“Dahil bagay talaga kayo, bakit hindi na ang ikaw ang magannounce ng engagement niyo sa seremonya?” Mainit at magaspang ang mga palad ni Charles. Kumunot ang noo ni Luna at yumuko siya para tumingin kay Charles habang walang ekspresyon sa mukha niya. “Desperado ba kayo na magpakasal ako sa ibang lalaki sa oras na bumalik ako?” Tumigil ng ilang sandali si Charles, pagkatapos ay umiling siya. “Hindi, hindi, engagement lang ito! Pwede mong ipostpone ang kasal ng hanggang gaano katagal mo gusto!” Ngumiti si Luna at ngumiti siya at sumagot, “Kung hindi naman namin kailangan magpakasal agad, hindi rin namin kailangan ma-engage agad.” Pagkatapos, huminga siya ng malalim, tumayo siya, at lumabas siya ng pinto. Sa ikinagulat niya, ang unang nakita niya pagbukas niya ng pinto ay si Malcolm, nakaupo sa wheelchair. Nakatitig si Malcolm sa mukha ni Luna at sinabi niya, “Hinihintay mo pa rin si Joshua, tama ba?” May bahid ng pait at desperasyon sa mukha ni Malcolm habang sinasabi niya
Noong gabing ‘yun, bumuhos ang malakas na ulan sa Merchant City. Dumating ang isang eroplano sa airport. Si Joshua, na kakagising pa lang sa kanyang tulog, ay mabagal na bumaba ng eroplano, hirap siyang buhatin ang katawan niya. Dahil isang linggo siyang walang malay, mahina pa ang katawan niya, ngunit pilit niyang maglakad ng walang tulong palabas ng airport at papunta ng kotse niya. “Baka makaabot pa po tayo.” Si Neil, na sinamahan si Joshua sa mga panahong ito, ay yumuko at tumingin sa oras. May 30 minuto pa bago magsimula ang seremonya. Kahit na hindi pwedeng maging mabilis ang kotse sa mabigat na ulan, mabuti na lang at hindi malayo ang party venue sa airport, at makakaabot sila sa loob ng kalahating oras. “Kanina lang po, habang nasa eroplano po tayo, nagsend si Uncle Lucas ng text at sinabi niya na nandoon na po sila ni Uncle Luke.” Tumingin si Nigel sa message sa phone niya at sinabi niya, “Sinabi po nila na parang maling party po ang napuntahan nila.” Pagkatapo
“Sa huli, pumunta sina Charles at Luna sa entablado at idineklara nila ang pagbabalik ni Luna sa pamilya Landry, pagkatapos…” “Maaga nilang tinapos ang party.” Tinuro ni Lucas ang hall na walang laman at dinagdag niya, “Wala na po masyadong tao sa loob ngayon.” Nanginig ang buong katawan ni Joshua nang marinig niya ito. “Si Luna… Inannounce niya ba na siya na ang pinakamatandang anak na babae ng pamilya Landry?” Tumango si Lucas, pagkatapos ay mabilis siyang umiling. “Hindi po ang pinkamatanda… ang pangalawa po. Ang pinakamatandang anak na babae ng pamilya Landry ay si Heather pa rin.” Pumikit si Joshua at naramdaman niya na nauubos ang lakas sa katawan niya. Huli pa rin siya, ganun ba? Sa mga sandaling ito, may taong nagbukas ng pinto. Ang mga taong lumabas sa hall ay walang iba kundi ang nakasimangot na si Charles at ang isang tahimik na si Luna. Nang makalabas na sila ng pinto, nakita nila si Joshua na nakatayo sa entrance. Dumilat si Joshua nang marinig niya ang
“Humanap ng halaman?” Tila nakarinig si Charles ng pinaka nakakatawang biro sa mundo at lumingon siya para tumitig ng may malamig na ekspresyon kay Joshua. “Nasaktan niya ang sarili niya para humanap ng tuyong damo para insultuhin si Luna at ang pamilya namin?” Puno ng galit ang matandang mukha ni Charles habang nagpatuloy siya, “Hindi mo lang kami tinalo sa pinansyal, pero nasaktan mo pa ang sarili mo habang sinusubukan na ipahiya ang pamilya namin. Pinupuri kita sa pagsisikap mo, Mr. Lynch.” “Ngayon, bukod pa dito, balak mong agawin ang anak namin sa oras na gumising ka, ganun ba?” Nang marinig ito ni Jude, galit na lumapit si Jude at sinabi niya ng malakas, “‘Wag kayong mag-akusa ng mga tao ng hindi niyo alam ang nangyari! Paano naman magbibigay ng tuyong damo sa inyo si Joshua? Nahanap niya ang Clinging Root sa tabi ng bangin pagkatapos ng isang bagyo!” “May bagyo bago ang araw na ‘yun, at gusto niyang mahanap ang Clinging Root pagkatapos ng isang araw, pero dahil gusto n
Gayunpaman, sa sandaling tumigil sa pag palag si Charles, si Luna naman ang pumalag sa mga braso ni Joshua. “Bitawan mo ako, Joshua Lynch! ‘Wag mo hayaan na magalit ako sayo! Bitawan mo ako ngayon na!” Kahit anong gawin niya na pagpalag, walang intensyon si Joshua na bitawan siya. Namiss ng sobra ni Joshua si Luna. Dahil isang linggo siyang walang malay… Patuloy si Joshua sa panaginip niya na gusto siyang iwan ni Luna at gusto nito na mamatay na siya. Lumuhod at humingi pa siya ng tawad kay Luna sa panaginip niya. Basta’t pumayag si Luna na sumama sa kanya, papayag siya na mamatay na pagkatapos. Namiss niya ng matagal na panahon si Luna, at sa mga sandaling ito, nakita niya na ulit si Luna. Sa sobrang higpit ng yakap ni Joshua ay nasaktan si Luna. Kinagat ni Luna at labi niya at kinagat niya ang kanang balikat ni Joshua dahil sa galit niya. May sugat ang kanang balikat ni Joshua dahil sa bala na tumama dito noong hinabol siya ng mga tauhan ni Malcolm pagkatapos ng engag
Tuloy tuloy ang malakas na pag ulan. Nalungkot ang lahat dahil sa imahe ng isang matanda at tatlong bata na nakaluhod sa ilalim ng ulan. Tumalikod si Luna, at sa sandali na makita niya silang apat, tumulo ang luha sa mga mata niya. Hindi siya isang taong walang puso. Nang magdesisyon na siyang makipaghiwalay kay Joshua, hindi lang ito mahirap para sa kanya na iwan si Joshua ngunit pati ang mga bata rin. Gayunpaman, naintindihan ni Luna na hindi niya pwedeng kunin ang kahit sino sa kanila. Hindi niya rin pwedeng kunin ang sanggol sa tiyan niya. Kapatid ni Heather si Aura, alam ni Luna ang ginawa ni Aura sa mga bata dati. Gayunpaman… Ngayon naman, nang bumalik si Luna sa pamilya Landry, nangako siya kay Jim na aalisin niya ang peste sa pamilya Landry, si Heather. Kapag nakuha ni Heather ang kahinaan ni Luna, mawawalan siya ng laban kay Heather. Kaya naman, ang pwede lang gawin ni Luna ay maging malupit. Maging si Nigel, Neil, Nellie, o ang anak niya sa tiyan, hind
Anong paraan pa ba ang pwede niyang gawin para manatili si Luna? “Luna!” Matapos ang mahabang sandali, huminga ng malalim si Charlie at tinawag niya ang pangalan ni Luna. “Oras na para umuwi. Malamig na ang panahon ngayon, at magkakasakit ang mga bata.” Tumango si Luna, pagkatapos ay nagdadalawang isip niyang binitawan ang mga bata at umalis na siya kasama si Charles. Ang limousine ng pamilya Landry ay umandar na habang umuulan. Umiiyak pa rin si Nellie habang nakayakap siya sa mga kapatid niya. Sila Nigel at Neil, na karaniwang mature at kalmado na mga kuya, ay umiiyak din. Nang mawala na sa paningin ang kotse…Blag! Napalingon ang lahat sa nakakabinging tunog. Nahimatay na si Joshua at bumagsak siya sa sahig. Mabilis siyang tinulungan nila Jude at Lucas, pagkatapos ay dinala nila ang tatlong bata at pinasok nila ito sa kotse. “Sa hospital!” Sumigaw si Jude habang umuulan ng malakas. “Papunta sa pinakamalapit na hospital!” “Sa bahay na lang namin.” Biglang tumun
Tumigas ang katawan ni Christopher nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, mabilis niyang nialabas ang phone niya para tawagan ang number na nakasave sa phone niya na may pangalan na Jude. Nagring ang phone ng lalaking nakatayo sa harap niya… Nabigla si Christopher. “Ikaw si Jude Smith?” Gayunpaman, ang lalaking nakilala niya sa airport, ang taong nagpakilala bilang si Jude, ay hindi ang lalaking ito! Dahil lumaki si Christopher sa isang pamilya ng mga prestihiyosong doctor, kaya niyang makita ang kahit napakaliit na pagkakaiba sa mga halaman simula pa noong bata siya. Kaya naman, imposible na mali ang pagkakaalala niya kay Jude. Ang lalaking nakatayo sa harap niya ay hindi ang tao na nakita niya sa airport! Anong nangyayari? Nang makita ang gulat na ekspresyon sa mukha ni Christopher, nagbuntong hininga si Jude at pumikit siya. “Niloko tayo.” Ang ‘Christopher’ na nakilala niya ay hindi ang tunay na Christopher. Ang ‘Jude’ na nakilala ni Christopher ay hindi ri