Share

Kabanata 1638

Malamig ang pakikitungo ni Joshua sa kanya at sinabi pa nito sa kanya na kainin ang pagkain ng mag isa.

Hindi niya naintindihan ang intensyon ni Joshua.

Gayunpaman, ayaw niyang sumuko sa pagkakataon na ito.

Kaya naman, huminga siya ng malalim, sinubukan niyang sabayan ang aura ni Joshua, “President Lynch, sinabi niyo po na bumili ako ng pagkain na pang dalawang tao, hindi… hindi ko po ito mauubos ng mag isa. Pwede po ba…”

“Pwede mo itong kainin kasama ang kaibigan mo o itapon mo na lang kung gusto mo.” Kinuha ni Joshua ang dyaryo mula sa mesa at dinagdag niya, “Itapon mo na rin ang basura kapag lumabas ka.”

Humigpit ang hawak ni Cheryl sa bag na hawak niya. “Sige po… Mauuna na po ako. Mag ingat po kayo, President Lynch.”

Pagkatapos, tumingin ulit siya kay Joshua ng nagdadalawang isip.

Sa mga sandaling ito, nagbabasa siya ng dyaryo, naka de kwatro siya.

Maganda ang lalaking ito sa kahit anong anggulo siya tingnan, ngunit kahit na anim na buwan na siyang isang secretary n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status