Nang isagawa nila ang libing para kay Heather, binanggit din ni Jim na sinisimulan na ni Joshua na imbestigahan ang aksidente ni Heather. Kung gusto ni Joshua na imbestigahan ito, natural na dadaan siya kay Luke. Kung tutuusin, nasa isang gang si Luke, at lahat ng klase ng tao ay makikilala niya. Sa isiping iyon, nagkunwaring umakyat si Luna kasama sina Theo at Gwen habang palihim na nakikinig sa usapan na nagaganap sa ibaba. Narinig niyang sinabi ni Luke sa sadyang pinipigilang tono, "Ang pamamaraang ginamit ay talagang katulad ng aksidenteng nangyari dalawampung taon na ang nakararaan. Hindi lamang lumitaw ang trak sa maling oras at lugar, kundi maging ang modelo ng trak ay ang pareho.” "Ang modelo ng trak na dating sikat twenty years ago ay mahirap hanapin sa panahon ngayon. Sa tingin ko ang paggamit ng trak na ito ay dahil sa kaginhawahan kasi, after twenty years, mas marami na ngayon ang mga uri ng truck na mas malakas.” Sa tingin ko, tama ang iyong unang pagbabawas; ito
Kumunot ang noo ni Luna, hindi niya pinapakinggan ang mga salita ni Gwen. Nagawa ni Malcolm na patulungin si Luke na hanapin ang bagay na naiwan ni Heather? Kung gusto ito ni Malcolm, simple lang ito. Ang kailangan niya lang ay dumalo sa libing ni Heather. Kung sabagay, kilala ng lahat na si Malcolm ang asawa ni Heather, at natural lang para sa isang lalaki na siya ang bahala sa mga problema ng pumanaw niyang asawa. Bakit pala hindi dumating si Malcolm kung saan dapat ay siya ang umasikaso sa libing ni Heather, hinintay niya pa na matapos sina Luna at Jim sa pag asikaso sa libing ni Heather bago niya nilapitan ang mga tauhan ni Luke para sa tulong? Bakit niya ito ginawa ng palihim? Habang iniisip ito ni Luna, kumunot ang noo ni Gwen at nag isip siya bago niya sinabi, “May sugat siya nang pumunta siya dito; hirap pa siya maglakad. Noong una, hindi ko pa siya namukhaan.” Pumikit si Gwen at naisip niya ang mga detalye ng nangyari nang gabing ‘yun. Pumunta si Malcolm dito n
Ilang hakbang pa lang ang nilakad ni Luna nang lumingon siya at tumingin ng malamig kay Luke. “Hindi ako masyadong makialam sa mga affairs niyo ni Gwen, pero kapag may nangyari ulit na ganyan, tatapusin na kita!” “Pati…” Huminga ng malalim si Luna at nagpatuloy siya, “Dahil nilagay mo si Gwen dito, ‘wag mong ipakita sa kanya ang lahat ng madugong eksena. ‘Wag mong ipaalam sa maraming tao ang tungkol sa lugar na ito. Gawin mo ang mapanganib na mga trabaho mo sa ibang lugar. ‘Wag mo hayaang maapektuhan si Gwen dahil dito.” Pagkatapos, tumalikod si Luna at umalis na siya. Sumandal si Luke sa sofa habang may ngisi sa kanyang mukha habang pinapanood niyang umalis si Luna. Pagkatapos lang umalis nila Theo at Luna, doon lang nagbuntong hininga ang butler. Kinuha niya ang tsarera at nagbuhos siya ng isang tasa ng tsaa para kay Luke. “Sir, mukha pong mali po ulit ang pagkakaunawa sa inyo ng ibang tao. Bakit hindi niyo po ipaliwanag ito ng malinaw kay Ms. Larson? Hindi niyo po pinatay
Lumakas ang pag iyak ng sanggol sa kabilang linya. Kinagat ni Luna ang labi niya. Sa huli, hindi niya na ito matiis at sinigaw niya ang pangalan ni Charlotte. “Tumawag ka ba sa akin para marinig ko ang pag iyak ng anak ko? Patahanin mo siya! Lalabas na ako ngayon para makipagkita ako sayo sa cafe.” Nang marinig ang sagot ni Luna, tumawa si Charlotte. Humina ang pag iyak ng sanggol, at nilayo siguro ni Charlotte ang phone sa sanggol, ngunit patuloy pa rin ang pag iyak nito. “Luna, isa kang nanay, at alam mo na hindi mo pwedeng iwasan ang pag iyak ng isang bata. Pati, tumatawag ako sayo hindi para takutin ka. Naisip ko lang na malayo ka sa anak mo ng isang buwan, at gusto ko lang na marinig mo ang boses niya. ‘Wag mo itong isapuso.” Sumingkit ang mga mata ni Luna at kinagat niya ang ngipin niya. “Maraming salamat pala. Narinig ko na ang boses niya. Patahanin mo na siya. Aalis na ako ngayon.” Pagkatapos, agad na ibinaba ni Luna ang phone niya. Kinuha niya ang phone niya at hin
Nakasuot ng itim si Charlotte. Nang mapansin niya hindi naghihinala sa kanya si Luna, ngumiti siya. “Madali lang ‘yun, basta’t pumayag ka na gawin mo ang isang bagay para sa akin.” Sumingkit ang mga mata ni Luna. “Ano ‘yun?” Kalmadong kinuha ni Charlotte ang tasa ng kape at uminom siya bago siya sumagot, “Ikaw na ang namumuno sa pamilya Landry ngayon. Sigurado ako na kaya mong pumasok sa drug warehouse ng nanay mo, hindi ba?” Ngumiti siya ng kalmado at nilapag niya ang tasa niya, nagpatuloy siya, “Gusto kong pumasok sa warehouse ng nanay mo para hanapin ang gamot na nagpapagaling ng balat.” Nabilga si Luna. Akala niya ay isa sa dalawang bagay ang gusto ni Charlotte: kung hindi isang mataas na posisyon sa Landry Group ito ay magkabalikan sila ni Jim. Hindi inaasahan ni Luna na ito ang hiling ni Charlotte. Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya kay Charlotte, nagulat siya. “Sigurado ka ba… na ang warehouse ng nanay ko ay may gamot na ganun?” “Oo.” Nagbuntong hininga si Ch
Paglabas ng cafe, gumaan ang loob ni Luna. Bago pa siya pumunta sa cafe, naisip ni Luna na hihiling si Charlotte ng mahirap na bagay. Hindi niya inaasahan na ang gusto ni Charlotte sa mga sandaling ‘yun ay para bumalik ang itsura niya, ngunit naisip ni Luna na hindi pagbibigyan ni Jim si Charlotte sa ginawa nito dati at hindi rin makikipag balikan si Jim kay Charlotte, kahit na maganda na ito. Gayunpaman, ang papasukin si Charlotte sa warehouse ng nanay niya para makuha ang gamot na nagpapagaling ng balat ay hindi mahirap gawin. Kung sabagay, minsang sinabi ng butler na ginamit na ang mga nakakamatay na gamot sa warehouse ng nanay niya. Kahit na ang mga natitirang gamot ay nakakalason, hindi nito kayang pumatay ng isang tao. Pati, sinabi ni Charlotte na dinala na siya ng nanay ni Luna sa warehouse dati, naaalala pa rin ang dami ng gamot na nagpapagaling ng balat. Hindi magiging mali ang pagkakaalam niya dito. Habang nagiisip, nakarating na si Luna sa Landry Mansion. Nang pu
“Kaya… sinabi mo na gusto mong pakasalan si Bonnie. Ito ba ay dahil kay Harvey o dahil gusto mo talaga siya?” Tumaas ang mga kilay ni Jim at tumingin siya kay Luna. “Sa tingin mo ba ay isasakripisyo ko ang sarili ko dahil sa gusto ni Harvey?” Nagbuntong hininga si Jim at nagpatuloy siya, “Isang mabuting babae si Bonnie.” Kahit na sinabi niya na ang anak nila Luna at Joshua ay sa kanya at sinabi niya kay Bonnie na alagaan ang anak niya, hindi na nagtanong pa si Bonnie, at ayos lang din kay Bonnie. Inalagaan pa ni Bonnie si Shelly. Paanong hindi nararamdaman ni Jim ang tiwala at damdamin ni Bonnie para sa kanya? Pati, ang impresyon na ipinakita ni Bonnie sa kanya ay iba kumpara sa lahat ng babaeng nakilala niya dati. Gusto niyang protektahan at mahalin si Bonnie. Kahit na sinabi ni Jim na gusto niya si Bonnie, halata din sa mga mata niya ang pagmamahal. Ang mga mata ng isang taong in love ay hindi kayang itago. Hindi na nagtanong pa si Luna. Kinuha niya ang fruit juice at i
Nabigla ang butler. Hindi niya inaasahan na itatanong ni Luna ang tungkol sa warehouse ni Rosalyn. Pagkatapos ng ilang sandali, mabait na inulit ni Luna ang tanong niya. Umubo ng mahina ang butler. “Ang warehouse po ni Ma’am ay nasa loob ng isang kweba sa likod ng main mansion, pero ito po ang pribadong lugar niya. Lagi po itong binabantayan ni Mickey. Wala pong nakakapasok dito ng basta basta.” Kalmadong sumagot si Luna, “Alam ba ni Mickey ang mga epekto ng bawat gamot sa loob warehouse? Gusto ko ang gamot na para sa balat.” Dahil walang nakakapasok ng basta basta, ayos lang para makuha ang gamot na gusto ni Charlotte, hindi ba? Nagdalawang isip ang butler bago ito umiling. “Hindi rin po siya sigurado dito. Ang lahat po ng gamot sa warehouse ay nilagyan ng numero at nilagay ni Ma’am. Si Ma’am lang po ang nakakaalam kung anong numero ang gamot na ‘yun.” Tumingin ng seryoso ang butler kay Luna at sinabi niya, “Ms. Luna, kung may gusto po kay ng gamot na para sa balat, mara