingin si Joshua kay Bonnie, pagkatapos ay tumawag siya sa number ni Luna at binigay niya kay Bonnie ang phone niya. “Pwede mo siyang tawagan at sabihin sa kanya na umuwi siya.” Kumunot ang noo ni Bonnie at kukunin niya ang phone mula kay Joshua nang maputol ang phone call bago pa sumagot si Luna. Naulit ito ng pangalawang beses na tumawag siya; tinanggihan ni Luna ang mga phone call. Biglang naintindihan ni Bonnie kung bakit biglang mabait sa kanya si Joshua. Hindi lang niligtas ni Joshua si Bonnie
Tumahimik ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay sumagot siya, “Sige, Bonnie. Hinihintay ko si Gwen dito sa station, at sa oras na tapos na ako sa kanya, babalik ako sa bahay ni Joshua para hanapin ka.” “Sige.” Tinikom ni Bonnie ang mga labi niya at tumingin siya sa lalaking nakaupo sa front seat. “Kaya… umuwi ka na agad.” Sa sobrang lamig at walang awa ng aura ni Joshua ay hindi na kayang manatili ni Bonnie sa parehong lugar kasama ni Joshua. Pagkatapos ibaba ang phone, binigay ni Bonnie ang phone niya kay Lucas at umupo siya ng tahimik sa sofa, tumitig siya sa labas ng bintana. Kumunot ang noo ni Joshua, yumuko siya para tumingin sa pangalan ni Luke sa phone screen, at nagdalawang isip siya bago niya sinara ang phone niya sa huli. Hindi nagtagal, dumating na ang kotse sa bahay. Mula sa malayo, nakita ni Bonnie si Theo at ang family doctor na nakatayo sa front door, hinihintay ang pagdating nila. Naisip pa ni Joshua na humanap ng batang babaeng doctor para kay Bonnie pa
Ang boses na ‘yun… Tumigas ang buong katawan ni Luna. Boses ito ni Luke! Agad na lumingon si Luna at tumingin siya kay Gwen, na siyang nakatago sa likod ng bakal na puno. Sa mga sandaling ito, ang mukha ni Gwen ay kasing putla ng pader sa likod niya. Wala silang ideya tungkol dito, ngunit sa mga sandaling ito, naubos ang mga tao sa bus station, at napapalibutan na si Gwen ng dosedosenang mga taong nakasuot ng itim sa sampung metrong radius. Ang mag maskuladong mga lalaking ito ay humarang sa publiko. Sina Gwen at Luna lang ang naipit sa loob bilog na ginawa ng mga guard. Naramdaman ni Gwen na parang piniga ang puso niya ng isang kamay na hindi nakikita. Ibinaba niya ang phone niya, ang bibig niya ay nakabukas dahil sa kawalan ng pagasa. Makalipas ang ilang sandali, itinabi niya ang phone niya at tumakbo siya papunta sa banyo ng mga babae sa likod niya. Ito lang ang lugar na pwede niyang taguan! Pagkatapos tumakbo papunta sa banyo at sinara ang cubicle sa likod n
Kinagat ni Luna ang labi niya nang makita niya na papalapit si Luke sa tinataguan ni Gwen at hinabol niya ito. “Luke! Kung tatratuhin mo si Gwen ng ganito, kamumuhian ka niya ng buong buhay niya!” Sa kasamaang palad, hindi huminto si Luke. “Ano naman ang pagkakaiba nito?” “Kahit na gaano kabuti ang pagtrato ko sa kanya, hindi niya naaalala ang mga ginagawa ko para sa kanya.” Nasa pinto na siya ng banyo habang nagsasalita siya. Nang makita na bubuksan na ni Luke ang pinto para pumasok, agad na pumasok si Luna at nilabas niya ang mga kamay niya para harangan ang daan ni Luke. “Tutupad ka ba sa pangako mo? Mangangako ka ba na hindi mo sasaktan si Gwen basta’t makumbinsi ko siya na lumabas dito?” Kahit na sa loob loob niya, gusto ni Luna na maniwala na hindi sasaktan ni Luke si Gwen, nasisiraan pa rin ang lalaking ito! Kung gusto niya talaga na saktan si Gwen sa harap ng publiko, walang magagawa si Luna kundi manood. Kaya naman, hindi niya kayang tanggapin ang panganib na i